ENCA MAJiCA

By rafictions

339K 18.6K 1.4K

Paris Ayala, a pretty gay boy college student na nakatira sa mundo ng mga tao. Dahil sa isa siyang anak mayam... More

BUOD -
TERMiNOLOHiYA -
MAJiCA 1 -
MAJiCA 2 -
MAJiCA 3 -
MAJiCA 4 -
MAJiCA 5 -
MAJiCA 6 -
MAJiCA 7 -
MAJiCA 8 -
MAJiCA 9 -
MAJiCA 10 -
MAJiCA 11 -
MAJiCA 12 -
MAJiCA 13 -
MAJiCA 14 -
MAJiCA 15 -
MAJiCA 16 -
MAJiCA 17 -
MAJiCA 18 -
MAJiCA 19 -
MAJiCA 20 -
MAJiCA 21 -
MAJiCA 22 -
MAJiCA 23 -
MAJiCA 24 -
MAJiCA 25 -
MAJiCA 26 -
MAJiCA 27 -
MAJiCA 28 -
MAJiCA 29 -
MAJiCA 30 -
MAJiCA 31 -
MAJiCA 32 -
MAJiCA 33 -
MAJiCA 34 -
MAJiCA 35 -
MAJiCA 36 -
MAJiCA 37 -
MAJiCA 38 -
MAJiCA 39 -
MAJiCA 40 -
MAJiCA 41 -
MAJiCA 42 -
MAJiCA 44 -
MAJiCA 45 -
MAJiCA 46 -
MAJiCA 47 -
MAJiCA 48 -
MAJICA 49 -
MAJiCA 50 -
MAJiCA WAKAS 1 -
MAJiCA WAKAS 2 -
NEW STORY!

MAJiCA 43 -

4.7K 262 34
By rafictions




| PARiS |


"Nahanap mo na ba si Eros, mahal ko?" Tanong ko kay Kirkus nang makarating kami sa palasyo.


"Hindi pa mahal ko. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Lahat ng posible niyang puntahan ay napuntahan ko na." Sagot ni Kirkus sa akin at sinubsob ang katawan sa kama.


Lumapit naman ako at umupo sa gilid ng kama at hinaplos-haplos ang kanyang ulo.


"Huwag kang mag-alala mahal ko. Alam kong maayos lang si Eros kung nasaan man siya ngayon." Sabi ko kay Kirkus at sinubukang pagaanin ang nararamdaman niya.


"Sana nga mahal ko, sana nga." Sabi niya at humarap ng pahiga sa akin at tiningnan ako.


Tinaas ni Kirkus ang kanang kamay niya upang mahawakan ang mukha ko.


"Ikaw ang pinakamagandang nilalang na nakita ko sa tanang buhay ko." Nakangiti niyang sabi.


Hinila ni Kirkus ang mukha ko pababa at agad na siniil ng halik ang aking mga labi. Napahawak naman ako sa magkabilang balikat niya para hindi ako ma out of balance.


Humiwalay ako sa halikan namin ni Kirkus ng maramdaman ang pagsakit ng kanang palad ko.


Napatayo ako sa kama at tiningnan ang kanang palad ko. Kusang lumabas ang puting rosas at nahulog ang isang taluyot.


Napatingin ako ako Kirkus na agad na tumayo sa kama. Tiningnan niya ang puting rosas sa kamay ko at ngumiti.


"Hindi na ako makapaghintay na maging isang Ama Paris." Nakangiti niyang sabi at hinalikan muli ako sa labi.


Ngumiti na lamang ako bilang tugon sa kanyang sinabi.


"Dito kana muna mahal at akoy maliligo lamang." Sabi ni Kirkus at hinubad ang kanyang suot na polo.


"Sige mahal ko, pupuntahan ko lamang si Nahamani para kumustahin." Sagot ko sa kanya.


Naglaho si Kirkus sa silid at agad naman akong umupo sa kama.


Naalala ko ang mga nangyari kanina. Imposible namang mawala nalang basta basta ang kapangyarihan ko at pagkadakoy lilitaw muli.


Tinaas ko bahagya ang nakatupi ko pang kamao sa kanan. Agad ko itong binuksan at gaya nga ng nangyari kanina ay walang lumalabas na apoy. There's something really odd that is happening right now.


"Hindi kaya lumalabas lang ang kapangyarihan kong apoy kapag may nakapaligid sa akin na fire bender?" Natanong ko sa sarili ko.


Huminga ako ng malalim at nag concentrate. Muli kong pinalabas ang apoy sa kamay ko ngunit hindi ko talaga siya magawa.


"Nagawa kong magpalabas ng apoy noong nasa harapan ko si Zulon na apoy din ang kapangyarihan. Nagagawa ko ding magpalabas ng apoy kapag nasa tabi ko si Kirkus. Hindi kaya ang totoong kapangyarihan ko ay kayang gayahin ang kapangyarihan ng nasa paligid ko?" Natanong ko.


Pagkasabi ng pagkasabi ko ng katagang 'yun ay biglang lumabas ang sobrang pagkalakas-lakas na kulog at kidlat sa kalangitan. Agad akong napatingin sa binata ng kwarto namin ni Kirkus pero sunny day naman kaya chances to rain ay imposible.


Tumayo ako sa kama at pinaglaho ang aking sarili at pumunta sa silid ni Kurtis, ang nakababatang kapatid ni Kirkus.


"Hello Kurtis." bati ko kay Kurtis na naka-upo sa silya at sinasagutan siguro ang assignment niya.


Tumalikod siya upang makaharap sa akin.


"Taga-lupa? Bakit? Ano ang iyong nais?" suplado niyang tanong.


"Wala, may susubukan lang ako." Nakangiti kong sabi at tinaas ang kanang kamay ko at pinalabas ang apoy.


Nararamdaman kong unti-unting uminit ang palad ko kasabay noon ang paglitaw ng apoy sa aking kamay.


"Alam ko na iyan taga-lupa. Alam ko nang pareho tayo ng kapangyarihan, bakti mo iyan pinapakita sa akin?" Tanong niya.


"Wala, wala naman. Sige, aalis na ako. Tapusin mo na lamang yang assignment mo." Nakangiti kong sabi habang hindi pa din inaalis ang apoy sa kamay ko.


Pinaglaho kong muli ang aking sarili papunta sa silid namin ni Kirkus; Nang mapunta na ako doon ay tiningnan ko ang naka taas kong kamay. Unti unting humina ang apoy at tuluyan na itong nawala.


Confirm nga. Kaya siguro hindi ko nagagamit ang kapangyarihan ko sa mundo ng tao dahil walang kapangyarihan sa paligid. Usually naman kasi diba kapag nasa panganib lumalabas nalang bigla ang power?


Pumunta ako sa lamesa namin at binuksan ang drawer. Kinuha ko ang kutsilyo sa loob at pinaglahong muli ang sarili ko papunta sa silid ni Nahamani.


"Nahamani." bati ko kay Nahamani na nakahiga sa kanyang kama at nagbabasa ng libro.


"Kuya!!" Masayang sabi niya at bumaba sa kama para akoy yakapin.


"Ano ang iyong ginagawa?" Tanong ko.


"Study po." Sagot niya at biglang napatingin sa hawak kong kutsilyo. "Ano po ang iyong gagawin diyan?" Tanong niya sabay turo sa hawak hawak ko.


"May susubukan lang si Kuya mo." Sagot ko at umupo kaming dalawa sa kama. "Nahamani, paano mo napapagaling ang mga sugat sa katawan ng isang nilalang?" Tanong ko sa kanya.


"Simple lang po, iniisip ko lang na gumaling ang mga sugat nila." Dretsong sagot ni Nahamani sa akin.


"Eh, paano mo naman napapagaling ang sarili mo?" Tanong ko.


"Pipikit lang po ako at iisipin ang bandag bahagi ng sugat ko at pagagalingin ko ito sa isip ko na siya namang nangyayari." Sagot niya.


"Sige, susubukan lang ni kuya kung kaya niya bang gayahin ang kapangyarihan mo ha, ayos lang ba?" Tanong ko sa kanya.


Tumango lang siya at tinutok ko ang kutsilyo sa kaliwang braso ko.


"Kuya huwag po! Masakit po iyan." pagpigil sa akin ni Nahamani.


"Alam ko Nahamani, pero susubukan lang ni kuya if kaya ko din bang paggalingin ang sarili ko kagaya mo. If hindi ko kaya, andiyan ka naman eh, pagagalingin mo naman agad si kuya hindi ba?" Tanong ko sa kanya.


Tumango lang uli si Nahamani bilang sagot.


Ngumiti ako agad sa kanya at agad na ginalusan ang braso ko.


"Ouch.." Nasabi ko dahil sa hapdi. Medyo madami-daming dugo ang lumalabas sa braso ko dahil napalalim ang ginawa kong sugat.


"Gagamutin na kita kuya!" Sabi ni Nahamani at kinuha sa akin ang kutsilyo.


"Huwag Nahamani, diba sabi ko susubukan kong gamutin ang sarili ko?" Sabi ko sa kanya at agad kong hinawakan ang sugat sa may braso ko.


"Okay, so pipikit na ako at iisipin kung saan banda ang sugat ko at pagagalingin sa isipan ko tama ba?" Tanong ko kay Nahamani habang nakangiti. To be honest sobrang hapdi niya na talaga pero hindi ko lang pinapakita sa bata.


Huminga ako ng malalim at saka ipinikit ang mga mata ko.


Nag-visualize ako at naka focus ang imagination sa may braso ko. Ang porma nito, ang kamay kong nakapatong dito, ang mga dugo, ang linya ng sugat na likha ng kutsilyo. Lahat-lahat.


Inisip kong mawala ang sugat sa braso ko, inisip kong mawala ang linya ng sugat na likha ng kutsilyo. Sa isipan ko ay tinanggal ko ang pagkakahawak sa braso ko at nawala na ang sugat saka ako dumilat.


"Kuya, nagawa niyo po." Manghang sabi ni Nahamani.


"Ha? Paano mo nalaman? Eh hindi ko pa naman tinatanggal itong kamay ko." Sabi ko kay Nahamani. Dahil sa isipan ko lang naman tinanggal ang kamay ko, hindi ko pa siya tinatanggal talaga sa personal. Pero wala na akong maramdamang hapdi na nanggagaling sa sugat ko, wala na din ni kunting kirot na nanggagaling dito.


"Nagliwanag kasi ang iyong kamay kagaya nang liwanag na lumalabas sa aking kamay sa tuwing ako ay nagpapagaling ng mga nilalang."


Tinanggal ko ang pagkakahawak sa braso ko at sobrang saya ko nang makita na wala na ang sugat na likha ng kutsilyo sa aking braso.


"Kyyaaa!! Totoo nga! Kung gayo'y kaya ko ngang manggaya ng kapangyarihan ng nasa aking paligid! Nakakatuwa!!" Masayang sabi ko at kinarga si Nahamani at umikot-ikot.


"Mahal, narito ka lang pal---" Dinig kong sabi ni Kirkus at agad na hinawakan ang braso kong may bahid ng dugo. "Ano ang nangyayari sa iyo? Bakit ka duguan?" Tarantang tanong ni Kirkus.


Binababa ko si Nahamani at hinarap si Kirkus.


"Mahal, hindi apoy ang kapangyarihan ko!" Masayang sabi ko kay Kirkus; Nakita kong nagkasalubong ang kanyang dalawang kilay.


"Ano ang iyong ibig sabihin?" Tanong niya.


"Nagtaka kasi ako kung bakit hindi ko mapalabas ang aking kapangyarihang apoy kapag wala ka sa tabi ko. Iyun palay dahil ang totoong kapangyarihan ko ay ang gayahin ang kung anong kapangyarihang meron sa paligid." Sabi ko kay Kirkus


"Hindi kita maunawaan." Nasagot ni Kirkus sa akin.


"Sinubukan kong gayahin ang kapangyarihan ni Nahamani at ito ay aking nagawa. Kaya duguan ang braso ko dahil sinugatan ko ito at sinubukang paggalingin ang aking sarili na siya namang nangyari." Masayang sabi ko kay Kirkus. "You see my loves? Kaya kong gayahin ang mga kapangyarihan sa paligid. Ito, susubukan ko uli." Sabi ko at kinuha ang kutsilyo at tinutok sa aking braso at --


"Huwag!" Saway ni Kirkus sabay hawak nang kamay kong may hawak na kutsilyo. "Sa akin mo na gawin, huwag mong gamiting pang-ensayo ang sarili mo lalo na't dinadala mo ang ating anak." Sabi ni Kirkus at kinuha ang kutsilyo na hawak hawak ko at agad na sinugatan ang kanyang palad.


"Urgg.." mahinang ungol ni Kirkus.


Hinawakan ko ang agad ang kamay ni Kirkus sabay pikit at ginawa ang ginawa ko kanina.


"Kamangha-mangha" Dinig kong sabi ni Kirkus kaya dinilat ko ang aking mga mata. Nakita ko ngang nagliliwanag ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Kirkus at pag-alis ko doon ay nawala na ang sugat sa kanyang palad.


"Naiintindihan mo na ba ako mahal ko?" Nakangiti kong sabi sa kanya.


"Kamangha-mangha ang iyong kapangyarihan Paris!" Masayang sabi ni Kirkus at akoy binuhat at inikot-ikot.


"Walang duda na ikaw nga ang tunay na tagapagmana ng buong Enca Majica." Sabi niya at binaba ako.


Tinaas ko ng bahagya ang kamay ko at sinubukang palabasin ang apoy dito na siya namang nangyari.


"Sinubukan ko lang kung lalabas ba talaga." Nakangiti kong sabi ni Kirkus at pinaglaho ko agad ang apoy sa kamay ko.


| RAVi |


"Narito ang aking handog, sanay sapat na ito upang akoy inyong paniwalaan na tunay na akong sumasapi sa inyo." turan ko kay Ekran habang hila hila ko ang isang itim na pegasus na nakagapos ang dalawang pakpak sa kanyang katawan.


"Ang enca ni Kirkus!" Hindi makapaniwalang turan niya habang naka-upo sa kanyang trono.


"Gawin niyo kung ano ang gusto niyong gawin sa pegasus na ito, at tanggapin niyo na ako sa inyong kasapi. Tunay na kinamumuhian ko silang lahat, lalong lalo na ang Kirkus na iyon!" Galit na turan ko sa harapan ni Ekran, ang prinsipe ng mga navalak.


Bumaba si Ekran sa kanyang trono at lumapit sa akin.


"Nakikita ko ang poot at galit sa iyong mga mata Ravi. At kailangan namin ang galit na iyan upang tuluyan nang mapabagsak ang pamumuno ng mga Hari at Reyna at upang kilalanin ang mga navalak na pinakamalakas na nilalang sa Enca Majica!!" Sigaw ni Ekran habang tumatawa.


"Kung talagang gusto mong matalo ang mga maji ay kailangan mo ang iyong ama Ekran." Turan ko kay Ekran at tumingin siya sa akin ng masama.


"Hindi ko kailangan ang aking ama Ravi!!! Para ano? Para bumalik ako sa dati?! Na parang alipin na kanyang utos-utosan?!!" Sigaw ni Ekran sa harapan ko.


"Alam mong malaki ang maitutulong ng kapangyarihan ng iyong ama Ekran. Minsan mo nang nakaharap si Paris, hindi ba't umurong ang iyong buntot?" Tanong ko sa kanya.


"Hishte!!" Sigaw niya at akmang akoy susuntukin.


"Sige Ekran, ituloy mo. Masakit ang katotohanan ngunit kailangan mo itong tanggapin. Isang hawak lang ng ama mo kay Paris ay tapos ang problema nating lahat. Hindi natin maikaka-ila na may tinatagong lakas si Paris. Na mas makapangyarihan siya kaysa sa atin. Naalala mo noong una mo siyang nakaharap? Natawag niya ang dragon ng iba't ibang elemento. Dragon ng apoy, dragon ng tubig, dragon ng lupa, dragon ng hangin, at ang dragon ng kidlat na kahit ako ay hindi ko magawa. Malaking tulong ang kapangyarihan ng iyong ama Ekran. Dahil nananakaw niya ang kapangyarihan ng kung sino mang mahawakan niya. Isipin mo kapag nahawakan niya si Paris, mawawala lahat ang kapangyarihan niya. Hindi na mahirap sa atin ang pabagsakin silang lahat." Mahabang turan ko kay Ekran.


Nakita ko si Ekran na nag-iisip.


"Maniwala ka sa akin Erkan, kailangan natin ang ama mo. Kung trono lamang ang iyong gusto ay mabibigay niya ito kapag napabagsak na natin silang lahat."


Tinaggal ni Ekran ang suot niyang kwentas na bote. Agad niya itong binuksan at lumabas sa bote ang usok sa loob nito.


"HAAAAAAAAAAA!!!" Sigaw ng ama ni Ekran at ibinuka ang dalawang kamay.


"Amang Hari." Sabi ni Ekran at inilagay ang isang kamay sa dibdib at yumuko. Ginawa ko din ang ginawa ni Ekran upang magbigay galang sa ama ni Erkan, ang Hari ng buong navalak. Si Haring Naval.


"Magaling aking anak! Sobrang tagal kong nagtiis sa boteng iyan. Ngayon, oras na nang paniningil sa lahat ng mga maji! HAHAHAHA!!" Halakhak na turan ng Hari.


𝓽𝓸 𝓫𝓮 𝓬𝓸𝓷𝓽𝓲𝓷𝓾𝓮𝓭
●▬▬▬▬▬๑۩۩๑▬▬▬▬▬●

Please don't forget to vote this chapter. It really helps me kasi the more votes, the more na nirerecommend ng Wattpad ang story ko sa ibang wattpad users. So please help me ❤️

🆁🅰🅵🅸🅲🆃🅸🅾🅽🆂



🅰🅽🅾🅽🆈🅼🅾🆄🆂🅶🆄🆈

Continue Reading

You'll Also Like

43.5K 1.9K 24
Even the Devil was once an Angel Warning: This is a BxB fantasy story hope you like it -RMC Start 08-13-2019 End 05-27-2020
20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
249K 7.8K 74
Sa Patterson High School, isang exclusive all-boys school, makikilala ang pinaka notorious na klase - ang hell section. Nasa hell section ang mga bul...
32.6K 2K 54
Paalala: This story, as it said to the title, is a boy x boy, boys love, yaoi story. If you want to read, I'll be glad to. But if you're disgusted, d...