KathNiel: One Shot Collection

By asdfghjklELA21

147K 2.4K 227

Written by: Pamela Claudio A collection of short stories filled with love, adventures and heart breaks. A s... More

How To Say Goodbye
Ang Prinsesa at Alipin
Fangirl
Eternal
Peace Sign Necklace
I'll Never Let Go
Kung Ako Nalang Sana
Part Of Your Destiny
Bouquet & Garter
Assumera Ka Talaga
Must Be Love: Angel's Fast Forward
He Loves She, She Loves He too.
Those 3 Words
Magkabilang Mundo
That Very Moment
Dati
Anything For You
Happy Christmas
Abort Mission
Milktea & John Green
Ikaw Lang
She Loved
Weird Love Story

Manhid Ka

6.2K 88 5
By asdfghjklELA21

Manhid Ka...

...wala kang pakiramdaman, wala kang pakielam.

Written by: Pamela Claudio // All Rights Reserved 2012

PS: Nagrereplace na po ako ng ibang one shots. Ginawa ko ito sa school. Naalala ko pa 'nun, pinagttripan ako ng crush ko dahil wattpad ako ng wattpad. Hehehehe. Share. Tsaka, medyo creepy itong one shot na ito.

Kathryn's POV

Define Manhid? Walang pakiramdam.

Paano pag sinasabi mong: "Ang manhid ng paa ko." Wala ka ngang nararamdaman diba Pero masakit.



Kumusta ka na, Daniel John? Naaalala mo pa ba ako? Ako si Kathryn Chandria, ang nagmahal sa'yo. At patuloy na nagmamahal sa'yo. Kaso manhid ka lang para makita iyun.

Kaya itong liham na ito ang magpapakita at magpapatunay ng pagmamahal ko para sa iyo.

Naaalala mo ba nung free time natin? Noong third year high school tayo? Noong pinagtripan tayo ng mga kaibigan natin?


Kasi ako alalang-alala ko pa iyun.

"Chands, pag sinabi ko sa iyo na gusto ka ni DJ? Ano gagawin mo?"


Nanatili nalang akong nakatingin sa sinusulat kong papel habang itong katabi ko ay kinukulit pa din ako. Paano ko masasagot yang tanong niya? Eh kung tungkol sa'yo ay mabilis na ako makasagot.


Bakit parang umuurong ang dila ko sa tuwing ang kaibigan mo ang nagtatanong?






"Huy, ano? May pag-asa ba siya?"



"50/50." ang tangi kong sagot sa kanya.


100% chances talaga.


"Huh? Di naman siya mamamatay eh. Bakit 50/50?"




"Tanga." sabi mo sa kaibigan mo sabay binatukan mo siya.


Natawa ako sa inasta mo sa kaibigan mo pero nahalata mo din na namula ako.


You just fletched a smile but I don't care. You already made my day.


"Go Chands! Kiligin pa!" hiyaw ng mga kaibigan ko.



"Baliw." sabi ko nalang sabay tumango sa iyo at umiling.


"Huy wag niyo na nga pagtripan si Kath." sabi mo sabay tumabi sa akin at kinuha ang papel na nasa ibabaw ng arm chair ko.



"Bakit ba? Bagay kasi kayo." sabi nung dumaan nating kaklase sabay nag-wink.



"Oo nga tsaka diba may gusto kayo sa isa't-isa? Anong problema?" tanong ng kaibigan mo.

Napailing nalang ako doon sabay tumawa ka nalang.


Tignan mo, sila na nagsasabi na bagay tayo.

Pero hindi mo pa din nakikita.


Hindi talaga.

Nakita mo ko na inaayos ko ang bag ko kaya nilapitan mo ako at kinuha ang itouch ko.


"Alam mo na." nag-smirk ka kaya natawa nalang ako.



"Kulang nalang talaga, mapasaiyo nalang itong itouch ko eh." sabi ko sabay bigay ng itouch ko.



"Bakit? Akin naman talaga ito ah?" sabay pakita sa itouch ko.



"Joke lang." bawi mo sabay tumawa.


Minsan talaga iniisip ko na sasabihin mo: "Hindi, ang gusto ko kasi ang mapasaakin ka."


Pero wala eh.

Ang manhid mo talaga.


It was break time. Hindi ako makalabas ng room. Busy kasi ako sa pag


It was one stroke of luck after class nang marinig ko kayo ni Millen na naguusap sa classroom.

Yes, I was there. Nagtago lang ako sa may pintuan nun.



"Sino ang pinakamagandang babae na nakita mo sa buong buhay mo?" tanong sa'yo ni Millen.


My heart almost broke kasi feel ko na hindi ako iyun.

Sino pa nga ba ako para pansinin mo?


"Si Kath." sabi mo.

Instead of smiling, I described myself as of in a state of shock.



"Oh? Yun pala eh, bakit ayaw mong ligawan?"






"Hindi naman ako papansinin nun. Hindi naman ako mahal nun eh."





Taragis. Napamura ako doon.



Ang manhid mo talaga, Daniel!

Mahal na mahal talaga kita pero ikaw itong manhid para hindi mo mapansin lahat.


Sinasabi na nga ng mga kaibigan ko at kaibigan mo pero dedma ka lang.


Pero alam mo ba? Masaya na din na ganun. Para hindi magbago ang pagtingin mo sa akin.


Dito nagtatapos ang liham ko sa'yo. Sana pag natanggap mo ito, maalala mo pa din ang isang katulad ko.



Ako si Kathryn Chandria. Patuloy na nagmamahal sa iyo.



"Oh? Anong iniiyak-iyak mo diyan?" tanong sa akin ng bestfriend ko na si Julia.


Valentines Day ngayon. Ito kasi ang project namin sa Filipino. Ang magsulat ng maikling liham para sa isang tao espesyal sa buhay mo.

"Tapos ko na isulat yung liham ko kay Daniel."


Nag-iba ang expression ng mukha ni Julia. I sighed.

"It's been 5 years pero siya pa din talaga?"

Tumango ako.

Lumipat na kasi ako ng school nung 4th year sa isang all girls school dahil sa pamangkin ko na babae, si Lhexine.


I've never heard about Daniel since then.

After all the sweet memories I had with him, it still never fade.

"Yung itouch mo pala? Dala mo ba? Hahahahaha." natatawang tanong ni Julia.

Plano ko na kasing ibenta ang itouch na yun. 5 years ko na din hindi nagamit yun.

Kinuha ko sa bag ko 'yung itouch sabay binuksan.

"Tara selfie muna!" sabi ni Julia kaya natawa nalang ako.

Pagkapicture namin ni Julia. Tinignan ko sa gallery.

"Nice." sabay naming sabing dalawa.

Pagkaswipe ko nagulat ako dahil may bumungad sa akin ng isang video.


Video ni Daniel.

Ito yung video noong 3rd year kami nung wala kaming teacher sa math. It was our last day of classes. Vinivideohan niya yung mga kalokohan namin sa room.

Pero hindi ko natapos panoorin yun dahil biglang nalowbat and since then hindi ko na nagamit ang itouch na iyun.

Ang duration time is 6:26 minutes.

Nagulat ako dahil nandoon pala ako. Hahahaha bwiset talaga itong si Daniel.

"Hoy lalaki! Anong ginagawa mo?" turo ko sa itouch ko na hawak niya.

"Vinivideohan ka. Ang cute mo kasi eh." sabi niya kaya nagtilian ang mga classmates namin.

Napangiti ako. Hay.

Bumalik na siya sa upuan niya nun. Hinarap niya sa kanya yung camera.

"Hi Kath." sabi niya with his smiles that I fallen for.

"Thank you pala dahil ako na lagi ang nanghihiram ng itouch mo, ng cellphone mo, ng coloring materials mo basta lahat!"

Hindi ko pala napanood itong part na ito.

"Pero alam mo sa bawat balik ko sa iyo ng mga gamit mo, hindi ko masabi sa iyo na "Salamat, mahal na mahal kita?" kasi ayaw ng dila ko eh."

Finally.

Pero damn, bakit ngayon pa?


"Salamat Kath, mahal na mahal kita."



At doon na nagend ang video.

Nagbuntong hininga ako. Si Julia nakatingin pa din sa video kahit tapos na.

"Kath."


"Umm?"

Tumingin sa akin si Julia na parang maiiyak.


"I should have told you this before." she said sabay may parang likido ang tumutulo galing sa mga mata niya.


"Ano 'yun?"





"Patay na si Daniel. 5 years ago pa."


F-ck.

Impossible.


"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Paano mo nalaman?"



"He died on a car accident remember? Nabaliw ka pa nga 'nun sa pagkamatay niya. Tsaka, alam mo naman eh. Masyado ka lang kasing manhid." tumayo na siya sabay tumakbo.



"Julia! Julia wait!"



Ano daw? Alam ko? Pero manhid ako? Putek.





Pero the fact na patay na pala si Daniel. Sh-t. I didn't got the chance to tell him I love him back.


20 minutes na ako nandito sa kinauupuan ko. Wala akong balak na makihalubilo sa mga naka-red. It's like All Saints day for me.


Bakit, bakit bumalik sa akin lahat ng sakit?

Oo, alam kong patay na siya. Noon palang. Ayoko lang maalala. Para akong baliw 'noh? Scratch that, sobrang baliw na ako. Iniisip ko na parang wala akong alam. Iniisip ko na sa ganitong paraan ay mababalik pa siya sa akin. Ngayon, ilelet go ko na ang lahat. Pati na ang iTouch ko, inalagaan ko para sa kanya. It serves every memory of him and us.





"Pahiram itouch."


No. It can't be him. Nababaliw na ako. Hindi si Daniel 'yun. Bakit naririnig ko lagi ang boses niya?

"Kath! Tama na. Patay na siya." tumayo na ako at tumakbo papunta sa isang lugar na alam kong tahimik. Sa wakas, malaya na ako.


Ngayon ko lang narealize, ako pala ang manhid. Walang pakiramdam na patay na ang taong mahal ko. Baliw pala ako. Lahat pala nang nasa isip ko ay kathang isip lamang. Pero manhid ako para isipin 'yun. Wala pala si Julia, patay na si Daniel. Nasa mental hospital pala ako. At sa wakas, makakatakas na ako. Maiibigay ko na ang liham ko kay Daniel. Sa sementeryo.

Continue Reading