Magisch Academy: The Heartles...

By neverbeeninlove17

2.1M 56.5K 6.9K

WARNING: Mature Content / R-18 / SPG Akisha Raven Scott a heartless woman who found herself entering a school... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER (Part 1)

CHAPTER 55

24.4K 572 32
By neverbeeninlove17

P A S T

AIZEN'S POV

Mabilis akong nagtago sa isang puno ng maramdaman akong may papunta sa direksyon ko.

"Mahal na prinsipe! Nasan na po kayo?" sigaw ng mga katulong namin na kasamang naghahanap ng mga kawal.

At ng maramdaman kong wala ng tao ay mabilis akong tumakbo at tumalon sa pader papunta sa labas ng palasyo.

Gusto ko lang naman lumabas at mag-enjoy pero ayaw akong payagan ni ama. Gusto kong sulitin ang kalayaan ko bago ako maging hari dahil malapit ng ipasa ni ama ang kanyang korona sa akin upang maging ganap na Demon king.

Mabilis kong tinaklob sa ulo ko ang hood na suot ko ng sa ganoon ay walang makakilala sa akin.

Agad akong bumili ng kabayo sa bayan ng sa ganoon ay may masakyan ako. Habang naglilibot ako sa bayan ay may narinig akong usapan na nakakuha ng atensiyon ko.

"Alam mo ba? Meroon na namang namatay sa Mystery Island!" sabi ng isang babae

Mystery Island? Ngayon ko lang narinig na may ganoong lugar dito sa kaharian namin.

"Nakakatakot talaga ang islang iyon ano? Bilang lang sa daliri ang mga nangahas na pumasok doon dahil pagmamay-ari iyon ng isang Diyosa at lahat sila na nangahas na pumasok ay hindi na nakalabas pang muli. Ang sabi nagiging parte daw sila ng gubat bilang parusa ng diyosa sa kanilang kapangahasan" sabi ng isa pang babae na siyang tuluyang nakakuha ng atensiyon ko.

Napangisi ako dahil sa narinig ko. Alam ko na kung saan ko balak pumunta! Mabilis kong pinatakbo ang kabayo at ng makalabas ako ng bayan Maya-maya ay nakakita ako ng isang matandang lalaki na may buhat na mga pagkain na nakalagay sa basket. Kaya huminto ako sa tapat niya.

"Ahm.. Manong pwede po bang magtanong?"

"Sige ano ba iyon iho?"

"Pwede ko bang malaman kung saan ang daan papunta sa lugar na tinatawag na Mysterious Paradise?" nakita ko ang gulat at takot sa mukha ng matanda

"Iho kung ako sa iyo wag ka ng tumuloy doon dahil mapapahamak ka lang" sabi ng matanda

"Sinisigurado ko pong hindi po ako mapapahamak manong. Kaya sige na naman sabihin niyo na po sa akin" sabi ko na may buong kompiyansa kaya napabuntong hininga ang matanda

"Nakikita mo ba iyon iho?" tinuro niya ang isang malawak na dagat

"Opo" sabi ko

"Nasa gitna ng dagat ang islang hinahanap mo" sabi niya

"Naku! Maraming salamat ho manong! Ito ho, pasasalamat ko po sa tulong niyo" sabi ko saka siya inabutan ng gintong barya

Ang halaga ng gintong baryang ibinigay ko sa matanda ay milyon. Marami naman kami niyan sa kaharian namin kaya walang problema. Nakita kong nagulat siya ng makita ang binigay ko. Magsasalita pa sana ulit siya pero agad ko ng pinatakbo ang kabayo.

Huminto ako sa may dalampasigan saka pumikit at pinilit na magconcentrate. Magteteleport na lang ako papunta doon. Alam ko naman na kung saan ang eksaktong lugar na pupuntahan ko.

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nandito na ako sa isang isla. Ito na nga ata iyon.

Ang ganda!

Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar. May nakita akong isang kulay gintong paru-paru. Nag-iiwan pa nga ito ng mga fairy dust sa bawat pagkampay ng mga pakpak niya. Ang cool!

Nakita kong pumasok ito sa loob ng gubat kaya sinundan ko ito. Pero pagkapasok ko sa loob ay namangha ako. Ang dami kong nakikitang iba't-ibang mythical creatures. Napapatingin ang mga ito sa akin at mukhang kinikilig. Iba na talaga pag gwapo. Lahat nabibighani. Tsk. Tsk.

Nakita kong pumasok yung paru-paro sa isang parang malaking salamin. Mukhang ito ang portal papasok. Kaya agad akong pumasok doon.

Kung maganda sa labas mas maganda dito sa loob. Di ko alam kung ilang beses ko na itong sinabi pero kamangha-mangha talaga ang lugar na ito. Kung sino mang diyosa ang gumawa nitong lugar na ito isa siyang alamat! She is very smart and creative.

Hinanap ko ang paru-paru na sinusundan ko pero hindi ko na ito makita. Nagulat ako ng biglang nakakita ako ng isang griffin! Akala ko matagal ng ubos ang lahi ng mga griffin? Meroon pa palang natitira. Mabilis itong umangil sa akin. Damn!

Mabilis itong sumugod sa akin kaya napayuko ako at sumalpok ito sa puno. Agad akong tumakbo palayo. Napatingin ako sa likod ko at nakita kong hinahabol na ako ng griffin. Kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.

Napatigil ako sa pagtakbo ng makita kong wala na akong tatakbuhan. Tumingin ako sa ibaba at nakita kong ang tubig sa ibaba. Nasa gilid na pala ako ng talon. Damn. Hindi ako marunong lumangoy!

"Hey kitty mabait ka hindi ba? Wala ka namang balak kainin ang isang gwapong nilalang na katulad ko hindi ba? Hindi kaba naaawa sa mga kababaihang magluluksa dahil sa pagkawala ko?" sabi ko saka awkward na tumawa pero mas lalo ako nitong inangilan. Mukhang mas lalo siyang nagalit dahil sa sinabi ko. Humakbang ito sa akin habang galit na galit ang mukha dahilan para mapaatras ako.

Nanlaki ang mga mata ko ng maramdamang bumigay ang lupang kinatatayuan ko dahilan para mahulog ako.

Damn! Damn!!

Ayoko pang mamatay! Masyado pa akong bata! Hindi ko pa naipapakalat ang semilya ko. Masyado akong gwapo para mamatay! Ni hindi ko pa nga nararanasan magmahal o kahit magka nobya man lang! Why life is so cruel?!

"AAAAHHHH!" sigaw ko

Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa takot. Mas mabuti ng mamatay ng malaki ang tiyan kaysa naman mamatay ng gutay-gutay at mapunta sa tiyan ng isang griffin. Sayang ang kagwapuhan ko kung sa tiyan lang pala ako ng hayop mapupunta.

Naramdaman ko ang malakas na impact ng pagbagsak ng katawan ko sa tubig. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at may naaninag akong tao na lumalangoy patungo sa direksiyon ko.

Nang makalapit ito sa akin ay nakita ko ang isang babaeng may kulay gintong buhok at nakasuot ng puting dress. Ang mata nito ay kulay silver. Gintong buhok? Silver na mga mata? Nagdedeliryo na ata ako kaya kung ano-ano na lang ang nakikita ko. Ganito ba pagmalapit ng mamatay? Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang babae. Marami na akong nakitang magandang babae mula sa iba't-ibang palasyo karamihan sa kanila mga prinsesa pero hindi pa ako nakakita ng ganito kagandang babae. Ganito ba ang epekto kapag mamatay kang single at no girlfriend since birth?

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Kahit nasa ilalim kami ng malamig na tubig ay nararamdaman ko parin ang init na nagmumula sa kanyang mga palad. May naramdaman akong kung ano sa loob ko na di ko maintindihan.

Biglang huminto sa pagtibok ang puso ko ng titigan ako nito sa aking mga mata. Damn! Woman! Wag mo kong titigan ng ganyan!

She is robbing my oxygen with the way she stares at me.

Ano ba itong nararamdaman ko?

Nanlaki ang mga mata ko ng pumikit ito at ilapit ang mukha niya sa akin kaya napapikit na lang din ako.

Desperado na ata akong magka nobya at mahalikan bago man lang mamatay kaya ko nakikita ang babaeng ito. 100 percent nagdedeliryo na nga talaga ako!

Naramdaman ko ang malambot niyang mga labi na lumapat sa mga labi ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Isa lang itong ilusyon pero bakit pakiramdam ko parang totoo ito?

Dahan-dahang bumibigat ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan ng magdilim ang paningin ko.

--

Unti-unti ay minulat ko ang mata ko. Anong nangyari? Ahh! Oo tama! Nahulog ako sa talon tapos may isang babaeng may gintong buhok at silver na mata akong nakita! Hinalikan pa nga ako nito eh! Napahawak ako sa labi ko. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang mainit, matamis at malambot na labi niya na lumapat sa labi ko. Sh*t! Akala ko talaga nagdedeliryo lang ako totoo pala iyong lahat!

Mabilis akong bumangon para hanapin ang babaeng iyon pero nagulat ako ng makita kong wala na ako sa isla nandoon na ako ulit sa may dalampasigan kung saan ako galing kanina.

Kailangan kong bumalik doon! Kailangan kong makita ulit ang misteryosang babaeng iyon.

Pero bago iyon kailangan ko munang bumalik sa kaharian dahil siguradong papatayin ako ni ama at sigurado din akong alam niya kanina pa ang ginawa kong pagtakas sa palasyo namin.

--

ASTRID'S POV

"Saan ka galing?"

Napatigil ako sa paghakbang ng biglang may magsalita galing sa likod ko.

Napabuntong hininga ako bago lumingon at nakita ko doon si Dolos pero Guile ang tawag ko sa kanya. Ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganun. Ako kasi mismo ang nagbigay sa kanya ng palayaw na iyon. Nagustuhan niya naman ang pangalan na ibinigay ko sa kanya kaso ako lang daw ang pwedeng tumawag sa kanya sa pangalang iyon. Nagagalit nga siya kapag hindi iyon ang tinatawag ko sa kanya. Pag kasi minsan inaasar ko siya Dolos ang tawag ko sa kanya.

Kaibigan ko siya and at the same isa din siya sa mga makukulit na lalaking ayaw akong tigilan. Naging kaibigan ko siya dahil lagi siyang nakasunod sa akin kahit saan man ako magpunta. Ilang beses ko na ding siyang binasted pero wala eh matigas talaga ang bungo niya. Isa din siyang god katulad ko.

May mga pagkakataong nakakasakal na talaga siya dahil sobrang higpit niya pagdating sa mga lalaking nakakasalamuha ko. Muntikan na nga siyang may mapatay kung hindi ko lang siya napigilan noon. Ilang linggo ko siyang hindi pinansin noon kahit pa ilang beses na siyang humingi ng tawad sakin. Pero pagkatapos nun ay pinatawad ko na din siya kahit na alam kong hindi naman talaga siya nagsisisi sa ginawa niya baka kasi mamaya kung ano pa ang gawin niya mahirap na baka balikan niya yung lalaki at patayin niya ito dahil iisipin ni Guile na mas pinapahalagahan ko ang lalaking iyon kaysa sa kanya kaya natitiis ko siya at sisisihin niya yung lalaki sa hindi ko pagpansin sa kanya. Kilala ko si Guile alam ko kung anong tumatakbo sa isip niya alam ko ang mga kaya niyang gawin.

"Diyaan lang" sabi ko

"Saang diyaan lang?" usisa niya

"Bakit mo paba tinatanong? Eh alam ko namang alam mo kung saan ako nanggaling" sabi ko dahilan para mag-iba ang ekspresyon niya

"Why did you let that asshole go? Why did you f*cking save him?! Do you like him?!" malamig ngunit mababakas ang galit sa na tanong niya

"Pinaiiral mo na naman ang pagkaseloso mo Guile. Kaya ba inutusan mo ang griffin na iyon na atakihin ang lalaking iyon?" sabi ko saka nagpameywang

"That serves him right! He dares to enter your territory! So tell me, Astrid. Do you like him? Do you find him attractive?" tanong niya na puno ng pagseselos

"I didn't know that you have such insecurities. And for your information I just saved him because his an innocent. Hindi ko hahayaang may mamatay na inosente sa lugar ko" sabi ko

"Inosente? Pero pumasok siya sa lugar mo ng walang pahintulot! Yun ba ang inosente? Hindi natin alam baka may binabalak siyang masama kaya nagpunta siya doon katulad ng mga naunang nagpunta sa lugar mo!" galit na sabi niya sa akin

"Alam mong hindi siya ganyang tao dahil kung totoo ang sinasabi mo unang tapak niya pa lang sa isla namatay na siya o di kaya ay pinatay na siya ng mga mythical creatures na ginawa kong bantay sa isla katulad ng mga naunang sumubok na pumasok doon. Mayroon siyang malinis na hangarin kaya siya nakapasok sa loob ng isla" seryosong sabi ko

"Wag ko lang makikitang magkasama kayo ulit dahil papatayin ko siya at wala akong paki kahit isa pa siyang santo, hindi ka niya pwedeng agawin sakin. Akin ka. Akin ka lang. Ikakasal pa tayo" nagbabantangsabi niya na nagpataas ng kilay ko

"Anong ikakasal?" tanong ko

"Diba ang sabi ko noong mga bata pa lang tayo pagdating natin ng 28 at hindi kapa nakakahanap ng lalaking mamahalin mo ay ikakasal tayong dalawa. 28 kana ngayon at hindi ka parin nakakahanap ng lalaking mamahalin" sabi niya

"Hindi ko natatandaan na umoo ako sa proposal mo. Stop putting words on my mouth. Paano ko naman mahahanap ang lalaking mamahalin ko kung lagi mong tinatakot ang lahat ng lalaking nagtatangkang lumapit sa akin?" sarcastic na sabi ko na kinangisi niya

"Well, I can't help it. I'm a jealous man astrid. Papatayin ko lahat ng lalaking magtatangkang umagaw ng atensiyon mo mula sa akin. Ako lang dapat ang lalaki sa buhay mo wala ng iba" sabi niya habang may madilim na ekspresyon ang mukha niya

"Paano ka nga pala nakapasok sa loob ng isla ko at nautusan ang griffin na atakihin yung lalaki kanina?" tanong ko para maiba ang topic. Naiilang ako kapag masyado siyang nagiging mapang-angkin katulad na lang ngayon.

"Well, I won't be the God of trickery and guile for nothing" sabi niya habang nakangisi

"Tsk"

Umalis na ako at pumasok sa loob ng bahay ko dito sa olympus. Nakakapagod talaga makipag-usap sa mga taong matitigas ang mga bungo.

"Nahanap mo na ba ang pinapahanap ko sa iyo eros?" tanong ko

Alam kong nasa likod ko siya kahit hindi ako lumingon. Naramdaman kong inalis niya na ang pagkaka invicible niya at naglakad papunta sa harap ko.

"Oo. Nahanap ko na sila. Wag kang mag-alala pinatapon ko na sila sa labas ng isla at sinigurado kong matututo muna sila ng leksiyon bago ko sila pinaalis. Nagkamali sila ng diyos na pinanigan. Mas nilakasan ko na din ang barrier sa isla para wala ng makalusot" sabi niya

"Salamat sa tulong eros" sabi ko

"Walang anuman. Total ayaw ko naman talaga sa lalaking iyon eh. Grabe talaga ang pagkahibang sa iyo ng lalaking iyon. Biruin mong naglagay pa ng mga espiya maski sa isla mo para lang mabantayan ang mga galaw mo. Sigurista siya masyado eh wala namang kayo" sabi niya at nakita ko pa ang pag-irap niya saka nahiga at natulog sa kama ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Paminsan-minsan bumababa ako sa lupa para pumunta sa isla ko ng sa ganun maging malaya ako mula kay Guile. Lagi kasi siyang nakasunod sakin at binabantayan ang kilos ko nakakasakal na. Minsan naman bumababa ako para lang makapagrelax kahit papano.

Hindi ko na alam kung paano ko kokontrolin si Guile. Masaya naman kasi siyang kasama kaya nga naging kaibigan ko din siya kahit papano kahit na ganoon ang ugali niya. Pero kasi hindi ko na gusto minsan ang kinikilos niya. He's too obsess with me. He'll do everything to get me whatever it takes. Kahit pa ang gumawa ng masama gagawin niya para lang makuha ako. Kaya minsan wala akong tiwala sa kanya eh. Lagi akong nag-iingat sa tuwing kasama ko siya.

AIZEN'S POV

Kinabukasan ay maaga akong gumising para puntahan ulit ang islang iyon. Pero hindi ako pinayagan ni ama.

Ilang linggo na ang lumipas simula ng mangyari ang insidenteng iyon. At habang patagal ng patagal na hindi ko nakikita ang babaeng nagligtas sa buhay ko ay mas lalo akong nababaliw na makita siya.

Nakapag-isip na ako. Pupunta ako sa isla sa ayaw at sa gusto ni ama. Ayaw ko pang mabaliw. Pero pagkabukas na pagkabukas ko palang ng pinto ay mukha agad ni ama ang bumungad sa akin.

"Where do you think your going huh? Trying to escape again eh?" tanong ni ama

"Ama pakiusap! Hayaan niyo na po akong lumabas ng palasyo. Gusto ko lang pong mahanap ang babaeng nagligtas sa buhay ko" sabi ko

"At pagnakita mo na ang babaeng nagligtas sa iyo anong gagawin mo? Pasasalamatan siya?" nangungutyang tanong ni ama

"Pakakasalan ko po siya" sabi ko na kinalaki ng mga mata niya maski ni ina na kararating lang

"A-ano?! Nahihibang kana ba talaga ha aizen?! Ano bang iniisip mo?! Akala mo bang isang biro lang ang paghahanap ng kabiyak?" galit na sabi ni ama

"Ama seryoso ako. Pakiramdam ko kapag hindi ko siya nakita mababaliw na ako! Kaya kung ayaw niyong magkaroon ng tagapagmanang baliw papayagan niyo akong umalis" matapang na sabi ko

"Aba't!-" sasagot pa sana si ama pero hinawakan siya sa balikat ni ina

"Hayaan mo na siya hon. Malakas ang pakiramdam ko na ang babaeng iyon ang tuluyang makakapagpabago sa anak natin" sabi ni ina kaya napatingin sa akin si ama

"Siguraduhin mo lang na hindi ito isa sa mga kalokohan mo para lang makatakas dito sa palasyo kung hindi ay hindi kana makakalabas pang muli sa palasyong ito. Naiintindihan mo?" seryosong sabi ni ama kaya agad akong tumango

"Salamat ama, ina" sabi ko saka sila niyakap kaya niyakap din nila ako pabalik

"Go find your woman" sabi ni ama kaya mabilis akong tumakbo palabas ng palasyo at pumunta sa kwadra para kumuha ng isa sa mga kabayo sa palasyo namin.

Agad ko itong pinaandar at ng makita kong nasa dalampasigan na ako kung saan ako nagising pagkatapos akong iligtas ng misteryosang babaeng iyon ay mabilis akong bumaba ng kabayo at nagteleport.

Pagmulat ko ay napangiti ako ng makitang nasa isla na ako. Mabilis akong dumaan kung saan ako dumaan noong unang punta ko rito.

Pagkapasok ko sa portal ay agad akong pumunta sa may talon. Luminga ako sa paligid dahil baka sakaling nandito lang siya sa tabi-tabi. Pero wala.

Paalis na sana ako para maghanap sa ibang parte ng isla ng makakita ako ng isang tao na may suot na cloak na abot hanggang talampakan niya. Kulay light blue ang suot-suot nitong cloak. Nakatalikod ito sa akin at naglalakad palayo.

"Hey! Sandali!" pagtawag ko sa pansin nito kaya huminto ito pero hindi ito nagsalita. Lumingon lang ito ng bahagya sa akin pero hindi iyon sapat para makita ko ang mukha nito. Ni hindi ko nga makita ang mukha nito sa laki ng hood. Pero base sa likod nito ay babae ito. Hindi kaya ito iyong babaeng nagligtas sa akin?

"Ahm... Miss may nakita ka bang babaeng may gintong buhok at silver na mga mata?" tanong ko pero imbis na sagutin ako ay nagpatuloyu ito sa paglalakad kaya mabilis ko itong hinabol pero ng malapit na ako sa kanya ay bigla siyang naglaho na parang bula.

Hindi kaya multo iyon? Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko sa naisip ko. Oo demon ako pero takot ako sa multo. Ang creepy kasi ng mga itsura nila.

------

Pagod akong napahiga sa kama ko. Ilang buwan ko ng hinahanap ang misteryosang babaeng nagligtas ng buhay ko pero wala eh. Ni anino niya hindi ko makita. Sinubukan ko ng
magtanong sa mga mythical creatures na nandoon tungkol sa babae pero ang sabi nila hindi daw nila iyon kilala. Maski ang babaeng nakahood pinagtanong ko na din pero wala ding nakakakilala sa kanya.

Baka naman guni-guni ko lang talaga ang babaeng iyon? Pero hindi eh! Parang totoo talaga! Lagi ko na lang napapanaginipan ang pagligtas sakin nung magandang babae. Lalo na ang halik niya na siyang nagligtas sa buhay ko.

Hindi ko alam kung bakit ko ba talaga siya hinahanap pero meroon sa loob ko na gusto siyang makita uli. Hindi ko alam kung gusto ko lang patunayan sa sarili ko na totoo ang lahat ng iyon at hindi lang iyon guni-guni dahil sa pagiging desperado ko.

Kunti pa. Susubukan ko pa ulit. Mamayang gabi ay pupunta na ako sa isla. Hindi ko na kayang ipagpabukas pa. Pakiramdam ko kasi kapag hindi ko pa siya nakikita ay mababaliw na ako.

--

NANDITO na ako ulit sa isla at mas lalo akong namangha dahil kung maganda ito sa umaga mas maganda ito sa gabi. Ang mga alitaptap at mga paru-paro na katulad noong paru-paro na nakita ko ng una kong punta dito. Marami pa lang ganoong paru-paro dito pag gabi. Nakadagdag ito sa gandang taglay ng isla.

Pagkapasok ko sa portal ay nakita kong maraming nagliliparang mga pixies at maliliit na fairies na nagkalat sa paligid tila may hinihintay sila.

Maya-maya ay nakarinig akong tumutugtog ng violin. At tila naging hudyat iyon para magsayawan ang mga fairies at pixies na nasa paligid. The music... It's piercing deep into my soul. As if it's pulling me.

Sinundan ko naman kung saan nanggagaling ang musika. Tila kasi hinihila ako ng musikang iyon sa kung saan. Maya-maya ay nakita kong nasa loob na ako ng gubat.

Patuloy kong sinundan ang musika hanggang sa nakakita ako ng taong nakasuot ng cloak na kulay pula na abot hanggang sa sahig. Nakatalikod ito sa akin kaya di ko makita ang itsura nito. Tumutugtog ito ng violin. Iyong violin niya ay kakaiba ang itsura mukha itong gawa sa clear crystal. Sa tuwing natatamaan ito ng liwanag ng buwan ay nagliliwanag ito.

The scene right in front of me looks so enticing and enthralling.

Ngayon ko lang narinig ang musika na ito. Her music is so creepy and strong. It's also full of emotions such as sorrow, hatred and hope which made her music more wonderful. It tingles my heart and soul. Her music gives me goosebumps and peace at the same time. How can she played this kind of music with so much elegance?

Napalingon ito ng bahagya sa akin pero hindi ko parin makita ang mukha niya dahil sa laki ng suot niyang hood. Iyang galaw na para bang ayaw niyang ipakita ang mukha niya at ang pagsusuot niya ng mga cloak na tila ba galing siya sa isang kulto. Pero siya yung galing sa kulto na sobrang ganda ng curves! Teka! Kailan pa ako naging manyak?! Ah basta! Siya iyong babaeng madalas kong nakikita dito sa isla! Iba nga lang ang suot niyang cloak ngayon.

Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa matapos ang pagtugtog niya. Pagkatapos na pagkatapos ng tugtog niya ay kasabay nun ang paglakas ng hangin dahilan para mahulog ang hood na suot niya at lumantad sa mga mata ko ang mala ginto niyang buhok.

Gintong buhok? Siya iyon! Iyong babaeng nagligtas sa akin!

"YOU!" sigaw ko habang nakaturo sa babaeng nasa harap ko

It's her! Hindi ako pwedeng magkamali!

"Ikaw ang babaeng sumagip sa buhay ko! Ang tagal kitang hinanap at hinintay na makitang muli" sabi ko

Humarap siya sa akin kaya nakita ko sa pangalawang pagkakataon ang maganda niyang mukha. Mas lalo siyang pumuti sa suot niyang kulay pulang medieval renaissance vintage dress hooded gown. Mukha siyang isang prinsesa sa suot niya at sigurado akong hindi mumurahing tela gawa ang damit niya. Pero kung isa siyang prinsesa dapat kilala ko siya.


"Wala naman talaga akong balak magpakita sa iyo. Nagkataon lang na nakita mo ako dito" sabi ng babae na nasa harap ko

"Pero bakit? May nagawa ba akong hindi kanais-nais?" naguguluhang
tanong ko

"Kailangan ko ng umalis" sabi ng babae saka naglakad palayo

"Huh? Teka! Sandali lang! Gusto ko lang naman makipagkilala! Masama ba iyon?" gulat na sabi ko at pinigilan ang babae sa pamamagitan ng paghawak sa kamay niya.

Damn! Ang lambot ng kamay niya!Ang sarap hawakan!

Hindi ko alam kung bakit bigla akong may naramdamang kakaiba sa loob ko ng mahawakan ko siya na para bang sinasabi na hindi ko siya dapat pakawalan na akin lang dapat siya.

"Oo. Masama. Kaya tigilan mo na ako. Wag mo na akong hahanapin pang muli. At kung maaari ay bitiwan mo na ang kamay ko" sabi ng babae

"Sinasadya mo bang hindi magpakita sa akin? Iniiwasan mo ba ako? May nagawa ba akong mali?" sunod-sunod na tanong ko

Marahas naman niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Oo. Iniiwasan nga kita. Tinatanong mo kung may nagawa kang mali? Meron. Malaki. Isang pagkakamali na ipahanap ako sa mga kawal niyo sa lahat ng bayan mahal na prinsipe. Hindi niyo dapat ginagamit ang katayuan niyo para lamang sa mga pang sariling interes na dahilan. Ang pagtatagpo ng landas natin ay isang malaking pagkakamali" sabi ng babae

Alam niya pala kung ano talaga ako.

"Alam mo na pala kung sino ako. Hindi naman makatarungan kung hindi ko malalaman kahit man lang pangalan mo. Para naman mapasalamatan ko ng maayos ang taong nagligtas ng buhay ko" sabi ko

"Hindi na kailangan. Alam kong prinsipe ka dahil sa kasuotan mo pero hindi ko alam ang iyong pangalan" sabi ng babae

"Sige na naman. Kahit ang pangalan mo lang. Pangako titigilan na kita kapag sinabi mo ang pangalan mo" sabi ko kaya marahas na napabuntong hininga ang babae

"Astrid. Astrid ang pangalan ko mahal na prinsipe" sabi ng babae na kinangiti ko. Kay gandang pangalan. Bagay na bagay ito sa kanya.

"Ako nga pala si Prince Aizen. Kinagagalak kong makilala ka Astrid" sabi ko saka kinuha ulit ang kamay niya saka mabilis na hinalikan likod ng palad niya.

Pero mabilis niya itong inagaw mula sa akin na para bang mayroon akong nakakahawang sakit.

"Ngayong alam mo na ang pangalan ko pwede ba pabayaan mo na ako? Wag mo na kung hahanapin pang muli" tanong niya

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa hindi malamang dahilan. How can a woman whom I just met can make my emotions turn upside down.

"Sabihin mo nga sakin bakit ba ayaw na ayaw mo sakin? May nagawa ba akong hindi mo gusto?" tanong ko

"Hindi mo na kailangang malaman dahil hindi naman na tayo magkikita pa" sabi ni Astrid

NO! Hindi ako makakapayag! Hindi siya pwedeng mawala ulit sa akin! Hindi ako naghirap na hanapin siya ng ilang buwan para lang takasan niya lang ulit ng ganun-ganun lang!

"Kung ganoon pwede bang tanggapin mo ito bilang pasasalamat ko sa iyo?" tanong ko saka kinuha ang bulaklak sa nasa loob ng bag na dala-dala ko sa pagpunta ko dito.

"At bakit ko naman tatanggapin iyan? Malay ko ba kung may nilagay kang gayuma sa bulaklak na iyan" sabi niya

She doesn't trust me that much huh. Well we can fix that. I'll definitely change it.

"Wala ka talagang tiwala sa akin ano? Kung ganoon bakit mo ako niligtas?" tanong ko

"Dahil kailangan mo ng tulong yun lang wala ng iba pa" sabi niya kaya napahigpit ang hawak ko sa bulaklak

"Sige na tanggapin mo na. Wag kang mag-alala. Wala akong nilagay na kung ano diyaan. Pangako" sabi ko

Tinitigan niya muna ako bago nag-aalinlangang kinuha ang bulaklak sa kamay ko.

"Anong bulaklak ito? Ngayon ko lang ito nakita ah?" takang tanong niya saka inamoy ang bulaklak na hawak niya.

Katulad ng inaasahan ko ay nawalan agad siya ng malay pagka amoy niya sa bulaklak na binigay ko. Mabilis ko siyang sinalo bago pa siya tuluyang bumagsak sa sahig. Nakahawak ang kamay ko sa maliit na bewang niya. Ngayon lang ako naghangad ng ganito at hindi ko hahayaang basta-basta na lang siyang mawala sa akin. Ngayong hawak ko na siya wala na akong balak na pakawalan pa siya.

Inayos ko ang buhok niya na napunta na sa mukha niya. Tinitigan ko ang mukha niya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Am I really getting crazy over a woman? This new found feelings deep within me is not bad at all. Getting crazy over a woman not that bad especially when it's the woman in my arm.

Kung ano man itong nararamdaman ko sisiguraduhin kong may magiging katugon ito. Kung mabaliw man ako sa kanya dapat siya din hindi pwedeng ako lang. I'll make her want me. I'll make her crazy over me. I can get everything I want once I set my mind on something. Mas maganda pala talaga siya sa malapitan. Her beauty is so ethereal to the extent where it can surpass the beauty of a goddess. She was Aphrodite and Helen of Troy personified. This woman who possessed a dangerous beauty is solely mine. Mine alone.

Binuhat ko siya ng pabridal style saka nagteleport sa lugar kung saan ako lang ang nakakaalam. Hindi ko hahayaang lumayo siya sa akin. Alam kong magagalit siya pag gising niya ay pero wala na akong pakialam ang mahalaga lang sa akin sa ngayon ay ang wag siyang mawala sa akin.

Hindi ko na hahayaang mawala pa siya saking piling. Kung kinakailangang itali ko siya sakin ay gagawin ko wag lang siyang mawala sakin. Walang pwedeng kumuha sa kanya mula sakin. Akin na siya simula ng unang beses ko siyang makita. Akin lang.

-----------

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
3.1M 86.2K 74
Althea Stella Watrius......... ................ ......................... ____________________________________ Sorry for grammatical error and etc...
1.4M 35.8K 54
BLUE SERIES #1 Blue Academy- is the best school that magic users could get themselves into, on where the school was protected by their Goddess hersel...
125K 1.6K 7
Eve comes from a wealthy family where arranged marriages with their business partners' children are the norm. However, Eve wants to break free from t...