Running After A Turtle

By JhingBautista

53.8K 2.8K 571

Naranasan mo na bang magmahal ng taong mabagal? More

Running After A Turtle (one-shot)

53.8K 2.8K 571
By JhingBautista

Naranasan mo na bang magmahal ng taong mabagal?

 

Yung literal na mabagal. Mabagal maka-gets ng mga bagay-bagay sa paligid nya. Mabagal syang kumilos. Mabagal syang maglakad. Mabagal syang magsalita.

Yang kabagalan nyang taglay... yan ang bagay na ayaw ko sa kanya. Halos araw-araw ko syang kinakagalitan dahil sa kabagalan nya. Palagi kaming nali-late sa klase dahil mabagal syang kumilos. Palagi akong nahuhuli sa mga subjects ko dahil palagi ko syang inaantay maglakad.

Tuwing lunch break, inaabot kami ng mahigit isang oras dahil mabagal syang pumili ng pagkain... saka mabagal din syang kumain.

Hindi ko nga alam kung ano bang nagustuhan ko sa kanya. Hindi naman sya katalinuhan. Simple lang yung itsura nya na kung tutuusin ay wala sa linya ng mga tipo kong babae. Pero siguro nga, totoo yung kasabihan na opposites attract.

Dahil kahit anong pigil ko... hindi ko nagawang pigilan ang sarili kong mahulog sa kanya.

I have high standards when it comes to girls... pero sa lahat ng standards na yun, pinalampas ko sya. Sya yung nag-iisang exception sa lahat ng rules ko.

Hindi ko maiiwasan yun. Hindi ko magawang iwasan ang bagay na unti-unting nagiging mundo ko. Siya yung kaligayahan ng buhay ko. Sa mga simpleng bagay na ginagawa nya, nagagawa nya akong pangitiin. Isang yakap lang mula sa kanya, nawawala na ang sama ng mood ko.

Isang ngiti nya lang... nahuhulog na ang puso ko.

Kaya kahit napakabagal nya, mahal na mahal ko sya. Dumating yung time na ramdam kong ikakamatay ko kapag nawala sya. Kaya naman ingat na ingat ko ang relasyon naming dalawa. Hindi ko pinapalampas ang isang araw na magkagalit kami.

Ako na yung gumagawa ng paraan para magkaayos kami.

Siguro nga, tama ang barkada... tanga ako pagdating sa kanya. Minsan, naaawa na sila sa 'kin kapag nagkikwento ako. Kasi... palagi syang late sa date namin. Madalas sa hindi na nag-iintay ako sa kanya ng mahigit dalwang oras bago sya dumating.

Gustuhin ko mang umalis na lang at magalit... sa tuwing naiisip ko sya, napapako ako sa kinatatayuan ko. Naiinis ako pero... mahal ko sya eh. Handa akong maghintay para sa kanya. And I'll always be rewarded by her apologetic smile.

Kaya naman pala palagi syang nahuhuli... kasi nagpapaganda talaga sya para sa 'kin.

At lalo akong nahuhulog sa kanya...

Pero totoo rin yung sinasabi ng ibang tao na hindi sapat ang pagmamahal para tumagal ang isang relasyon. It needs work. It needs effort. At dapat two-way. Hindi dapat palaging ako.

Pero sa tingin ko, yun ang nangyayari.

Nakakapagod maghintay...

 

Lalo na nitong minsan. Bumili ako ng dalawang ticket para sa concert ng Maroon 5. Nataon pa kasing first anniversary namin tapos birthday ko pa. Lahat ng ipon ko na pang-thesis ko sana... napunta sa dalawang ticket na yun na ubod ng mahal.

May nakaaway pa ako dahil last pair na yun sa binilhan ko... pero para lang talaga mabigyan ko sya ng memorable na anniversary, ginawa ko lahat ng paraan para makakuha ng tickets.

Tapos ano'ng ginawa nya?

She showed up... pagkatapos ng concert. Nandun lang ako sa labas ng Araneta, naghihintay sa pagdating nya. Ang dami nyang dahilan. Kesyo hindi daw sya makapili ng damit. Nakatulog pa daw sya. Nakalimutan daw nya.

Sabi ko, "Belle, putangina! Inaksaya mo yung concert tickets! Ilang libo din ang ginugol ko para dyan!"

Tungong-tungo sya, umiiyak habang kapit-kapit yung sling ng bag nya. Ang cute nya pa naman sana nung araw na yun. First time ko syang nakitang naka-skirt.

Pero hindi ako nadala sa itsura nya dahil pikon na pikon ako. Siguro napuno na talaga ako nung araw na yun. Pressure sa thesis. Stress sa pag-aaral. Idagdag pa yung stress ko sa kanya at yung nasirang espesyal na araw sana namin.

Saka yung matagal ko ng pinag-ipunan para sa kanya. Parang nakakagago lang kasi eh. Parang wala syang pakialam sa mga effort na ginagawa ko. Parang hindi nya binibigyan ng halaga.

Ganun ba kababaw yung mga bagay na ginagawa ko para sa kanya?

"S-sorry na Jasper..." mahina nyang sabi. Nairita ako sa tono ng pananalita nya. Napakabagal nyang magsalita. Naririndi ang tenga ko.

Humugot ako ng malalim na hininga.

"May magagawa pa ba yang sorry mo? Tapos na eh! Nasayang lang ang pera ko! Hindi pa kasi ako nadala!"

"S-Sorry na..."

"Wag ka ng mag-sorry! Nakakasawa na yang sorry mo. Paulit-ulit na lang! Sincere ba yan? Nag-so-sorry ka nga pero paulit-ulit mo namang ginagawa. Ano 'to... gaguhan?"

She fidgeted. Nakatungo pa rin sya. "Babayaran ko na lang yung nagastos mo," mabagal nyang sabi.

"Wag na! Tama na Belle. Nakakasawa na!"

Bigla syang napatunghay sa sinabi ko. Yung mga mata nya namumula na kaiiyak.

"A-Ano'ng tama na?"

"Ayoko na." I said with finality. Kinuha ko yung kamay nya at inilagay ko doon yung nakuyom na tickets. Siguro nga may kababawan lang ang dahilan ko pero... iba rin pala kapag napupuno ka na. Ng gabing yun, those concert tickets made me snap.

Para akong rubber band na unti-unting ini-stretch. And that night, I snapped. Tinalikuran ko sya at iniwang nag-iisa.

Umulan pa nga pero wala akong pakialam. Ng gabing yun, galit na galit ako sa kanya. Narinig ko yung pagtama ng mga paa nya sa semento ng sinubukan nya akong habulin. Pero imbes na lingunin ko sya para antayin kagaya ng palagi kong ginagawa, nung gabing yun... binilisan ko ang lakad ko.

Takbo nya, lakad ko... pero hindi nya pa rin ako naabutan.

Ng gabing yun... nagsimulang maglaho ang lahat ng pinaghirapan kong patagalin. Sa kabagalan nya... hindi na nya ako nagawang habulin. I graduated first in my class and I immediately went to the states to pursue my dream. I went away to a place where she can never come after me.

Yung mga kagaya nyang hindi mabilis maka-pick up, mahirap makipagsabayan sa ibang bansa. Nakayanan ko yun ng ilang taon. Ilang taon kong ipinagpipilitan sa kokote ko na hindi ko na sya mahal. Pero mahirap pala kapag walang closure.

Hindi kasi kami officially nag-break. Basta ko na lang syang iniwan. At alam kong ang sama-sama ng ginawa ko. Nakokonsensya ako. After all, may isang taon din naman kaming pinagsamahan. Napasaya nya rin naman ako kahit papaano.

One day, I decided to take a leave from work at umuwi ng Pilipinas. Magpapasko na naman...

Ng makarating ako ng Pilipinas, a mutual friend of ours informed me na may boyfriend na daw sya. Hindi ko alam kung bakit parang nasaktan ako. Dapat ba akong masaktan? May karapatan ba akong masaktan kung ako naman yung nang-iwan?

If there is ever another guy who could make her smile again after what I did, hindi ba mas deserved sya ng taong yun? Kinakain ako ng selos... pero ito na siguro yung karma ko.

Yung mutual friend namin ang nag-imbita sa 'min sa isang salo-salo. Ikakasal na kasi yun kaya nag-aaya. A part of me didn't want to come. Alam kong masasaktan ako kapag nakita ko sya ulit... kasama yung bago nya. Pero... parang may sariling utak ang puso ko.

Siguro ito na rin yung chance ko para makahingi ng tawad sa kanya. And so I went to that dinner. Lima lang kami. Lima lang kami pero hindi ko napansin yung tatlo. Buong gabi, sa kanya lang ako nakatingin. Buong gabi, boses lang nya ang pinapakinggan ko.

Siguro nga ay mahal ko pa rin sya... kaso hindi na talaga pwede. May iba na sya ngayon and I should be happy for her. Mahirap lang talagang gawin...

"Ikaw Jasper?"

I blinked. "Ha?"

She smiled at me. "Mukhang wala ka sa sarili ah. Kumusta ka na?" Medyo nanibago ako sa kanya. Mabilis na kasi syang magsalita. Mabagal pa rin compared to anybody else pero hindi na tulad ng dati na aantukin ka kapag sya ang nagkwento.

Himala rin na sya ang kaunahang dumating sa meeting place namin.

She's changed. Yung babaeng pasado sa ideals ko... sya na yun ngayon. Funny how things fall in the right places at the wrong time. Kung kelan ko nagugustuhan yung ugali nya... saka naman hindi na kami.

Saka naman meron na syang iba.

Saka naman huli na.

Ng hindi ako sumagot, she quickly jumped to another topic para mapunan ang katahimikan na bigla na lang bumalot sa 'ming lima. She was lively and joyful that night. Ang bilis nya ring kumain. Ang billis nyang makagets ng mga sinasabi nila.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nag-improve na sya o malulungkot dahil iba ang naging dahilan kung bakit iba na rin sya ngayon.

Matapos ang mahabang kumustahan na sila lang naman talaga ang nagkwentuhan, nagpaalam na sya sa amin. Thinking that it was finally my chance to apologize, I followed her.

"Belle!" Ang bilis na nyang maglakad. Halos lakad-takbo ang ginawa ko para lang mahabol ko sya.

She turned around and I was shocked to see her eyes moist with tears. She blinked and smiled at me.

"Hmm?"

"May maghahatid ba sa 'yo pag-uwi?"

Nag-iwas sya ng tingin. "W-Wala."

Kumunot ang noo ko. "Bakit? Hindi ka susunduin ng boyfriend mo?"

She smiled to herself saka naghugot ng hininga. "Yung boyfriend ko? Yung boyfriend ko... iniwan ako kasi ang bagal-bagal ko daw," sagot nya sa boses na garalgal. Hindi nakaligtas sa 'kin yung mga luhang unti-unting pumatak mula sa mga mata nya. "H-Hindi ko alam kung... kung maaantay pa ba nya 'ko."

My breath hitched as I felt that unfamiliar bikig sa lalamunan. Nararamdaman kong nasasaktan sya sa bawat salitang binibitiwan nya. At pakiramdam ko, nasasaktan din ako sa bawat luhang pumapatak mula sa mga mata nya.

"B-Belle..."

Nagpahid sya ng luha saka humarap sa 'kin. "Ang bilis mong maglakad ng gabing yun... hindi tuloy kita naabutan..."

"I'm sorry..."

"No. It's okay... dahil sa ginawa mong yun... natutunan kong pahalagahan ang oras ko. Natuto akong bilisan ang kilos ko para walang nag-aantay sa 'kin. Natuto akong bilisan ang lakad ko para makahabol sa mga nauuna. Pero kahit anong pilit kong maging mabilis sa lahat ng bagay... hindi pa rin kita naabutan."

Napayuko ako. Ramdam kong papatak na rin ang mga luha ko. Bakit ko nagawang saktan ang babaeng ito ng ganun na lang? Parang ang sama-sama kong tao. Mahal ko sya pero nagawa ko syang pasakitan?

"Pero alam mo ba Jasper—"

I looked at her again. She's smiling...

"Dahil hindi kita magawang abutan... tumigil na lang ako sa kahahabol sa 'yo. I chose to walk the other way... pero binagalan ko... para kung sakali mang maisipan mo akong habulin... maabutan mo ako."

"Naabutan ba kita?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman akong balak iwanan ka eh. Mahal kita... kaya kahit anong bilis ng lakad ko... magagawan kong bagalan para sa 'yo."

xxxxxxx

fin.

Continue Reading

You'll Also Like

63.5K 360 7
For Selene Agueda Cruz family, career and friendship matters. 14 years na siyang nasa industriya ng Show Business sa Pilipinas. She's been loved and...
611 73 5
Having no brief is not so bad at all. Having one brief is Good! But, having two briefs is really really confusing!
13M 551K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
25.8K 1.5K 8
Breakfree: Igniting passion, Chasing freedom Simply, one writes to be heard. Whether it be by a person you most dear, people you bear grudge agains...