Chapter 29
Sa relasyon hindi mawawal ang pagkakaroon ng tampuhan at hindi pagkakaunawaan. Ang mahalaga ay kung pano nyo inaayos ang alitan.
Ang sorry ay hindi nangangahulugang ikaw nga ang may sala, kundi another way of saying na ayaw mo syang mawala.
Dapat marunong kayong magbigayan at nagpapakumbaba.
Love conquers all di ba? Lalo na ang mga differences ng bawat isa.
Dapat walang susuko, tiwala lang.
Jecky POV
"Di ka pa ba pupunta sa SM?" Tanong ko kay Mae dahil kasama ko sya ulit sa Naga ngayon.
Dati ako naman ang kasama nya nong traslasyon ni Ina. Di kasi to nasipot agad ng bf nya. Super lungkot nga nya, tumatawa naman sya sa mga jokes ko non pero halata mo namang masama ang loob nya kaya nga di ko maiwan.
Baka kasi umiyak na lang sya bigla.
But knowing her, hindi sya magpapakita nang kahinaan. Matagal ko na din kasi syang kilala since highschool. Hindi nya pinapakita na nagagalit din sya at nasasaktan. Masaya lang ang pinapakita nya.
She may look weak at the outside pero napaka-strong nyang babae. Kita ko din non na pinipigilan nyang umiyak, siguro dahil sa maraming tao at nagkakasayahan pa tapos makikita na lang syang umiiyak.
Buti na lang at dumating din ang bf nito, nagpaulan pa talaga at ayon nakita ko naman kung pano nya prinutektahan sa ulan tong kaibigan ko kaya parang okey na din naman yon sakin.
At ngayon habang naglilibot kami sa centro ng Naga at naghahanap ng maaplyan nya nasa SM naman ang bf nito at naghihintay.
"Hindi pa, wala pa ngang 3 eh."
"Mababadtrip yon."
Syempre as a guy, alam naman natin na mainipin tayo at ayaw ng pinaghihintay.
"Nagsabi na naman ako."
"Wala pala syang pasok bat di ka na lang sa kanya nagpasama?"
"Sabi nya kasi kagabi meron."
"E ngayon?"
"Wala, kaya nga nasa SM sya."
"Maiinip yon Mae."
"Maghihintay yon, ako nga kaya ko syang hintayin."
Napatigil ako sa sinabi nya,sabi na nga ba. Nilapitan ko sya at ginulo ang kanyang buhok.
"Jek, naman eh."
Lumayo sya sakin at inayos ang kanyang buhok.
"Gumaganti ka no?" Statement ang sinabi ko at hindi yon tanong.
"Hindi ah."
Pero umiwas naman sya nang tingin nong tinitingnan ko sya. Alam na nagsisinungaling na naman 'to.
"Hindi raw, kilala kita."
"Hindi naman kasi eh."
Tiningnan ko sya nangnagdududang tingin.
"Sus."
Mae POV
I just pout sa sinabi ni Jecky, di naman ako gumaganti eh. Alam ko naman yong pakiramdam ng naghihintay na di mo alam kung sisiputin ka o hindi. Pero on the other side, tama naman sya. Gusto kong maramdaman din ni Patrick kung ano ang pakiramdam na naghihintay. Maghintay ng ilang oras at mag-isip kung sisipot ba o hindi.
Ilang beses na kasi nyang ginawa sakin ang ganon, at masakit. Gusto ko maramdaman din nya para di nya na ulitin yon. Matuto sana sya.
"Pupunta na akong SM Jecky, badtrip na eh." Sabi ko nong mabasa ko ang text ni Pat.
"Sabi na sayo eh."
Nagmumura na kasi si Patrick. Naiinip na nga.
"Sasakay ako sa tricycle."
"Relax bha." Sabi pa nya nang natatawa. "Ikaw kasi eh pinausok mo pa yong ilong at tenga."
"Sorry naman."
"Magpahinga ka muna."
"Hindi na."
"Pero pagod ka na."
"Ayos lang baka magalit yon pag nagtagal pa ako."
"Sigurado ka? Hinihingal ka na ah."
"Okey lang ako, promise."
Pumara na sya nang tricycle at pinasakay nya na ako.
"Sa SM manong." Sabi nya don sa driver.
"Salamat bha." Sabi ko bago ako sumakay.
"Ayos lang basta ikaw. Isa pa, wag mo ngang inaasarang bf mo. Di ka pa rin nagbabago."
"Oo na po."
Kumaway ako sa kanya nong umandar na ang tricycle. Pagdating sa SM, nagbayad na ako agad at bumaba. Nagmamadali akong pumunta sa bookstore kung saan ko sya hinintay noon.
Pero nong nakita ko na sya, bibilisan ko sana ang paglakad ko nong maramdaman ko na sumama ang aking pakiramdam. Napatigil ako sa paglakad at huminga muna nang malalim. Nang maramdaman kong medyo okey na yong pakiramdam ko naglakad na ako palapit sa kanya.
Lumingon na din sya nong makalapit ako.
"Ang tagal mo."
Ngumiti lang ako nang pilit, pero nahihirapan na akong huminga.
Tumingin sya sa dala kong folder.
"Ilagay mo sa bag ko."
Tumalima naman ako.
"Pano yan, kanina pa nagsimula sabi na kasing pumunta ka na dito bago mag-alas tres eh."
"May susunod pa naman."
"Halika na nga."
"Saan?"
"Titingnan natin kung anong oras na ang susunod."
Kaya ayon naglakad na kami papunta don sa may sinehan at tiningnan yong sunod.
"O kita mo 5 na, matatapos yan ng 7:30."
"Ayos lang yan."
"Pano pag uwi mo?"
"Habol pa naman ang lasttrip."
"Pano pag hindi?"
"Oo yan."
Tumingin lang sya sakin at ngumiti na din sa wakas. Naghanap na kami nang pwedeng maupuan.
"Pasok tayo?" Tanong nya sakin sabay tingin sa World of fun.
"Sige."
Pumasok na kami, ang daming tao. Napahawak ako sa aking ulo, sumakit eh. Agad ko din namang inalis yong pagkakahawak ko nong lumingon sya sakin. Nakasunod lang kasi ako sa kanya.
"Maglalaro ka?" Tanong nya.
"Ikaw kung gusto mo."
May kinuha syang upuan at tinapik yon.
"Dito ka lang ah, hintayin mo ako."
Tinanguan ko lang sya.
Napahawak na ako sa may bandang dibdib. Nagbreath in breath out ako para bumuti ang aking pakiramdam. Nahihirapan na kasi akong huminga. Napagod ata talaga ako kanina.
Ang init kasi sa labas tapos biglang pasok ako sa de aircon kaya siguro ganito. I think kailangan ko nang magpahinga. Nong makita ko syang parating kaya umayos na ako nang upo at hinintay syang makalapit.
''Tara?"
Sumunod naman ako sa kanya. Naghulog sya nang token don. Basketball na naman, ang adik talaga nito. Infairness ang galing nya ah. Dalawang tira lang ang di pumasok.
"Maglaro ka na, san mo gusto?"
Tumingin-tingin naman ako pero wala naman don ang isip ko. Kung sabihin ko na lang kaya? Kaso mag-aalala lang sya. Kaya ko naman ata. Pagod lang kaya ganito.
Niyaya ko na lang sya mag cr, need ko na kasi magpalit ng damit. Syempre sa girls ako at sa boys cr naman sya.
"Nagbihis ka pa talaga?"
"Ay hindi."
"San mo nilagay yong damit?" Kita nya kasing maliit lang ang bag ko. "Nagkasya yong damit mo dyan?"
Di pa talaga sya makapaniwala.
"Oo naman."
"Napano?"
"Ako pa. O san na tayo?"
"Ikaw kung saan."
"National bookstore."
"Don ka lang ba talaga nag-stay last time?"
"Oo. Nalibang ako sa pagbabasa eh. Tagal mong dumating."
"May klase kasi kami non."
Pumasok na kami sa bookstore at tumingin-tingin sa mga libro don.