Love at its Toughest (Love Se...

بواسطة FGirlWriter

4.9M 77K 5K

With the consistent ups and downs of life and marriage, how can love continue to prevail? Paano magiging mata... المزيد

Content Warning & Disclaimer
Prologue: How tough is love?
Chapter 1: A Tough Beginning
Chapter 2: A Tough Formula
Chapter 3: A Tough Welcome
Chapter 4: A Tough Enactment
Chapter 5: A Tough Doubt
Chapter 6: A Tough Deceit
Chapter 7: A Tough Cling
Chapter 8: A Tough Consequence
Chapter 9: A Tough Closure
Chapter 11: A Tough Past
Chapter 12: A Tough Response
Chapter 13: A Tough Truth
Chapter 14: A Tough Marriage
Chapter 15: A Tough Coincidence
Chapter 16: A Tough Test
Chapter 17: A Tough Principle
Chapter 18: A Tough Role
Chapter 19: A Tough Challenge
Chapter 20: A Tough Condition
Chapter 21: A Tough Confusion
Chapter 22: A Tough Trust
Chapter 23: A Tough Acceptance
Chapter 24: A Tough Faith
Chapter 25: The Toughest One
Epilogue: Love at its Toughest

Chapter 10: A Tough Timing

131K 2.2K 90
بواسطة FGirlWriter

Chapter 10: A Tough Timing

"Everything has its own time, and there is a specific time for every activity under heaven;"

–Ecclesiastes 3:1

❤❤❤

EUNICE can't help but smile as she listens to Renz' voice. Kumakanta ito ng isang nursery rhyme na kahit hindi pa buo ang mga salita ay nasa tono naman.

 Limang buwan na ang nagdaan magmula nang umalis ang bata at si Alfred sa kanila. But still, hindi mapigilan ni Eunice na magkaroon ng constant communication sa mag-ama. Una, kinukumusta-kumusta niya si Alfred. Hanggang sa lagi niya nang nami-miss si Renz kaya naman twice a week ay tumatawag siya kay Alfred at nakikibalita kay Renz.

"Very good, baby," she sweetly said after Renz sang. "Kapag nag-visit ka ulit rito, you will sing that, again, ha?"

The little boy answered "Opo" and just giggled. Maya-maya ay si Alfred na ang kausap niya.

"Ikaw ba ang nagturo kay Renz? Wow! He sang very well!"

"Ang nanay ang nagturo sa kanya. Pag-uwi ko galing ng trabaho, nagulat na lang rin ako nang kantahan ako," masayang pagkukuwento nito. "Siya nga pala, natanggap namin ang padala niyo ni Terrence na mga laruan. Maraming salamat pero sana hindi na kayo nag-abala pa."

"It's okay! Ako kaya ang nagpumilit kay Terrence na mag-shopping ng toys. Medyo alibi ko na rin iyon para makasama siya. Paano ba naman, magmula nang bumalik siya sa trabaho, lagi na siyang busy. Minsan nga hindi na kami nagkikita dito sa bahay."

Magli-limang buwan na rin ang lumipas magmula nang bumalik sa trabaho si Terrence sa Sagittarius. Dahil matagal na nawala, naipon ang trabaho nito at nasabak sa maraming meetings and business conferences. Nagsunud-sunod rin ang mga business trips nito sa loob at labas ng Pilipinas. Minsan, kahit sinasama siya nito ay siya lang rin ang mag-isang namamasyal dahil nga busy ito.

Sa mga nakalipas na mga buwan ay nakatatlong business trip agad ito. Gusto ngang umangal ni Eunice minsan dahil literal na hindi niya na makikita at nakakausap si Terrence. But her husband's enjoying his work. Na-miss daw nito ang trabaho. Masaya naman ito kaya masaya na rin siya.

Madalas ay panakaw na oras lang sila nakakapag-make love. Iyon lang lagi ang mabilis ngunit napakatamis na intimate moment nila. Naiisip niyang magkakaroon rin sila ni Terrence ng sariling mahabang oras na masosolo ulit nila.

"Masipag ang asawa mo, dapat matuwa ka. Pero ikaw rin naman, abala ngayon di'ba? Kumusta na ba ang pinaplano mong pagtatayo ng fashion boutique? Itutuloy mo ba iyon?" tanong ni Alfred sa kabilang linya.

Si Alfred na ngayon ang constant phone buddy niya. Dahil ang kaibigan niyang sina Rizza, Syrel, at Lorraine ay naging sobrang busy na rin sa kanya-kanyang trabaho. Si Geoff naman, bumalik na ng France. Kaya ang nakakausap niya lang lagi ay si Alfred. Hindi niya inaasahan na magiging magkaibigan pa talaga sila kung kailan nasa malayo na ito. Nagkasundo talaga sila sa kabila ng mga napagdaan nila.

"Hindi ko pa nga alam kung itutuloy ko. Hindi ko pa kasi nasasabi ulit ang mga plano ko kay Terrence. Isa pa, tumawag sa'kin iyong boss ko noon sa Paris," pagkukuwento niya rito. Naglakad siya patungo sa work room niya kung saan nakakalat lahat ng ginagamit niyang materials sa paggawa ng mga designs niya.

"Matagal ka ng nag-quit sa kompanya nila di'ba? Ano daw sabi?"

Napangiti siya nang maalala ang naging conversation nila ng dati niyang employer. "Recently kasi, nagpo-post ako sa Instagram account ko ng mga new designs, sketches, and creations ko. I'm not aware na naka-follow pala sa'kin ang scout ng dating pinagta-trabahuhan ko. And then, she saw the designs on my account. Pinakita niya sa boss namin kaya, tinawagan ako at pinababalik sa Paris."

Well, she must admit that was flattered and overwhelmed. Hindi basta-basta ang fashion clothing company na pinasukan niya noon. At ngayon na interesado pa rin ang mga ito sa mga disenyo niya, hindi niya talaga maiwasang matuwa. They said long before that she has the potential. Kaya nga kahit newly grad siya noon ay kinuha agad siyang fashion designer ng kompanya. Hindi siya dumaan sa pagiging assistant or apprentice man lang.

"They wanted to work with me, again. May tinitimpla kasi silang bagong gimmick for the upcoming months. At bagay na bagay daw ang designs ko para sa motif nila," kuwento niya pa rito na may halong pagkasabik.

"Magandang opportunity iyan, Eunice. Ang kaso, kailangan mong bumalik ng Paris kapag tinanggap mo ang trabaho? Tama ba?"

"Yes."

"Tatanggapin mo ba? Paano si Terrence?"

Iyon mismo ang iniisip niya. Gustung-gusto niyang lumipad sa Paris at bumalik sa trabaho—dahil mismong trabaho na ang lumalapit sa kanya. It could be her break to be known in the fashion industry in Paris. Pero may asawa siya...

"Hindi ko pa nasasabi 'to kay Terrence. Kahit kay Kuya Eugene o kay Uncle Johnny, hindi ko pa 'to nakukuwento. Sa'yo pa lang, Alfred." She sighed. "Naghihintay ang dati kong boss ng sagot mula sa'kin."

Napaupo siya sa upuan at napatitig sa mga sketches niya.

"Huhulaan ko, gusto mong tanggapin pero ayaw mong iwan si Terrence."

"Exactly." Wala naman kasi siyang ginagawa ngayon sa Pilipinas kundi ang maging asawa ni Terrence at gumawa ng sketches at designs na ang mga followers niya lang sa Instagram ang nakakakita. Nang tumawag sa kanya ang boss niya noon ay bigla niyang naisip ang pangarap niya dati na maging sikat na fashion designer. Gusto niya nang abutin ulit iyon. "But, Alfred, I know that in marriage, my life is just different. Lahat ng desisyon at kilos ko, hindi puwedeng ako lang mag-isa ang gagawa."

"Ang bata mo pa kasi. Magte-twenty-four ka pa lang, tama ba? Iyan pa lang iyong edad na ine-enjoy ng mga single."

She chuckled. "Well, baka naman ito rin talaga ang time para maging asawa ako."

"Sabagay. Ngayon, si Terrence o ang pangarap mo?" he joked.

Natutunugan lagi ni Eunice na masayahin na ngayon si Alfred. Natutunan na daw kasi nitong patawarin ang sarili. Active din ito sa church activites ngayon kaya daw ganoon. "I will always choose Terrence," nakangiting sagot niya at saka napatingin sa naka-frame na picture nilang mag-asawa. Napakagat-labi siya nang mapatingin naman siya sa mga designs niya. "But, I wanted to accept my job back."

"Kailangan niyo na talagang mag-usap ng asawa mo."

"We will. I'll wait for him later."

Sandali pa silang nag-usap ni Alfred bago siya nagpaalam. May appointment pa kasi siya sa OB-Gyne niya.

Nope, she's not yet pregnant. Malalaman niya pa lang sa pagpunta niya ng clinic. She's very hopeful in conceiving a child. Pagkatapos kasi niyang maranasang alagaan si Renz, parang gusto niya na rin magka-anak ng sarili. So, she's really hopeful as she drove her way to the clinic.

Kung buntis na siya, tatanggihan niya na agad ang offer sa kanya na bumalik ng Paris

❤❤❤

"Mrs. Aranzamendez?"

Napaangat siya ng tingin sa doktorang sumuri sa kanya. "Doc, what's t-the result?" kinakabahang tanong niya.

"Mrs. Aranzamendez, you're still young, you still have other chances to become pregnant."

Nalungkot siya sa narinig. "So, I'm not pregnant... again?"

Again. Dahil sa nakalipas na limang buwan ay nakatatlong balik na siya sa kanyang OB ngunit laging negative ang resulta ng pregnancy test.

Tumango ito. "You're only twenty-three, Misis. There's still a lot of time. Just continue doing my advices."

Pinilit niyang ngunit at saka tumango. "Thank you, Doctora Velez."

Nang makapagpaalam na siya ay agad siyang umalis ng clinic.

Malungkot talaga siya dahil nag-e-expect na siya ng baby. Gusto niyang magkaanak na sila ni Terrence para maging isang buong pamilya sila. Pero siguro hindi pa panahon para sa kanya. Tama ang kanyang doktor. Bata pa naman siya. Ang iba nga niyang ka-edad ay mga wala pang asawa.

Kahit siguro handa na siya maging isang ina, hindi pa nakatadhana na magkaroon sila ng anak ni Terrence.

Nang nasa kotse niya na siya ay nagpakawala muna siya ng malalim na hininga.

Better luck next time, Eunice, pagkonsola niya sa sarili.

Ngunit kahit anong pagkumbinsi niya sa sarili ay nalulungkot pa rin siya. Hanggang sa pag-uwi nila sa bahay ay disappointed pa rin siya.

Dumiretso siya sa kusina upang magtimpla ng hot chocolate milk. Baka mawala ang lungkot na nararamdaman niya kapag nakatikim siya ng matamis. Isa pa, ayaw niyang abutan siya ni Terrence na malungkot pag-uwi nito galing sa trabaho.

"Magandang gabi, Ma'am Eunice," bati sa kanya ni Mang Emman na nagluluto na ng pang-hapunan.

"Good evening, Mang Emman," matamlay niyang bati rito.

"Okay ka lang ba, Ma'am?"

She pressed a weak smile. "Medyo pagod lang po ako."

Tumango ito. "Nagugutom ka na ba? Sandali na lang itong niluluto ko."

Umiling siya. "No thanks, Mang Emman. But, I would like to have a hot choco. Magtitimpla po sana ako."

"Naku, Ma'am, ako na ang gagawa niyon. Magpahinga ka na lang."

"Thank you po. Pakidala na lang po sa garden."

Naisipan niyang sa garden manatili dahil may nakasabit na hammock doon.

Bago siya sumampa sa hammock ay tinanggal niya muna high heels. Pagkasampa niya ay tumingala siya sa maulap na langit.

Buti pala at hindi niya sinasabi kay Terrence tuwing magpapatingin siya sa doktor. Ang rason niya ay ayaw niyang umasa ang asawa, dahil baka madisappoint lang rin ito. Sa tatlong beses niyang pagpapa-check-up ay laging negative. Mas mabuti ng siya na lang ang nalulungkot kaysa ang asawa niya pa.

Napabuntong-hininga siya. Hind niya alam kung bakit nagmamadali siyang bigyan ng anak si Terrence. Pero parang may nagtutulak sa kanya na dapat ay magkaroon na sila ng anak. Hindi lang dahil handa na silang maging mga magulang kundi na rin sa nararamdaman niyang hindi niya mabigyang pangalan.

Wala namang nagpe-pressure sa kanila ng asawa pero... Siya mismo ang nagpe-pressure sa sarili niya.

Napapikit siya ng maramdaman ang pagkahilo. Isa rin iyon sa rason kung bakit siya nagpa-check-up. Lagi kasi siyang nakakaramdam ng pagkahilo nitong mga nakaraang araw. She took it as a sign of pregnancy. Hindi niya naisip na dala lang siguro iyon sa sunud-sunod na araw na walang tigil na paggawa niya ng mga damit at new sketches.

"You look really sad. Tama nga si Mang Emman."

Napadilat siya. Dumating na pala si Terrence!

Nag-aalalang nakatunghay sa kanya ito. Hawak nito ang tasa ng pinatimpla niyang hot chocolate milk.

"Nandito ka na pala." Inayos niya ang pagkaka-upo sa hammock. "I'm not sad, by the way," mahinang tanggi niya. Kinuha niya ang tasa mula rito at saka ininuman iyon.

"Even your voice sounds sad." Tinabihan siya nito. "What's the matter, baby?" Masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi.

"Marami akong bagong ideas na ini-sketch kanina. I'm just tired. Don't worry about me, Terrence." Patuloy siya sa pag-simsim ng kanyang mainit na tsokolate. Ngunit naubos niya na iyon at lahat ay hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam niya.

"Bakit nga pala napaaga ka ng uwi?" tanong niya kapagkuwan. Ibinaba niya ang hawak na tasa.

Inakbayan siya nito. "Na-cancel ang last two meetings ko," He looked straight into her eyes. "And I missed you."

Iyon ang naging dahilan ng pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi. Tila nakalimutan niya ang dinaramdam. Yumakap siya rito at humilig sa dibdib nito.

He encircled his arms around her waist and kissed her forehead.

"You never fail to make me smile," sabi niya.

"Cheer up, Eunice. Ayokong nakikita kang malungkot. I know you're not tired, 'cause even when you are, you're still cheerful enough to smile." He lifted up her chin and looked straight into her eyes. "Now, baby, what's the matter?"

She bit her lip. Nag-iwas rin siya ng tingin. Could she tell him?

"Eunice."

            Marahan siyang napabuntong-hininga. "I... I-I went to the clinic..."

            "Clinic? May sakit ka ba?" Agad na dumapo ang kamay nito sa noo niya.

            Umiling siya. "Sa OB-Gyne..." pabulong na sabi niya. "Nagpa-check up ako kung buntis na ba ako."

            "Oh," tanging reaksyon nito. Natahimik sila nang matagal. Sa itsura niya, hindi niya naman na kailangan pang sabihin kung anong naging resulta nang pagpapa-check up niya.

            "May aaminin ako," mahina niyang wika. "It was my third time na magpa-check up. Laging negative naman ang result kaya hindi ko na lang sinasabi sa'yo," pag-amin niya at saka tiningala ito. "Sorry."

            Terrence smiled. "What are you sorry for?"

            Lumabi siya. "For not telling you na nagpapa-check up ako."

            "Nah, it's okay."

            "At saka sa laging negative na result. I know that you want your own child na rin. Gusto ko na rin magka-baby, seriously."

            "Hindi naman ako nagmamadali, Eunice. At hindi mo kasalanan na hindi ka pa rin buntis," malumanay na sabi nito at saka hinaplos ang mukha niya. "There's a perfect time for that, baby. In God's time, we'll have our own."

            "Alam ko naman iyan."

            "O, alam mo naman pala. Eh, bakit malungkot ka?"

            Natakip niya ng mga kamay ang mukha. "Ewan ko. I felt pressured."

            "Pressured? May nagpe-pressure ba sa'yo?"

            "I'm pressuring myself. Ugh! Hindi ko maintindihan. Basta parang gusto ko ng magka-baby. I... I just can't wait for it."

            Inalis ni Terrence ang mga kamay niya na nakatakip sa sarling mukha. "There's a right time for everything. Baka hindi pa tayo nagkaka-baby dahil hindi pa ito iyong oras. God sees through it na handa tayo. Ibinibigay Niya ang blessing kapag alam Niyang kaya nating i-handle at karapat-dapat para sa'tin. Isang araw, magugulat na lang tayo sa dumadating na blessing. For now, maybe, may iba pa Siyang plano para sa'ting dalawa. Baka binibigyan Niya pa tayo ng maturity para maging isang magulang."

            Sumubsob siya sa leeg nito. "We have to wait..."

            "Exactly. May mga bagay na hindi minamadali. Parang love lang, hindi ba?"

            Tumango siya. "Kaya dapat hindi namimikot. I know, I know."

            Ang lakas ng tawa nito. Natawa na rin siya. Naging private joke na nila ang nangyari sa nakaraan.

            Niyakap siya nito. "That's why I love you, baby. Huwag ka ng malungkot, ha? Hindi naman masama na mag-try lang tayo nang mag-try na magka-baby. Sounds fun, right?" pilyong sabi nito.

            She looked at him. "Ikaw lang talaga nagpapagaan ng loob ko."

            "Si Lord ang nagpapagaan ng loob mo. I'm just His instrument to let you know what He wants to tell you."

            Lalo siyang napangiti. What's good in falling in love to a guy with a God-centered heart?

Everything.

"You're my angel."

"Oh, I'm far from being an angel, baby," makuhulugang sabi nito at saka tumayo at binuhat siya. "Alam mo ba kung anong magandang gawin sa mga oras na ganito?"

Kumapit siya sa leeg nito. "What?"

"Make love."

"Talaga? Perfect timing 'to? God's will?" she joked.

He fastly nodded. "Oo! Pinagdasal ko na makauwi ako ng maaga dahil hindi ko na nagagawa iyon. I prayed to be with you the whole night. At nakauwi nga ako ng maaga! Hindi pa ba answered prayer iyon?"

And so, they did spend the whole night together. Pinaramdam nila sa isa't isa kung anong na-miss nila sa nakalipas na limang buwan. They slowly made sweet love.

Nakalimutan na rin sabihin ni Eunice ang tungkol sa offer sa kanya sa Paris. Siguro, hindi pa rin iyon ang tamang oras para pag-usapan nila iyon ni Terrence.

That time, it's just for them to enjoy it.

❤❤❤

THERE'S a perfect time for everything.

            Malakas ang paniniwala ni Terrence roon. Nature always takes its course. All things will fall into their right places.

            Natutunan niya na ang bawat panahon na nangyayari sa mundo ay planado ng Diyos. Ang mga desisyon ng isang tao, bago pa maisip ay alam na agad ng Nakatataas kung anong  desisyon ang gagawin ng isang tao. Good or bad decision, He knew before one person could decide.

            Walang maling oras o maling pagkakataon. Maling desisyon siguro mayroon.

            Bumangon si Terrence ng kama at kinumutan niya muna ng maigi si Eunice bago siya nagsuot ng bathrobe at pumunta sa library-cum-office ng bahay nila.

            Pagkarating doon ay agad niyang binuksan ang laptop niya at tinignan ang email niya. Nang makita niya ang email na galing kay Frances ay bigla siyang parang kakapusin ng hininga.

            The message says:

            It's done. I'll send the papers to you.

            Napahugot siya ng hininga. Sa ngayon, hindi niya alam kung tama o mali ba ang desisyon niyang huwag munang sabihin kay Eunice ang nalaman.

            Natukod niya ang dalawang siko sa mesa at saka napasabunot sa buhok.

            Hindi niya maiwasang maalala ang mga kalokohan niya nang kolehiyo siya kaya siya nasa isang hindi inaasahang sitwasyon siya ngayon...


***

Let's get connected!

Official FB Pages: FGirlWriter and C.D. De Guzman

~~~

Join our family!

FB Group: CDisciples

Twitter: CDisciplesHome

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

487K 4.4K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...
2.7M 75K 82
"If tomorrow comes and I forget about this, and I forget about you, will you still love me?" Yesterday. Love. Nothing else matters to Lee Gabriel tha...
3K 128 15
The Cristina and Leonardo's love story. [HER POV] BOOK 2 Cover by: PANANABELS
1K 122 17
Mahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng re...