Love at its Toughest (Love Se...

By FGirlWriter

4.9M 77K 5K

With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging mata... More

Content Warning & Disclaimer
Prologue: How tough is love?
Chapter 1: A Tough Beginning
Chapter 2: A Tough Formula
Chapter 3: A Tough Welcome
Chapter 4: A Tough Enactment
Chapter 5: A Tough Doubt
Chapter 6: A Tough Deceit
Chapter 7: A Tough Cling
Chapter 8: A Tough Consequence
Chapter 9: A Tough Closure
Chapter 10: A Tough Timing
Chapter 11: A Tough Past
Chapter 13: A Tough Truth
Chapter 14: A Tough Marriage
Chapter 15: A Tough Coincidence
Chapter 16: A Tough Test
Chapter 17: A Tough Principle
Chapter 18: A Tough Role
Chapter 19: A Tough Challenge
Chapter 20: A Tough Condition
Chapter 21: A Tough Confusion
Chapter 22: A Tough Trust
Chapter 23: A Tough Acceptance
Chapter 24: A Tough Faith
Chapter 25: The Toughest One
Epilogue: Love at its Toughest

Chapter 12: A Tough Response

127K 2.1K 75
By FGirlWriter

Chapter 12: A Tough Response

"Meekness is the ability to see God at work. It is an active and deliberate acceptance of undesirable circumstances that are wisely seen by the individual as only part of a larger picture."

- Baker's Evangelical Dictionary

❤❤❤

HINDI alam ni Eunice kung anong magiging reaksyon sa sinabi sa kanya ng kanyang Kuya Eugene. At mas lalong hindi niya alam kung paano magre-react sa nakikita ng mga mata niya ngayon.

She's staring at a teenage girl who looks like her when she was her age. Kaya walang duda na anak nga ito ng kuya Eugene niya dahil halos magkahawig lang sila ng kapatid.

"What's her name again?" tanong ni Eunice sa kanyang kapatid.

"She's Heart." Inakbayan ng kapatid niya ang dalagita na halata ang pagkabagot sa mukha. "Heart Aragon. And yes, you heard it right. Anak ko siya."

Napatingtin ulit si Eunice kay Heart. Para lang siyang nakatingin sa salamin noong kaedaran niya ito.

"Papa, I want to go to my room. It's already time to chat with my friends in America."

"Darling, batiin mo naman ang Auntie Eunice mo."

Heart looked at her. "Hi," simpleng bati nito at saka tumalikod na at umakyat ng hagdan.

Napabuntong-hininga si Eugene habang napataas naman siya ng kilay.

"Is that really your daughter? Bakit parang walang manners? At saka... bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin 'to, Kuya? My anak ka pala na... na almost thirteen years old na. Bakit mo, bakit mo itinago sa'kin? Sa'min? Alam ba ni Uncle Johnny 'to?"

Napaupo ang kapatid niya sa sofa at parang mas tumanda ng maraming tao ang itsura nito. "It's a very long story, cupcake. Basta ang masasabi ko lang sa'yo ngayon ay kailangan ko siyang itago noon dahil sa isang importanteng rason. Sana, matanggap mo siya. Matagal na matagal ko nang gusto na maipakilala kayo sa isa't isa."

Napaupo rin siya sa sofa at shocked pa rin sa nalaman. Kaninang umaga kasi ay tumawag ang kapataid niya para ayain siyang pumunta sa dating bahay nilang magkapatid. At pagkatapos pagkarating niya ay bigla itong maghaharap ng anak? Sinong hindi magugulat?

"Sino ang mommy ng bata?" nagtatakang tanong niya.

Humugot ito ng malalim na hininga. "Tanya Aragon. Kukuwentuhan rin ulit kita sa susunod. Sa ngayon, kumain muna tayo."

Napalabi siya. "Kuya Eugene, next time naman i-prepare mo 'ko kung magpapakilala ka ng anak." Parang kailan lang ay pabirong tinanong niya ito na baka may anak ito sa pagkabinata. Hindi diretsong sinagot at tinanggi iyon ng kapatid niya. Kaya pala. "Para ka ring si Daddy Johnny, eh!"

Last three months kasi ay inaya rin sila ng kanyang tiyuhin na maghapunan sa bahay nito. Siya, si Terrence, at ang kuya lang niya ang ine-expect niyang darating. Nagulat siya nang may isang pamilya pa silang kasalo.

Ang mag-asawang Dylan at Lana Guevarra kasama ang apat na maliliit na anak ng mga ito ang kasalo nila sa hapunan. At pagkatapos, bandang pasimula na ang kainan ay biglang in-announce ng Daddy Johnny niya tungkol sa may nawawala pala itong anak na naging dahilan kaya inatake sa puso ang asawa nito at maaga itong nabiyudo. Hindi alam ni Eunice ang tungkol sa kuwentong iyon dahil nangyari ang lahat bago pa siya ipanganak. After almost four decades, hindi inaasahan ni Daddy na makikita pa nitong buhay ang anak.

And it's none other than Dylan Guevarra na kilala sa business world dahil nagmamay-ari ito ng apat o mahigit pang malalaking gym and fitness center sa buong Pilipinas.

Katulad ngayon, hindi niya rin alam kung anong magiging reaction. Dahil talagang nagulat siya at ang tagal niyang na-absorb ang lahat nang nangyari. Si Terrence pa mismo ang umulit na nagkuwento sa kanya ng mga sinabi ng tiyuhin niya kaya nito naging anak si Dylan. And so, pinsan niya ang lalaki.

After a day, saka lang siya naka-get over. Sa ngayon, maganda at mabait ang pamilya ng long lost cousin niya kaya naman agad niyang nakasundo ang mga ito. Isa pa ay gusto niya ng mga bata kaya minsan ay nalalaro niya ang mga pamangkin.

Then now, another revelation was unveiled!

"Parang ang hirap naman tanggapin ng anak mo," bigla lang niya nasabi.

"H-Huh? Why?" bigla namang kinabahan na tanong ni kapatid niya.

"No, I'm sorry, that's not what I mean," umiiling-iling na sabi niya. "Ahm, she's... she's obviously a brat!"

"Look who's talking."

She rolled her eyeballs. Hindi kasi nagustuhan ni Eunice ang naging pagsusungit sa kanya ni Heart. She also caught the girl eyeing her and raising her eyebrows at her a while ago. Hindi ba nakakainis iyon?

"She's masungit. Obviously, suplada and mataray. Parang ikaw! Sa'yo nagmana, Kuya!"

Her big brother laughed and pinched her nose. "Huwag ka naman mainis sa anak ko. Baka naninibago pa iyon. At pamangkin mo siya, sana matanggap mo."

"Tanggap ko naman, Kuya," medyo labas sa ilong na sabi niya. May iba pa siyang choice? She sighed. "But I just don't like her attitude. Sa isang tinginan pa lang, I knew already the likes of her."

"It takes one to know one," kantiyaw pa nito.

"Exactly! Alam mong ayokong tinatarayan ako. I'm practicing being good here but I won't tolerate that kind of attitude!" Sa mga nakalipas na buwan kay Eunice ay napapaligiran siya ng mababait na tao kaya wala siyang dahilan para magalit, mainis o makaramdam ng negative vibes. Ngayon lang ulit talaga.

"Nakahanap ka lang ng katapat mo."

"She's just a girl."

"Exactly, cupcake. Kaya huwag mo nang patulan. Remember, love is patient? Pagpasensyahan mo na lang muna. She'll come around later on."

Kumibot-kibot ang labi niya. May mga gusto pa siyang sabihin pero pinigilan niya na lang. Love is patient, Eunice. Remember that. Kailangan ng pasensya.

Inaya na siya ulit ng kapatid na kumain at tinawag na ulit nito ang anak. Bumaba si Heart na nakasimangot. Sa buong pagkain nila ay nakasimangot ito at kapag nagta-try siya to make a conversation ay kibuin-dili siya nito.

Ang laging kausap nito ay ang kapatid niya at parang hindi pa siya nag-e-exist. Kapag sinusubukan niyang makihalo sa usapan ay bigla na lang nitong tinatapos ang topic.

Kung hindi ba naman talaga uma-attitude!

"You know for a girl at your age, you know how to be a bitch," hindi niya na napigilang sabihin rito.

"Eunice!" saway sa kanya ng kapatid.

Heart just raised an eyebrow. "And for a lady at your age, you're too immature," ganti nito na may ngisi pa sa mga labi.

"Heart!" saway naman rito ng kapatid.

"That's it!" Bigla siyang tumayo at padabog na binato ang table napkin sa lamesa. "I'm going home!"

"Then go home. Bye," patuyang paalam pa sa kanya ng pamangkin na may pagka-brat naman talaga!

"I'll never accept you as my niece."

"Who needs your acceptance, anyway?"

"Stop, you two!" dumagundong sa buong bahay ang buong awtoridad na boses ng kapatid niya.

Galit na bumaling ang kapatid niya sa anak nito. "Heart, go to your room," matigas na utos nito. "Bawal kang humawak ng kahit anong gadgets and no TV!"

Napatayo ito. "Papa! That's not fair!" angal nito.

"You've gone too far! Hindi mo na nirespeto ang kapatid ko. She's your aunt!" Bumaling naman sa kanya ang kapatid. Galit pa rin. "And you, Eunice, I told you to be patient, right?"

"Nakakaubos ng pasensya iyang anak mo, eh. Binabastos ako ng harapan!"

"Still, hindi ka pa rin dapat pumatol. Mas matanda ka and you should know better! I thought you're practicing love? So, gagamitin mo lang ang mga natutunan mo sa mga taong mabait sa'yo?"

Natahimik siya at napayuko. Biglang parang naputol ang dila niya. Parang biglang gusto niyang tawagan si Terrence. She wanted to run to him. Dahil may nagawa siyang mali.

"Heart, go to your room. Now! Mag-uusap tayo."

Padabog na umakyat si Heart sa kuwarto nito.

Eugene deeply sighed. "I'm sorry, Eunice. Maybe you should really go home. I'm so sorry."

"I-I'm sorry, too, Kuya. Ngayon na lang kasi ulit na may nagpaka-bitchy sa'kin. And you know that, ayoko ng ganoon. But you're right. Mas matanda ako... I-I should know better."

Niyakap siya ng kapatid at pagkuwa'y nagpaalam na ito para kausapin ang anak. Siya naman ay umuwi na may bigat sa dibdib. She knew she badly handled her first meeting with her niece

❤❤❤

"THAT brat! Nakakainis kasi talaga! Hindi talaga ako nakapagpigil," parang nagsusumbong na bata na pagkukuwento ni Eunice kay Terrence sa lahat ng nangyari sa bahay ng kapatid niya.

Hinila ni Terrence ang kamay niya at hinayaan siyang maupo sa hita nito. "Baby, calm down. She's just a kid, sabi mo nga."

"Nakakagigil kasi, eh! Ngayon lang ulit ako naka-encounter ng ganoong bitchiness!"

"Kasi, sanay 'kang ikaw lang ang bitchy?" Terrence tried to joke and kissed her shoulder.

She pouted. "I was just so used to good people around me tapos biglang papasok si Heart and her attitude! Parang tuloy ang sarap kalimutan kung ano ba ang love! You just can't love that kind of child!"

"Sshh... ang mga bata ang mas may kailangan ng love, baby. Tapos na. Nangyari na. Napatulan mo na. And I know that you know... hindi maganda ang ginawa mo."

Napapikit siya at napaungol. Sumandal siya sa dibdib nito. "It's hard to remain nice kung ganoon ang kaharap mong tao. At ang bata niya pa pero ganoon na siya! Tatanda ng maaga ang kuya Eugene ko!" She sighed afterwards. "Ang hirap pala i-live up ang definition ng love. I felt guilty, okay?" she confessed. "Hindi ako naging pasensyosa. Na-provoke ko pa iyong bata."

Terrence remained quiet and embraced her tightly on the waist. Then, he lightly kissed her right ear.

"It's an unexpected situation. Iyong naging reaksyon mo, normal na reaksyon mo iyon kapag nahahamak ka. Nandon ka sa situation kanina na hindi mo na alam kung paano iha-handle ng tama kaya sa tingin ko, you handled it like how you used to," marahang sabi nito habang hinahaplos-haplos ang braso niya. "Mahirap talaga mag-stick sa totoong definition ng love lalo na kapag naka-encounter tayo ng mga taong hindi rin maintindihan kung ano iyon. Pero naisip mo, baby, kung anong wala sa kanila, iyon ang mas kailangan natin ibigay? Kailangan nila ng love.

"Mahirap ipaibabaw sa puso ang pagmamahal kapag may mga taong akala mo ipananganak para lang mambuwisit ng buhay ng may buhay. Pero hindi naman nila gagawin iyon, kung alam nila kung ano ba talaga ang love at kung sino ba talaga ang Diyos. Now, the challenge is on us-sa mga nakakaalam ng love at mas kilala si God. Paano tayo ngayon makakapag-spread ng love at maging blessing para sa iba?" he continued.

Humarap na si Eunice rito. She's ready to listen to Terrence's WOWs.

"When we're in a situation na hindi kaaya-aya at may mga nakikilala tayong tao na parang galit sa mundo lagi, hindi dapat tayo maglalagay pa ng mas maraming gatong sa apoy. Kasi mas magliliyab iyon. Your niece was obviously provoking you at pinatulan mo. Lumaki iyong pagtatalo niyo. It was better if you didn't react and just responded in meekness."

"I'll be meek? Tatahimik lang ako at hindi lalaban? That's unfair... I think," she opposed.

"Isa sa mga natutunan ko nung nakasal tayo was that-dapat hindi ako nagpapadala sa galit ko. Hindi dapat ako nagsasalita kapag nasa peak ako ng emotions ko. Hindi dapat ako nagdedesisyon ng padalos-dalos. Because it will only lead to destruction. Nagkasakitan pa tayo noon, hindi ba?"

Napatangu-tango siya.

"I came to learn that hindi dapat ako nag-react ng ganoon. I should have responded in meekness. Tumahimik lang muna, mag-isip, magpababa ng emotions, at huwag nang magsalita kung makakasakit din naman ng tao. Meekness is not a sign of weakness. Meekness is strength under control. With those unlikely situations and unlikely people we will encounter, let's just continue spreading love. Smile to them. Show them what love is. Tapos, magugulat ka na lang, you were able to bless someone." He smiled at her, after.

Akala ni Eunice, natatapos ang lahat ng natutunan niya nang malaman niya kung ano nga ba ang pag-ibig. Patuloy pa rin pala ang struggles dahil sa pag-a-apply ng definition ng love sa buhay, mas mahirap, mas parang imposible. It's tougher than she thought.

She heaved a sigh. "Terrence, life gets tougher and tougher each day. Buti nandyan ka. Ikaw ang aking... guidance counselor?"

They laughed and shared a kiss.

"Kaya natin 'to, Eunice. Mas matatag tayo. Let's just be by each other side and continue to prosper in His name." Hinawakan nito ng mahigpit ang kamay niya. "Promise me, whatever happens in our life, in our marriage, in our love, hindi tayo patitibag."

She cocked her head on the side. "Of course not. Parang hindi naman akong puwedeng mahiwalay sa'yo kasi ikaw ang daily reminder ko na lahat ng nangyayari, God's in control."

Matagal siyang tinitigan nito at mas humigpit pa ang hawak nito sa kamay niya. "Yes, yes. God's in control."

May nakita siyang kung anong emosyon sa mga mata nito na agad naman mawala. Hindi na lang pinansin ni Eunice iyon lalo na't nahila na siya nitong muli sa kama.

❤❤❤

NAGPAKAWALA na lang ng hangin si Eunice at pilit niyang kinokontrol ang inis. Ilang beses na siyang binabaan ng phone ng pamangkin niyang si Heart. Gusto niya sanang mag-sorry rito dahil sa nangyari kahapon. Ngunit, ginagalit talaga siya ng batang iyon. Pagbagsakan ba naman siya ng phone!

Do not react. Do not react. Respond in meekness, Eunice. Huwag nang gatungan ang apoy. Respond in meekness. Do not react. Do not react. mantra niya sa isipan. Sinubukan niya ulit i-dial ang number ni Heart nang marinig niya ang pagtunog ng doorbell.

Inaasahan niyang si Mang Emman na ang tutugon doon, ngunit patuloy ang pagdo-doorbell ng kung sino. Siguro may ginagawa ito.

Nagdesisyon na lang siyang bumaba at lumabas ng bahay.

"Magandang araw po, Ma'am," bungad ng mailman pagbukas niya ng gate.

Ngumiti siya. "Magandang araw din po."

"May document po rito para kay Mr. Terrence David Aranzamendez. Dito po ba siya nakatira?

Tumango siya. "I'm his wife."

Inabot nito sa kanya ang isang malaking Manila envelope. May pinapirmahan muna ito bago umalis.

Sinipat niya ang envelope. May pangalan ng isang sikat na ospital na nakatatak sa likod niyon. May nakalagay pang-"CONFIDENTIAL".

Ayaw niyang buksan iyon dahil para sa asawa ang sulat. Ngunit nagtataka siya. Ano kaya ang laman niyon?


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

Continue Reading

You'll Also Like

38.2K 2K 55
• Part of WattpadRomancePH's Romantic Bliss RL • Wattys 2021 Shortlist Baguio Series #1 Mary Shella Matias is a simple cashier in a department store...
7.5M 101K 49
Shinessa knows that Helix is worth the fight―until she discovers that he's dying soon. Now faced with a difficult situation, can Shin overcome her wo...
26M 785K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...
487K 4.4K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...