From A Distance

By hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... More

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
64. Mga Alinlangan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

54. Gulatan

9.4K 360 204
By hunnydew

Laking pasasalamat ni Mason nang hindi na magtanong si Kuya Chino nang magpa-pasa-load siya. Pinagsabihan lamang siya ng kuya na huwag masyadong nagpapa-stress dahil mas mahirap ang magkasakit.

Naipadala man niya ang mensahe noong gabing iyon, hindi na rin naka-reply si Louie sa huling text na iyon ni Mase hanggang sa dumating ang kaarawan niya.

"HAPPY BIRTHDAAAAAYYY!" masiglang bati sa kanya ni Charlotte nang makapasok siya sa tahanan nila. Hindi kasi siya nakauwi noong Biyernes ng gabi dahil sa sobrang pagkahapo. Hindi na rin naman siya pinilit ng mga magulang na umuwi at pinayuhang magpahinga na lamang.

Isa-isa ring bumati sa kanya sina Charles at Matilda at mga nakatatandang kuya nila. Lihim na natuwa ni Mason nang makitang kumpleto sila para sa araw na iyon.

"O siya, ibaba mo na muna ang mga gamit mo sa kwarto niyo nang makapag-agahan tayo nang sabay-sabay," mungkahi ng ama nila.

Tumango lamang siya at tumungo na sa silid. Normal namang malinis ang tahanan ng mga Pelaez. Subalit noong araw na iyon ay tila mas luminis pa ang buong bahay. Katatapos lang yatang magspray ng aerosol dahil humahalimuyak pa rin ang samyo ng lemon. Pinalitan din ang mga kurtina't maging ang mga punda ng kama at mga unan. Napansin din niya ang tatlong paperbags sa kama na may malaking pangalan niya.

"Pasensiya ka na kung 'yan lang ang nakayanan namin ah," narinig niyang sambit ni Kuya Marcus kaya naman napalingon siya. Sinundan pala siya ng mga ito.

"Ah, di na po sana kayo nag-abala," wika niya. "Thank you po."

"Buksan mo na, Mase!" untag ng bunsong nakalapit na sa kama.

Isang bagong bola ng basketball na may tatak na Spalding, dalawang polo at isang pares ng maong pants ang laman ng mga iyon. Madalang kasi siyang bumili ng damit. Kadalasan, mga hindi na kasya sa mga kuya ang mga isinusuot niya. Sadyang maalaga kasi ang magkakapatid sa gamit kaya hindi halatang napaglumaan na ang mga iyon.

"Para 'pag may date ka, may isusuot ka namang bago," natatawang sambit ni Kuya Mark bago sila sabay-sabay na pumunta sa kusina upang mag-agahan.

'Di rin niya inasahang mas marami ang handang pagkain sa araw na iyon kumpara sa kaarawan niya noong nakaraang taon. Siguro ay dahil malaki ang naiambag ni Kuya Mark na katatapos lamang ma-promote kaya naman maraming naidagdag na putahe. Nagmistulang piyesta tuloy sa kanilang tahanan sa dami ng pagkaing bagong-luto. May palabok at spaghetti, pork barbecue at lumpia, tatlong manok, embotido, stuffed inihaw na bangus, caldereta, potato salad, macaroni salad, at iba't-ibang uri ng kakanin.

"Anong oras darating ang mga bisita mo?" tanong ni Marcus.

"Ang sabi ko po sa kanila, tanghalian pumunta rito," tugon ni Mase. Mas gusto kasi niyang magkaroon muna ng oras kapiling ang buong pamilya sa hapag bago niya asikasuhin ang mga kaibigang dadalo.

"Ilan ba ang pupunta?" tila nanunuksong tanong ni Chino.

Tumingin muna sa mata ng kuya si Mase saka mabilis na nagbilang. "Sampu po."

"Sampu lang?!" gitlang puna ni Mark. "Eh kaya nang pakainin ang buong baranggay sa handa mo. Sana dinamihan mo na."

"Sina Chan-Chan ba, inimbitahan niyo?" tanong ng ama.

"Pa, given nang imbitado si Chan-Chan at Hiro. Family na yung dalawang yun eh," kumento ni Chad bago bumaling sa kanya. "Sinu-sino pa ba ang inaasahan naming darating bukod kina Chan-Chan at Hiro? Si Sapio Girl--" 

"SSSSHHH!" sabay-sabay na putol dito ng tatlo pang mga kuya saka pasikretong gumiya sa bunso na tahimik dahil abalang kumakain.

Umiling lamang si Chad. "I don't think she knows who Sapio girl is. Besides, 'kita niyo nga, busy sa pagkain," saad nito. Upang patunayan ang sinabi, hinarap nito ang tinutukoy. "Prinsesa."

"Hmm?" ungol ng huli na nakatingin sa plato at naghihimay ng karne ng caldereta.

"Kilala mo ba si Sapio Girl?"

Saka lang ito tumingin sa kanila nang salubong ang kilay. "Ha? Bagong superhero ba 'yan?"

Nagtawanan ang lahat. "Si Louie ba inimbitahan mo?" tanong ng kanilang ina rito at napasinghap ang ilang mga kuya.

"Ay, opo. Sabi ko nga magdala ng pizza kasi bardey--"

"Birthday," nandidilat na pagtatama ni Chad.

"...ay onga pala...kasi BIRTHDAY ni Mase," pag-uulit ng huli bago muling hinarap ang pagkain.

"Anong oras daw siya darating?" usisa ng amang nakangisi na rin kaya naman napakamot na sa batok si Mase. Hindi niya inasahang maging ang mga magulang nila ay may alam doon.

"Hmm... Sabi ko po kahit anong oras siya pumunta basta may pizza," sagot nito.

"Eh si Nile pala, anong oras darating?" dagdag na tanong ng ina at tumahimik ang lahat ng lalaking kapatid na tumingin kay Mase. Tumingin si Matilda sa bunso na biglang nagsubo ng isang kutsarang potato salad. "Diba sabi ko, imbitahin mo siya pati si Martin?"

Datapwat naguguluhan sa mga pangyayari, nilingon ng mga kuya si Charlotte na binagalan naman ang pagnguya.

"Ahh...si Martin po--"

"TAO PO!" Sunud-sunod na pagkatok sa kanilang pintuan ang narinig nila.

Si Mason na ang nagprisintang magbukas ng pinto habang hinihintay ng iba ang magiging sagot ng kapatid sa mga tanong. Pagkabukas niya nito ay...

"Happy eighteenth birthday, Kuya Mason," wagas na ngiting saad ni Sebastian bago iniabot sa kanya ang isang paperbag galing sa Body Shop. "Galing sa buong pamilyang Flores."

"Ah, salamat." Napakunot ang noo ni Mase at nag-alangang kinuha ang regalo. Noong nakaraang taon kasi ay body spray naman ang ibinigay ng pamilya ni Chan-Chan sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nagagamit iyon. "Pasok ka."

Tumanggi man ang kababata sapagkat may lakad pa raw, wala rin itong nagawa nang kaladkarin ito ng bunso at naanyayahan na ring makikain sa hapag.

Hindi pa man nakakaupo ulit si Mase ay may muli na namang kumatok.

"Akala ko ba lunch time darating ang mga bisita mo?" takang tanong ni Chino na nakatingin sa wall clock. Mag-a-alas dies pa lamang kasi ng umaga.

Si Aaron ang bumungad sa kanya't bumati rin kaya agad niyang pinatuloy ito. Tila walang bahid ng pagkailang matapos ang alitan nila noong nagtapos sila ng high school.

Subalit bago niya isara ang pinto ay may humarang. Bahagyang nagulat si Mase nang makita ang isa pang kaibigang malawak ang ngiti.

"Surprise." Si Ray. "We don't know what to get you so, gift certificate na lang from National Bookstore," saad nito, sabay abot ng sobre kay Mase.

Umakbay sa kanya si Aaron. "Dinaanan pa ako sa bahay niyan. Pinagmamalaki ang kotse amp."

Nagmano muna ang dalawa kina Matilda at Charles at nakipagtanguan sa mga kuya bago niya iginiya ang mga kaibigan sa sala. "O buti..." pasimple niyang puna kay Ray dahil nauna nang sinabi nito na hindi makakarating.

"Na-cancel yung family thing namin eh. Hinihintay pa namin yung Tita kong dumating," simpleng paliwanag naman nito. "Si Nile ba? Nakapagtransfer na siya sa UP diba?"

Nagkibit-balikat lamang si Mason. Mukhang walang alam ang dalawa sa usapin tungkol sa napipintong panliligaw ng kabarkada nila sa bunso niyang kapatid. "'Di ko alam kung anong oras darating."

"Matagal na rin simula nung nakumpleto tayo, 'no? Graduation pa yata?" pagbabalik-tanaw ni Aaron.

"Sa birthday ko, labas tayong apat ah. Magpapa-reserve ako sa Gramercy," nasisiyahang mungkahi naman ni Ray na nagsabing mamahaling club sa Makati iyon. "Sino pa ang darating? Ang dami mong handa ah."

"Mga kaklase ko lang sa BAA. Ah," bumaling siya kay Aaron. "Pati si Clarisse."

Umiling-iling naman ang kaibigan. "I'm past that phase, Mase. 'Di ako magpapakatanga sa babaeng iba ang gusto." Walang narinig na anumang bahid ng pagkainis sa mga sinabi ni Aaron. "I've got a girlfriend now, you know. Ikaw ba?"

"Wala," tipid na sagot ni Mase.

"Bakit hindi mo pormahan si Clarisse?" usig ni Ray. "Di ka pa nanliligaw, sasagutin ka na agad no'n," biro nito.

"Ano ka ba? Kung type ni Mase si Clarisse, matagal na niyang pinatulan. Or not." Tumawa pa ito bago makahilugan siyang tinignan. "Baka nililigawan na si Louie."

Hindi umimik si Mason na tumingin kay Ray. "Akala ko ba nasa Canada si idol?" Bago pa siya makasagot ay dinugtungan na agad ng kaibigan ang sinasabi. "Pero anyways...'di na ako magtataka kung pati ikaw ay nahumaling kay idol. I mean, who wouldn't diba? Pero you have to be prepared if you're going to pursue her."

Hinintay ni Mason ang kaibigan na ipagpatuloy ang babala.

"An alpha female like her will bring nothing but heartaches. She needs someone who could put reigns on her, otherwise, magiging mahina ka hindi lang sa harap ng iba and she will unconsciously make you aware of that. Alpha male lang ang katapat ng katulad niya."

"So, you're saying that Mase is not an alpha male?"

Ngumiti si Ray. "That's not what I meant. And don't you put words in my mouth, fool. Panira ka ng araw. 'Kita mong birthday ni Pelaez eh."

Nais man niyang pagnilay-nilayan ang mga sinabing iyon ng mga kaibigan, hindi na rin niya nagawa dahil sunud-sunod nang nagsidatingan ang mga kaibigan niya sa UP na sina Dexter, Kier at Patrick. Ipinakilala niya ang mga ito kina Aaron at Ray bago sabay-sabay na kumuha ng pagkain. Isinindi na rin nila ang PS3 para naman may pagkaabalahan ang mga bisita.

Habang nasisiyahan sa paglalaro ng NBA dahil puro lalaki ang mga dumating. Nasa kalagitnaan sila ng dikit na laban ni Aaron at Dexter nang mapasulyap si Mason sa durungawan at naaninag ang isang pamilyar na kotseng kulay asul. Bigla na lamang siyang napatayo kaya naman nagulat ang mga katabi.

"Oh, anong nangyari?" takang tanong ni Ray sa kanya at nakidungaw na rin. Lumagpas ang asul na sports car bago huminto ang isang taxi sa tapat ng kanilang tahanan.

Damang-dama ni Mason ang pagdagundong ng kanyang dibdib at hindi na nagawang isatinig ang nais sabihin kaya umiling na lamang siya. Mabuti nalang at naghiyawan sina Kier at Patrick kaya ibinaling ni Ray ang atensiyon sa TV at naupong muli.

Nakita niyang bumaba ng sasakyan si Elay. Posturang-postura ito tulad ng normal na pananamit kahit sa pamantasan. Tila ba laging may party na pupuntahan. Maluwag ang ngiti nitong papasok sana nang halos tumigil ang paghinga ni Mase.

Muntik na makabungguan ni Elay ang isa pang bisita.

Si Louie.

Kung gayon, sakay nga ng asul na kotse si Louie Kwok. Napatingin si Mase kay Ray na humahalakhak kasama ng iba pang kalalakihan. Kung kanina ay hindi niya naisip kung ano ang kahahantungan sakaling magkita muli ang kaibigan at si Louie, ngayon ay tila ayaw niyang mangyari iyon.

"Ah, sandali lang," halos bulong niya sa mga kasamang abala sa paglalaro kaya laking pasasalamat niyang hindi siya pinansin ng mga ito nang buksan niya ang pinto.

"Happy birthday!" Masiglang bati ni Elay na agad yumapos sa kanya't humalik na naman sa pisngi. Dinig na dinig din niya ang pagsinghap ng mga bisitang lalaki. Siguradong nabighani sa bagong bisita.

"Ah, salamat," mabilis niyang sagot bago lumagpas ang tingin ang nakitang si Clarisse naman ang kausap ni Louie sa may gate. "Sanda--"

Subalit hindi na niya natapos ang sinasabi nang hilahin siya ni Elay at hindi pinansin sina Dexter na naniningad. "Nasa'n sina Tito and Tita?" Kahit pa tinanong siya nito ay tila wala naman balak makinig sa sasabihin niya dahil tuloy-tuloy lang ito sa kusina kung saan ito malugod na tinanggap ng mag-asawa't mga kapatid ni Mase.

Unti-unti siyang umatras at nagmadaling bumalik sa pintuan kung saan niya nakitang pumasok ng tarangkahan si Clarisse samantalang tumalikod naman si Louie at tila babalik na sa kotse.

"Aaron, nandito na si Clarisse. Ano...ah...bibili lang ako ng yelo," bilin niya kahit batid niyang nakagawian na ng pamilya ang pag-iimbak ng yelo.

"Mase! Happy--"

"Oo. Yelo. Sandali lang," agad niyang pakli at tumuloy na sa gate. Naramdaman pa rin niyang may nakatingin sa kanya kaya naman tinahak niya ang kabilang direksiyon kung saan may tindahan. Nang makita niyang inakay na ni Aaron papasok sa tahanan si Clarisse ay kumaripas na siya ng takbo.

Nilagpasan ni Mase ang tindahan, gayundin ang ilan pang bahay at lumiko sa unang kanto at sa isa pa. Inikot niya ang buong bloke ng mga tahanan at butil-butil na ang pawis niya nang makita sa wakas ang asul na sports car. Nagmadali siyang pumunta sa banda ng driver at kinatok ang heavily-tinted na bintana.

Kahit hapong-hapo at hinahabol pa ang hininga ay nakuha pa niyang ngumiti habang pababa ang bintana. "Ah, Lou--"

"Yes? Disappointed?" Tila nang-aasar si Kuya J na bumungad sa kanya. Sa kabila ng suot nitong shades, at hawak na lollipop ay may mapanuksong ngiti ito.

Agad na ikinubli ni Mason ang bahagyang pagkagulat. Buong akala niya'y si Louie ang nagmamaneho ng sasakyan. Mabilis din naman siyang bumawi. "Ah, Kuya J. Kumusta po? Ano... pasok po kayo, birthday ko po." Sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya si Louie na mahinang sinuway ang pinsan.

Nang tuluyan nang bumaba ang bintana ay tinapik-tapik ni Kuya J ang braso ni Mase. "Cool ka lang parekoy. Teka.. Ire-recline ko lang ang upuan para magkausap kayo," saad ng pinsan ng dalaga bago unti-unting bumababa palikod ang sandalan ng driver's seat. "Pretend I'm not here," dagdag pa nito nang ganap nang nakahiga bago isinuot ang headset.

Ibubuka na sana ni Mase ang bibig nang maulinigan ang paulit-ulit na pag-awit ng nakatatandang pinsan ni Louie. "I'm falling for you...finally...my heart gave in~~"

Sinulyapan niyang muli si Kuya J na hindi pa rin mapalis ang ngisi, bago siya mahinang tumikhim. "Ah, Louie... Pasok ka.. Kayo ni Kuya J," pag-aaya niya kahit pa nagtatalo ang dalawang parte ng utak niya kung tama bang papasukin niya ang dalaga gayong nasa loob nga si Ray.

Tila hindi rin naman mapakali si Louie. "Hindi na. May ano pa ako...ahh... Aikido lessons pa."

Muling sinulyapan ni Mase si Kuya J na patuloy lamang sa pag-awit. "Ahh, ganun ba? Uhm..." Datapwat naiilang, nangahas na rin siyang magtanong. "'Di ka na babalik?"

Tinignan ni Louie ang pinsan. "Ahhh..."

Halatang nakikinig si Kuya J dahil ibang kanta naman ang inawit nito. "Kay tagal mo nang nawala... Babalik ka rin... Babalik at babalik...din yaaaaann~~"

"Tumahimik ka nga kuya," asik ng dalaga rito bago sumenyas kay Mase na magte-text na lang.

Agad naman niyang napagtanto ang balak ni Louie. "Ahh.. Okay. Sige, next time na lang."

Kapwa pa sila nagulat ni Louie nang biglang nagtanggal ng shades at headset si Kuya J na nagpatunay na nakikinig nga ito sa usapan nila. "Anong next time na lang? Ano yan?" Binalingan nito ang nakababatang pinsan. "Uy, ikaw, nagtatanong yung tao--"

Agad naman itong pinutol ni Louie saka inabot ang isang kahon ng pizza na kinuha nito mula sa backseat. Eto nga pala, Mase... Para kay Charlie. Special order niya. Happy birthday ulit."

Natawa na lamang siya at napakamot sa batok habang kinukuha ang pizza para sa kapatid. "Salamat."

"Kay Charlie? Bakit? Eh si Mason ang may birthday. Nasa'n ang regalo mo sa birthday boy?" reklamo nito.

Pinanlisikan ito ng tingin ni Louie. "'Wag ka ngang epal, Kuya." At ngumiti nang tingnan siyang muli nito. "Sige Mase, alis na kami."

"Sige. Ingat," tugon niya habang pinapanood na bumaba ang bubong ng sasakyan. Oo nga pala't maaaring i-top-down ang kotseng iyon.

Nang kumaway sa kanya si Louie ay nagpasya na rin siyang maglakad papalayo. Nilingon pa niyang muli ang sasakyan bago siya lumiko pabalik sa dapat ay pagbibilhan niya kuno ng yelo. At dahil wala naman siyang dalang pera, umuwi na lamang siyang nakangiti.

"Oh, akala ko ba yelo ang binili mo? Bakit naging pizza?" takang tanong ni Aaron.

"Order ni Charlotte. Walang yelo eh," tipid niyang sagot at tumungo sa kusina kung saan masiglang nakikipagkuwentuhan ang mga magulang at kapatid kay Elay at Clarisse. Nang napansing wala roon ang bunso ay tumuloy siya sa silid nilang magkakapatid at nakitang nakahilata sa kama nila si ChanChan.

"Si Charlie?" tanong niya rito.

Agad namang napaupo ang kababata. "Naliligo po Kuya."

"Pakisabi, para sa kanya," bilin niya rito at inilapag sa mesa ang kahon ng pizza.

Bago lisanin ang silid ay kinuha niya mula sa bag ang telepono at ibinulsa iyon. Muli niyang sinamahan ang mga bisita niya sa sala na nagkakatuwaan pa rin sa paglalaro ng NBA Live. Hanggang sa maramdaman niyang nagvibrate ang telepono niya't kinuha iyon mula sa bulsa. Hindi pa niya nababasa ang mensahe ay napangiti na siya.

From: Louie Kwok

Invited pa ba ako hanggang dinner? :)

Agad na tumipa ng sagot si Mason.

To: Louie Kwok

Oo :)

Ngayon lang niya naramdaman ang mabagal na pagtakbo ng oras.

===

A/N: Sorry sa formatting :( sa tab lang kasi ako nag-update dahil sa kaaamaang-palad, na-disable lahat ng access ko sa office kaya pati laptop ko hindi mabuksan huhuhu. On a positive note, dahil doon ay nakapagtype ako ng pang-update ahaha

Di kinaya ng isang chapter ang bardey ni Manly Sapio eh. Baka mabaliw kayo sa kilig HAHAHAHA. Enjoy reading :3

Pansinin din ang .gif sa gilid pampadagdag feels hahaha XD

-hunny

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
633K 39.6K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
18.5K 1K 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...