Siguro
By: Jollianrosegarcia
Siguro
Hindi nga talaga tayo sa huli
Siguro
Kung hindi pa ako huli
Gusto kitang mapasakin muli
Siguro
Kung pinahalagan kita noon
Hindi sana tayo ganito ngayon
Siguro tayo parin hangang ngayon
Siguro
Kung maganda lang sana ako
Dimo ako sasaktan ng ganito
Sana nga maganda na lang ako
Siguro kahit ikaw yung mali
Tatangapin parin kitang muli
Kahit ikaw ang nang iwan
Ako padin yung nawalan