Taming You

Galing kay pwendly_pink

6 1 0

MANHID siya sa paligid niya. Ang SUNGIT na parang may dalaw araw-araw. Sino kaya ang magiging matapang upang... Higit pa

#1

6 1 0
Galing kay pwendly_pink

Lyra Jean Delos Reyes

Nagmamadali akong nagbibihis.

Hindi ko alam kay Nanay Beth. Pinapadali ako.

"Hoy Lyra! Laksiha dida!" Sigaw ni Nanay Beth. (Trans: Hoy Lyra! Bilisan mo diyan!)

Napangiwi naman ako. Ginamit na niya ang language niya na hindi sinasabi sakin kung ano. Pero naiintindahan ko naman.

-___-

"Opo Nay!" Sigaw ko pabalik at mabilis na nagbihis.

Pagkatapos non ay bumaba na ako. Baka hambulusin ako ni Nanay Beth ng tsinelas 'pag hindi pa ako bumaba.

Harsh talaga ni Nanay Beth.

-___-

Pero mabait naman. Hehehe.

Dumiretso na ako sa hapagkainan. Pero palapit palang ako ay naririnig ko na ang ingay ng mga pinsan ko.

Grabe, wala ba silang bahay at dito pa kumain?

Narinig ko pa ang pag-aaway ng kambal at mga tawa ng pinsan ko.

Pumunta na ako doon at umupo na. Hindi ata ako napansin.

Bahala sila. Tsk.

Nakinig nalang ako sa away ng kambal kong pinsan.

"Jhonna, alam mo naman na mas cute si Pikachu kesa kay Snorlax."

"Johann, alam mo naman na mas cute si Snorlax kesa kay Pikachu."

"Hindi ako makakapayag! Mas cute si Pikachu!"

"Hindi rin ako makakapayag! Mas cute si Snorlax kesa kay Pikachu!"

"Mas cute nga si Pikachu!"

"Mas cute nga si Snorlax!"

"Si Pikachu nga!"

"Si Snorlax nga!"

"Pikachu nga!"

"Snorlax nga!"

"Pikachu!"

"Snorlax!"

"Tumahimik nga kayo!" Sigaw ni Janna. "Mas cute si Waddles!" Habol pa niya.

-___-

Akala ko naman ay ipapatahimik niya ang kambal. Ginatungan pa niya.

Bwiset.

Tumawa naman ang iba kong pinsan. Mabuti pa si Lily, ang tahimik. Tumitingin lang sa kanila pagkatapos non ay yumuyuko na. Pero weird lang siya.

Masanay nalang kayo na ang tahimik niyan.

Ngumiwi naman ang kambal.

Napairap naman si Jhonna. "Yucks! Si Waddles?! Eh, baboy yun!" Sabi niya.

"Eww! Baboy!" Gatong pa ni Johann.

Geez. Ang babaw naman ng pinag-aawayan nila. Mas cute pa nga ang mga care bears.

Sige. Makisali ka sa kanila Lyra-pot.

-___-

"Mataba naman sa inyong paningin ngunit cute pa rin!" Sabi ni Janna at bumangon pa galing sa upuan.

Nagpalakpakan naman ang mga pinsan namin.

Mga gago.

"Grabe! Nagbago na ang pananaw ko sa buhay dahil sa sinabi mo!"

"Sh*t! Nakaka-inspire ang sinabi mo Janna!"

"Nakaka-inspire talaga sa buhay ang sinabi mo Janna!"

Mga gago talaga. Tsk.

Nag-bow naman si Janna na parang proud na proud.

Umirap naman ako at inabot siya para batukan.

"Aray!" Sabi niya at hinawak ang batok. "Sino ang bumatok sa akin?!" Tanong niya.

Tumahimik naman sila at tumingin sa gawi ko. Hindi ko sila pinansin at pumunta na lamang sa kusina.

Nakita ko si Nanay Beth. Hindi niya yata ako napansin kasi kumakanta at sumasayaw pa siya habang nagluluto. Tinignan ko naman ang ibang katulong.

Nag-senyas sila sakin na tumahimik. Narinig ko pa ang mga hagikhik nila.

Napailing nalang ako.

Lumapit ako sa likod ni Nanay Beth.

"Nay Beth." Tawag ko sa kaniya.

Natawa naman ang ibang katulong pati rin ako natawa. Ang reaksyon kasi niya ay parang nakakita ng multo tapos tumalon pa siya ng bahagya.

"Juskopong bata ka! Bakit ka nanggugulat?!" Sabi niya at tumingin sakin ng masama.

-___-

"Nanay, kanina pa ako dito. Hindi mo ako napansin kasi feel na feel mo diyan." Sabi ko habang tinuturo ang linuluto niya.

"O bakit ka andito?" Tanong niya at nagluto ulit.

Umupo ako sa upuan dito sa kusina. "Bakit sila nandito?" Tanong ko.

Napabuntong hininga naman siya at pinatay ng kalan. Lumapit naman siya sakin at hinawakan ang pisngi ko. "Anak naman, sila nalang ang pamilya mo. Alam mo naman kung nasaan na ang magulang mo diba? Napag-usapan na natin to." Sabi niya.

Kumunot naman ang noo ko. "Andito ka naman Nanay Beth. Alam ko naman na masaya na sila papa at mama kung nasaan man sila." Sabi ko at yumuko.

"Lyra..."

Tumayo naman ako at ngumiti sa kaniya. "Huwag kang mag-aalala Nanay beth." Sabi ko at naglakad na pabalik sa mesa.

Pagkarating ko roon ay tumahimik sila. Umupo nalang ako at yumuko.

"Umm.. Lyra, okay ka lang ba?" Tanong ni Janna.

Tumango lang ako pero nakayuko pa rin.

Pagkayuko ko ay nagpatuloy na sila sa pagiingay nila.

Grabe wala ba silang pagkain?

Tanungin ko muna si author kung explain ko pa sa inyo ang mga pinsan ko. Teka lang mga pre...

Author, explain ko pa sa kanila ang mga pinsan ko?

(A/N: Dipende..)

Anong dipende?

(A/N: Kung tamad ka o hindi.)

Grabe ka naman author.

TT3TT

Explain ko nalang sa inyo kung sino sila. Mabait naman ako. Hindi parehas sa iba diyan na tinatawag pa akong tamad.

(A/N: Wala akong sinabi na tamad ka. Pero tamad ka naman talaga.)

Tse!

-___-

So... Ito na. Si Waddles-- este si Janna Marie Delos Reyes ay pinsan ko. Parehas kami ng edad pero adik yan sa show na Gravity Falls at fan siya ni Waddles

Sina Mae Jhonna at Mia Johann ay kambal na adik sa Pokemon. Pero hindi sila magbati kapag sino ang cute sa favorite nila. Katulad nalang kanina. Actually, magkapatid sila nina Janna. Two years gap sila ni Janna ang ate nila.

Hindi ko alam kung bakit nanonood sila ng cartoons. Sabagay, si Tita Jane nga nanonood pa ng Phineas and Ferb sa edad niyang 42 pati na rin si Tito Marco nanonood nalang din dahil sa kanilang apat na babae.

May Kuya pa sila. Loko-loko yun. Si Mark Johnrie Delos Reyes. Adik sa pangongolekta ng horror novels. Mahilig rin mang-asar samin.

Si Lily Delos Reyes naman ay tahimik lamang iyan, pero kung magsalita matakot na kayo. Ang creepy kasi ng boses niya, parang nangongonsensya. Magbati naman sila ni Kuya Johnrie, kasi collector din siya ng horror novels. Kahit na maingay naman.

May kapatid pa yan.

Bakit ba andami ng pinsan ko author?

(A/N: Aba, malay ko.)

Ang tino mong kausapin no?

(A/N: Salamat.)

Bwiset.

-___-

Balik na tayo. Ang kapatid naman ni Lily ay si Luke Delos Reyes. Mahilig mang-prangka yan. Pero sakin hindi, kasi natatakot yan 'pag galit ako. Ka-edad niya si Kuya Johnrie.

May pinsan pa kaming maarte. Malamang nag-shopping ng ganitong maaga. Kasi sabi niya, 'Don't waste your time, if you have time.', kaya ang ending shopping is life. Siya ay si Alexiana 'Xiana' Delos Reyes. Ka-edad niya ang kambal.

May kapatid pa yan. Ka-edad nina Kuya Johnrie. Si Alexander Delos Reyes. Basta, loko-loko rin. Pero mahilig sa mga genre na mystery/thriller.

"Waaaaaaa! Ate Lyra bakit hindi mo ako tinawag?!" May sumigaw sa labas ng dining room. Alangan naman andito sa loob.

Waley.

-___-

Napairap naman ako. Nakalimutan kong may kapatid pa ako. Siya naman ay si Lyana Janelle. Ten years old na yan.

Nakita ko pa siyang naglakad na nakanguso at masama ang tingin sakin. Ang batang to talaga.

Tumaas naman ang kilay ko. "Hoy! Ano ako?! Alarm mo?!" Tanong ko.

Umiling nalang siya at lumapit sa katabi kong upuan. Malamang sa malamang ay umupo siya, alangan namang humiga.

Kinalabit niya ako at tumingin ako sa kaniya na nakakunot ang noo. "Bakit Lyja?" Tanong ko.

Ngumuso naman siya. "Nasaan na sina mama at papa?" Tanong niya na nagpatigil sakin.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

21.6K 1K 15
Rude. Dirty. S3x , bad words only in wattpad not public on social media, โš ๏ธ not for young โš ๏ธ Writer by : SIE
33.1K 4.3K 28
sแด สœแด‡ส€แด‡ ษช แด„แดแดแด‡ แดกษชแด›สœ sแด‡แด€sแดษด ๐Ÿธ แดา“ แด›สœแด‡ แดแดsแด› แด…แด‡แดแด€ษดแด…แด‡แด… ษชแด›แด  sแด‡ส€ษชแด€สŸ แดแด€แด…แด…แด€แด sษชส€โค๏ธ..สœแด‡ส€แด‡ สแดแดœ ษขแดœสs ษขแดแด› แดกษชแด›ษดแด‡ss แดา“ แด›สœแด‡ ษดแด‡แดก แดŠแดแดœส€ษดแด‡ส แดา“ แดแด˜แด› แดแด‡แดส™แด‡ส€s แด€า“แด›แด‡ส€ แด›สœแด‡ ส™แด...
42.8K 2.9K 35
ยซ แž แžนแž€ แžขแŸ’แž แžนแž€ แŸ— แžแŸ’แž‰แžปแŸ†แž˜แžทแž“แž…แž„แŸ‹แž”แžถแž“แž”แŸ‚แž”แž“แžทแž„แž‘แŸ แžแŸ’แž‰แžปแŸ†แž…แž„แŸ‹แžฒแŸ’แž™แž”แŸ‰แžถแžŸแŸ’แžšแžกแžถแž‰แŸ‹แžแŸ’แž‰แžปแŸ†แž€แŸ’แž“แžปแž„แž“แžถแž˜แžŸแŸ’แž“แŸแž แžถแž˜แžทแž“แž˜แŸ‚แž“แžšแžœแžถแž„แž”แŸ‰แžถแž€แžผแž“ ยป ยซ แžšแžœแžถแž„แž™แžพแž„แž‘แŸ…แž˜แžทแž“แžšแžฝแž…แž‘แŸแž‡แžปแž„แž‚แžปแž€ แž”แŸ‰แžถแž˜แžทแž“แž”แžถแž“แž‚แžทแžแž›แžพแžฏแž„แž›แžพแžŸแž–แžธแž…แŸ†แžŽแž„แž”แŸ‰...
23.6K 1.8K 13
"๐š†๐š‘๐šŽ๐š— ๐š ๐š’๐š•๐š• ๐š๐š‘๐šŽ๐šข ๐šœ๐š๐š˜๐š™ ๐š‘๐šŠ๐š๐š’๐š—๐š ๐š–๐šŽ ?" ๐™ฐ ๐Ÿท๐Ÿป ๐šข๐šŽ๐šŠ๐š› ๐š˜๐š•๐š, ๐š…๐š’๐šœ๐š‘๐š—๐šž ๐šŠ๐šœ๐š”๐šŽ๐š ๐šŒ๐š›๐šข๐š’๐š—๐š ๐š‘๐š’๐šœ ๐š‘๐šŽ๐šŠ๐š›๐š ๐š˜๐šž๐š. "๐š†...