*Yeonwoo's POV*
Susunduin ko ngayon si nancy sa kanila ewan ko pero excited akong makita siya ngayon
Pagbaba ko ay nagbe-breakfast na sila
"Ate? Ang aga mo naman" napatingin silang lahat sakn pero ngumiti lang ako
Siguro naninibago nga sila kasi ang aga pa usually mga 6:30 na ako bumabangon pero 6:00 palang ng umaga ngayon
"Wow ate nagpakulay ka? Bagay sayo yang new hairstyle mo ah" di ko nalang pinansin si ahin at kumuha na ng pagkain
"Anong nakain mo at ang aga mong bumangon?" tanong ni mommy
"Susunduin ko kasi si nancy mom" napatingin naman silang lahat sakin at nagkatinginan
"Really ate? Can i come?" pangugulit ni ahin
"No pahatid ka nalang kay dad" sabi ko gusto ko ngang masolo si nancy tapos sisingit pa tong smol bean na to
"Please..."
"No baka malate ka"
"Ate! Tayo naman ang may-ari ng school kaya ayos lang yan"
"Still no"
"Ate!"
"No"
"Hay nako hayaan mo na ang ate mo ahin gusto lang niya masolo ang girlfriend niya" nabilaukan naman ako sa sinabi ni mom
"What? Girlfriend? Kayo na ba ate?"
"No"
Sasagot pa sana si ahin pero biglang nagring ang phone ko pagtingin ko si nancy
"Mahal ko? Sino yan ate? Bagong baba-ouch!" di na niya natuloy ang sasabihin niya kasi kinurot ko yung tagiliran niya. Daldal
Di naman alam nila dad and mom kung anong pinaggagagawa ko
Lumayo ako ng kaunti tsaka sinagot ang tawag
"Yes mahal ko?"
(Woah himala ang aga mo magising)
"Syempre susunduin pa kita eh"
(What?!)
"Bakit mahal ko ayaw mo ba?" takang tanong ko
(K-kasi...wala na ako sa bahay) bigla naman akong nalungkot sa sinabi niya
"Ah ganun ba sige...kita nalang tayo sa school"
(S-sige love...)
Pinatay ko na yung tawag at bumalik sa dining area pero bago pa ako pumasok ay narinig ko silang naguusap
"Feeling ko mommy may gusto na si ate kay ate nancy" huh? Ako? May gusto kay nancy?
"Paano mo naman nasabi anak?"
"Tignan mo si ate dad, pagkasama niya si ate nancy bumabalik siya sa dating siya tapos pag di niya kasama si ate nancy bumabalik siya sa pagiging-" biglang napatigil si ahin ng malaman niyang muntik na niyang sabihin ang sikreto naming dalawa
"Cassanova at playgirl?" nagulat ako sa sinabi ni mom. Alam niya?
"A-alam niyo po mom?"
Ngumiti muna si dad bago sumagot
"Yes anak, alam namin matagal na di lang kami nagsasalita kasi gusto naming manggaling sa ate mo yon. Ok lang samin na maging ganon siya kasi akala niya yun yung solution sa pagnomove on pero hindi, kailangan lang niya buksan ang mga mata niya para makita niya ang totoong nagmamahal sakanya, parang si nancy..."
Teka wag mong sabihing...
"Yeah dad your right, si ate kasi masyadong manhid di niya maramdaman na mahal siya ni ate nancy. Masyado siyang nakafocus kay ate angela non kaya nakalimutan na niya si ate nancy. Nung nalaman nga ni ate nancy na sila na ni ate angela diba iyak siya ng iyak non? At ilang araw din di nakapasok kasi mugto lagi ang mata pero si ate non parang walang pakealam"
M-mahal ako ni nancy?
Ganon ba ako kamanhid para di ko maramdaman yun?
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at umiyak siya nung nalaman niya na kami na ni angela?
Umalis na ako don at pumunta sa kwarto ko
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Nancy mahal na ba kita?
Pinag-isipan ko mabuti ang nararamdaman ko
Pag may kasama kang iba nagseselos ako
Pag di kita nakikita malungkot ako
Pag kasama kita sobrang saya ko
Pag tinatawag mo akong love bumibilis ang tibok ng puso ko
....
Damn it!
*Nancy's POV*
Pagdating ko kila yeonwoo ay nagdoor bell ako at bumungad sakin si yeonwoo
"Hi love! Good morning!" sabi ko at yumakap sakanya
"G-good morning din mahal ko a-akala ko ba nasa school ka na?"
I giggled
"Wala naman akong sinabing nasa school na ako ang sabi ko lang wala na ako sa bahay kasi nung tumawag ka papunta na ako dito" napatango naman siya
"Ok so let's go?" tumango ako at pumasok na ng kotse
Napansin ko namang tahimik siya kaya nagsalita na ako "May problema ba?" napalingon naman siya sakin saglit
"Huh? Wala naman bakit?"
"Ang tahimik mo kasi"
"Wala lang to mahal ko" bumilis naman ang tibok ng puso ko ng tawagin niya ulit akong mahal ko
Tahimik lang kami buong byahe mukhang malalim ang iniisip niya kaya hinayaan ko nalang
Pagdating namin sa school ay hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya
"Tara na naghihintay na yung mga chicks don oh" sabi niya at ngumuso sa labas kung saan napakadaming babaeng nagaabang sakanya
"From now on bawal ka ng mambabae" sabi ko at tinanggal ang seatbelt ko pero di ako bumaba
"What?! But-"
"No buts got that?!" sabi ko at tinaasan siya ng kilay bumaba naman ang balikat niya
"Fine" pagsuko niya
"Part to ng pag momove on mo kaya-"
"Sa tingin ko nakamove on na ako"
"Ows? Edi di mo na pala kailangan ng tulong ko? Sige" sabi ko at bumaba na ar sumunod naman siya kaya nagwala nanaman ang mga babae sa paligid
"So pwede na rin ako mambabae?" sumimangot ako tsaka siya hinarap
"Edi mambabae ka! Bahala ka sa buhay mo" sabi ko at umalis sumunod naman siya sakin at hinawakan ang kamay ko
"Joke lang mahal ko kahit nakamove on na ako hindi na ako mambababae promise" sabi niya at itinaas ang right hand niya tinignan ko lang siya saglit at nagsalita
"Sure ka bang nakamove on ka na?" tanong ko habang nakatingin sa paligid
Hinawakan naman niya ang chin ko at hinarap sakanya "Oo" sabi niya at ngumiti
"That's good to hear" nasabi ko nalang
"Tara na mahal ko pasok na tayo" sabi niya at hinawakan ang kamay ko
"Mahal ko may pupuntahan pala tayo mamaya ah"
"Huh? Saan naman?"
"Basta"
**
"Love..." tawag ko sakanya habang nakain kami sa cafeteria
"Hmm?"
"P-paano kung..." napakunot naman ang noo niya at tumingin sakin
"Kung?"
"K-kung...bumalik siya?"
"Sino?"
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot "S-si angela..."
"I don't care kung bumalik siya masaya na ako ngayo mahal ko"
Napangiti ako sa sagot niya parang sinasabi niya na ako ang dahilan ng pagiging masaya niya
"Mahal ko? Siya ang bagong girlfriend ni yeonwoo?"
"Yucks!"
"Di sila bagay"
"Mas bagay kami ni yeonwoo kesa sa b*tch na yan"
"For sure pinaikot lang niya si yeonwoo"
"Grabe ang landi niya"
Natahimik ako dahil sa naririnig ko sabi na magiging issue to eh at for sure kakalat to sa buong campus
Tumingin si yeonwoo sakanila kaya nagsi-iwasan sila ng tingin
Napansin naman ni yeonwoo ang pagiging tahimik ko kaya hinawakan niya ang kamay ko "Wag mo silang intindihin mahal ko, wag kang makinig sakanila ok?" tumango nalang ako sa sinabi niya
"Mahal ko bibili lang ako ng ice cream ah anong flavor sayo?"
"Kahit ano love"
"Huh? Kahit ano? Meron bang flavor non?" natawa nalang ako sakanya daming alam
"Sige na bumili ka na don" ngumiti lang siya tsaka ako hinalikan sa noo at umalis na
Nagcecellphone lang ako ng biglang may lumapit sakin na lalaki
"Hi nancy...i'm Jungkook crush kita dati pa pero nahihiya akong umamin uhm pwede bang makuha number mo?" sabi niya at habang nakahawak sa batok niya at nakayuko, nakatayo kasi siya at nakaupo naman ako. Ang cute niyaaaaa
Ngumiti ako "Su-"
"No"
Napatingin kaming dalawa sa likuran ko ng biglang may nagsalita
"Uhm kapatid ka ba niya?" tanong ni jungkook
"No" sabay na sagot namin ni yeonwoo
"Pinsan?"
"No"
"Bestfriend?"
"Ye-" naputol nanaman ang sasabihin ko kasi sumingit nanaman si yeonwoo
"No, girlfriend niya ako right mahal ko?" umakbay naman siya at tumingin sakin
"Uhm...uh..y-yeah g-girlfriend ko siya...." napatango naman si jungkook na halata mong disapointed
"Pero pwede pang makuha number mo?" tanong niya pa ulit
"Sure/No" nagkatinginan kami ni yeonwoo pero siya ang unang umiwas
"Si nancy ang tinanong ko hindi ikaw kaya wag kang sumabat" nagulat naman ako sa sinabi ni jungkook
Tumayo naman si yeonwoo at kwinelyuhan si jungkook kaya tumayo rin ako para awatin siya
"Nandito yung girlfriend ng hinihingan mo ng number tapos pumapapel ka pa! Uulitin ko! She's.My.Girlfriend! SHE'S MINE, so back off!" sigaw niya tsaka tinulak si jungkook kaya napahiga siya at tumakbo na
Nakatingin samin ang lahat ng tao kaya hinila ko na si yeonwoo palabas ng cafeteria
Umakyat kami ng rooftop para makapag-usap kami ng maayos
"Anong ginagawa natin dito?"
"Ano pa ba? Bakit mo ginawa kay jungkook yon?"
"Hinihingi niya yung number mo"
"So?"
"Anong so? Halata sa mukha ng lalaking yun na may gusto sayo! At halata rin na balak ka niyang ligawan!"
"Ano naman?"
"Anong ano naman?" inis niyang tanong
"Ano naman kung may gusto siya sakin at liligawan niya ako, bakit? Nagseselos ka?" Asar na tanong ko sakanya pero tumalikod siya sakin at naghilamos ng mukha tsaka humarap ulit sakin
"Oo! Oo nagseselos ako" nagulat naman ako sa sinagot niya
"N-nagseselos ka? B-bakit naman?"
"Wala"
"Yeonwoo ano nga?" pangugulit ko
"Wala nga"
"Yeonwoo kasi sabihin mo n-"
"Kasi mahal kita nancy! Mahal na mahal kita!"