Prince of Lust: The Seven Dea...

Door thefairyfromnorth

266K 4.7K 485

Language: TAGALOG/ENGLISH For a 17 year old, Catriona Amberden is a damn hot temptress. A sexually active one... Meer

Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 35

3.3K 65 7
Door thefairyfromnorth

                [ 3rd person's POV ]

"Simulan na!" Hudyat ni Balaam.

Nang marinig nila Mammon at Asmodeus ang katagang iyon ay mabilis na silang pumusisyon.

Agad na nag-apoy ang mga kamay ni Asmodeus at gayundin si Mammon. Bagamat hangin ang taglay niyang kapangyarihan, makikita pa rin ang pwersa nito na umiikot sa kanyang dalawang palad.

Pareho at sabay silang sumugod sa isa't isa. Isang nakakasilaw na liwanag ang lumabas ng magtagpo ang kamao nilang dalawa.

Si Mammon ang unang tumalon paatras matapos ang kanilang banggaan.

Asmodeus looked at Catriona and winked. Her face turns tomato red at what he did and Mammon took the opportunity to blast a powerful wind to Asmodeus.

Bumalibag at bumagsak si Asmodeus sa damuhan.

"Gravitas!" Anas ni Mammon at agad na lalong bumagsak sa damuhan si Asmodeus.

"Tama na kasi muna ang kalandian, Bro. Focus. Focus!" Bulyaw ni Satan sa di kalayuan.

Asmodeus laughed and Mammon put his power even stronger.

"Ignis inferni." Asmodeus said and the place where Mammon stands started to burn like hell.

As soon as Mammon jumps out from the lake of fire, Asmodeus stands up and throw a fire ball to his direction.

Huli na upang umilag pa si Mammon kaya't tumama ito sa kanyang dibdib. Sa lakas ng impact ay tumilapon pa si Mammon sa malayo at ng babagsak na siya sa lupa ay pilit pa rin niyang binalanse ang sarili upang makatayo.

Bakas sa kanyang dibdib ang sampung pulgadang bolang apoy na pinakawalan ni Asmodeus. Nabutas at nasunog pa ang kanyang suot na damit kaya agad niya itong winasak upang alisin.

"Well then.." nakangiting sambit ni Mammon habang pinapagpag niya ang bakas at iilang sugat sa kanyang dibdib, "Asmo.. naaalala mo pa ba noong unang beses tayo na mapadpad dito?"

Kumunot ng bahagya ang mga kilay ni Asmodeus sa mga tinuran ni Mammon, "Bakit mo naitanong?"

"Those were the days where we first met each other. Nakakatuwang isipin na nakatira tayo sa langit noon pero hindi natin kilala ang isa't isa, not until we get here."

"At... ano naman ang koneksyon non?"

"I miss the old days... where we share every little things here in hell." Sambit ni Mammon sabay sugod niya kay Asmodeus ng may mala delubyong buhawi sa kanyang dalawang kamay.

Mabilis na inilagan ni Asmodeus ang suntok na iyon saka niya iniangat ang kanyang kaliwang paa upang sipain si Mammon.

Nagpatuloy ang ganoong tagpo ng laban kung saan nagpatigasan sila ng kanilang pisikal na lakas. Malipas pa ang ilang minuto at kapwa humihingal na silang dalawa habang nasa magkabilang panig.

"Hindi ibig sabihin non, Mammon, ay kailangan na nating pagsaluhan ang lahat sa anumang oras." Asmodeus said while catching his breath, "tulad mo rin ako na paniguradong ayaw mapunta sa iba si Catriona kaya rito na natin to tapusin."

Muli ay isang dikit at madugong laban ang naganap at nasaaaksihan ng lahat. Isang ayaw matalo at isang ayaw magpatalo.

Samantala, tinabihan ni Satan si Catriona sa mahabang upuan saka niya ito tinapik sa balikat, "Catriona.."

"Hmmm?" Sagot niya habang ang kanyang mga mata ay sa laban nakatuon.

"Anong pakiramdam ng may dalawang demon na naglalaban para sa pagmamahal mo?"

"Huh?" Biglang harap ni Catriona kay Satan. Ibinalik nito ang kanyang tingin kila Asmodeus at Mammon, "hindi ako natutuwa dahil kung tutuusin, di na kailangang gawin ito, Satan, dahil alam ko kung sino talaga ang para sa'kin," ipinukol niya ang kanyang mga tingin kay Asmodeus lamang, "ang kaso, may iilang bagay na kailangang sundin dito para maging maayos ang lahat." Ibinaba ni Catriona ang kanyang mga mata at pinagmasdan ang kanyang mga hita, "ayokong matalo rito si Asmodeus dahil ako mismo, hindi ko alam ang gagawin ko pag nawalay ako sa kanya."

Kumuha ng sigarilyo si Satan saka niya ito sinindi. Matapos ang dalawang buga niya ng usok ay muli niyang hinarap si Catriona, "Masaya ako at nakilala ka ni Asmo. Kung tutuusin, kaming mga demon, lalo na kaming Seven Deadly Sins ay walang karapatang magmahal lalo na kung di namin ito kauri." Sabay hithit niyang muli, "napaka swerte ni Asmo sa'yo dahil nagkataong isa kang demoness." Ibinuga niya ang usok paitaas saka pinagmasdan ang kalangitan, "napaka-kumplikado ng pag-ibig. Hindi ko alam kung bakit iyon ginawa ng may Maylikha, ang Diyos ng langit, ang ganoong uri ng emosyon."

"Dahil kaya nitong bumuo at manira. Di ba?" Sagot ni Catriona habang siya ay nakatuon sa laban.

"Yeah.." anas ni Satan, "exactly." He hit the last smoke and puffs it out. "That is the reason why we are forbidden to fall in love, unless.." he took a deep breath, "yun na nga. Kauri namin ito dapat."

Ilang segundo na tinitigan ni Catriona si Satan. Nagtataka siya kung bakit tila malalim ito nitong mga nakaraan.

He is simply a hopeless romantic one.

Di kaya? Di kaya may kinalaman nga rito iyong nabanggit niya na bampira noong magkasama sila ni Deus? Anas ni Catriona sa kanyang isipan.

Isang malakas na pagbagsak ang narinig ni Catriona kaya't nabalik ang kanyang tingin kila Asmodeus at Mammon. Doon ay pareho silang bumabangon mula sa kanilang pagkabagsak.

"Nakakainip ang ganitong laban, Mammon. Bakit hindi pa natin ito agad tapusin at ng makauwi na kami ni Catriona?" Sambit ni Asmodeus.

Bakas sa mukha ni Mammon ang pagkainis sa mga tinuran ng kanyang katunggali kaya't itinaas niya ang kanyang isang kamay, "Impetus tempestatis."

Unti-unti ay lumakas ang ihip ng hangin sa buong stadium. Ang suot na dress ni Lilith ay bahagyang lumipas-lipad sa kung saan saan habang si Catriona naman ay hinawakan ang kanyang mahabang buhok.

Walang ilang segundo pa ang lumipas at nagkaroon na ng mga ipo-ipo sa loob ng stadium.

Ibinaba ni Mammon ang kanyang kamay saka niya itinuro ang kanyan daliri kay Asmodeus. Isa isang lumapit ang mga ito kay Asmodeus na nailagan niya naman ang mga unang tatlong atake. Hindi niya napansin ang isa na paparating pa kaya't mabilis nitong binangga si Asmodeus at iilang hiwa ang natamo nito dahil sadyang may mga talim na dala ang mabilis na ikot ng hangin.

Nadaanan pa nito ang kaliwang braso ni Asmodeus at ilang malalalim na sugat ang kanyang natamo na animo'y hiniwa ng maraming blade, dahilan para magdugo ng husto ang kanyang kaliwang braso.

"Nakuha ka." Nanunutyang sambit ni Mammon.

Sunod-sunod pang lumusob ang mga buhawi hanggang sa ang iilan ay nakakatama kay Asmodeus.

"Deus!" Alalang sigaw ni Catriona.

"Wag mo siyang alalahanin. Maliit na sugat lang iyan." Sambit ni Satan.

"Pero..."

"Tignan mo ng maigi si Asmo." Turo ni Satan.

Ibinaling ni Catriona ang tingin niyang muli kay Asmodeus na abala sa pag-iwas sa mga buhawi. Tinignan niya ng maigi si Asmodeus gaya ng sinabi ni Satan at doon ay nakita niyang nakangiti ito habang umiiwas sa mga buhawi ni Mammon.

Bakit nakukuha niya pa ring ngumiti sa kabila ng mga sugat niya na iyon? Takhang sambit ni Catriona sa kanyang isipan.

"Nag-eenjoy si Asmo sa laban na ito. For pit's sake! Mas malala pa nga riyan ang mga ensayo na nagawa na namin kaya alam kong madali lang sa kanya iyan." Payak na turan ni Satan.

Samantala, sa laban nila Mammon at Asmodeus....

"nox ista maledictio." Bulong ni Asmodeus at ang kanyang mga kamay ay nabalutan ng itim na kapangyarihan.

Kasing itim nang kalangitan twing gabi ngunit kasing init ng araw sa umaga.

Isang malakas na suntok sa sikmura ang tumama kay Mammon galing kay Asmodeus.

Lumayo panandalian si Mammon at hinawakan ang nananakit na parte ng kanyang katawan.

Sa Dostem, mas vulnerable ang katawan ng mga demon. Ang katawan nila ay bumababa ang level ng pain tolerance kapag dito sila nagtutunggali. Ang bentahe lang nito kumpara sa mga mortal ay ang parte kung saan nakakagamit sila ng kapangyarihan nila.

Tumayo si Mammon at inihanda ang muli niyang pag-atake. Sa itsura ng dalawa ay bakas ang dedikasyon na makuha si Catriona.

Ito ay batid lahat ni Balaam kaya ang kanyang napagdesisyunan ay dito na tapusin ang lahat. Ang gusto niya ay matapos na ang lahat dito upang makapag-focus na ang kanyang Seven Deadly Sins sa naiatas na tungkulin sa kanila.

Hindi napaghandaan ni Asmodeus ang sumunod na atake at ang matulis na hangin sa kaliwang kamay ni Mammon ay nasaksak niya sa kanyang tagiliran at tumagos ito sa kanyang likuran.

Nagsuka si Asmodeus ng dugo dahil sa kanyang natamo sabay pinakawalan ni Mammon ang isang pwersadong hangin dahilan upang lumipad palayo at mariing bumagsak si Asmodeus sa sahig.

Ito ang kinuhang oportunidad ni Mammon upang puruhan pa lalo ang katunggali. Dali-dali siyang lumapit at pumaibabaw kay Asmodeus saka niya ito inundayan ng magkakasunod na suntok.

"Sumuko ka na, Asmo!" Singhal ni Mammon sa kanya habang pinapakawalan niya ang malalakas niyang suntok.

Ang kamay ni Mammon ay nababalutan pa ng mga pwersadong hangin kaya mas malakas ang sakit na natatamo ni Asmodeus.

"Deus!" Tawag ni Catriona mula sa malayo.

Hingal na hingal si Mammon at ibinaling ang tingin kay Catriona. Kahit malayo ay natatanaw niya ang pag-aalala sa mukha nito kasabay ng ilang luha na tumulo mula sa kanyang mga mata.

Pag-aalala at luha na para kay Asmodeus lang.

Di niya maiwasan na maramdaman ang sobrang panibugho kaya't naisipan niyang pagbalingan muli si Asmodeus.

Pagkaharap niya sa kanyang katunggali ay nakita niyang bahagyang nakangisi pa ang binata habang pinagmamasdan siya.

"May nakakatawa ba Asmo? Batid mo naman na matatalo kita ngayon kaya tila nag-iilusyon ka na, Aking kapatid." Panunutya ni Mammon. He is keeping his cool down dahil alam niya sa sarili niya na kahit siya ay hindi niya alam ang kahihinatnan ng laban.

It is a fight between two demons. No one's gonna lose this fight lalo na't parehong mahal nila ang nakataya.

Lumingon pa-kaliwa si Asmodeus saka siya dumura ng dugo at muling tumingin kay Mammon, "Yun na ba iyon, Mammon? Naibigay mo na ba ang lakas mo sa mga suntok mo na iyon?" Sabay tawa ni Asmodeus.

Nanggigil ng husto si Mammon sa tinuran nito kaya muli niyang itinaas ang kanyang kamao upang saktang muli ang kalaban.

Patuloy lang si Asmodeus sa pagtanggap ng mga suntok at hindi niya inaalis ang kanyang mga tingin kay Mammon.

"Bakit." suntok, "kasi hindi." Suntok, "mo pa" suntok, "ibigay sa'kin si Catriona!" Ibinuhos ni Mammon ang huling mga lakas niya sa suntok na iyon.

Pagod ang namuno sa katawan ni Mammon ng mga oras na iyon kaya't hingal siyang tumigil at napatingala sa kalangitan.

"Nakikiusap ako sa'yo, Asmo... kahit ito lang.." anas ni Mammon. Ipinukol niyang muli ang kanyang tingin sa mga mata ni Asmodeus. "Kahit si Catriona lang.."

"Mahirap ang hinihiling mo, Mammon. Hinihiling mo ang alam mong hindi ko kayang ibigay lalo na't hindi ko kayang mawala." Tugon ni Asmodeus.

Naglaho si Asmodeus kasabay ng itim na usok at ang muli niyang paglabas ay nasa harap na siya ni Mammon.

Si Mammon ay nakayuko lang at nakatingin sa damuhan. Iilang mga luha ang namuo sa kanyang mga mata habang inaalala ang ilang mga pagkakataon na nagkasama sila ni Catriona. Mga pagkakataon at mga siguro na kanyang naisip. Siguro kung mas sineryoso niya ang mga bagay noon ay sa kanya napunta si Catriona. Siguro kung hindi siya nagpasakop sa mga ideya ni Leviathan at inilaan niya pa ng husto ang kanyang oras upang mapa-ibig ang dalaga ay siya sana ang kasama nito ngayon. Kung sanang hindi umabot ang lahat sa ganito at di niya hinayaan na magkaroon ng pagkakataon si Asmodeus.

Linapitan ni Asmodeus si Mammon saka niya ito tinapik sa balikat. Batid niya ang labis na pagmamahal nito kay Catriona at malabong ibigay niya rito ang gusto nito.

"Mahal na mahal ko si Catriona, bro. Hindi ko siya pababayaan." Pabagsak na umupo si Asmodeus sa tabi ni Mammon. Isang malakas na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan matapos iyon. Hinawakan niya ang nagdudugo niyang tagiliran dulot ng saksak ni Mammon kanina. Payak na pinagmasdan ni Asmodeus ang mga dugo na nasa kanyang kanang kamay, "kahit matalo ako rito ay hinding-hindi ako titigil. Kahit magalit na lahat sa'kin ay babalik at babalik pa rin ako sa tabi niya."

Pinagmasdan lang ni Mammon si Asmodeus matapos niyang marinig ang mga katagang iyon. Isang mapait na ngiti ang kanyang pinakawalan sabay punas niya ng kanyang luha gamit ang likuran ng kanyang palad.

Naglaho si Mammon kasabay ng itim na usok at bahagya itong kinabahala ni Asmodeus.

Sa di inaasahang pagkakataon ay lumitaw si Mammon sa harapan ni Catriona. Mabilis na hinawakan niya ang dalaga sa beywang at kinabig ito papalapit sa kanya.
—————- 2079 words —————-

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

3.5K 550 42
Sakura Furuka, is a first year college student who recieves letter from herself five years from the future, telling her biggest regrets which has som...
410K 3.2K 7
Synopsis Nasa sinapupunan pa lang si Scoth ay dala na niya ang sumpa na hindi magiging maligaya kapag nahanap na nilang magkapatid ang babaeng itinak...
10M 498K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
539K 14.2K 49
Protect the Prince, yun ang kailangan niyang gawin dahil yun ang trabaho niya. Ang siguraduhing ligtas at mailayo sa kapahamakan ang Prinsepe. Kahit...