His Bad Ways

By JFstories

9.9M 387K 126K

X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her futur... More

Prologue
Xerxes Batalier
...
His Bad Ways
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
RNS

Chapter 9

247K 11.6K 4K
By JFstories

Chapter 9


"SASAMA NA AKO SA'YO..."


Hinila niya ako at hinalikan nang mabilis ngunit mariin sa labi. "Tara na..."


Kinuha niya ang iilang damit at gamit na nasa loob ng kahon ko saka isiniksik sa bitbit niyang itim na backpack. Inakbayan niya ako at inalalayan. Pagkarating namin sa sakayan ng bus at hinalikan niya ako sa noo. "Hindi kita papabayaan, Rita..."


Tumingala ako sa kanya. "Natatakot ako..."


"Wala ka bang tiwala sa akin?"


Hindi ako sumagot.


"Ako ang bahala," hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko. "Tumingin ka sa akin, Rita."


Sinunod ko siya. At doon sa kanyang banyagang mga mata ay nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa pangako niya.


"Ako ang bahala sa'yo..."


...


"SAAN TAYO TITIRA?"


Nakarating kami sa Taytay Rizal, dito sa may dulo ng Tibagan. Ang sabi kasi ni X ay mas mura raw ang mga paupahan dito kesa sa Maynila. Sa umpisa ay magsisimula muna raw kami sa maliit na pangarap hanggang magkatuwang kaming palalakihin iyon sa paglipas ng panahon.


"Isang libo isang buwan. One month deposit, one month advance. May poso sa dulo, lahat pwedeng umigib doon. Piso isang timba. Sa kuryente naman, may metro." Ani Aling Meding, ang landlady ng maliit na kuwarto na tinitingnan namin.


"X, may pambayad ka ba riyan?" bulong ko sa kanya.


Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Meron."


Sabagay, marami siyang raket. Ayaw ko mang maalala ang isa sa mga pinakaayaw kong raket niya ay kailangan ko ng tanggapin na parte iyon ng nakaraan niya. Sana nga ay wag niya ng balikan pa ang nakaraan na iyon.


Sinamahan kami sa loob ng studio type na bahay ng landlady. "Ito, isang kuwarto ito. Wala nga lang kisame, pero malilim naman kasi nasa ilalim ng puno ang bubong. Saka may sarili itong banyo kayo hindi kayo mahihirapan."


"O ayan, may maliit na lababo," turo ng landlady sa kinakalawang na lababo sa gilid ng kuwarto. "Ipapagamit ko sa inyo ng libre ang papag, hindi naman na ginagamit iyan. Ingatan niyo na lang, pwede niyong bilhan ng kutson kong nais niyo."


"Salamat po." Ani X. Naglabas siya ng pitaka mula sa likod na bulsa ng kanyang kupasing jeans. Binayaran niya ang advance at deposit kay Aling Meding.


"O siya, iwan ko na kayo."


Nang umalis na si Aling Meding ay magkatulong naming nilinis ang bago naming tirahan. Nag-igib si X sa pinahiram na timba samin ng kahera saka ibinuhos sa sahig ng bahay. Mamaya ay bibilhan namin iyon ng linoleum sa palengke.


Matapos maglinis ay nagbihis kami at saka lumabas. Nasa amin na susi pero balak ni X na bumili ng bagong padlock para raw mas safe. Bago mamili ay kumain muna kami ng lomi sa bayan.


"Masaya ka ba?"


Natigil sa ere ang kutsara at napatingin ako kay X. Nakatingin pala siya sa akin. "Oo naman..."


Nang ngumiti siya ay pakiramdam ko'y wala ng papantay sa kasiyahang nadarama ko sa mga oras na ito.


Alam ko na nagsisimula pa lang kaming dalawa. Alam ko na marami pa kaming pagdaraanan at marami pang malalaman sa isa't isa, pero kahit ganon ay alam ko ring hinding-hindi ako magsisisi na sumama ako sa kanya.


Pagkakain ay sumakay kami ng tricycle papunta sa bagong palengke ng Taytay. Mas mura raw kasi ang mga paninda ron. Lalo na ang mga damit. Napansin kasi ni X na iilang piraso lang ang damit ko.


"Ganda, Pogi, ito overrun. May boxers din saka mga panty at bra." Hinila kami ng tindera papasok sa maliit nitong pwesto.


Agad na namili si X sa mga nakahanger. Kumuha siya ng ilang pirasong T-shirt na tig one-hundred-fifty pesos, Abercrombie & Fitch ang tatak niyon. Cotton. Kumuha rin siya ng ilang shorts para sa akin.


"X, baka mahal na 'yan..." awat ko sa kanya.


"Kailangan mo ng mga damit." Hindi siya nagpasaway, kumuha pa siya ng tatak ay Gap, mga cotton na bestida. May mga etiketa pa iyon.


"Mura na iyan, 'Neng." Sabat ng tindera. "Branded iyan, overrun lang. Pumunta ka sa SM, limang daan iyang T-shirt sa Surplus, sa Department Store nasa four-hundred."


"Kumuha ka rin ng sa'yo..." hinila ko ang laylayan ng T-shirt na suot ni X. "Konti lang din ang damit mo, e."


Ngumiti siya saka pumili ng dalawang T-shirt na Lee. Two-hundred ang isa niyon. Kumuha rin siya ng isang cargo shorts at sinturon.


"Pumili ka ng panty," bulong ni X sa akin.


Namula ang mukha ko. "Ha?"


Ngumisi siya. "Tatlo lang iyong panty mo, e."


Napatungo ako sa hiya. Hindi na ako nag-inarte pa, namili ako ng panty na tingin ko ay kakasya sa akin. So-En ang kinuha ko. Limang piraso lang, lalabhan ko na lang palagi.


"Bra, Triumph saka AVON." Binigyan ako ng tindera ng pagpipilian. "Ano bang size mo?"


Hindi ko alam kung paano sasagot dahil nakatingin sa akin si X, tila ba hinihintay niya na sagutin ko ang tindera sa tanong nito.


"36 B po..." mahinang sabi ko. Inirapan ko si X ng makitang ngingisi-ngisi siya.


"Anong tinatawa-tawa mo riyan?" sita ko sa kanya.


Hinawakan niya ako sa bewang pero agad kong tinampal ang kamay niya.


Pinandilatan ko siya. "Malakas ang kiliti ko diyan!"


Inakbayan niya na lang ako. Inaamoy-amoy niya ang buhok ko. "Mamaya ituro mo sa akin kung saan pa iyong ibang kiliti mo, ha."


"Tse!" Humiwalay ako sa kanya at saka namili ng mga kulay para sa bra. Ilang na ilang ako kasi alam kong nakamasid si X sa akin.


Nang matapos mamili ay ibinalot ng tindera ang mga binili namin. Bitbit ang mga plastic bag ay lumipat naman kami sa kabilang tiyangge, naroon kasi ang tindahan ng mga plastic na plato at baso.


Nakakainis kasi parang kinikiliti sa tumbong iyong mga tindera rito habang nakatingin kay X.


"Hala bat ang pogi naman niya, Ate," feeling close na sabi sa akin ng bagets na tindera.


Nagtagis ang mga ngipin ko. Sa pagkakasabi niya ng pogi si X ay para na rin niyang sinabi na pangit ako at hindi kami bagay ni X.


"Baka naman buntis si Ate at di hiyang," bulong ng kapwa nito tindera na hindi man lang nag inisip na maririnig ko ang comment niya.


Sabay pa akong pinagmasdan ng dalawa. Nakakaimbyerna!


Ito ang hirap kapag masyadong guwapo ang kasama mo at hindi ka kagandahan, kung ano-anong panghuhusga at panlalait ang matatanggap mo. Kasalanan ko ba na maitim ako? Na malaki ang mga mata ko? Na malaki ang bunganga ko? Na dry ang buhok ko?


Nagulat ako ng akbayan ako ni X. "Lalaki kasi ang anak namin."


Ano daw?


Nang tumalikod ang mga tindera ay inis na siniko ko siya. "So sinasabi mong pangit ako?"


Tumawa siya. "Anong pangit ka? Anong akala mo sa akin? Walang taste?"


Pinandilatan ko siya. Napahalakhak lang si X.


Namumula ang mukha na tumungo na lang ako. "Pilyo ka!" Pero deep inside ay kinikilig ako at kinakabahan dahil sa sinabi niya. Magsasama na kami sa iisang bubong, ano nga ba ang ginagawa ng babae at lalaki kapag napag-iisa sila? 


Natatawang inakbayan niya ako. "Halika na, bilhin na natin ang kulang para makauwi na tayo. Excited na akong umuwi."


"Sige na nga." Tumawid ulit kami ng kalsada para makapunta sa isa pang malawak na palengke. Magkakaharap kasi rito ang mga tiyangge at palengke.


Parang ang dami pang gustong bilhin ni X gayung hindi na kami magkandaugaga sa bitbitin namin. Magta-tricycle naman daw kasi kami pauwi.


"Baka maubos na ang pera mo..." nasilip ko kasi ang pitaka niya, parang mga tig bebente at dalawang libo na lang ang laman.


"Pag wala na tayong pera, kanta na lang tayo sa jeep." Sabi niya saka kumindat sa akin.


"Parang ginagawa ng mga Badjao?" Ganun kasi iyong mga jeep dito, palaging may umaakyat na mga batang may dala na lata. Mga badjao na nanghaharana sa mga pasahero.


"Mabait tayo, kaya hindi tayo Badjao."


"Ha?"


Ngumisi siya. "Goodjao tayo."


Saglit akong napaisip bago ko nagets ang sinabi niya. "Ay, korni ng manong, o!"


Sumimangot ang kanyang guwapong mukha. "Ang pangit ko ba mag-joke?"


Lumabi ako at tumango.


"Pano kita patatawanin niyan?" lumabi rin siya.


Natatawang sumandig ako sa kanya. "Wag kang mag-alala, kahit korni ka, masaya naman ako na kasama ka."


Hindi ko akalain na darating sa pagkakataon na makakausap ko siya ng ganito. Ganito kagaan. Na madaldal din pala itong poging 'to. Hay, ang sarap isipin na darating ang mga araw na mas makikilala ko pa siya nang husto. Mas mamahalin ko pa siya nang husto, sigurado ako.


Hindi mabura-bura ang pagkakangiti ko habang namimili kaming dalawa. Lahat yata ng joke ni X ay bumebenta sa akin kahit pa ang totoo ay puro korni at sabaw iyon. Okay lang na waley ang jokes niya, bawing-bawi naman sa kaguwapuhan at kabaitan.


Masayang-masaya talaga ako. Hindi ko akalain na sa kabila ng mga kamalasan ko sa buhay ay suswertehin ako bigla dahil siya ang lalaking nagmamahal sa akin at minamahal ko rin.


Ano ngayon kung magsasama kami ng hindi kasal? Ang importante naman ay nasa tabi ko siya. Saka kalabisan na siguro kung hihilingin ko pa na pakasalan niya ako. Makokontento na lang ako sa ganito, ang importante naman ay magkasama kaming dalawa.


"Pabili pong planggana, tabo at timba." Huminto kami sa stand kung saan walang masyadong bumibili. Ito na ang last na bibilhin namin. Nakaarkila na rin kami ng tricycle na special para sa mga pinamili namin.


"O pili na, matitibay iyan."


"Misis, pili na." Kinalabit ako ni X sa bewang.


Inis na siniko ko siya. Alam naman niyang may kiliti ako sa bewang doon pa ako kinalabit. Ang pilyo talaga!


Ngiting-ngiti siya ng hilahin niya ako at akbayan. "Pili na nga, Misis ng makauwi na tayo."


"Kow! Ka-swi-sweet naman ng mga customer ko!" Nakangisi sa amin ang tindero. "Bago ba kayong mag-asawa?"


Si X ang sumagot. "Opo."


"Kasal na kayo?"


"Magpapakasal pa lang po, pinag-iipunan na po."


Gulat na napatingin ako kay X dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan iyon.


Kumunot ang noo ni X. "Bakit? Anong nakakagulat don, Misis? Iniisip mo na wala akong balak na pakasalan ka?" Wala ng ngiti ang mga labi niya. Seryoso siya habang nakatunghay sa aking mukha.


"X..." Maluha-luha ako habang nakatingala sa kanya.


Hinaplos niya ang pisngi ko. "Papakasalan kita, Rita..."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2M 135K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
1.7M 33.6K 62
She's just a simple girl with a crazy twin brother who asked for her help to disguise as him. But she didn't know that disguising as her twin brother...
189K 8.8K 30
Captured by a man who despises her, Aiko doesn't know how to escape the situation that she is in. But as she spends more time with Pocholo Saavedra...