Kylie's Pov
Pagkasabi niya nun ay yumuko ako. Bigla kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.
Narinig ko naman ang halakhak niya.
''Am I too fast? I'm sorry. I just can't help it.'' sabay tawa niya ulit.
Tinignan ko naman siya at kinurot.
''Aww! Sadistang girlfriend!'' inda niya.
''Girlfriend mo mukha mo!'' sabay tayo ko.
Maglalakad na sana ako para pumuntang kusina pero hinila niya ang kamay ko kaya napaupo ako.
Nagulat ako ng yinakap niya ako bigla.
''Bakit? Ayaw mo nun? Tayo na agad? Pasalamat ka nga sinagot na kita eh.'' pang-aasar niya.
Sumimangot muna ako bago ko siya itulak.
''Tigil-tigilan mo ko, Blake ah?'' sabay irap ko.
''Eto naman, hindi mabiro.'' sabay yakap ulit sa'kin.
''Teka nga. Teka nga. Nakakailan kana ah! Kanina ka pa nananantsing.'' sabi ko.
Nagchuckle naman siya. ''I just wanna hug you. Ang sarap pala sa pakiramdam na yakap yakap mo 'yung taong mahal mo.''
Napangiti naman ako. He's so sweet. Hindi ko alam na ganto siya kasweet.
"Stop smiling. I'm falling for you harder.'' at inub-ob niya ang mukha niya sa leeg ko.
I'm falling also, Blake.
Ngumiti na lang ako bilang tugon. Ang sarap sa feeling. I wish, we'll be always like this.
Tinignan ko ang orasan ata nakita kong mags-six pm na pala.
"Blake." Tawag ko sakaniya.
"What?"
"It's already quarter to six. I need to go home."
Hindi siya nagsalita. Imbes, naramdaman ko na lang ang pag-angat ng ulo niya mula sa leeg ko.
Narinig ko naman ang mahinang mura niya pagkatayo niya.
"Fuck. Napakabilis naman ng oras."
Natawa naman ako ng bahagya. Mukha namang napansin niya 'yunkaya nilingon niya ako.
"Why are you laughing?" Tanong niya.
Umiling na lang ako. "Nothing, you're cute when you're murmuring."
Tinalikuran niya ako at pumunta siya sa drawer niya. May kinuha siyang susi at lumapit ulit sa'kin.
"Let's go." Sabay lahad ng kamay niya.
Hinawakan ko naman 'yun at lumabas na kami sa unit niya.
Tumungo kaming elevator tsaka bumaba sa parking lot.
"What are we going to use?" Tanong ko.
"Don't worry we'll use my car instead of my motor. Alam ko namang papagalitan ka ni Kian."
Tumango na lang ako. Nang bumukas ang elevator ay dumiretcho kami sa sasakyan niya. Tumigil kami sa harapan ng BMW M8 niya.
Pinagbuksan niya ko ng pinto at pumasok naman ako. Umikot naman siya para makasakay sa Driver's seat.
Pagkaupo niya ay binuksan niya agad ang engine tsaka pinaharurot ang sasakyan niya.
Buong byahe ay tumitingin lang ako ng pasimple sakaniya. Buti naman ay hindi niya nahalata iyon.
"Kung gusto mong titigan ako ng matagal titigan mo ko. 'Wag 'yung pasimple." Sabay halakhak niya.
Napasimangot naman ako.
"Pasalamat ka at nagmamaneho ka kung hindi ay kanina pa kita nabatukan." Sabi ko.
"Napakasadista mo talaga. Pasalamat ka din mahal kita."
At sa sinabi niyang 'yun ay bigla akong napatingin sa bintana. Ayokong makita niya kong kinikilig. Baka lalong yumabang 'tong lalaking 'to.
"Blake, naisip ko lang, buti hindi ka nahuhuli eh hindi ka pa pwedeng magdrive dahil under-age ka pa?"
"Ewan ko din eh. Minsan lang naman kasi ako magdrive. Dahil madalas, ang driver nila Mommy ang nagd-drive nito. Dapat nga ngayon kasama natin ang driver nila Mommy. Gusto ko lang talagang masolo kita kaya hindi ko na tinawagan." Sabay ngiti niya.
Sht, this guy makes me fall harder, also! Stop smiling, Blake!
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pag-ngiti.
"Baliw ka talaga. Pano pag nahuli ka? Simula ngayon, 'wag ka ng magd-drive ng ikaw lang. Call your Mom's driver."
"Pero pano kita masosolo?" Sabay tingin niya sa'kin.
Tumingin naman ako sa harap. Kaya pala, red light kaya malakas ang loob nitong lalaking 'to na tignan ako.
"Magkaklase lang naman tayo, Blake." Sabi ko.
"Yeah right. Magkaklase nga pala tayo. You gave me an idea." Sabay ngisi niya.
Oh god! I said stop smiling, Blake! Please, simpleng pag-ngiti mo lang ay nababaliw na ako!
Humalakhak siya at tumingin na sa harap niya.
Nagulat ako ng naglahad siya ng panyo.
"I think you need this. Malapit ng tumulo."
Kumunot naman ang noo ko. Malapit ng tumulo? Naramdaman ko na lang na parang may tubig na tumulo sa kamay ko. Pagtingin ko ay ang laway ko! Fuck! Agad kong kinuha ang panyo na nilalahad ni Blake sa'kin bago pinunasang ang bibig ko. Nakakahiya!
Narinig ko ang halakhak ni Blake habang pinupunasan ko ang bibig ko.
"Told you, malapit ng tumulo." At tumawa siyang muli.
Tinignan ko siya ng masama bago ko siya kinurot ng marahan.
"Aww! Hahaha! Okay, fine! Sorry." Sabi niya.
Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang ako sa labas. Malapit na pala kami.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay. Pinark niya ang sasakyan niya sa tapat at lumabas siya para pagbuksan ako ng pinto.
Lumabas ako at hinarap siya.
"Thanks." Sabi ko.
"Nah. From now on, susunduin at ihahatid na kita. Okay?"
"Pero kasabay ko sila At--"
Pinutol niya ang sasabihin ko.
"No, tayo na ang sabay. Dahil simula ngayon, I'm courting you Miss Dela Vega." Sabay kindat.
Did I heard him right? Na nililigawan niya na daw ako?
"Hindi kapa nga nagpapaalam eh!"
"Kailangan paba nun? Okay, tara." Sabay hatak sa'kin papasok ng bahay.
Nagulat ako pagpasok namin ay nandun sila Mommy at Daddy! Nanonood sila nila Ate ng Movie.
Halos itulak ko na pabalik si Blake sa sasakyan niya kaso huli na ang lahat. Nilingon kami ni Ate at namilog ang mata niya ng nakita niya kami ni Blake na magkasama.
"Kylie!" Tawag sa'kin ni Ate.
Lumingon naman sila Kuya, Daddy at Mommy.
"Anak! Kamusta ang date niyong dalawa?" Tanong ni Mommy.
Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Blake.
"Okay lang naman po. Masaya nga po dahil nasolo ko si Kylie ngayong araw." Sabi ni Blake.
Tinignan ko agad siya ng masama at kinurot.
"Ano? Anong pinagsasabi mo diyan?" Halos pasigaw kong tanong.
"Ay sus! Ang bunso namin lumalove-life na!" Sabi ni Kuya.
"Tinatanggi mo pa Kylie! Ikaw ha! May utang ka saking kwento!" Sabay taas baba ng kilay niya.
Napasimangot ako sa mga sinabi nila.
"Oh my god! Hon! Ang bunso natin may lovelife na!" Tuwang tuwa na sabi ni Mommy kay Daddy.
Tinignan ko naman agad si Daddy na seryoso ang mukha. Kinabahan agad ako! Mukhang ayaw ni Daddy kay Blake.
Tumayo si Daddy at nilapitan si Blake. Tinapik niya ito sa balikat.
"Hijo, ingatan mo ang anak ko ha? Don't hurt her or else I'll also hurt you." Seryosong sabi ni Daddy.
"Opo. Hindi ko po sasaktan anak niyo. Takot ko lang po sainyo." Ani Blake.
"Joke lang! Hahaha. Hindi ka naman mabiro eh. May tiwala naman ako sa'yo. Ayoko ng may natatakot sa'kin. Gusto ko tropa tropa lang." Sabay tawa ni Daddy.
"Sus si Daddy! Feeling binata." Asar ko.
Tinignan naman ako ni Daddy. Nagpeace sign lang naman ako at ngumiti.
"Ikaw ha! Porket may lovelife kana. 'Wag mo pa ding pabayaan ang pag-aaral mo, okay?" Sabi ni Daddy.
"Opo. Thanks Dy!" Sabay yakap sakaniya.
"Sure." Binalingan niya naman ulit si Blake. "Kumain kana ba Hijo? Ano nga bang pangalan mo?" Tanong niya.
"Ah Blake po. Blake Garcia." Pakilala ni Blake.
"Ah Garcia! Tatay mo si Danny Garcia 'di ba?" Tanong ni Daddy.
Jusko! Pwede naman silang umupo bago magchikahan.
"Ah opo." Sagot ni Blake.
"Kamusta naman siya? Nga pala, kumain kana ba? Dito ka muna."
"Okay lang naman po siya. Opo. Ay, kung pwede lang po eh. Kaso marami pong project and assignments. Next time na lang po."
"Ay ganun ba? Osige." Sagot ni Daddy.
"Sige po, uwi na po ako Tito." Paalam ni Blake.
"Sige mag-ingat ka." Sabay ngiti ni Daddy.
Naglakad naman papunta kila Mommy si Blake at nagpaalam na din.
"Uwi na po ako Tita." Paalam ni Blake kay Mommy.
"Ay sige. Mag-ingat ka ha?" Ani Mommy.
"Opo."
Lumapit naman si Blake kay Kuya at nagpaalam na din pati din kay Ate.
"Oh, Kylie! Uuwi na nobyo mo! Ihatid mo na." Sigaw ni Mommy.
"My! Tss. Sige, hatid ko na po muna."
Lumabas na kami ni Blake at pumunta sa sasakyan niya.
"Pano ba 'yan? Alam na nila Tito. Payag kana ba?"
"Alam na nila Daddy eh! Ano pang magagawa ko?" Sabi ko.
"Napipilitan ka lang ata eh." Sabi niya sa nagtatampong tono.
"Hindi ah! Payag din naman ako eh." Sabi ko.
"Talaga?"
Tumango naman ako.
"Yesss! Mahal na mahal kita Kylie." Sabay yakap sa'kin.
Niyakap ko din maman siya pabalik.
"Para namang sinagot na kita kung maka-yes ka!" Sabay tawa ko.
"Natuwa lang ako." Aniya.
Ngumiti naman ako. Napakaswerte ko sa lalaking 'to.
"Osige na umuwi kana. Mag-ingat ka ha? 'Wag mabilis ang pagdrive." Sabi ko ng kumalas na ako sa yakapan namin.
"I know. I know. I'll be careful. Bye! I love you Miss Dela Vega." Sabay halik sa pisngi ko.
Ngumiti na lang ako bilang tugon.
"I'll wait. I'll wait until you say you love me too." At ngumiti siya bago pumasok sa sasakyan niya.
Binaba niya ang bintana ng passenger's seat tsaka kumaway.
Kumaway din naman ako pabalik. "Mag-ingat ha?"
Tumango naman siya at pinaharurot na ang BMW niya. Tinignan ko ito hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
Papasok na sana ako sa loob ng makita ko sila Mommy, Daddy, Kuya at Ate pintuan.
"You two are so sweet." Kinikilig na sabi ni Ate.
"Pinalaki ni Danny ng maayos ang anak niya. He's lucky and you're lucky too, Kylie." Sabay ngiti ni Daddy.
"I'm so lucky, Daddy. So lucky." Sabay ngiti ko. "Thank you Dad and Mom!" Sabay yakap ko sakanilang dalawa.
Niyakap din naman nila ako pabalik.
"If that's your happiness, then, we will not control you. We love you so much, baby." Ani Mommy.
Nakisali na din sa yakapan sila Ate at Kuya. And there, I'm also lucky to have this kind of family.