My Naughty Boastful Boss (Fre...

By Ice_Freeze

9.1M 193K 18.6K

Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED PUBLISHED UNDER PSICOM Avrein Laiclei Freezell is not your typical... More

READER'S GUIDE
Freezell #2: My Naughty Boastful Boss
PROLOGUE
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
Thirty-six
Thirty-seven
Thirty-eight
Thirty-nine
Forty
EPILOGUE
MNBB UNDER PSICOM

Seventeen

182K 4.3K 461
By Ice_Freeze

AVREIN

"OKAY na ba ang anak ko?"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng tinig na narinig ko. Kasalukuyan kasi akong pababa ng hagdanan mula sa kuwarto ni Sir Vience. Inihatid ko kasi siya roon matapos siyang himatayin sa basement kanina.

"Opo, Mr. Montealegre. Natutulog na po siya," tipid na ngiting sagot ko.

"Salamat, iha. Salamat at kahit paano ay napagtitiisan mo siya kahit na madalas ay ibang klase ang ugali niya," anito sa akin.

Hindi na muna ako sumagot at nagtuloy sa pagbaba ng hagdan hanggang sapitin ko mismo ang harap ni Sir Vic.

"Sanay na rin po ako. Mabait naman po si Sir Vience."

"Hindi ka ba niya binastos, iha? Hindi ka ba niya sinasabihan ng kung ano-ano? Kilala ko kasi 'yang si Vience. Hindi siya nakakatagal na hindi magsasalita ng kung ano-ano lalo't magandang babae ang kausap niya."

Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ng Daddy ni Vience dahil kahit ako ay nabigla rin sa nangyari sa basement kanina.

*****

"My angel . . . I'm falling."

Mabilis ko siyang nasalo dahil siya na rin mismo ang bumuwal sa katawan ko.

"Sir—"

"I told you don't call me Sir kapag tayong dalawa lang ang magkasama."

"Opo—"

"And the po at opo." Kahit na tila wala na siyang lakas ay may lakas pa rin talaga siya ng loob na makipagtalo sa akin.

"Kaya mo bang umakyat tayo?" malumanay na tanong ko.

"Bakit? Gusto mo ba ay dito na lamang tayo?" balik na tanong niya na ikinakabog ng dibdib ko.

"H–Hindi naman 'yon ang ibig k–kong sabihin."

"Okay then stop asking." Tila ang bilis naman ng pagbabago ng mood niya.

"Inaaalala ko lang po kayo," tugon ko.

"I don't want to hurt you," mula sa kung saan na anas nito.

"H­­–Huh?"

"Stop being nice to me, stop being there for me. Stop being you! I'm useless, Avrein. I can't love you back because I'm useless."

"Vience!"

"Why? Hindi ba't kaya ka lang naman talaga narito ay dahil gusto mong iparamdam sa akin na mahal mo ako? Hindi ba't iyon naman talaga?" may halong kasarkastikuhang wika nito.

"Hindi ko 'to ginagawa para ipilit ang sarili ko. Ginagawa ko 'to dahil alam kong ito ang tama bilang sekretarya mo."

Gusto kong pasalamatan ang sarili ko dahil nasabi ko nang maayos ang gusto kong sabihin nang hindi man lamang nauutal.

"Really?" himig kasarkastikuhan pa rin niyang tugon bago niya iniayos ang sarili niya at nagpilit na makatayo nang tuwid.

"Look, Sir, if you think that I'm doing these things because you already knew that I love you, then think twice. I may be in love with you but that doesn't mean that I'm going to do everything for your attention. I'm not that pathetic, I'm not that desperate!" maluha-luhang saad ko. Sobrang sakit ng bawat binitawan kong salita para sa 'kin.

Alam kong nagsisinungaling ako. OO! Nagsisinungaling ako dahil alam ko sa sarili ko na handa kong gawin lahat mahalin niya lang ako. Bakit, mali ba? Mali bang hingin ko na mahalin niya rin ako? Bawat taong nagmamahal ay gustong mahalin din pabalik, anong pinagkaiba ko? Tao lang din naman ako.

"Don't talk if there's no finality in your every word. I knew you, your eyes always speak for you. Oo nga't sinabi kong hinatayin mo akong malaman kung ano ba talagang nararamdaman ko, pero sana, Avrein, hindi sa ganitong paraan. Pakiramdam ko gumagawa ka ng paraan na mahulog ako sa 'yo. Alam mo ba kung gaano ko gustong pigilan ang sarili ko na mahalin ka? Hindi mo alam. Ayoko lang talaga na masaktan ka, kaya please lang . . . makisama ka."

"Anong gusto mong gawin—"

"Gawin mo lang kung anong normal na ginagawa ng isang sekretarya. Stop caring. Stop doing things that only girlfriends should do. In that way kahit paano ay maiisip ko na hindi mo nga ipinipilit ang sarili mo sa akin." Parang ang laking sampal sa akin ng mga binitawan niyang salita.

Ilang minuto ang bait niya, ang ganda ng samahan naming dalawa, then the next moment, ito siya't kulang na lamang ay patigilin ang pagtibok ng puso ko para sa kaniya. Ang hirap. Pambihira!

"If that's the case, Sir, your wish is my command. Tara na po't umakyat na para makaalis na rin po ako."Iyon lamang ang sinabi ko at tuluyan na kaming umakyat sa silid niya.

*****

"Iha?"

"Ano nga ho ulit 'yon?" Para naman ako tila nagising sa isang bangungot.

"I'm asking you kung mayroon bang ginawa sa 'yo ang anak ko?"

"Wala po. Sir, mauna na rin po ako ha?" paalam ko bago tuluyang nilisan ang lugar na 'yon.

I'm still hurting.

MAAGA akong nagising dahil nandito pa ako sa bahay nila ate Aiyell. Dito kasi ako tumuloy kagabi at dito na rin ako nakitulog dahil hindi niya na ako pinayagang umuwi kagabi.

"Oh, bakit gising ka na? Papasok ka ba?" tanong ni ate Aiyie nang tumungo ako sa kusina niya.

"Hindi, Ate. Nag-email na ako kay Fria na hindi ako makakapasok. Sabi ko i-print niya at ipasa sa boss ko," sagot ko.

"So balak mo lang din magtagal dito?"

"Kung okay lang sa 'yo. Mamayang hapon uuwi rin ako," sagot ko.

"Okay lang naman para may makalaro din ang kambal. Hindi rin kasi dumadalaw si Vance at Lei kaya kaming tatlo lang lagi ang magkasama. Busy rin kasi si Claw ngayon dahil may bubuksan na isang branch ng clothing line sa New York," sagot niya na tinanguan ko lang.

"Masarap bang maging housewife?" curious na tanong ko.

"Depende kung e-enjoy-in mo. Ako kasi kahit walang gawin ay nag-e-enjoy ako. Lalo na at ang kulit ng kambal ko."

"Ganoon ba? Puntahan ko muna sila," paalam ko kay ate Aiyie.

Tinungo ko ang kwarto ng kambal at nadatnan kong tulog pa sila kaya't nahiga na muna ako sa couch doon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at ang sunod-sunod na ring lang telepono ko ang gumising sa akin.

"Hello—"

"Avy! Si Sir galit!"

"Huh?"

"Pumasok ka raw dahil pupunta kayo sa Lipa, Batangas ngayon! May event daw doon at kailangan na kasama ka."

"Hindi ba't may excuse letter—"

"Iyon na nga! Hindi tinanggap. Sabi ni Sir, kontakin daw kita at papasukin." Halata kay Fria na nagpa-panic na siya.

"Okay, sige. Sandali, sinong Sir ba? May sakit si Sir Vience—"

"Bye, Avy. Hintayin na lang kita. Ingat!"

Mabilis akong bumaba at pinuntahan si ate Aiyie na nadatnan kong sinusubuan ng kanin ang kambal. "Oh gising ka na? Hindi kita ginising dahil parang ang himbing—"

"Aalis na ako, Ate. Hindi raw tinanggap ng boss ko iyon letter," putol ko sa kaniya.

"Ganoon ba? Sige mag ingat ka. Gago 'yang boss mo, ah." Hindi na ako sumagot at nagtuloy-tuloy na ko sa paglabas at umalis na sakay ng sasakyan ko.

Dumaan muna ako sa condo ko para maligo at magbihis bago ako tumuloy sa opisina.

NANG makarating ako sa opisina ay agad akong sinalubong ni Fria na parang balisang-balisa.

"Buti't dumating ka na. Nandoon sa parking lot si Sir. Kanina ka pa hinihintay," saad nito.

"Sige pupunta na ko—teka? Sino nga palang Sir?" tanong ko.

"Natural iyong boss mo! Para kang sira. Sino ba ang boss—"

"Si Vien—Sir Vience?" gulat na saad ko.

"Pumepers neym beysis ka na! Bakit? May progress na ba?" pang-aasar niya pero parang may halong kasarkastikuhan.

"Ewan ko sa 'yo. Aalis na 'ko."

"Ingat, Avy. Be safe," seryosong wika niya bago pumasok na ng opisina at ako naman ay tumuloy sa parking lot.

Nang marating ko na ang parking lot ay agad nagsalubong ang mga mata namin at ang kunot na noo niya.

"Sorry, I'm late."

"Then you should be! Alam mo ba kung gaano pa kalayo ang Batangas?" magaspang na wika nito sa akin.

Ano na naman bang problema niya?

"S–sorry. Nagpadala naman ako ng excuse letter," utal na paghingi ko ng paumanhin.

"Did you really think na tatanggapin ko 'yon? Bakit ,Ms. Freezell, naniniwala ka ba sa kasabihan na absence makes the heart grow founder? Stop whatever you are doing. You're my secretary; you're supposed to do your job. Act like one." Para na naman akong tinarak ng libo-libong karayom sa puso sa mga pinagsasabi niya.

He despises me this much?

"I'm not doing these things to catch your attention if that's what you were trying to say. I'm doing these because I need a break!" matapang na pahayag ko kahit na damang-dama ko ang panghihina ng tuhod ko lalo na't titig na titig siya sa mga mata ko na tila hinihigop niya ang lakas ko.

"Break? Saan? Sa pagmamahal mo sa 'kin? O sa pagpapapansin? I already told you to stop, so better stop. Para rin sa 'yo iyon!"

Parang nagpanting ang mga tainga ko sa narinig kong iyon. He went overboard!

"Hindi ko alam kung bakit lagi mong sinasabi na laging para akin, puro para sa 'kin kahit hindi naman iyon ang nakikita at nararamdaman ko! Na ayaw mo akong saktan, at ayaw mo akong mahirapan! Hindi na kita maintindihan!"

"I don't love you, stop asking. Tigilan mo ang mga tanong sa utak mo dahil wala kang makukuhang sagot, dahil una at higit sa lahat, hindi kita mahal."

There. I felt everything in me, got broken. Please tell me, he's lying.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 102 37
Lions Series No. 6 : JUDE MARCO [ Book 1 ]
4.2K 249 53
(short chapter.) Business or love? Alin ang mas uunahin mo? Ang pagmamahal ba o ang business? Lia Cassandra Nicolette M.Gomez a party girl met a b...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
104K 4.7K 51
[The Palmer Brothers: FOUR] - I was scared not because you love me, I was scared you'd change your mind because that's what you always do.