Yaz feel be like
Pangarap na lang,
Hanggang tingin na lamang,
Sa akin ba ay may kulang?
Madalas na kung magpapansin,
Para man lang ako'y kausapin,
Sungitan ako ay ayos lang sa akin.
Kapag nagkakagusto ganon yata,
Sapat na s'ya ay iyong makita,
Kahit na tingin sa 'yo ay isang nakakairita.
Lahat naman tayo ay nangangarap,
Magmamahal sa atin ay mahanap,
Mapansin lang tayo ay tila nasa alapaap.
Pangarap ko na lang ba s'ya,
May nagmamay-ari na ba sa puso n'ya?
Ako kaya may pag-asa pa sa kanya?