The Flower Boys Playboy - One...

By MarikushiSauchiro

43 1 0

Middle at High School life ng tatlong magkakaibigan na binansagan na Flower boys dahil sa karisma, impluwensy... More

Flower Boys Playboy

43 1 0
By MarikushiSauchiro

Bumisita si Nate kasama ang asawa at anak nito sa bahay nina JK at Jaldwin. Nakita nila si JK na naglilinis sa library. Buhat ni Zhandra ang anak nila ni Nate na si Nathan Zhane.

Dumating na pala kayo pasensya na hindi ko kayo nasalubong.      -Jk

Tumayo si JK at inimbitahan ang kanyang bisita sa garden nila. Binuhat ng katulong si Nathan Zhane para alagaan at makapag-usap naman ang tatlo habang kumakain ng cake at umiinom ng tsaa.

Ano yang bitbit mo??     -Zhandra

Ah!!! Ito...photo albums. Nakita ko ito habang naglilinis.     -Jk

Binuklat nila ito at nakita ang mga pictures nina Jaldwin, Vorge at Russel nung mga bata pa ang mga ito. Maging si Nate.

Nakakatawa ang mga itsura namin.   -Nate

Ang kucute at ang gagwapo nyo.   -Zhandra

Matagal na pala talagang magkakaibigan sina Jaldwin, Vorge at Russel.     -JK

Oo, childhood friends talaga. Naging magkaklase din sila nung middle school  at highschool. Binansigan nga sila nun na Flower Boys dahil sa naggagwapuhan sila at higit pa dun ay matatalino at mayayaman pa. Si hyung ang leader nila... sya ang pinakamatalino sa kanila at madalas President ng Student Council sinundan ni Vorge na Vice President at si Russel na Treasurer kaya naman sobrang sikat nila na sa campus at maging sa ibang school.     -Nate

Maging nung school days/years nila ay ganun na lang ang lakas ng datingan nila. Kung sa bagay hanggang ngayon pa nga rin eh!!!        -Jk

Naisip ko lang... wala ba silang nagpag-awayan nun?? Hindi ba sila nagkagusto sa iisang babae??      -Zhandra

Kaya nga??!!! Teka itong babaeng kasama nila sa picture. Sino ito??      -JK

Uhhm... nung maliliit pa sila ay madalas silang magkompetisyon habang naglalaro pero hindi naman sila nag-aaway. Teka, may matindi ba silang pinag-awayan nun??

Kinuha ni Nate ang picture na hawak ni JK kung saan itinuro at tinatanong kung sino yung babaeng kasama ng tatlo.

Ah!!! Tama... Naalala ko na... nung nasa high school pa sila, mga 15 yrs old sila nun. May transfer student silang pinag-awayan at pinag-agawan. Si Sabrina Montez. Campus crush din yun dahil sa maamo at mala-anghel nyang mukha. Sya itong nasa picture na kasama nila.     -Nate

Ngayon ko lang narinig yung pangalan na yun.      -Jk

Ako man din.      -Zhandra

Hindi din naman kasi nagtagal si Sabrina. Lumipat din sya kasi agad sa abroad kung saan talaga sila nakatira. Mga isa o dalawang taon lang sila ata nandito dahil may research na ginawa ang dad nya. Naaalala ko pa yung panahon na kung saan umuwi silang may mga bangas ang kanilang mga mukha hehehe       -Nate

Flashback

Papasok ng school sina Jaldwin, Vorge at Russel nasa likod nila si Nate.

Oi, Nate bilisan mo nga dyan maglakad.       -Jaldwin

Ayaw ko!!! Dito lang ako sa likod. Ayaw ko nga ng agaw atenyon ng gaya sa inyo. Tsss....nakakahiya.        -Nate

Dapat masanay ka sa ganitong atensyon. Pasalamatan natin ang kanilang walang sawang appreciation sa atin.         -Russel

Kumaway sya at nagflying kiss pa sa mga kababaihan na naghihintay sa tabi na lubhang kinakilig at ikinaingay ng lahat. Si Jaldwin naman ay kumindat samantala si Vorge naman ay humawak sa kanyang baba at unti-unting gumawa ng maliit na puso sa kanyang daliri na may kasamang nahihiyang ngiti.

Hay!!! Laging ganito na lang ang eksena tuwing umaga. Makaeskapo nga.            -Nate

Napahinto ang lahat ng may mamahalin na itim na kotse ang huminto sa harap ng school. May bumabang butler at pinagbuksan ang pinto. May lumabas na isang magandang babae na tila isang anghel, may kulot at mahabang buhok ito na kulay kahel, maputi sya, matangos ang ilong at bilugin na mata. Mukha syang buhay na manika kung tutuusin. Sinabayan sya ng kanyang butler sa paglalakad. Natahimik sila sa kanyang pagdaan maging ang tatlo ay natulala na tila may spell na nagcast sa kanila dahil nagniningning ang kanilang mga mata. Dumaan lamang ang babae at tila hindi napapansin ang lahat. Hinampas ni Nate ang tatlo sa likod na kinabalik sa katinuan ng tatlo.

Kung hindi pa tayo papasok ay mahuhuli na tayo sa klase.      -Nate

Nang nasa clasroom na ang tatlo.

Nakita nyo ba yung babae kanina.    -Vorge

Oo, kitang-kita.         -Jaldwin

Hay!!! Ang ganda nya.       -Russel

Okay!!! Settle down Class and return to your seats.  -teacher

Lahat ay bumalik na sa kanilang upuan at tumahimik.

Today we have a tranfer student.    -teacher

Tinawag at pinapasok ang tinutukoy na transfer student. Pumasok ito. Sinulat ng guro ang pangalan ng transfer student.

Hi!!! I'm Sabrina Montez but you can call me Sabie for short. 15yrs old from LA. Please be kind to me because starting today I'll be on your care. Thank you.         -Sabie

Don't hesitate to talk to her dahil marunong syang makaintindi at magsalita ng salita natin. Uhhm..doon ka na lang Sabie umupo sa gitna nina Jaldwin at Vorge.       -teacher

Sa gitna nina Jaldwin at Vorge pinaupo si Sabie samantala sa likod naman nya nakaupo si Russel. Isnabera si Sabie na kinachallenge ng magkakaibigan. Hindi nila pinapahalata sa isa't-isa na gusto nila si Sabie kaya naman pasekreto nila diniskartehan ito. Maagang pumasok si Vorge para abangan si Sabie na maagang pumapasok dahil sya ang nakaassign upang magbukas at maglinis ng classroom.

Hi!!! Magandang umaga Sabie.     -Vorge

Dere-deretso lang sa paglalakad si Sabie. Binuksan nya ang classroom.

Ang aga mo atang pumasok.     -Sabie

Ahh...oo, para unti lang ang tao hehehe      -Vorge

Ah!!!         -Sabie

Tahimik lang si Sabie sa paglilinis samantala si Vorge ay masaya namang pinagmamasdan ang dalagita. Napansin ito ni Sabie.

Ano, tulungan na kita dyan sa paglilinis hehehe       -Vorge

Salamat.             -Sabie

Nang matapos na ay umupo na si Sabie sa kanyang upuan at nagbasa ng libro.

Ano yang binabasa mo??      -Vorge

Libro tungkol sa animals.       -Sabie

Mahilig ka pala sa mga hayop.      -Vorge

Oo, gusto kong maging doktor ng mga hayop.      -Sabie

Nang dumating na sina Jaldwin at Russel na gulat na gulat dahil ang aga ni Vorge pumasok.

Ang aga mo ata ngayon Vorge??    -Jaldwin

Maiba lang hehehe       -Vorge

Good morning Sabie.       -Russel

Dahil nakaupo si Sabie at nagbabasa ay yumuko si Russel kaya naman laking gulat ng dalaga ng malapit ang mukha ng binata sa kanya. Ngumiti lang si Russel.

Pasensya na. Hindi mo kasi ako napansin eh!!! Abalang-abala ka sa binabasa mo.      -Russel

Ah!!! Oo.          -Sabie

Gusto nyang maging doktor ng mga hayop.        -Vorge

Talaga!!! Ako naman gusto kong maging doktor ng mga tao.      -Russel

Nakatingin lang si Sabie kay Russel habang nakangiti ito. Inakbayan ni Jaldwin si Russel.

Oo, kasi malaki daw ang kita ng doktor at gusto nyang pagkaguluhan pa lalo sya ng mga kababaihan dahil bagay na bagay daw sa kanya yung coat ng mga doktor.        -Jaldwin

Napapisil si Russel sa kanyang ilong.

Hahaha binuko mo naman ako kay Sabie... nagpapacool nga ako eh!!! Hahaha         -Russel

Na may babaeng tumawag kay Russel.

Whoah!!! Mukhang may magkoconfess na naman kay Russel ah!!!         -Vorge

Cute ang isang yun. Pasok sa taste ni Russel. May bago na namang girlfriend ang doktor hehehe      -Jaldwin

Hindi nagtagal ay napasama na sa barkadahan nina Jaldwin, Vorge at Russel si Sabie. Sina Jaldwin at Vorge ay pinopormahan si Sabie kaso walang effect kaya naman nagpapalit-palit na lamang sila ng girlfriend. Hindi napapansin ni Sabie ang pagpapahaging at pagpaparamdam sa kanya ng dalawa sa pag-aakalang ang pagkecare nila sa kanya ay dahil sa pagkakaibigan lang. Si Russel naman ay abalang-abala sa bago nyang girlfriend kaya naman madalas ay hindi sya nakakasama sa tatlo. Isang beses ay bumalik ito na may bangas ang mukha. Nakasalubong sya ni Sabie. Napansin ito ng dalaga at hinatak sya nito sa infirmary.

Walang doktor.         -Sabie

Ayos lang ito. Tara na't pumasok sa klase.         -Russel

Hinatak sya ng dalaga at pinaupo. Kumuha ng gamot, bulak at bandaid si Sabie. Napaigtad sa sakit si Russel habang nilalagyan ng gamot ang pumutok nyang labi.

Ang tapang mong makipag-away pero dito sa gamot ay nasasaktan ka hehehe        -Sabie

Sa masakit eh!!! Ikaw kaya.    -Russel

Oo na naiintindihan ko na. Sige, ganito na lang. Pain pain go away.     -Sabie

Sabay ihip sa sugat ni Russel habang nilalagyan ng gamot para hindi mahapdi. Napatitig si Russel sa ginawa ng dalaga at namula ang pisngi ng mapatingin sa kanya ang dalaga.

May problema ba??       -Sabie

Wala!!!        -Russel

Tumayo na si Russel dahil sa naramdamang pagbilis ng kanyang puso.

Teka, hindi pa tapos. Lalagyan ko pa ng bandaid yang sugat mo.    -Sabie

Kinuha ni Russel ang hawak na bandaid ni Sabie.

Ako na ang maglalagay. Salamat. Halika na at mahuhuli na tayo sa klase.      -Russel

Nauna ng umalis si Russel. Hindi nya napansin na nasa gilid lang ng pinto si Vorge ng infirmary.

Vorge, anong ginagawa mo dito??   -Sabie

Napadaan lang hehehe ikaw anong ginagawa mo dito?? Masama ba ang pakiramdam mo??       -Vorge

Ah!!! Hindi. Napaaway na naman kasi si Russel at may sugat kaya naman tinulungan ko syang gamutin yun.    -Sabie

Ouch!!! Napagka honest mo talaga Sabie hehehe hindi mo man itinago kahit unti ang pag-aalala mo sa mokong na yun.          -Vorge

Hindinarinig ni Sabie ang sinabi ni Vorge dahil pahina ang boses nito.

Huh!!! Ano yun Vorge?? May sinasabi ka??        -Sabie

Wala. Sabi ko tara na sa classroom.     -Vorge

Naabutan nilang nakikipagtalo si Jaldwin kay Jhenna sa classroom dahil lumabas na ang score ng lahat ng exams at nakatop 1 si Jhenna na hindi lubos matanggap ni Jaldwin. Nang maghighschool sila ay hindi na nangunguna si Jaldwin at lagi na lamang ito pangalawa kay Jhenna kaya naman lagi nya ito hinahamon kaya madalas na nakatuon ang atensyon binata sa dalaga dahil sa kompetisyon nila at mukhang may bagong feelings ang mabubuo sa dalawang iyon. (pakibasa ang My Runaway Groom for more details)

Hindi na naman matanggap ni Jaldwin ang pagkatalo hahaha        -Vorge

Sinong talo??!!! Kahit kelan ay hindi ako papatalo........          -Jaldwin

Hindi natapos ni Jalwin ang sasabihin nya ng sabay-sabay na nagsabi sina Vorge, Russel, Jhenna at Sabie ng......

Para saan pa't Jald WIN!!!!  Ang pangalan ko.

Si Jhenna nga pala ay kababata din nila dahil anak sya ng Sekretarya ng daddy ni Jaldwin nitong highschool lang nila sya naging kaklase kaya naman ganun na lamang ang inis ni Jaldwin ng nauungasan sya ng dalaga dahil madalas ay nasa top1 sya. Nang breaktime ay umakbay si Jaldwin kay Russel.

Balita ko break na kayo ng girlfriend mo.         -Jaldwin

Ah!!! Oo, boring na kasi.       -Russel

Bakit may bangas yang mukha mo??   -Vorge

Ito!!! Hahaha hindi ko akalain na tipo din pala ako nung lalaking pumoporma sa kanya. Hindi ko akalain na habulin din pala ako ng mga lalaki. Hirap talaga pag ganito ang mukha eh!!! Nakakapagod din ang pagiging gwapo hay!!!       -Russel

Binatukan sya ni Vorge.

Mag-ayos ka nga kamo basagulero ka lang talaga.         -Vorge

Grabe ka talaga sa akin maglambing Vorge kaya naman ikaw ang first love ko eh!!! Pakiss nga.         -Russel

Ilayo mo nga yang nguso mo sa akin.  -Vorge

Nagtawanan ang buong klase sa ginawa ni Vorge maging si Sabie na madalang ngumiti ay napatawa din na kinahinto at ikinagulat ng tatlo maging ni Jhenna.

Bakit??          -Sabie

Kasi ngayon ka lang namin nakitang tumawa ng ganyan.          -Jhenna

Tumango ang lahat bilang pag sang-ayon sa sinabi ni Jhenna. Tinap ni Russel ang ulo ni Sabie.

Dapat madalas mong gawin yan dahil lalo kang gumaganda.        -Russel

Ikinamula ng mukha ni Sabie ang sinabi ni Russel. Napayuko ito agad at napahawak sa kanyang dibdib na kinapansin ni Vorge. Nang may babaeng naghanap kay Russel.

Paano ba yan mukhang hindi na naman ako makakasabay sa inyo maglunch. Kita-kits later. Vorge my love wag mong kalimutan ikaw ang una dito puso ko mwah!!!!        -Russel

Kumindat muna sya kay Vorge bago tuluyang umalis at sumama sa babaeng tumawag sa kanya. Napahawak sa ulo si Jaldwin.

Kahit kelan yang si Russel ay hindi nababakante. Nakakainggit.      -Jaldwin

Piningot ni Jhenna si Jaldwin sa tenga.

Dahil natalo ka ay ililibre mo ako diba ng lunch. Bilisan na natin at baka maubusan pa tayo ng pagkain sa cafeteria.          -Jhenna

Aray!!! Kapag ako nanalo sayo hahaha papahalik ko sayo itong sapatos ko. Makikita mo.          -Jaldwin

Ayon ay kapag nanalo ka bwahahaha  -Jhenna

Evil witch!!!!!         -Jaldwin

I know right!!! Bilisan mo na.     -Jhenna

At sinipa sya ni Jhenna palabas ng classroom. Napansin naman ni Vorge ang paglungkot ng mukha ni Sabie.

Tara na maglunch.      -Vorge

Nang uwian na ay sina Vorge at Sabie ang nakaassign na maglinis ng classroom habang naglilinis ay napatingin si Sabie sa bintana at nakatingin sa labas. Lumapit si Vorge at sinundan ng tingin ang tinitignan ng dalaga. Nakita nya si Russel at yung babaeng naghanap sa kanya kaninang lunch break na mukhang girlfriend nya na dahil nakayakap na ang babae sa balikat ni Russel.

Bagong girlfriend na naman ni Russel. Hay!!! Kahit kelan talaga ang isang yun. Playboy!!!        -Vorge

Ganun din naman kayo ni Jaldwin ah!!!          -Sabie

Aray!!! May point ka dun hahaha hirap kasi tanggihan. Ayaw naming nakakakita ng umiiyak na babae kapag narereject.       -Vorge

Ah!!! Ganun pala yun. Pero wala ba kayong nakikitang babae na seseryosohin nyo. Yung tipong matatanggihan nyo yung ibang babaeng magkoconfess sa inyo??    -Sabie

Depende na lang kung espesyal yung babaeng iyon. Yung tipong nasa kanya na ang lahat. Yung hindi basta-basta na lang sasaktan at paiiyakin. Yung gusto mo laging protektahan sya dahil napagka fragile nya parang ikaw Sabie.            -Vorge

Napatingin si Sabie kay Vorge dahil sa sinabi nito. Nagulat din ang binata sa kanyang sinabi. Hindi nila naramdaman na may tao pala.

Ahem!!! Excuse lang saglit. Nakalimutan ko itong notebook ko dito sa upuan hehehe sige, paalam.     -Russel

Pagkalabas ay tila may inis na naramdaman si Russel ng marinig ang confession ni Vorge kay Sabie.

Nakuha mo na ba yung naiwan mong notebook??       -gf

Oo. Ihahatid na kita sa bahay mo.   -Russel

Teka diba magdedate pa tayo.     -gf

Sa ibang araw na lang. Nawalan na kasi ako sa mood.       -Russel

Kaso sabi mo.         -gf

Sa susunod na lang o magbreak na tayo.          -Russel

Sige next time na lang basta wag mo kong ibebreak.         -gf

Tch...sakit talaga sa ulo ang isang toh!!!         -bulong ni Russel

Nakahiga si Sabie sa kanyang kama at naalala nya ang sinabi sa kanya ni Vorge.

Depende na lang kung espesyal yung babaeng iyon. Yung tipong nasa kanya na ang lahat. Yung hindi basta-basta na lang sasaktan at paiiyakin. Yung gusto mo laging protektahan sya dahil napagka fragile nya parang ikaw Sabie.            -Vorge

Naalala din nya ang biglang pagsulpot ni Russel.

Narinig nya kaya ang sinabi ni Vorge??!!! Kaso mukhang hindi dahil wala naman syang nasabi at same lang facial reaction nya. Kung narinig nya yun for sure inasar nya na si Vorge... pero kung narinig nya kaya yung sinabi sa akin ni Vorge, ano kaya magiging reaksyon nya?? Ahh... enough Sabie, you're out of his league. Hindi ka nya tipo.         -Sabie

Gusto ni Sabie si Russel dahil parehas sila nito ng gusto ang maging isang doktor. Madalas nya din nakikita si Russel sa library kapag nageeskapo ito sa mga babaeng humahabol sa kanya. Mahilig kasing magbasa ng libro ang binata kaya naman madalas din ito magkasama sa library at nagpapalitan sila ng kaalaman. Natutuwa din si Sabie sa jolly at makulit na personality ni Russel kaya naman nahuli na ng binata ang atensyon at kiliti ng dalaga pero ang ikinalulungkot lang nito ay ang pagiging playboy ng binata. Kinabukasan ay tila nahihiya si Vorge kay Sabie dahil sa pagtatapat nya ng feelings sa dalaga. Inakbayan ni Russel si Vorge at biglang niyakap.

Ang cute mo talaga Vorge kapag nahihiya ka ng ganyan kaya naman lalo kitang minamahal eh!!!      -Russel

Pwede ba Russel.         -Vorge

Tumigil na nga kayo dyan. Nilayasan na kayo ni Sabie oh!!!      -Jaldwin

Hindi ko po sila kilala.... hindi ko po sila kilala.... hindi po nila ako kasama.  Lumayo kayo sa akin.      -Sabie

Kinahihiya nya tayo....         -sabay na sabi nina Vorge at Russel

Nang mag-uuwian na ay tinawag at kinausap ni Sabie si Vorge na pauwi na. Sinundan ng tingin ni Russel ang dalawa ang hangggang sa courtyard. Inakbayan naman ni Jaldwin si Russel.

Mukhang may nanalo na. Surrender na ako kay Sabie. Napagtanto ko na kaibigan lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya at maaaring kapatid na rin kaya naman kapag niloko nyang Vorge na yan si Sabie. Lintik lang ang walang latay. Naku, playboy din ang isang yan... pero mas matino naman compare sayo Russel hahaha kaya makakasiguro akong magiging ayos lang si Sabie kay Vorge.              -Jaldwin

Piningot ni Jhenna si Jaldwin sa tenga.

Anong playboy playboy ka dyan di hamak na mas number 1 ka sa pagiging playboy kesa kay Russel hala tara na at may meeting pa tayo sa Student Council Office Mr. Vice President.           -Jhenna

Pagkadiinan ba ang Vice President... may araw ka rin sa akin evil witch ka (;´ຶДຶ ') makikita mo paiiyakin kita ng dugo.           -Jaldwin

Manalo ka muna sa akin.       -Jhenna

Umalis na sina Jhenna at Jaldwin.

Hay!!! Tumahimik din. Kahit kelan ang dalawang yun parang aso't pusa.    -Russel

Napaisip si Russel sa sinabi ni Jaldwin.

Tama lang na gustuhin nya si Vorge. Sa umpisa pa lang naman hindi ko na pinush ang nararamdaman ko kay Sabie dahil ayaw ko dumating ang araw na masaktan ko lang sya dahil hindi ko alam kung paano ang magmahal.        -Russel

Napabuntong hininga si Russel at napadantay sa arm chair. Nakatakip ang mukha nito at napaidlip sandali ng may narinig syang boses na kay sarap pakinggan.

Sabi ni Vorge maghihintay daw sya sa sagot ko. Sa totoo lang natuwa ako ng malaman ko na gusto nya ako dahil ibig sabihin pala nun ay nag-eexist ako dito sa mundo.         -Sabie

* nasa isip lang ni Russel:  Oo kaya...halos lahat nga ng mga lalaki dito sa Campus ay hinahangaan ka maging nga masasalubong na lalaki sa labas ay napapatigil at napapatingin sayo eh!!! Kaya bakit mo nasasabi yan na hindi ka nag-eexist. Ang dense mo naman. Hays!!!!

Sa bahay kasi walang kabuhay-buhay sina Mommy at Daddy ay busy sa research program nila. Wala man lang nakakarecognize sa akin. Nagpapasalamat nga ako sa inyo dahil kayo lang ang kauna-unahan kong naging kaibigan. Kayo lang ang nakapag-approach sa akin.      -Sabie

* nasa isip lang ni Russel:  Paano ba naman kasi ang cold ng aura mo. Nakakaintimidate ka pa kaya naman hirap ka iapproach ng iba.

Anyway, natuwa ako sa sinabi ni Vorge pero hindi ko maibabalik o matutumbasan man lang ang pagtingin nya sa akin dahil may iba akong nagugustuhan kaso mukhang malabo yun dahil sa dami-daming babaeng nakapalibot sa kanya. Hindi nya mapapansin ang tulad ko. Sana isang araw makarating sa kanya ang feelings ko hehehe          -Sabie

Matagal na huminto si Sabie.

Pero hangga't maaari ay itatago ko itong nararamdaman ko sayo Russel dahil ayaw ko kayong masira ni Vorge mas mahalaga pa rin sa akin ang friendship.      -Sabie

Tumayo si Sabie at hinalikan ang buhok/ulo ni Russel.

I love you Dr. Russel.          -Sabie

Kinuha ng dalaga ang kanyang bag at lumabas na ng classroom. Nang maramdaman ni Russel na wala na ang dalaga ay lumapit ito sa bintana at pinagmasdan ang likod ni Sabie na papalayo habang kasabay ng pagsayaw ng kurtina sa pag-ihip ng hangin. Samantala nakaupo sa bench sina Vorge at Jaldwin. Inabutan ni Jaldwin si Vorge na isang latang iced tea na kinuha nya sa vendo machine na malapit.

Ibang klase yun. Si Russel na walang ginagawa... ang syang nagustuhan ni Sabie. Hanep!!! Hanga na talaga ako sa mokong na yun. Oooppps... sorry Vorge.          -Jaldwin

Ayos lang. Alam ko naman sa umpisa pa lang eh!!! Nagulat nga din ako kung bakit ako nagtapat sa kanya gayong wala akong balak.          -Vorge

Alam mo na sa umpisa pa lang???  -Jaldwin

Gulat na sabi ni Jaldwin.

Halata naman sa kilos at gesture ni Sabie. Observe observe din bro.   -Vorge

Ano ng balak mo??       -Jaldwin

Mas mahalaga pa rin sa akin ang pagkakaibigan. Alam ko naman na ganito ang mangyayari kaya naman tanggap at napaghandaan ko na ito matagal na hehehe saka Vorge Chisu Sunmano ata toh!!! Madami pa dyang nakapila at nagkakandarapa sa akin hehehe         -Vorge

Thats the spirit bro!!! Kampay!!!      -Jaldwin

Kampay!!!          -Vorge

Hindi sinasadyang narinig nina Jaldwin at Vorge ang sinabi ni Sabie kay Russel. Hindi nakatulog si Russel dahil sa sinabi ni Sabie sa kanya. Paulit-ulit itong bumabalik sa kanyang pandinig kaya naman ng pumasok sya sa eskwela ay tampulan sya ng tukso nina Jaldwin at Vorge.

Anong nangyari dyan sa mukha mo. Para kang zombie hahaha       -Jaldwin

Pwede ba Jaldwin wala ako sa mood ngayon.             -Russel

Ano ba kasing nangyari sayo hahaha pasensya na nakakatawa kasi itsura mo.         -Vorge

Ha ha ha hindi kasi ako nakatulog.       -Russel

Hindi pumasok si Russel sa sumunod na klase at natulog sa infirmary. Hindi nya alam na may tumabi sa kanyang higaan dahil sa himbing ng tulog nito.

Bibisitahin ko lang si Russel sa infirmary.               -Sabie

Samahan na kita Sabie.         -Vorge

Nagtungo sila sa infirmary. May nakalagay na note sa pinto na nagsasabi na nasa seminar ang doktor. Pumasok sila sa loob.

Ui, Russel.              -Vorge

Binuksan nya ang kurtina na nagtatakip sa higaan at nagulat sya ng makita na may katabing babae si Russel kaya naman agad nya itong sinarado.

Ano Sabie...wala dito si Russel.    -Vorge

Pero parang may tao.           -Sabie

Wala dito si Russel.          -Vorge

Ganun ba?? Ah!!! Baka nandun sya sa tambayan nya. Sige, may pupuntahan lang ako. Alis na ako.             -Sabie

Sige, maghahanap naman ako sa iba.  -Vorge

Bumalik sa infirmary si Vorge at sinugod ang higaan ni Russel pero tulog na tulog pa rin ito.

Hoy!!! Ikaw Russel.            -Vorge

Nagising si Russel sa sigaw ni Vorge at nagulat sya ng makitang katabi nya ang girlfriend nya.

Anong ginagawa mo dito?? At bakit kita katabi?? Ikaw rin Vorge anong ginagawa mo dito??          -Russel

Nakita kasi kitang pumasok dito sa infirmary kaya sinundan kita tapos nakita kitang tulog na tulog kaya naman tinabihan kita at nakatulog na rin.         -gf

Hays, such a troublesome. What a pain in the ass.       -Russel

Tumayo si Russel at sinuot ang coat uniform nya.

Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kaya naman break na tayo.       -Russel

Lumabas na si Russel. Umiiyak iniwan ang girlfriend..... let me rephrase it ex-girlfriend. Sinundan sya at hinatak sa rooftop ni Vorge.

Hoy, ikaw!!!             -Vorge

Bakit ba??              -Russel

Mag-ingat ka naman. Paano kung nakita yun ni Sabie.          -Vorge

Ano naman kung makita nya yun.    -Russel

Paakyat na sina Jaldwin, Sabie at Jhenna ng rooftop dahil lunchbreak na. Tumigil na sa paghahanap si Sabie kay Russel ng hinatak sya ni Jhenna para kumain ng lunch. Sa rooftop talaga kasi sila nakain.

Gusto ka nya. Masasaktan sya kung sakaling nakita nya yun.      -Vorge

Dapat kalimutan nya na ang nararamdaman nya sa akin dahil hindi sya nababagay sa isang tulad ko. Ayaw kong masaktan sya bandang huli dahil kahit ako ay hindi sigurado sa nararamdaman ko.            -Russel

Sinuntok ni Vorge si Russel na nakita iyon nina Jaldwin, Jhenna at Sabie. Gumanti din ng suntok si Russel kay Vorge.

Yan ang hirap sayo eh!!! Duwag ka.  -Vorge

Wala kang pakialam. Buhay ko ito.  -Russel

Sira ulo ka Russel.       -Vorge

Ikaw ang sira ulo.      -Russel

Kayong dalawa ang sira ulo. Tumigil na nga kayo.           -Jaldwin

Umawat si Jaldwin pero pati sya ay nasuntok kaya naman sinuntok nya din ang dalawa. Tumigil sila ng marinig na sumigaw si Sabie.

Pwede bang tumigil na kayo. Magkakaibigan kayo kaya dapat hindi kayo nag-aaway.        -Sabie

Lumapit si Sabie at pinagsasampal ang tatlo habang nangingilid ang luha na umalis.

Hays, daig nyo pa ang mga bata. Mga immature.           -Jhenna

Iiling-iling na sabi ni Jhenna na sinundan si Sabie. Nang makaalis ang mga babae ay nagkatinginan ang tatlo at nagtawanan.

Ang sagwa ng itsura mo Jaldwin hahaha       -Russel

Umaawat lang kasi ako sa inyo tapos sinuntok nyo na ako. Asset ko pa naman itong mukha ko.      -Jaldwin

Kaso si Sabie... nakakagulat ang ginawa nya. Ganun ko lang syang nakitang magalit ng ganun.      -Vorge

Ang sakit ng sampal nya ah!!!   -Russel

Alam nyo. Ipaubaya na natin ang lahat kay Sabie. Narinig ko ang sinabi mo Vorge hayaan mo sa kanya manggaling yung pagtatapat. Wag mo syang pangunahan buti na lang at hindi nya narinig yun kundi magagalit yun sayo. At kung mangyari naman yun Russel ay wag mo ng takbuhan at harapin mo ng buong tapang.         -Jaldwin

Hahaha at narinig mo pa talaga yun Jaldwin sa kapal nyang pinto. Iba ka.  -Russel

May pagka elepante ang tenga kasi nyan kaya malakas makasagap.   -Vorge

Loko kayo ah!!! Ito sa inyo (kurot sa pisngi)            -Jaldwin

Aray!!!              -Vorge

Nahawa ka na kay Jhenna sa pagkabayolente.           -Jaldwin

Hinawakan ni Jaldwin sa balikat sina Vorge at Russel. Pagkauwi ay tawa ng tawa si Nate dahil sa itsura ng tatlo na tadtad ng pasa at maga ang mukha. Lumipas ang dalawang taon at magkakaibigan pa rin sila. Hindi na nagkaroon pa ng kasintahan sina Vorge at Russel samantala sina Jaldwin at Jhenna ay naging magkasintahan. Ang dalawang madalas magtalo ay nauwi sa pagmamahalan. Graduation day na at ilang araw ay babalik na sa kanilang bansa si Sabie para dun ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa kurso na napili nya.

Pwede bang sa akin na lang yang botones ng uniform mo??       -Sabie

Tinanggal ni Russel ang botones na nasa uniform nya.

Salamat. Iingatan ko ito.      -Sabie

Niyakap ni Russel si Sabie.

Mag-iingat ka dun ah!!! ALam mong espesyal ka sa akin. Pikit mo mga mata mo at ibibigay ko ang regalo ko sayo.         -Russel

Sinunod ni Sabie ang sinabi ni Russel. Hinalikan sya sa labi ng binata sa ilalim ng puno ng cherry blossom kasabay ng pagbagsak ng mga dahon nito.

Ang ganda naman ng scene parang nagshushoot ng pelikula.       -Vorge

Parang shoujo sa nababasa nating manga.      -Jaldwin

Kinuhan ng picture sila ni Vorge ng hindi nila alam.

Ito naman ang regalo ko sa inyong dalawa Sabie at Russel.         -Vorge

Ikinagulat at ikinamula ng pisngi ni Sabie ang ginawa ni Russel. Tinawag na sila ni Vorge na kasama sina Jaldwin at Jhenna. Nakangiti ang mga ito habang si Jaldwin ay nakaakbay sa kanyang kasintahan na si Jhenna.

Hey!!! Tama na yan. Magpapicture na tayo.             -Vorge

Ako na magpipicture sa inyong apat.   -Jhenna

End of flashback

Anong nangyari dun sa Sabie??   -JK

Bumalik sya sa LA tapos na kasi yung work ng parents nya dito sa bansa natin.               -Nate

Naging sila ba ni Russel??      -Zhandra

Oo nga.           -JK

Hindi eh!!!           -Nate

Huh!!! Bakit naman??       -Zhandra

Oo nga, hinalikan pa nga ni Russel si Sabie.            -JK

Ewan!!! Basta ang sabi lang nila ay mas mahalaga daw ang pagkakaibigan.          -Nate

How boring!!!           -Zhandra

Hindi ko nga din alam ang tumatakbo sa mga utak ng mga yun. Mas lalo kay Russel kaya wag na tayonh magtaka.    -Nate

Kung sa bagay.              -JK

Natigil ang kwento nila ng umiyak na ang anak nina Jaldwin at JK na si Jenawin Saffire. Kinuha ni JK ang anak maging si Zhandra ay kinuha na ang anak at bumalik sa hardin sabay naman ang pagdating ng tatlong flower boys. Nagtawanan naman sina Nate, Zhandra at JK dahil sa pinagkwentuhan nila at tila nagslowmo ang movement ng tatlo sa paningin nila na tila mga oppa sa isang palabas.

Bakit kayo natatawa??    -Jaldwin

Hinalikan nya ang asawa sabay kuha sa kanilang anak. Nakita ni Vorge ang picture nila nung highschool.

Oh!!! Ito yung picture natin nung highschool kasama si Sabie.      -Vorge

Napatigil si Russel at pinagmasdan ang letrato.

Oi, Vorge Chisu... Sabi ko saglit lang eh!!!             -Aishka

Naku pasensya na... patawad asawa ko. I love you!!! Akin na si Haruka.    -Vorge

Kinuha ni Vorge si Haruka sa asawa.

Hindi ka ba naiingit sa amin huh!!! Russel. May magaganda kaming asawa't mga anak.          -Jaldwin

Hays, ayan na naman sya.      -Vorge

Si Nate ang nang-inggit kasi nun kay Jaldwin kaya naman ngayon ipinapasa nya na ang pambubully sa iba hehehe   (pakibasa na lang sa My Runaway Groom)            -Zhandra

Anong ako. Hindi kaya!!!        -Nate

Pero kumusta na kaya si Sabie. May balita ka ba?? Ba't hindi mo kaya puntahan sa LA.            -Vorge

Oo nga... malay mo pwede pang madugtungan o ituloy ang naudlot na mutual understanding nyo nung highschool.    -Jaldwin

Hahaha mas mahalaga pa rin ang pagkakaibigan.        -Russel

Teka ito ba yung Sabie??         -Aishka

Tinitigan ni Aishka nang mabuti yung letrato na kasama si Sabie.

Naks, ang ganda nito Russel ah!!!Teka!!! May pagkakahawig sya kay Krystal ah!!!             -Aishka

Dahil sa sinabi mo asawa ko... ngayon ko lang napagtanto na kamukha nga nya ang pinsan mong si Krystal.    -Vorge

Hindi pa rin ba nakakamove-on kay Sabie??          -Nate

Tch... tumigil na nga kayo dyan. Issue na naman yan ah!!! Saka nagkataon lang na magkamukha si Krystal at Sabrina. Anyway, maiba tayo kapag ako nagkapamilya. Who you kayo lahat sa akin. hmpf... alam nyo namang hindi ako kahit kelan man makakamove on kay Vorge. Alam mo naman ikaw lang ang first dito sa puso ko. Mwah!!!           -Russel

Nagflying kiss si Russel kay Vorge at kumindat pa na kina diri ni Vorge samantalang nagtawanan ang lahat. Ang anak ni Jaldwin at Nate ay nakatingin lang sa kanilang magulang na tila nagtataka kung bakit nagtatawanan ang lahat habang karga sila.
Biglang umiyak si Haruka at hindi mapatigil kaya kinuha nya ito kay Vorge at binuhat ni Russel ang sanggol na bigla namang ikinatigil ng pag-iyak ni Haruka at ngumiti sa doktor na tuwang-tuwa sa kanya.

Hanep, lakas talaga ng karisma mo Russel eh!!! Walang kupas. Kahit sa sanggol. For all ages hahaha         -Nate

Anong sinasabi mo dyan Nate.     -Vorge

Nagtawanan ang lahat. Tinignan ni Russel si baby Haruka.

Gusto ba ako nyang magandang baby na yan??         -Russel

Ngumiti at parang sumasagot si baby Haruka kay Russel na kinatuwa nya lalo kaya naman niyapos nya ang sanggol.

Hayaan mo Haruka... since first love ko ang dada mo at sobrang naheart broken ako ng pakasalan nya ang mama mo kaya naman naisip ko paglaki mo pakakasalan kita.      -Russel

Hindi ako papayag. Ang tanda mo na nun. Ano ka lolicon.          -Vorge

Nagseselos si dada oh!!!           Russel

Nagtawanan sila. Muling tinitigan ni Russel ang letratong kasama si Sabie.

Hindi ko rin kasi masabi kung parehas pa rin ang nararamdaman ko sa kanya nung highschool  at ngayon. Ang tagal na rin pala. May sarili ka ng buhay. Maaaring iba na ang interes mo. Siguro magkaiba na rin tayo ng gusto o hilig. Doktor ka na rin kaya Sabie??  Sana natupad mo ang pangarap mo. Ang dami kong tanong wala na kasi akong balita sayo.            -bulong ni Russel

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Hi! Ma'am... Are you Ms. Sabrina Montez??            -staff

Yes!!! I am.          -Sabie

Welcome to the Philippines.       -staff

Yeah!!! Thanks. Its nice to be back. Its been awhile. Many years then huh!!!Finally!!! Can't wait to see you Dr. Russel Valencio.      -Sabie

Nakangiting sabi ni Sabie habang papalakad palabas ng airport.

--------------------------- END -----------------------

(Sundan ang story ni Russel sa My Doktor Kwak Kwak - Heal your heart) pero soon pa lang yun dahil hindi ko pa tapos kaya wait nyo na lang po na ipublish ko. Thank you sa pagbasa nitong one shot story ko. Sana nagustuhan nyo. God Bless you all.

Continue Reading

You'll Also Like

226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
148K 6K 71
โžฝJust short love stories...โค โ‡โค๏ธ. โ‡๐Ÿ–ค. โ‡โ™ฅ๏ธ. โ‡๐Ÿ’™. โ‡๐Ÿฉท. โ‡๐Ÿค. โžฝ๐Ÿ’›Going on. โžฝ๐ŸฉตComing up [Ignore grammatical mistakes. I will improve my writing gradual...