It doesn't Matter

By MarizBajado

1.9K 34 25

Sabi nila, age doesn't matter daw... pero paano kung hindi lang basta masyadong bata ang lalaking nangungulit... More

It doesn't Matter
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
UPDATE
Chapter Twelve
Chapter Fourteen

Chapter Thirteen

123 1 0
By MarizBajado

CHAPTER THIRTEEN

Casanova's Dilemma

NAPATANGA si Miriam sa nasaksihang eksena. Oo nga’t umaasa siyang hindi seseryosohin ni Chester ang binigay niyang mga kundisyones dito upang mapalapit sa kanya, subalit hindi naman niya inaasahang harapang ipamumukha nito sa kaniyang isa lang siyang libangan para rito. Siguro nga’y natsa-challenge lang ito kaya nagpupursigeng makuha ang atensyon niya.

                Nag-text sa kaniya ang kaibigan at pinsan ng binatang si Kyshee. Sinabing sinundan nga raw siya ni Chester sa ladies room dahil nag-aalalang maligaw na naman siya. Natawa siya dahil pinagmumukha siya nitong isang toddler. Nevertheless, she found it cute and endearing that she hurriedly finished retouching her light day make-up.

                Upang magulat lamang pala. Padaan siya sa hallway nang may naulinangang nag-uusap. Agad niyang nabosesan si Chester kaya naman sinundan niya ang tinig. Tila may batong dumagan sa dibdib niya. Ayun ang magaling na lalaki at ekspertong nakikipag-halikan sa hindi niya kilalang babae. Nag-init ang magkabila niyang pisnge sa inis. Pinagmukha siya nitong tanga. Expected niyang behave itong nag-hihintay sa paglabas niya ng ladies room, pero ano ang nadatnan niya? Nakaka-bastos ‘yun para sa kaniyang pagkatao. Isang malaking insulto sa kaniyang ego.

                Nagmamadaling nilisan niya ang lugar na iyon bago pa man siya makagawa ng labag sa kagandahang asal.

                She’s just disappointed. ‘Yun ang paulit-ulit niyang dikta sa isip habang pabalik sa grupo nila Kyshee. ‘Argh! How I hate playboys!’

                “Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Angel ng mamataan siya.

                “Yeah,” matipid na aniya. Hinuha niya’y mukha siyang papatay kaya ganoon kaagad ang bungad nito sa kaniya hustong makalapit siya sa tapat nito. “Si Kyshee?” luminga-linga siya, wala roon ang kaibigan.

                “Sinundan kayo, maninilip daw siya ng scandal niyo ni Cj. Hindi mo ba nakita? Si Cj nga pala, bakit di mo kasama?” sabad ni Aj na prenteng nakaupo sa bench habang naka-akbay sa girlfriend na si Jenny.

                Napailing siya. Scandal nila ni Chester? Definitely, hindi siya ang kaulayaw nito sa scandal na iyon. But where is her friend? Alin sa dalawa, hindi niya ito nakita o hindi niya lang napansin dala ng pagpupuyos ng damdamin niya.

                “Oh, heto na pala sila, eh!” si Jenny.

                Nagmamartsa nga palapit sa kanila ang mag-pinsan. Halatang galit si Kyshee dahil salubong ang naturally shaped eyebrows nito. Kunot na kunot pa ang noo. Samantalang tila isang nasukol na bata si Chester habang nakabuntot sa pinsang babae.

                “I am so disappointed, Cj!” naulinangan pa niyang ani Kyshee, umiiling-iling.

                “Ate naman!” angal kaagad nito. Tumingin ito sa kanya, tila nagpapasaklolo. Isang matalim na irap ang isinukli niya roon.

                “May ginawa yata tayong di kagandahan, pare.” Komento ni Mike na napansin ang ginawa niya.

                “Ewan ko riyan sa dalawang ‘yan,” tila batang maktol ni Chester.

                Aba, denial king!

                “I’m so disappointed!” gagad niya sa sinabi ni Kyshee, may halong sarkasmo ang tinig.

                Namilog ang mga mata nito. Naunawan na ang nangyari. Hindi lamang si kyshee ang nakahuli ritong may ginagawang milagro kungdi maging siya. Ang mas lalong ikinaiinis niya’y iyong wala man lang itong ginawa o sinabi matapos ma-realize iyon. He just stood there staring, not even uttering a word of sorry or even bother explain his self.

                 Sino nga naman ba kasi siya para rito para pagpaliwanagan, hindi ba? She’s just one of his many constant past time.

                “Alam niyo guys, kumain na lang tayo. Let’s celebrate your victory.” Si Angel ang bumasag sa katahimikan, tila napagod sa staring competition nilang tatlo.

                “Sige, ako taya!” walang kagatol-gatol niyang prisenta, hindi man lang inaalis ang matalim na tingin kay Chester. Kapag galit siya, galit din siya sap era lalo na sa pagkain. Doon niya ibinubuhos lahat ng frustrations niya.

                The group cheered, maliban sa kanilang tatlo: Si kyshee, Chester, at siya.

CHESTER found himself awkwardly seated between Kyshee and Miriam. Hindi tuloy malaman ni Miriam kung matatawa siya o maiinis sa insistence ng mga kabanda ng lalaking pagtabihin sila sa upuan.

                Pagpasok pa lamang nila sa sikat na pizza house ay ang seating arrangement kaagad ang inabala ng mga ito imbes na ang pag-order. Nagkasya naman sila tatlong pinagdugtong na mesa ng staffs ng kainan. Noong una’y katabi niya sa upuan si Jenny, subalit hinaltak siya patayo ni Aj sa tabi nito’t doon umupo. Itinuro ni Angel ang bakanteng upuan sa tabi ni Chester at doon siya pinaupo.

                Malamang ay nagpapalakas ang mga ito sa kaniya dahil sa siya ang taya sa pagkakataong iyon. Eh, kung iwan ko kaya itong mga mokong na ito!

                “Choose whatever you want,” aniya nang magtanong ang mga ito kung ano ang oorderin nila.

                “Ayos pala itong honey mo, tol!” ani Blue, bassist ng bandang Ladies Men.

                Kumulo bigla ang dugo niya sa sinabi nito. Paano’y naalala niya ang pinagsisintir niyang suntok sa kaniyang ego—that darn torrid kiss. “Duh! I’m not even his honey. I’m not even sweet in the first place,” sinulyapan niya pa ng palalim ang katabing si Chester.

                Nag-ingay ang mga lalaki; binubuska si Chester. “Tablado ka pala dito kay chinita, eh!” ani Kara, girlfriend ni Mike.

                “Huwag niyo nga akong pag-initan!” saway nito sa mga pinsan at kabanda, kunot na ang noo. Mukhang malapit ng mainis. “Patatawarin din ako niyan mamaya,” pagmamayabang pa nito—to save his manly ego.

                “Asa!” sabay na wika nila ni Kyshee.

                Hihirit pa sana ang lalaki dangan nga lang at naunahan ng pagdating ng sangkaterbang orders ng pinsan at kabanda nito.

                Naitirik niya ang mga mata. Nang sinabi niyang order whatever they want ay hindi niya inaasahang ganoon karami ang oorderin ng mga ito. ‘Boys!’

                Iiling-iling na gumaya na lang siya sa maganag pagkain ng mga ito. She has to relieve her anger after all.

MAGING hanggang sa sakayan ng jeep pauwi ay hindi niya ito pinapansin kahit panay pa ang kalabit nito sa balikat niya.

                “Stop!” naiiritang aniya.

                Tumigil naman ito sa ginagawa. Kaipala’y nakahanap ng bagong paraan para kulitin siya. Nag-vibrate ang cellphone niya.

                ‘Can you let me explain first, honey?’

                Iyon ang nakasaad sa text message niyo. Napapalatak siya. There goes the honey endearment again. She chose to ignore the message and not reply.

                She heard Chester’s deep sigh.

                ‘Ignore him. Ignore! Ignore!’ paulit-ulit niyang chant sa isip. Tuloy ay hindi niya napansing nakapara na pala ng jeep si Angel at lumulan na roon ang buong grupo.

                “Wala ng bakante, ‘tol. Abang na lang kayo ng susunod na jeep.” Pigil-pigil nito si Kyshee na makababa ng jeep. Panay ang angal ng bestfriend niya sa lalaki.

                Tumango si Chester saka sumaludo  ng magsimulang umandar ang jeep. All the while ay nakatanga lang siya sa mga nangyayari. Hindi siya makapaniwalang pinagkaisahan siya nga mga ito—minus Kyshee, of course—matpos niyang manlibre. Halos umabot sa three thousand pesos ang binayaran niyang bill.

                “Mga walang utang na loob!” sigaw niya ng makahuma.

                Kinabig siya ni Chester palapit sa dibdib nito hustong mawala sa kanilang paningin ang jeep. “Let’s talk, please?” masuyong samo nito sa teynga niya.

                She felt shiver run down her spine with that simple action.

                Nagpumiglas siya. She doesn’t want to hear any of his excuses…of his lies. Subalit matatag ang pagkakapulupot ng mga braso nito sa kaniyang baywang.  She’s trapped. There’s no other way out but to listen. “Fine!” siguraduhin mo lang na hindi ako lalong maiirita sa paliwanag mo. And, do me a favour, please? No more lies… be honest this time around.”

                She felt his chest rise, he sighed.

                “Okay, I’ll be honest this time,” he paused when a jeep stop in front of them. Hinintay nitong muli iyong umandar bago muling nagpatuloy. “Venice is one of my girlfriends. I have three, by the way. Now you know. Anyway, pupuntahan na dapat kita, wala sa plano kong makasalubong siya. Inabangan niya pala talaga ako. She’s jealous of you, so I kissed her.”

                “So, you’re the one who kissed her.” Nang-uuyam na kumpirma niya. Ang galing lang din talaga ng baluktot na logic nito.

                “I just kissed her to assure her that you’re nothing to me.”

                “So, I’m nothing to you?” she bluntly asked.

                Humigpit lalo ang yakap nito sa kaniya. “Hindi ganoon ‘yun. Hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Importante ka sa akin pero ang gusto kong isipin niya ay hindi.”

                Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman. Dapat ba siyang matuwa? Umakyat na naman ang dugo sa ulo niya. “That’s just the same thing Chester. Kahit gaano mo pagandahin ang labas pa rin ay wala akong halaga sa’yo dahil kung importante nga ako’y kakalasan mo na lahat ng girlfriend mo. That’s just an excuse for your selfishness.” Pagkasabi noon ay buong lakas niyang kinalas ang pagkakayakap nito sa kaniya. “Kung gusto mo pa ring panindigan ang pagiging mahalaga ko kuno sa iyo, I dare you. Break up with all your girlfriends.” Agad siyang lumulan ng pinarang jeep. Hindi na niya hinintay ang anumang palusot pang sasabihin nito.

                Pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay pinagtaksilan din niya ang damdamin niya dahil bakit may kirot siyang nadarama sa dibdib niya ng mga sandaling iyon kung hindi rin importante sa kaniya si chester?

                It’s not just Chester who’s in trouble for her heart’s in the brink of madness, all over again.

Continue Reading

You'll Also Like

255K 5.7K 44
Status: [SOON TO BE COMPLETED] Isa lang siyang ordinaryong empleyado, hindi pansinin ng mga tao dahil sa nerd niyang itsura. Never niyang inisip mag...
3.4M 93.5K 62
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
5.9M 152K 60
Zera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...