Im Living Up With My Legendar...

By Kayehannah23

15.6K 352 8

Don't stop when you're tired,stop when you're done.You may see me struggle,but you will never see me quiting"... More

PROLOGUE
I-1
II-2
III-3
IV-4
V-5
VI-6
VII-7
VIII-8
IX-9
X-10
XI-11
XII-12
XIII-13
XIV-14
XVI-16
XVII-17
XVIII-18
XIX-19
XX-20
XXI-21
XXII-22
XXIII-23
XXIV-24
XXV-25
XXVI-26
WAKAS

XV-15

270 8 0
By Kayehannah23

Maaga akong nagising. Sobrang exited na akong ipakilala ni Nikki sa Mama niya. Sa tagal na taon na pagiging magkaibigan kami ngayon niya lang ako nagawang ipakilala sa Mama niya pero inintindi ko lang yun baka may dahilan si Nikki bakit niya yun ginawa.




Pagkagising ko agad akong namili ng damit sa closet ko dapat disente akong haharap sa Mama niya at dapat maganda ako sa paningin ng Mama ni Nikki.




Agad kong sinubukan ang napili kong kulay Itim na dress at pinarisan ko rin ng stilleto na kulay Itim rin. Pagkatapos kong makapili nilagay ko muna ito sa isang tani para madali ko nalang itong makita mamaya.



Hindi ko alam kung anong oras ako dadalhin ni Nikki sa bahay nila pero kung makapaghanda ako parang aalis na kaagad kami, mas mabuti ng handa ako. Sobrang saya lang talaga ako kaya nagkakaganito ako



Bumaba narin ako para magluto ng makakain namin ni Nikki sa umagahan. Nagsaing na rin ako at tanging Bacon at Hotdong lang yung niluto ko.,Pagkatapos ko sa pagluto ng umagahan nag-init na rin ako ng tubig para mamaya sa kape ni Nikki.



Pero bago ako dalhin ni Nikki sa bahay nila hindi pwedeng wala akong dalhin doon kaya masaya akong nagbake ng Cake at Cupcake.



""Exited ka ata ahh""



Nakita ko si Nikki na kagigising lang at umupo sa stool habang nakikita niyang hinuhulma ko yung Cake at nilalagay yung cupcake sa oven.



""Syempre makikilala ko na yung Mama mo""Masaya kong sabi.


Kumuha siya ng tinidor at tinusok yung hotdog na niluto ko""Para saan naman yan""Tanong niya sa ginagawa ko.



""Dadalhin ko kay Tita""



""Wow Tita huh""


""Oo naman""Nakangiti kong sabi.


""Hindi yun sanay na tinatawag na Tita, dapat madam""Aniya.


Napa angat naman yung kilay ko"" Ano kayo Royal family?""


""Ganon na nga""


Umusmid lang ako sa kaniya"" Uloks mo Nikki ang aga ginagago mo ako""



Pagkatapos kong gawin yung cake agad ko namang ipinasok yun sa Oven at medyo hindi pa luto yung cupcake na pinasok ko.


Kumuha na ako ng plato para sa mag-agahan na kami ni Nikki. Kinuha ko na rin yung kanin sa rice cooker at pinagtimpla ko pa siya ng kape.



""Nice parang prinsesa ako ah""Sabi ni Nikki na halos pinapaupo ko lang siya at ako lang yung nagsisilbi sa kaniya.



""Syempre ikaw na naman mamaya yung magsisilbi sa akin""Kinindatan ko siya at natawa.



""Bakit gustong gusto mong makita yung Mama ko?""Tanong ni Nikki.



Natigilan ako sa tanong niya. Gusto ko lang talaga na sana pagnakilala ko na yung Mama niya sana ituring din niya akong anak para maranasan ko ring magkarion ng nanay kahit papaano.



Nalungkot yung mukha ko""Bukod sa dahil gusto ko makita yung Nanay ng kaibigan ko gusto ko rin maramdaman ng may nanay kahit papaano""kwento ko sa kaniya.



""Hayaan mo sasabihin ko kay Mama na amponin ka namin""


Parang magtatalon ako sa narinig ko kay Nikki""Talaga?""Masaya kong tanong.



Nakangiti siyang tumingin sa akin at tumango""Oo para kapatid na kita""



Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sobrang saya ko talaga na ganom yung gusto ni Nikki. Nahihiya man ako sa kanila pero gusto ko lang maramdaman ang may pamilya.



""Nakakahiya naman dagdag pakain ako""



Binatukan niya ako""Nahiya pa""



Habang kumakain kami bumaba muna ako sa stool at kinuha yung Cake at cupcake. Nilagay ko muna sa lamesa ito para lumamig at bumalik na ako sa pagkain.




Nang matapos kaming kumain ni Nikki hindi ko siya pinapatayo sa kinauupuan niya minsan sinusubukan niyang tumayo pero pinipigilan ko lang siya.



Tanging ako yung nagsilbi sa kaniya ngayong umaga pati paglagay ng inumin sa baso niya ginawa ko rin at ako rin yung naglagay ng plato niya sa lababo at hinugasan ko naman ito.



""Wag mong sabihin na pati sa paglakad ko ikaw parin""Sabi niya kaya natawa naman ako.




Pagkatapos kung maghugas medyo hindi naman na mainit yung binake ko kaya nilagay ko ito sa Box ng Redvelvet cake na binili ko sa mall buti nalang hindi ko tinapon yung box. Yung cupcake naman nilagay ko sa tupperware at nilagay ko muna sa Ref ang mga ito para lumamig





""Anong oras ba tayo pupunta sa bahay niyo?""Tanong ko sa kaniya habang papunta kami sa sala.




""Dinner""





Nadismaya ako sa sagot niya akala ko ngauong tanghali na kaya sobrang exited ko pero ayos lang basta madala niya ako sa bahay nila.




""Ayos lang?""Tanong niya sa akin.




Ngimiti ako sa kaniya at nag thumbs up""Ayos na ayos""sabi ko.



Pagkarating namin agad namang dinampot ni Nikki yung gitara sa tabi ng Piano na naka display lang, hindi naman nagagamit yun dahil hindi naman ako magaling sa pagtugtug.




""Marunong ka?""Tanong ko sa kaniya na kinakalabit ang string.




Tumango siya sa akin""Oo""




Inayos niya na ang gitara sa pagkakalagay sa kaniyang hita. Napangiti ako ng kinilabit niya yung gitara na pamilyar sa akin ang tunog




Neujeun bam sure chwihan ni moksori mwonga



Napapangiti ako ng marinig kong kinanta niya yung unang lyrics. Sobrang ganda yung boses niya sa ilang taon namin pagsasama ngayon ko lang narinig yung mala anghel niya boses. Ang dami ko ngang walang alam sa kaniya.





seulpeun iri isseotnabwa

ni gyeote geu saramgwa mani datwottamyeo

naege wirohae dallaneun neo


neo animyeon na jung han myeongeun babo

tteonajido dagagajido mothago

geureul baraboneun neol barabomyeo

nae jashineul dallae nunmuri goyeo




Smoth smoth niyang kinanta yung bawat lyrics. Nakapikit pa siyang kinakanta yun na damang dama yung kanta kahit hindi ko maintindihan pero sobrang sarap pakinggan.





Napatigil siya sa pagkalabit at minulat yung mata niyang nakatingin sa akin at nakangiting kinanta yung




Cause yo so beautiful to me




Kanta niya sa lyrics na ikinakilig ko naman.





Pagkatapos niyang kantahin yun nagpatuloy ulit siyang kumanta at napapikit ulit.




gyeolguge urin chinguro

aiyayaniga geujeo kkumiramyeon

yeppeugo seulpeun kkumira hal tende

Why yaiyageu dalkomhan moksoriro
neon naege malhae.

You are my best friend




Mas lalo niyang ginandahan yung boses niya sa huling kanta niya sa lyrics kaya kilig ako sa kinanta niya.




Ito palang yung unang pagkakataon na kinantahan niya ako tapos ganito pa yung kanta.

(Ikon-Bestfriend)






Napahinto siya sa pagkanta pero patuloy parin yung pagkalabit ng daliri niya sa gitara habang nakatingin sa akin.




""Sa ilang taong magkasama tayo, ngayon ko lang narinig yung boses mo""




""Ganda ng Hidden talent ko noh""Pagyayabang niya sa akin.



""Ano pang talent mo yung hindi ko alam""tanong ko sa kaniya.



""Marami pa""Pagyayabang niya.




""Pakita mo nga""paghahamon ko sa kaniya.




Tumigil siya sa pagkalabit ng gitara""Wag na baka mamangha ka pa lalo sa galing ko.



"""Ayan na naman si kayabangan""



"May ipagyayabang naman""Sagot niya.




Nilapag niya yung gitara sa sofa at nahiga.




""Ano pa ba yung hindi ko alam sayo""pranka ko sa kaniya.




Lumingon siya sa akin""Marami pa""seryoso niyang sagot.



Ano pa kaya yun? Kaibigan ko ba talaga to?




""Paborito mong kulay?""Tanong ko sa kaniya.




Nakita ko yung pag-irap ng mata niya""Hindi ba obvious""




Ang bobo ko bat ko pa yun tinanong. Halatang halata naman kung anong kulay yun. Halos lahat ng gamit niya ganong kulay.




Tumayo siya sa pagkakahiga niya sa sofa at tiningnan ako""Tara salon""Boring niyang sagot kaya agad naman akong sumunod sa kaniya.





Pagkapasok ko sa sasakyan niya naalala ko yung nangyari kahapon dahil sa pareho sila ng sasakyan.




""Alam mo-""




""Hindi ko alam""





Hindi pa ako nakakatapos sa sinabi ko nakisabat na siya.



""Tangina mo!""Mura ko sa kaniya...""Kahapon nong nagyari sa starbucks may naghatid sa akin babae parehong pareho kayo ng sasakyan""kwento ko sa kaniya.




Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho""Baka idol niya ako""Nakangisi nitong sabi





""Wews""




Hindi nalang kami nag-imikan pagkatapos ng sagutan namin. Pagkarating namin sa salon agad niya namang sinabi na magpapakulay siya ng ash blonde kaya ako sinabi ko rin na magpapakulay din ako ng Ash gray..




Pagkatanggal ng tali ni Nikki kitang kita yung bagsak niyang buhok hindi na kailangan i-relax sa ganda ng buhok noya kaya diretso na itong pinakulayan.





Habang kinukulayan ako natulog muna ako dahil matagal pa naman.......




Pagkagising ko tapos na yung kulay sa buhok namin. Ang ganda tignan kaya panay suklay ko ito gamit yung daliri ko. Nagbayad na si Nikki at lumabas na kami sa salon. Pagkalabas namin medyo mag-gagabi na.




Nagpunta muna kami sa bahay ko para magbihis si Nikki naman hinintay niya ako sa sala.



Agad akong nagbihis at naglagay ng light make up hindi naman medyo matagal yung magbihis ko..




""Nice nakadress""puri ni Nikki.




Hanggang sa makalapit ako sa kaniya naglakad ako na parang model at sinunod ko pa yung lava walk ni Catriona.




""Ang rangal mo ngayon""




""Bakit di ba ako marangal""




""Tara na""sabi niya at lumabas na.




Pagkalabas ko sa gate tumayo muna ako sa labas, hindi ko ito sinarado kaya yung mukha ni Nikki parang nag-aalburuto na""Ano na?""Inis niyang sabi.





""Isara mo yung gate""utos ko sa kaniya.




""Tangina mo Brie dami mong alam""





""Diba pagsisilbihan mo ako""Sabi ko at ginantihan siya ng isang magandang ngiti kaya kahit inis na inis siya padabog niyang sinarado ito.




Kahit hindi ko sinabing pagbuksan niya ako ng pintuan ginawa niya nalang kaya natawa ako.


""Salamat, alipin ko""



""Tangina mo""Napahalakhak naman ako.




Nagmaneho na siya papuntang bahay nila ng makarating kami, Namangha ako sa ganda.



Nauna na siyang lumabas pero ako hindi pa hinihintay ko pa siyang pagbuksan niya ako.




Sumilip siya sa bintana""Diyan ka nalang ba?""Inis niyang sabi.



""Yung pinto""turo ko sa sasakyan niya.




""Tangina mo Brie yung kaartehan mo""Padabog niya akong pinagbuksan yung ng sasakyan.





""Red Carpet?""Pang-aasar ko sa kaniya bago lumabas




Napabuntong hininga siya at napakamot sa ulo""Putangina mo Brie isa pa""Inis niyang sabi kaya natatawa akong lumabas.




Binati si Nikki ng guard nila pero dirediretso lang siya hindi niya ito pinansin grabe talaga yung ugali niya.




""Hi Manong""Bati ko sa guard nila.




""Dalian mo na""Sigaw sa akin ni Nikki na malayo na yung agwat namin.



""Ito na""sigaw ko at lakad takbo akong pumunta sa kaniya. Nang magkatabi na kami agad ko namang hinawakan yung braso niya.




""Bat ko pa kasi naisip na dalhin ka dito""sabi niya bago buksan yung pintuan.




Pagkabukas niya ng pintuan parang walang tao. Sobrang laki ng bahay nila kaya pwede kang maligaw kung hindi mo alam yung pasikot sikot dito.




""Umupo ka lang diyan""Aniya at umakyat sa taas.





Habang wala si Nikki nilibot ko muna yung paningin ko sa bahay nila. Hindi naman sa parang manol ako pero parang ganon na nga. Parang pati sofa nila nakakatakot upuan sa sobrang ang mahal tingnan,tapos yung vase nila na parang nakakatakot lapitan baka mabasag. Tumingala ako nakita ko yung ang ganda at mamahaling chandilier. Hindi ko akalaing ganito kayaman yung kaibigan ko.






""Hintayin nalang natin si Mama nagbibihis pa siya""Sabi ni Nikki.





Habang naghihintay nasagi ng mata ko ang napakagandang painting kaya nilapitan ko ito""Saan niyo to binili""Tanong ko habang nakatingin sa painting.






""Ako gumawa niyan""Simple niyang sagot pero natawa ako.





""Ikaw?""Turo ko sa kaniya...""Gumawa niyan?""Hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.





Sobrang galing ni Nikki mag painting.Sa tagal naming magkasama wala talaga akong kaalam alam sa kaniya.





""Anong bagay pa yung hindi ko alam tungkol sayo?""Tanong ko at nilingon siya.





""Marami pa nga""Serysoso niyang aniya.





Kelan ko kaya malalaman yun.




Nilipat ko ang mata ko sa isang painting nakamay at may dugo pero kahit ganon ang ganda tingnan ang creepy nga lang.





May narinig akong pababa na sa hagdan pero hindi ko muna nilingon patuloy parin ako sa pagtingin ng mga magagandang painting.




""Ma kaibigan ko nga pala""Rinig ko sabi ni Nikki kaya agad akong humarap.Nakita ko yung ang ganda ng ngiti ng Mama niya.





Napatigip ako ng makita ko kung sino yung babae.





Parang matutuwa ako o maiiyak,hindi ko alam yung gagawin ko sa nakita ko.Hindi ako makapaniwala baka isang guni guni lang to kaya paulit ulit ako pumikit pero ganon pa din.





Yung kaninang nakangiti kong labi ay napalitan.





""M-ma""sambit ko at naiyak.





""Magkakilala kayo?""Nagtatakang tanong ni Nikki.





Mas lalo akong umiyak ng umiling yung Mama niya""Hindi anak ngayon ko lang siya nakita""Simple niyang sagot pero sobrang sakit nong tama sa akin.




""Ayos ka lang Brie?""May pag-aalalang tanong ni Nikki na patuloy sa pag-agos yung luha ko.





""Ayos ka lang ija""sambit ng Mama niya at inalo ako kaya mas lalo akong naiyak sa ginawa niya.




""Baka sumama lang yung pakiramdam niya Ma""Si Nikki




Hindi ko na talaga kaya. Kaya tumakbo ako palabas ng bahay nila at napaupo sa labas ng gate doon ko ibinuhos yung luha ko.





Sobrang sakit lang na ngayon ko lang siya nakita pero hindi niya pa ako kilala tsaka yung mas malupit pa nanay siya ng kaibigan ko.




""Ano ba yung nangyari sayo Brie?""Tanong ni Nikki.



Tiningala ko si Nikki""M-masama lang yung pakiramdam ko""Sabi ko sa kaniya.




""Ihahatid na kita, hintayin mo lang ako diyan""Sabi niya at pumasok ulit sa bahay nila.




Parang matutuwa ako dahil nakita ko na siya pero ang sakit parin ng dulot sa akin.




""Sakay na""Sabi ni Nikki na huminto yung sasakyan niya sa harap ko at pinagbuksan niya pa ako kaya sumakay na ako.




""S-sorry sa ikinilos ko""sabi ko sa kaniya.




Nilingon niya ako haabng nagmamaneho""Ayos lang alam ko naman kung bakit ka nagkaganon""sabi niya.





Hindi mo alam Niks,Akala mo nagkakaganon ako dahil naaalala ko lang yung Mama ko sa mama mo pero iba Niks.




""Nadala lang ako""Sabi ko.




Pagkailang minuto nakarating na kami sa bahay, hindi mun siya umalis hanggang hindi pa ako nakakapasok sa loob ng bahay. Nang nakapasok na ako nakita ko rin ang pag-alis ng kaniyang sasakyan.




Merong saya na dinala ako Nikki sa bahay nila dahil nakita ko siya pero nakakaiyak lang at meron ding nagsisi ako na bakit dinala niya ako. Sana hindi niya nalanga ko dinala doon, sana hindi ako nagkakaganito ngayon.





Pagkapasok ko inalis ko yung stilleto ko at dumiretso na ako sa kwarto ko. Bago ko pa hubarin yung suot ko tiningnan ko muna yung sarili ko sa salamin. Sayang lang yung pagpapakulay ko ng buhok at pagsuot ng maayos na damit kung ganon lang pala yung pahahantungan.




Hinubad ko lahat ng suot ko at pumasok sa bathtub. Sobrang ganda sa pakiramdam ang katamtamang lamig ng tubig parang naunuot sa balat ko, parang sobrang pagod ako sa nangyari kaya hinayaan ko muna yung sarili ko na nakalublub sa bathtub at umidlip.




Magkapatid kami ni Nikki?



                          💧💧💧💧💧

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 58.5K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
267K 8.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...