*Yeonwoo's POV*
Di ko alam kung anong pumasok sa kukote ko at naisipan kong gawin yun
Siguro miss na miss ko na siya kaya yun...
"Ano naman yang iniisip mo babe? Ang lalim naman masyado..." natauhan naman ako ng may marinig akong boses, may kasama pala ako
"Ah wala to babe, wag mo na ako intindihin" sabi ko at ngumiti nalang napaka-pakealamera naman ng babaeng to
"Babe bili lang ako ah" sabi niya tumango lang ako at umalis na siya wala naman akong pakealam kung iwan niya ako marami naman diyang babae sa paligid
Nancy...Aenaen...Mallow ko...
Miss na miss na kita pangako di ko na ulit gagawin yun...
"Ano ba?! Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" napatingin ako sa babaeng sumigaw tss si babe lang pala
Kung nagtataka kayo kung bakit babe lang tawag ko sakanya well... Unang-una di ko kasi alam pangalan niya at pangalawa wala akong balak alamin kasi wala naman akong pake sakanya isa lang naman siya sa babaeng pinaglalaruan ko
"Anong ako?! Hoy! Ikaw na nga bumangga saamin tapos ikaw pa galit?! Kapal neto" teka familliar ang boses na yun na? Tumingin ako ng maiigi don at damn si ahin at nancy pala ang kaaway ng babaeng to
*Nancy's POV*
"Guto niyong isumbong ko kayo sa girlfriend ko?!" tss anong gagawin namin sa girlfriend niya? Siya na nga bumangga samin siya pa galit tss
"Edi magsumbong ka! Pake namin sa girlfriend mo? Samahan pa kita eh" tarayyy yan ang kaibigan ko, palaban go ahin!
"At buti may pumatol sayo noh?" dagdag ni ahin na ikinatawa ko
Binuhusan niya ng juice si ahin sa mukha pati yung damit niya nadamay kaya namantsahan yun
"Talaga! Sabihin ko lang sakanya na inaway niyo ako ay tiyak na kick out agad kayo dito, dahil sila lang naman ay may-ari ng school na to. Isusumbong ko kayo sa girlfriend kong si yeonwoo!" hiningal naman siya dahil sa haba ng sinabi niya. Ano girl buhay ka pa?
"Wow! Ang yabang ah, alam mo sobrang nakakapagtaka nga na pinatulan ka niya" sabi ni ahin, tinaasan naman siya ng kilay nung babae
"Mukha ka kasing palaka eh" sabat ko at tumawa, natawa rin si ahin sa tabi ko kaya nag-high five kaming dalawa
Lalo namang nainis yung babae at akmang sasampalin na niya ako ng unahan ko siya
"Wag na wag kang magkakamaling ilapat yang madumi mong kamay sa mukha ko dahil siguradong pagsisisihan mo yan" seryosong sabi ko
"Hindi ako natatakot sayo" sabi niya at sinalubong ang tingin ko
Ngumisi ako at sinampal ulit siya "Para yan sa pagbuhos mo ng juice sa kaibigan ko" sabi ko
"You b*tch!" sabi niya at bago pa niya ako masampal ay may kamay nang pumigil sa kamay niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino yun
Si yeonwoo...
Madilim ang aura niya sigurado akong narinig at nakita niya lahat, tsk patay kang babae ka
"B-babe! Buti nandito ka babe! Inaway ako ng dalawang b*tch na yan" kung madilim ang aura niya kanina mas madilim ang aura niya ngayon, mukha namang napansin yun ni ahin kaya hinawakan niya ang braso ko at halatang natatakot siya sa ate niya
"We're done" sabi naman ni yeonwoo mukha namang nagulat ang babaeng kasama niya
"A-ano?" hindi sumagot si yeonwoo at tinitigan lang yung babae
"Okay lang sana kung ibang tao ang aawayin mo, wala akong pakealam. At talagang kapatid at kaibigan ko pa ang pinag-diskitahan mo noh?" sabi niyaat binitawan ang kamay ni frog
"K-kapatid mo siya?" tanong niya at tinuro si ahin. Tumingin siya samin pero nginitian lang namin siya
Akala mo ah!
"Kayong lahat!" sigaw ni yeonwoo kaya napatingin sakanya ang lahat
"Kapag nalaman kong sinaktan o inaway niyo ang kaibigan at kapatid ko... Humanda kayo sakin" sabi ni yeonwoo at hinatak na ang kapatid niya palabas ng cafeteria kaya sumunod ako sakanila
Pagdating namin sa locker ay binitawan na rin niya si ahin "Ano ba kasing nangyari ahin?" tanong niya
"Siya kaya ang nauna ate! Nag-excuse siya samin kaya gumilid kami tapos binangga niya padin si ate nancy ng malakas tapos bigla nalang din siya sumigaw ng tumingin daw kami sa dinadaanan namin, eh siya nga nangbangga samin eh kapal talaga ng mukha nun" binigyan naman ni yeonwoo si ahin ng damit niya tsaka nagsalita
"Edi sana di mo nalang pinatulan"
"What? Ate kilala mo ako di ako nagpapatalo tsaka siya naman ang may mali, magsosorry naman ako kung alam kong ako yung mali"
"Kahit na pano kung mapahamak ka dun?"
"I don't care, kung itigil mo nalang kaya ang pambababae mo? Edi sana walang gulong nangyayari"
"Ahin can you please listen to me?! Walang kinalaman ang pambababae ko sa nangyayari!"
"Meron ate! Dahil lang naman sa mga babae mo kaya nagkakaganito!"
"Dapat kasi di mo nalang pinatulan yon!"
"Ate naman! Ilang beses ko banh sasabihin na hindi ako magpapatalo lalo na't di naman ako ang may mali?!"
"Makinig ka nalang sakin ahin! Ayoko lang na mapahamak ka!"
"Pano naman ikaw ate?! Bakit ako nalang lagi ang iniisip mo?!"
"Kasi kapatid kita at ayokong may mangyaring masama sayo!"
"Pero yung sarili mo di mo iniisip? Ate concern lang ako sayo! Ayoko ring mapahamak ka kaya sinasabihan kita na itigil mo na ang pambababae mo kasi nga nagiging ganito! Kung nagfo-focus ka lang sa pag-aaral mo? Edi sana may nangyayaring maganda sayo!" natahimik naman si yeonwoo sa sinabi ng kapatid niya, ngayon ko lang sila nakitang nag-aaway ng ganito
Lumapit naman si ahin sakanya at yumakap
"Ayoko rin lang na may mangyaring masama sayo ate, please magmove on ka na, kalimutan mo na yung nakaraan mo, matagal na yun" sabi ni ahin at bumitaw na nakita ko namang si yeonwoo na naiiyak pero halatang pinipigilan niya
Bumitaw naman na si yeonwoo at umiwas ng tingin "Sige na magbihis ka na" sabi ni yeonwoo at umalis
"Sundan ko lang ate mo, magbihis ka na ah" sabi ko paalis na sana ako pero hinawakan niya ang wrist ko
"Ate nancy ikaw ng bahala kay ate ahh" tumango lang ako at umalis na
Hinanap ko siya sa garden, cafeteria, gym at room pero wala siya at pagwala siya dito matik nasa rooftop siya kaya umakyat na ako papunta don
And i am right andun nga siya nakatililokd sakin nasa railing nanaman kaya lumapit ako sakanya baka kasi tumalon to
"Wag ka mag-alala di ako tatalon" tinignan ko yung paligid pero wala namang tao sino kausap ng baabeng to?
"Oo ikaw kausap ko" hala siya baliw na
"Di ako baliw" OMG nakakabasa na siya ng isip!
"Halika nga dito kung ano-ano iniisip mo" mukha ngang ako kausap niya kaya lumapit na ako sakanya
Nabuo ang katahimikan saming dalawa walang nagtatakang magsalita napatingin ako sakanya pero nakatingin lang siya sa malayo maya-maya ay umupo siya at sumandal
Nakita ko sa mata niya na gustong-gusto na niya umiyak kaya umupo rin ako sa tabi niya at niyakap siya na ikinagulat niya maya-maya lang ay niyakap rin niya ako pabalik at naramdaman kong basa na ang balikat ko kaya hinagod ko ang likod niya
"N-nancy..." bumitaw naman ako tumingin sakanya habang hawak ko ang mukha niya
"Hmm?"
"I'n sorry...sorry" sabi niya habang iniiling ang ulo niya at yumakap sakin
"Bakit ka naman nagsosorry?" tanong ko
"K-kasi iniwasan kita pati ikaw dinamay ko sa kagagahan ko, di ko pala kaya sorry nancy sorry talaga" sabi niya habang umiiyak napangiti nalang ako at bibitaw na sana pero hinigpitan niya pa ang yakap sakin
"Yeonwoo ok lang naiintindihan ko" sabi ko pero iniling lang niya ang ulo niya
"Hindi eh kasalanan ko sorry talaga" bumitaw naman ako sakanya at pinunsan ang luha niya
"Sige papatawarin kita pero sa isang kondisyon" sabi ko
"S-sige ano ba yon?"
Hinalikan ko muna yung noo niya bago magsalita "Kalimutan mo na siya, magmove on ka" sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya
"P-paano?"
Ngumiti ako sakanya halata sa mukha niya na gusto na niyang magmove on pero di niya alam kung paano
"Tutulungan kita"