Once A Love Story - #Wattys20...

Por MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... Más

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Thirty-Five

1.7K 76 27
Por MicxRanjo

ALVARO's eyes were intently set on his desktop computer, reading an email from his eldest son, Caleb. Pagkatapos ng ilang buwang pag-renovate sa dating mansiyon ng mga De Dios, natapos na rin ito at magbubukas sa susunod na linggo. Napangiti siya dahil inimbitahan siya nitong magputol ng ribbon sa pagbubukas ng Casa Del Rio, ang pangalang binuo ng anak para sa commercial guesthouse.

Tumayo siya sa kinauupuan at pumwesto sa tabi ng malaki't salaming bintana, pinanood ang anino ng papalubog na araw sa swimming pool sa kanilang bakuran. Papagabi na. Humakbang siya upang lumabas na ng pribadong opisina nang matigilan sa harapan ng isang bookshelf, salamin ang pinto niyon, pinagmasdan niya ang sariling kabuuan.

May ilang puting buhok na sumilay sa makapal pa rin niyang itimang buhok. At late forty, medyo pansinin na rin ang ilang gitla sa kanyang noo at gilid ng mga mata. Napahawak siya sa baba, sa pinaghalong itim at puting balbas na hindi pa niya naahitan. Dahil na rin siguro sa well-balanced niyang pagkain at pag-ehersisyo, nanatili pa ring maayos ang kanyang kalusugan at katawan. Nagpamulsa siya't tuluyan ng lumabas ng silid patungo sa silid nilang mag-asawa.

Lumuwang ang kanyang pagngiti nang maabutan ang asawa pagbukas niya ng pinto ng kuwarto. Tinawag niya ito. "Clari?"

Her slender body remained as it was despite of giving birth to three children. Pinanatili rin nito ang angking ganda at pag-aayos sa sarili. Hindi ito kailanman lumabas ng kanilang silid na walang palamuti sa katawan at kaunting kolorete sa mukha.

"Clari?" Hindi yata siya nito narinig.

Nakatitig ito sa sariling repleksiyon sa salamin, mukhang nahulog sa malalim na pag-iisip. Hawak nito sa isang kamay ang cellphone, mahigpit na nakahawak doon. Nilapitan na niya ang asawa at hinawakan ito sa balikat. "Clari?" he called again.

Nagitla ito nang makita siya, agad na napatayo at nanlaki ang mga matang napatingin sa kanya. "A-Alvaro! K-kanina ka pa ba riyan?"

Ngumiti siya, isang bagay na alam niyang magpapakalma sa asawa. Sadyang magugulatin ito at madaling kabahan. Kinuha niya ang kamay nito't hinaplos. "Oo, at mukhang nalunod ka naman sa sarili mong mundo. Are you alright?"

Mabilis itong tumango, paulit-ulit at lumunok. Iniiwas nito ang mga mata sa kanya, binawi ang kamay at muling naupo sa silya sa harapan ng tokador. Dinampot nito ang hairbrush at sinuklay ang mahabang buhok.

"Maliligo lang muna ako nang makapag-ahit bago mag-dinner." Binuksan niya ang isa sa mga kabinet at kumuha ng pamalit na damit.

"A-ah, okay."

"Siguradong okay ka lang, ha?" muli niyang tanong bago pumasok sa banyo na nasa loob ng kanilang silid.

Muli itong tumango. "Oo naman." Maluwang nitong ngiti.

He nodded his head then entered to the bathroom.

CLARISSA breathed out a heavy sigh when Alvaro was out of her sight. Pinagsalikop niya ang nanginginig na mga kamay. Tiningnan niya ang cellphone na nasa tokador, muling bumilis ang pagtibok ng kanyang puso. Nasapo niya ang noo, itinukod ang mga siko sa ibabaw ng tokador. Alam niyang darating ang araw na ito, subalit batid din niyang kahit kailan ay hindi siya magiging handa kapag nangyari iyon. Fear started enveloping her being, she embraced herself.

Alvaro has been good to her, as a man and as a husband. Naging mabuti at uliran din itong ama ng kanilang mga anak. Just thinking of him gone in her life made her tremble in fear. Mahal na mahal niya ang asawa, mula nang una niya itong makilala magpahangang ngayon, hindi nabawasan iyon at sa halip ay lalo lamang lumalim at tumindi.

Mabilis siyang lumabas ng silid, itinago ang takot at pag-iyak sa asawa. Ano ang kanyang gagawin? Paano siyang hihingi ng tawad sa asawa? Paano niyang itatama ang mali? Tinutop niya ang bibig upang pigilan ang malakas na pagsinghap.

No, it was too late to right the wrongs. It was way too late to even ask for forgiveness. Pagkatapos ng ilang taon, alam niyang naging bahagi siya sa masalimuot na nakaraan ng dalawang taong nagmamahalan, na dahil sa isa, o dalawang pagkakamali, hindi natupad ang mga pangarap na iyon.

Pakiramdam niya'y nagsimula nang maupos ang kandilang ilang taon ring nanatili sa pagkasindi. Bawat segundo ay ang papalaking apoy na mabilis na tumutunaw sa kandila at siyang mitsa na magpapatigil sa naging masaya niyang buhay, sa piling ng pamilyang kanyang binuo't minahal.

Napahagulgol siya. Ano ang kanyang gagawin? May paraan ba upang muli niyang mapigilan ang lahat? Kaya ba niyang muling isabuhay ang ilang dekada ng kanyang buhay na may kaakibat na takot? Napailing siya. Mali. Alam niyang mali ang naging kanyang desisyon noon subalit naging masaya siya. She had Alvaro, and they became family. At alam niyang kahit paano ay mahal na rin siya ng lalaking mahal.

"Diyos ko...tulungan ninyo ako. Huwag ninyong kunin sa akin ang pamilya ko. Ayokong mag-isa, pero ayoko na ring mamuhay sa takot. Tulungan ninyo ako, please? Please!" Hilam ng mga luhang sinapo niya ang mukha.



CALEB watched as Erina was finishing the decorations to the patio of Casa Del Rio. The guesthouse will open in a few days and the invitations were already sent out. May mga ilang kalesang nadekorasyunan ng mga bulaklak ang nakaparada sa harapan kung saan ay magiging sasakyan na maghahatid sa mga bisita at parokyano papunta sa Twin-Hills Waterfall. Hindi pa nga lamang nakasukbit ang mga kabayo sa mga kalesa.

Pinagpag ni Erina ang mga kamay matapos ibudbod ang fertilizer sa mga halamanang bougainvillea, plumeria, daffodil at surprise lily sa mga garden. Ngumiti ito nang makita ang magandang kinalabasan ng ginawa.

Her smile made Caleb felt a little queasy inside. He felt restless watching her in her own world. Kung makangiti ito ay tila ba wala itong suliranin na dapat asikasuhin. But then at the same time, he liked to see her smile like everything was alright.

Yes, lusting her was one thing, but he had to admit that just by watching her right where he knew he could reach and touch her made everything so different. Nag-uumapaw ang isang uri ng damdamin na hindi niya akalaing posible pa rin. How her smile easily melted all the hatred he had built and sharpened in all these years. And how unfair that made him feel.

Nagtama ang mga mata nila ni Erina. Her lips went back to its unsmiling line, while her eyes did not hide what her heart truly desired. She wanted him, all of him, as much as he wanted her. Nalulunod siya sa mga salitang kimkim nito sa sariling dibdib at hindi kayang isatinig.

But he wanted that, her words against his. He wanted her to be truthful, to tell him the answers he had been waiting to hear. For her to tell him that their feelings were not a mistake, that she loved him like how he did. That Kaylee was the perfect proof of their loving hearts.

Gustong sumabog ng kanyang dibdib sa pinipigilang damdamin. Gusto niyang yakapin si Erina, isambulat na kaya niya itong patawarin, kailangan lang nitong humingi ng patawad. He looked away, for fear that she would read his thoughts. Tumalikod siya't lumayo sa kinaroroonan nito.



LAST night was blissful. Caleb's touch on her body may be a little forceful but she heard what he said. He may be just talking in his sleep but the words he uttered was like hammer hitting down the wall she put over between them. Nagiba iyon. Winasak ang anumang pag-aalinlangang mayroon siya.

Pinanood niya ang paghakbang ni Caleb palayo. Kaalinsabay nang pagpasok ng mga nangyari kagabi sa kanyang alaala. It was the third time they closed the gap between them, but the second time where he was sober and knew what he was doing.

"Hmm," umungol ito, kumilos ang isang brasong nakalapag sa kama, may kinakapa, hinahanap.

Pinanonood niya ito sa pagtulog, pinagmasdan ang hubad nitong katawan na nakatakip sa isang manipis na kulay puting kumot. Lalo pang lumapad ang mga balikat nito, nagkalaman at matatag ang dibdib. Pansinin din ang mga ugat nito sa braso't kamay. He looked so strong. Lalaking lalaki.

Her eyes looked up to his lips. She embraced herself, trembled at the swelling feeling that still lingered when those thick lips of his landed on her skin. How it pleasured her so. Napalunok siya nang maramdamang nag-init ang kanyang katawan.

Napalingon siya sa maliit na gasera sa may papag, unti-unting namatay ang apoy roon, hanggang sa tuluyan nang dumilim ang paligid. Tumingin siya sa bukas na bintana, maliwanag ang buwan.

Umungol uli si Caleb, dito uli napako ang kanyang pansin. Naaninag niya ang pag-upo nito at dumulas ang kumot sa kandungan nito.

"Erina?" he mumbled..

Napapitlag siya. "H-here." she responded automatically.

Muli itong kumapa sa hangin, sinundan kung saan narinig ang kanyang boses hanggang sa mahawakan siya nito. "I need you." bulong nito bago siya hinila't niyakap. "Don't leave me."

His words swelled up her chest, tears started flooding her eyes.

Lalo pang humigpit ang pagyapos nito sa kanya, halos matunaw siya sa init ng katawan nito ngunit kaaya-aya naman sa kanyang pakiramdam at siya niyang kailangan.

"I miss you." Lumapat ang labi nito sa kanyang ulo, habang ang mga daliri ay marahang dumulas sa kanyang mahabang buhok.

"I love you." Iniangat ng kamay nito ang kanyang baba, yumuko naman ito sa kanya. Sa madilim na kubo na kanilang kinaroroonan, hindi nila kailangang makita ang mukha ng isa't isa upang malaman ang emosyong ipinapakita ng mga iyon.

Dumampi ang labi nito sa kanya, humalik nang magaan, tumagal sa paglapat. He positioned his hand at the back of her neck, fingers slightly rubbing on her skin. It was so good but she refrained from moaning.

"Dito ka lang sa tabi ko. Huwag kang aalis." Humaplos ang kamay nito sa kanyang pisngi.

Mahal siya ni Caleb. Minahal siya nito at mahal pa rin sa kabila ng mga pananakit niya rito. At alam niya, batid na niyang sa kabila ng mga iyon, kaya siya nitong patawarin at tanggaping muli.

Umangat ang kanyang mga braso't yumakap sa katawan nito. Mahigpit na mahigpit, kasabay nang pagtulo ng kanyang mga luha.

Bumalik sa kama si Caleb, muling nahiga kasama siya. Tumagilid ito, ipinatong ang kanyang ulo sa isa nitong braso habang ang isa ay humila pang lalo sa kanyang katawan upang lalo pang madikit dito, saka siya niyakap. "I love you." he then whispered again after giving her a short kiss on the lips.

Gaano man kasakit, at alam niyang masasaktan din si Caleb sa mga sasabihin at ipagtatapat niya, subalit sisiguraduhin niyang naroon siya upang aluin ito, sabihan na tapos na ang lahat at ang mahalaga ay narito na muli sila, handang harapin ang bukas kasama siya.

She breathed out a heavy sigh, she had decided to tell him the truth right after the event at Casa Del Rio. She knew, she was praying that everything would be just fine.



BUMALIK si Clarissa sa Penaflor nang hindi kasama ang sinadya sa domestic airport ng Penaflor City. Her heartbeat was racing like fired bullets to the place where she knew HE would be. Isang oras mahigit ang kailangan niyang ibiyahe upang makarating sa Del Rio.

Bakit kailangan pa nitong bumalik? Paano kung...kung umatake ang relapse nito? Ipinilig niya ang ulo, sabi ng institusyon sa Amerika kung saan ay nanatili ito ng ilang taon, maayos na raw ito. He was already out for several years, though he was being monitored, he seemed to be doing great in his work, social life and mind.

Oo, dapat niyang pagkatiwalaan ang mga eksperto sa larangang iyon, lalo pa at sa Amerika ito nagamot. Siguro ay paranoid lang siya. Hindi naman siguro mangyayari ang kung anumang iniisip niya.

It should be fine. Everything should be fine. Pinakawalan niya ang hiningang halos magpasabog sa kanyang dibdib. She forced a smile while stepping on the gas for her car to speed faster.



"ALVARO." isang baritonong tinig ang umagaw sa atensiyon ni Alvaro, at nang alisin niya ang pansin sa computer desktop at tingnan kung sino iyon, pagkabigla ang unang bumakas sa kanyang mukha.

"Guillermo?" He had to make sure it was him.

Ngumiti ang lalaki. Ilang dekada na ba mula nang huli niya itong makita? A, magmula nang ikasal sila ni Clarissa, ganoon katagal.

"This is a surprise." His smile widened, walked toward him at the door of his office where his unexpected visitor was standing at.

"You bet." Inabot nito ang kanyang kamay at nagdaop palad ang mga iyon, bago nila tinapik ang balikat ng isa't isa. "It's good to be back." he continued after they separated.

"Did your sister call you for the launching of Casa Del Rio?" He motioned for him to sit on the one of the dark brown leather couches.

Nangunot ang noo nito. Katulad niya, may mga gitla na rin ito sa noo at ibang parte ng mukha. He was still taller than him, but a little less buff in built. Litaw rin ang ilang puting buhok sa clean cut nitong gupit. Kahit dalawang taon ang tanda nito sa kanila ni Clarissa, tila ba sampung taon ang itinanda nito kumpara sa kanya.

"Clarissa?" Sumilay ang pamilyar na ngisi nito. "That bitch didn't even bother to lift a finger to call and say hi over these past few decades. Siguradong maiihi iyon kapag nalaman niyang nandito ako." His laughter filled his empty office.

Alvaro's jaw hardened. He already forgot how they acted to each other in the past, but now that he saw and heard him again, it reminded him how much he disliked this man as a person. "Maari bang huwag mong insultuhin ang asawa ko? Hindi man kayo magkasundo, kapatid mo pa rin siya at ina siya ng aking mga anak. She deserves respect." sa mariin niyang mga salita.

Huminto si Guillermo sa pagtawa ngunit nanatili ang ngisi sa mga labi. Matiim itong tumitig sa kanya, animo nanghahamon. Pagkuwa'y tumayo ito, nilapitan siya hanggang sa magkaharapn silang muli. Katulad noon, mas matangkad pa rin ito sa kanya, at nasa mga mata pa rin nito ang parehong pagkamuhi na ipinakita na nito.

"I'm back, and I am taking what is mine. Alam kong narito siya. Alam kong babalik siya kung nasaan ka." Naglaro ang dila nito sa loob ng pisngi nito habang isinuksok ang mga kamay sa itim na maong pantalon, saka marahang umikot sa kanyang kinatatayuan.

Guillermo made him feel like a specimen being examined under the microscope. He was taunting him, intimidating his ego, but he remained calm and waited for him to face him again. "Akin si Katerina, Alvaro. Akin lang lalo pa't ako ang nakaangkin sa kanya."

Napangiwi siya sa narinig. His teeth gritted. He immediately looked at him at his side, his eyes asking what his mind was still grasping.

Tumawa si Guillermo, lumakas at naging halakhak. Lumayo ito sa kanya, lumapit sa may pintuan. "She will never looked at you the same way anymore because I already made her mine!" Hinapuhap nito ang seradura ng pinto at binuksan iyon. "Fuck off, Guerrier!" Lumabas ito't ibinalibag pasara ang pinto.

Nakatitig lang rin si Alvaro sa pinto. Hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang mga nangyari, sa mga sinabi ng kapatid ng kanyang asawa. At kung bakit si...Katerina ang naging paksa ng kanilang usapan.

Kumabog ang kanyang dibdib. May alaalang nais pumasok sa kanyang isipan ngunit hindi niya malaman kung saan magsisimula. May nangyari ba na hindi niya alam? Ano ang mga pinagsasabi ni Guillermo? Ano ang kaugnayan nito kay Katerina?

Sure they had a past in regards to Katerina, she was his girlfriend while Guillermo was after her. Pareho silang nagkainteres dito ngunit siya ang pinili ni Katerina. And sure that made Guillermo mad, but that was it. Nagsuntukan sila minsan ngunit hindi na naulit iyon. Guillermo stayed away from her, from them. That was the end. 

A/N:

Thank you for waiting and reading. Your reactions means so much to me. Thank you sa inyong lahat lalo na sa dalawang ito HerdSelim  yengvill na nag-iingay sa comment box, lol. Just make sure no bickering ;) Maraming salamat sa suporta.

Luvlots,

MicxRanjo

Seguir leyendo

También te gustarán

107K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
52.6K 970 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...