Ang Tanga Kong Ex-Wife ✔️ [Co...

By Aira_Rivera_Ison

72.2K 1.3K 53

Hindi ito nakakatawa dahil trying hard ako magpatawa. More

Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Pagtatapos
Special Chapter: Olivia
Miss Aira Rivera Ison

Kabanata 24

1.4K 21 1
By Aira_Rivera_Ison

Estes

Bago ako pumasok sa trabaho, niloob ko muna daanan si Aine sa kwarto nila. Ang gusto ko sana sa kwarto ko sa na nga siya matulog, tulad ng dati. Kaso parang pipi ang bibig ko tungkol sa kung ano na nga ba kami. Naninimbang pa kasi ako, lalo na ngayon nakita ko na yung lalaki na nakasama niyang magtaksil sa akin. Kailangan ko muna malaman ang buong katotohanan.

Mahimbig pa silang natutulog. Ito namang si Kyla sinolo ang kama. Parang hindi babae. Tiningnan ko naman ang magandang babae na tinitibok ng puso ko. Mahimbing lang siya na natutulog sa gilid ng kama. Pumunta ako doon, tumalungko ako, para makita ng malapitan ang kaniyang magandang mukha.

Napaka amo ng kaniyang mukha habang natutulog. Nalulungkot lang ako na hindi ko na siya makakasama sa pagpasok, pero mabuti narin na hindi ko siya makasama. Baka makapatay ako ng kampon ni Satanas. Sa huli, dinampi ko lang ng saglit ang aking labi sa kaniyang noo.

"Mahal parin kita." bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya yun. Ngumiti kasi siya ng sinabi ko yun.

"Mahal din kita, Estes." mukhang nananaginip siya. Napangiti naman ako nang matamis dahil sa kaniyang tinuran na 'yon. Kahit sa panaginip kasama ko rin siya, nakakatuwa. Tumayo na ako ng maayos at umalis na ng kwarto nila.

Sa pagpasok ko ng opisina nakasabay ko naman ang babae na pinaka iiritahan ko. Hindi naman niya ako nilingon. Tahimik lang kami ng nasa elevator kami.

"So, kamusta naman ang Ex-Wife mo?" nangangamusta talaga siya. Napakunot naman ang noo ko, kaya tiningnan ko siya.

"Bakit mo naman tinatanong? At isa pa bakit nandito ka?" hinarap na niya ako ng walang kaemosyon-emosyon ang mukha. Niirita talaga ako sa kaniya.

"Sa tono mo na 'yan parang ayaw mo akong makita? Samantalang dati lagi tayong magkasama." ngumuwi siya ng mapait, na parang may isang bagay na sumagi sa kaniyang isip.

Noon hindi ako naiirita sa kaniya pero ewan biglang nag iba.

"Nga pala, hindi ikaw ang pinupuntahan ko dito." inalis na niya ang pagkakatingin sa akin at humarap na siya sa labasan ng elevator. Hindi ko namalayan na bukas na ito, kaya nauna ng lumabas si Olivia. Ano naman ang gagawin niya sa CEO's Office?

Hinabol ko naman siya at hinawakan siya sa braso. Pinilit naman niyang tanggalin ang kamay ko sa braso niya.

"Ano ba?!" galit niyang sabi. "Kung namimis mo ako, sabihin mo lang!" natawa naman ako sa sinabi niya na yun. Ako? Mamimiss siya? Mamimiss ko siya sa kama. Tsk. Yun lang.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" mataray niyang sagot.

"Olivia! Anong nangyayari dito?" bigla namang sumulpot si Francis. Parang kahit maaga gusto kong bumasag ng mukha. Teka? Bakit sila magkakilala?

Lumapit naman si Olivia kay Francis, na animo'y takot na takot siya sa akin. Ano kaya ang koneksyon nila sa isa't-isa?

"Kuya, pinipigilan niya akong pumunta sa'yo. Akala niya kasi siya ang pinupuntahan ko. Kuya siya kasi yung Ex ko." Para na siyang best actress sa arte niya ngayon. Mukhang napaikot naman niya, si Francis sa sumbong niya.

"Hindi ikaw ang pinupuntahan niya dito. Ako! At wala ng iba." E di, magsama sila paki ko! Ipagdiinan pa ang 'ako.' Teka?

"Bakit tinawag mo siyang, Kuya?" tanong ko kay Olivia. Naguguluhan na kasi ako. Ano ba talaga ang koneksyon nila? Hindi maganda ang kutob ko sa dalawang 'to.

"Kuya-kuyahan ko siya." sagot naman ni Olivia.

"Oo, totoo ang sinasabi niya. Ano naman ang problema don?" mayabang na sabi ni Francis. Nangangati na talaga ang kamao ko na sapakin siya.

"Wala. Ito yung resignation letter ni Aine." inabot ko na sa kaniya yung resignation na inabot sa akin kahapon, ni Aine.

"Hindi ko tatanggapin 'yan." sabi ni Francis. Nakita ko naman si Olivia na mukhang nagulat din, sa sinabi ni Francis. Napangiwi naman ako. Ano ang karapatan niya na bawalan si Aine?  "Alam naman niya ang rules. Saka pumirma siya sa kontrata, pwera na lang kung tatanggapin ko 'yan." dahil sa inis nalamukos na lang yung envelope na may laman na resignation letter.

"Hindi mo 'yon magagawa." bulong ko.

"Hahahahaha. Akala ko pa naman matalino ka Estes. Base kasi sa kwento ni Lolo, magaling ka daw. Ano ba yan? Simpleng rules lang ng kompanya hindi mo alam?" nasapak ko na siya sa galit. Napasigaw naman si Olivia dahil sa ginawa ko. Kaagad naman niyang dinaluhan ang kaniyang Kuya. Bagay silang magsama! Tinalikuran ko na sila at umalis.

Aine

"Nabo-bored na ako dito sa bahay." banggit ni Kyla habang hinahalo ang tinimpla niyang kape. Nandito kami sa kusina at nagmumuni-muni.

"E, ano naman ang gusto mong gawin, Twin Sister?" tanong ko. Uminom ako ng kape na tinimpla ko.

"Hmmmmm..." tumingala pa talaga siya sa kisame. Mukhang nag-iisip nga siya. "Bili tayo ng 3 in 1 na kape." tumawa naman siya ng mala Sakuragi na tawa. Kulang na lang sabihin niya ang pamatay na linya noong anime na yun. 'Ako ang Henyong si Sakuragi.' *evil laugh*

"Ano naman ang gagawin natin sa 3 in 1 na kape?" tanong ko.

"Paghiwalayin natin ang kape, asukal, at gatas, doon. Wahahahaha. Di ba, ang galing ng naisip ko?"

"Waaaahhh!!! Twin Sister, tama ka. Ang galing ng naisip mo!! Sige, try natin." syempre, first time maka isip ni Twin Sister ng pambihirang bagay. Support ninyo kami ha?

"Wahahahaha. Talaga Henyo ako."

"Huy! May nagbabasa na bata, sa story na 'to. Bawal magsinungaling." suway kaniya. Nalaglag naman siya sa upuan niya ng banggitin ko yun.

"Aray naman! Hayaan mo na minsan-minsan lang naman."

"Kaso wala namang 3 in 1 na kape dito." sabi ko.

"Ako bahala, my Twin Sister. Wahahahaha. Bernadette!!!!!" hindi ko naman kilala kung sino ang tinawag niya na yun. Lumitaw naman sa kusina, yung isa sa mga katulong dito sa bahay. Aba! Kilala niya, ha? Close ba sila?

"Bakit, Kakay?" naasar na sabi noong katulong.

"Anong sinabi mo?!" naasar naman itong kasama ko. Hala! War yata ito.

"Hehehe. Ang sabi ko po, bakit po kamahalan." yumuko pa talaga ang katulong. Tagapaglingkod lang ang peg? Joson Dynasty ba ito?

"Yan! Bilan mo kami ng 3 in 1 na kape." pumalakpak naman ako, kasi parang makapagyarihan na tao si Twin Sister kung magsalita. "Patikim palan 'yan." bulong naman niya sa akin.

"May kape naman po diyan." natataka na sabi noong Bernadette.

"Uma angal ka na?!" kinuha naman na mabilis ni Twin Sister yung kutsilyo dito sa may kusina.

"Yay! Bibili na po." mabilis pa sa alas kwatro na lumayas yung katulong. Nilapag naman ni Twin Sister yung kutsilyo na hawak niya, at nagpagpag pa ang kamay. Wow! Bongga!

"Ang galing ko di ba?" mayabang niya tanong.

"Oo. Kamukha mo nga si Fredie at si Chakadal kanina noong hawak mo yung kutsilyo. Pwede ka na sa horror, Twin Sister. Pak na Pak, ka dun!" masaya kong sabi.

"Aray ko naman, Twin Sister. Pinapasama mo naman ang loob ko. Huhuhuhu. Hindi na kita bati." ngumawa naman siya. Naku po! "Gandahan mo naman ang sabi. Huhuhuhu."

"Ang pangit mong umiyak." sabi ko. Tumahan naman siya.

"Yown!! Kaya mahal na mahal kita, Twin Sister." Yan ang tatak, Kyla. Sabihin mo ng pangit siya, 'wag lang iba.

Yinakap naman niya ako ng sobrang higpit. Hay! Kahit ganito 'to. Mahal ko ito. Kami na lang kaya mag tambal. Ano sa tingin ninyo? Kyla and Aine, The Sabog Tambalan. Siguro dadami ang mga sabog sa Pilipinas. Hahahahaha. Marami ng matutukhang. Wahahahahahaha.

Narinig ko naman na nagring yung cellphone ko na nakalapag sa table. Unregistered number ang nakalagay. Sino naman kaya ito? Waahhhhhhh!! Baka si Kuya Willie na 'yan. May nag text kasi sa akin kanina na nanalo daw ako ng, 500,000. Yayaman na ako! Yes!

Sinagot ko na ang tawag. Sa una hindi nagsalita yung nasa kabilang linya. Ako na ang nangahas na sumagot. Baka naman kasi sabihin ni Kuya Willie, e, napaka sungit ko naman. Baka hindi pa sa akin ibigay ang tumatagingting na kalahating milyon. Tango-Tango.

"Hello po?" sabi ko. Syempre, magalang dapat, para ibigay agad.

"Hello, Ms. Aine Santos. You miss me?" nawala namana ng saya na kanina kong nararamdaman, napalitan ito ng galit.

"Ano ang kailangan mo? May utang ba ako sa'yo? Sige babayaran kita, kapag nakuha ko na yung napalanunan ko kay Kuya Willie. Sige, bye." ibaba ko na sana ang cellphone ko ng magsakita siya.

"Hawak ko ngayon ang kontrata na pinirmahan mo at resume mo. Kanina inabot sa akin ni Estes ang resignation na binigay mo, pero hindi ko tinanggap. So, kapag hindi ka tumupad sa kontrata, sapilitan kitang kakasuhan. H'wag mo naman sayangin ang pagkakataon na makulong ang magandang kagaya mo." at tumawa naman siya ng mala demonyo. May pinirmahan ba akong kontrata? Wala akong maalala.

"Saka, kung gugustuhin kong alisin sa trabaho si Estes, magagawa ko, Ms. Santos." nanginig naman ang kamay ko na nakahawak sa cellphone. Napaka unprofessional naman ng tao na ito. Pati si Estes, dinadamay niya!

"Napaka—"

"Hep! Hep! 20 minutes dapat nandito ka na sa opisina. Babye~." magsasalita na sana ako sa cellphone, nang babaan na niya ako ng tawag. Grrrr... Kumukulo ang dugo ko.

"O, Twin Sister, bakit parang galit ka?" inosenteng sabi ni Kyla.

"Naka usap ko kasi ang demonyo." umalis na ako sa upuan.

"Ano naman ang sabi sayo?" tanong ni Kyla.

"Magkita daw kami." tipid kong sabi.

"Hehehehe. Sasama sana ako. Hige, ikaw na lang. Paghihiwalayin ko na lang ang kape, asukal, gatas sa 3 in 1 na kape. Babye, Twin Sister!" naglakad na nga ako palayo. Hindi na nga sa akin sumama si Kyla.

Nagngitngit naman ang mga ngipin ko sa galit. Parang gusto ko siyang ihulog talaga sa roof top noong building nung Lolo niyang matapobre. Bagay silang magsamang mag Lolo. Grrr....

-----------

Matry nga yung ideya ni Kyla. Try ninyo din, aking mga readers.💕🤣

Continue Reading

You'll Also Like

27K 700 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
22.4K 508 11
Nagmahal kana ba? Kung oo, naging masaya kana man ba? Naramdaman mo naman ba yung feeling na sobrang saya na parang nasa langit ka? Eh yung feeling n...
125K 10.4K 49
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...