Posh Girls Series Book 2: Aki...

By iamsapphiremorales

36.2K 815 35

"Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakukuha ang bagay na gusto ko. Pero this time, hindi lang basta gus... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 1

7.7K 115 2
By iamsapphiremorales

“WHERE are you going?” kunot-noong tanong ni Michael kay Akira nang tumayo siya pagkatapos ubusin ang beer na iniinom niya.

“I’m going home.” Dinampot niya ang kanyang bag at isinukbit iyon sa balikat.

Bago pa siya makahakbang ay mabilis siyang napigilan ni Michael sa kamay. “I thought you’re staying?”

Tiningnan niya ito. “Nag-stay na ako, 'di ba? Sinabi kong mag-i-stay ako pero hindi ko sinabi na dito ako matutulog.”

Hindi nakaimik ang lalaki. Napatingin sa kanila ang mga kaibigan ni Michael na naroon. Nasa bahay sila ng binata sa Marikina, nagkayayaan ang mga ito kanina na uminom pagkatapos ng fashion show ni Michael.

Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ng lalaki. “Mauna na ako sa inyo.”

Tumalikod na siya pero bago pa niya marating ang pinto ay muli siyang napigilan ni Michael. “Hon, wait!” anito at mabilis na nailingkis ang mga kamay sa katawan niya. “Huwag ka nang umalis please.”

“It’s already two in the morning, hinahanap na ako sa bahay,” aniya na iniiwas ang mukha nang tangkain nitong halikan siya sa labi.

“Tumawag ka na lang sa kanila. Tell them na magkasama tayo at mamaya ka na lang uuwi,” malambing na sabi nito.

Napataas ang kilay niya. Hindi pa siya nahihibang para gawin ang gusto ng lalaki. Ano siya, bale? Ipapahamak ba niya ang sarili para pagbigyan ito? Hindi pa siya nasisiraan para aminin sa mga magulang niya na isang lalaki ang kasama niya ngayon.

“Alam mong ayoko sa lahat ay 'yong inuutusan ako ng dapat kong gawin, 'di ba?” mahina pero matigas niyang sabi.

Hindi nakakibo ang lalaki. Alam niyang malaki ang takot ni Michael na magalit siya dahil alam nitong kayang-kaya niya itong iwan. At iyon ang ayaw nitong mangyari. He needs all the connections that she had. Sa halos dalawang buwan na kasama siya nito ay malaki ang naitulong niya sa career ng lalaki. Isang baguhang modelo si Michael at dahil sa kanya ay unti-unting dumami ang offer dito. Marami siyang kakilalang mga designer at agent kaya nagagawan niya ng paraan para maisali ito sa mga shows.

Inalis nito ang pagkakayakap sa kanya. “Kailan ulit tayo magkikita?”

“Hintayin mo na lang ang tawag ko,” malamig niyang sabi at tinalikuran na ito.

Napabuga siya ng hangin at mahinang napailing pagkasakay niya ng kotse. Mukhang dapat na niyang iwasan ang binata. Lately ay napapansin niyang nagsisimula na itong maging demanding. At iyon ang isa sa pinakaayaw niya.

*****

INIHINTO ni Akira ang kotse sa labas ng gate ng kanilang mansiyon. Mabilis siyang bumaba ng kotse at lumapit sa may gate. Napangiti nang makitang gising pa ang guwardiyang si Mang Rodolfo. Nagkakape ito habang nakaupo sa maliit na guard house na nasa may gate.

“Mang Rodolfo!” tawag niya rito.

Napatayo ang matanda at agad siyang ipinagbukas ng gate. “Ma’am, bakit ngayon lang kayo?”

“Hindi ko ho napansin ang oras, eh,” aniya at iniabot ang susi ng kotse sa matanda. “Kayo na ho ang bahala sa kotse ko.”

Kumakamot sa ulo na tumango ang matanda. Sina Mang Rodolfo at ang kasambahay nilang si Jennifer ang kakutsaba niya kapag ganitong dis oras na ng gabi siya nakakauwi. Si Mang Rodolfo ang magbubukas sa kanya ng gate at magtutulak papasok ng kotse niya, habang si Jennifer naman ang mag-iiwang bukas ang pinto sa kusina upang doon siya makaraan.

“Thank you po,” ngiting-ngiti niyang sabi bago iniwan ang matanda.

Mabibilis ang hakbang na nagtungo siya sa likod ng mansiyon. Maingat niyang binuksan ang pinto sa kusina, saka hinubad ang suot niyang high heels na sandals. Sarado ang ilaw ng buong kabahayan kaya natitiyak niyang natutulog pa ang mga tao roon.

Maingat siyang naglakad upang hindi makagawa ng ingay. Malapit na siya sa hagdanan nang biglang bumukas ang malaking chandelier at bumaha ang liwanag sa ibaba ng mansiyon. Awtomatiko siyang napatingin sa kinaroroonan ng mga switch ng ilaw.

“Ano’ng oras na, Akira?” naka-krus ang mga braso na sabi ng kanyang inang si Cassandra Morales.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. “Alas tres na ho,” aniya sa mahinang tinig.

“Uwi pa ba ito ng matinong babae?” nakataas ang kilay na sabi ng ginang.

Napabuga siya ng hangin. “Mommy, alam naman ho ninyo ang trabaho ko, 'di ba? I’m an event organizer, alangan namang iwan ko ang event na ako mismo ang nag-organize?”

“Tigilan mo ako ng katuwiran mong 'yan, Akira!” malakas na sabi ng ginang, mahihimigan ito ng pagkaubos ng pasensiya. “Tinawagan ko ang isa sa mga ka-trabaho mo at ang sabi nag-half day ka lang kanina at wala ka rin naman daw event na naka-schedule this week. So saan ka talaga nanggaling?”

“Do you really have to do that, Mommy? Tinawagan mo ang ka-trabaho ko just to know where I am? Ano ba’ng akala ninyo sa akin? Hindi na ako bata!” reklamo niya.

“Exactly! You’re already twenty-five but you’re not acting like one?! When are you going to grow up, Akira!” singhal sa kanya ni Cassandra.

Hindi siya kumibo. Alam niyang kung sasagot siya ay lalo lamang hahaba ang diskusyon at sawang-sawa na siya sa ganitong usapan nila ng mga magulang.

“Tomorrow hindi ka na papasok sa trabaho mong iyan. Doon ka sa opisina natin magre-report. Nag-usap na kami ng Daddy mo and our decision is final,” dagdag pa nito.

“You know I can’t do that. May contract—”

“I’ll take care of that,” putol sa kanya ng ina. “Ako naman ang nagpasok sa 'yo sa trabahong iyan, 'di ba? So ako na rin ang kakausap sa Tita Chloe mo at magsasabi sa kanyang magre-resign ka na.”

Hindi siya nakakibo. Alam niyang kaya talaga iyong gawin ng ina. “Mommy, huwag na—”

“Four years na kitang pinagbigyan sa gusto mo, dahil nangako ka sa akin na titino ka. Pero 'yan ba ang pagtitinong sinasabi mo? Ang family business na ang aasikasuhin mo mula bukas. Kung ipipilit mo ang gusto mo, then fine! Hahayaan ka namin, but you will have to move out of this house!”

Napatulala siya sa narinig. “A-ano hong ibig ninyong sabihin?”

“We will disown you kapag hindi ka sumunod,” walang kaabog-abog na sagot sa kanya ng ina.

Napaawang ang labi niya. Itatakwil siya ng mga ito? Kaya ba talagang gawin iyon sa kanya ng mga magulang niya? Pero libong beses na silang nagtalo ng mga magulang at ngayon lang nagsalita ng ganoon ang kanyang ina. At mukhang hindi ito nagbibiro, seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kanya.

“Pagod na kami ng Daddy mo. Lahat na ginawa namin para mapatino ka. Pinayagan ka namin diyan sa gusto mo na maging event organizer pero ginawa mo lang excuse ang trabahong iyan para magawa ang mga kalokohan mo,” patuloy nito nang hindi siya sumagot.

“Ano bang sinasabi ninyong ginagawa kong kalokohan? Wala—”

“Enough with your lies, Akira!” galit na talagang sabi ng ginang. “Akala mo ba hindi ko alam ang tugkol sa pakikipag-relasyon mo sa kung sino-sino’ng mga lalaki na nakikilala mo sa bar?!”

Hindi siya nakakibo. Ilang minuto ring nakatitig sa kanya ang ina bago siya nito tinalikuran. Napasunod ang tingin niya rito. Ilang sandali rin siyang nawalan ng kibo bago walang imik siyang umakyat sa kanyang silid.

*****

NAKITA niya ang pagtataka sa mukha nina Iona at Scarlet nang pumasok siya sa loob ng Metro Café-Bar. Lumapit siya sa lamesang kinaroroonan ng dalawa at hinagkan ang mga ito sa pisngi. Ibinitang niya sa lamesa ang bag niya at saka naupo. Tinawag niya ang isang crew at um-order siya ng inumin at pagkain.

“Ano’ng nangyari sa 'yo?” tila hindi na nakatiis na tanong ni Scarlet.

Tiningnan niya ang babae at kita niya ang pagkakakunot ng noo nito. Bago pa siya makapagsalita ay lumapit sa kanila ang boyfriend ni Iona na si Dylan.

“Is that you, Akira?” magkahalong pagtataka at pang-aasar ang tinig nito.

Pinukol niya si Dylan ng matalim na tingin. “Puwede ba, huwag mo nang dagdagan ang badtrip ko ngayon.”

Natatawang naupo si Dylan sa tabi niya. “Ano bang nangyari sa 'yo? Almost one week kang hindi pumunta rito and then dumalaw ka nga pero kakaiba naman ang ayos mo.”

Nakita niyang pigil nina Iona ang pagtawa. Lalo siyang napasimangot. Tama si Dylan, ibang-iba ang ayos niya ngayon. Naka-pleated crepe black skirt siya na hanggang tuhod at printed button-front sleeveless blouse, wala siyang kung anu-anong accessory na suot maliban sa diamond accent dress watch at napakanipis na makeup. Malayong-malayo ang ayos niya ngayon sa nakasanayan niyang isuot na parang laging a-attend ng party.

“Ang sabi ni Moira nag-resign ka daw sa work mo,” ani Iona.

“Pinag-resign ako ni Mommy,” aniya na nanghahaba ang nguso. Hanggang ngayon ay nagkukutkot pa rin ang kalooban niya dahil sa pangba-blackmail ng mga magulang niya. “Tulungan ko na raw sila sa family business namin.”

Pagka-graduate pa lamang niya ng kursong Business Administration ay pinipilit na siya ng pamilya niya na magtrabaho sa MDC. Dapat daw ay matutunan na niya ang pagpapatakbo ng negosyo dahil siya ang panganay at ang mga kapatid niya ay masyado pang bata. Ang kaso hindi iyon ang hilig niya, napilitan nga lamang siya noon na kunin ang kursong gusto ng mga magulang. She just can’t imagine herself wearing executive suits and attending business meetings. Ang hilig niya ay mga party kaya naman ipinagpilitan niya noon na gusto niyang maging event organizer.

“Paano ka naman na-convince nila Tito Joaquin na magtrabaho na sa MDC?” tanong ni Scarlet bago nito dinampot ang inuming nasa harapan.

“Blackmail,” napaka-askad ng mukha na sagot niya. “Kapag hindi raw ako sumunod itatakwil nila ako. Lumayas na raw ako.”

Napangisi si Dylan. “Matalino talaga ang Daddy mo. Kaya pala ganyan ang ayos mo,” anito na napailing pa.

“Ano naman ang posisyon mo roon?” natatawang sabi ni Scarlet.

“Sige, tumawa ka! Ipagdasal mong huwag gawin sa 'yo ni Tito Bernardo ang ginawa nila sa akin!” inis na sabi niya kay Scarlet.

Malutong na tumawa si Scarlet. “Malabong gawin 'yan sa akin ni Daddy, ako na lang ang mayroon siya,” puno ng kompiyansang sabi nito.

“Ano’ng trabaho mo roon?” tanong ni Dylan.

“Nasa admin ako. Sinisimulan pa lang nilang ituro sa akin kung ano ang dapat kong malaman. Ngayon pa lang nananakit na ang ulo ko,” reklamo niya.

“Mabuti na rin iyan, mapapakinabangan mo na ang pinag-aralan mo,” ani Iona.

“Ang tanong, may natutunan nga ba ang babaeng iyan noon? Hindi ba’t puro tres ang grades niyan?” nang-iinis na sabi ni Scarlet.

Tiningnan niya ng masama ang babae. Sa mga kaibigan niya si Scarlet ang madalas niyang hindi nakakasundo. Wala kasing preno ang bibig ng babae, wala itong pakialam kung nakakasakit na ang sinasabi nito. Ang sabi ni Paige noon kaya daw madalas silang nagka-clash ni Scarlet ay dahil pareho sila ng ugali. Pareho silang pikon at ayaw papatalo.

“Well, at least hindi ako nagka-singko,” pakli niya. “Ano nga bang subject 'yong nabagsak mo noon? Logic o Filipino?”

“Tumigil nga kayo, nagsisimula na naman kayo, eh,” maagap na pamamagitan ni Iona sa kanila bago pa makasagot si Scarlet.

Napangiti siya nang makita ang pamumula ng mukha ni Scarlet.  “Hindi naman ako ang nagsimula, ah.”

Napailing si Dylan. “Hanggang ngayon para pa rin kayong mga high school.”

Kapwa sila hindi umimik ni Scarlet.
“Anyway, doon daw tayo sa pad ni Moira mag-dinner later. Ipapatikim raw niya sa atin ang mga bago niyang specialty,” ani Iona.

“Pupunta si Paige?” nakangiti niyang sabi.

“No,” mabilis na sagot ni Scarlet. “Alam mo namang hindi puwedeng maglalabas ngayon si Paige, kaya hindi mo makikita ang bodyguard niya.”

Nangunot ang noo ni Iona. “Did I missed something?” tanong ng babaeng nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Scarlet. “One week lang ako sa New York, and ang alam ko one week pa lang rin na may bodyguard si Paige. Don’t tell me na may nabuong something agad between you and her bodyguard!?”

“Huwag ka ngang mag-over react diyan! Once ko pa nga lang nakita ang Thaddeus na 'yon,” pairap niyang sabi.

“Knowing you kasi para ka lang nagpapalit ng damit kung magpalit ng lalaki,” pakli naman ni Iona.

Lalong nanghaba ang nguso niya. Kung tutuusin ay totoo ang sinabing iyon ni Iona. Kung gaano siya kabilis magkagusto sa isang lalaki ay ganoon rin kabilis na nawawala iyon. Para sa kanya, siya ang dapat maglaro and not the other way around.

****

TAHIMIK na iniabot ni Raizen ang isang folder sa ama bago siya naupo sa upuang nasa harapan ng lamesa nito. Maya-maya pa ay pumasok ang isa sa mga empleyado ng Papa niya na may dalang kape para sa kanila. Pagkabitang ng mga iyon sa lamesa ay agad na rin sila nitong iniwan.
Tahimik lang siyang uminom ng kape habang hinihintay na magsalita ang ama. Masusi nitong binasa ang laman ng folder. Pagkaraan ng ilang minuto ay ibinitang na rin nito iyon.

“Well?” patanong niyang sabi.

“Maganda ang proposal na ginawa mo,” komento ni Mr. Henry Chen. “I’m sure that Joaquin Morales will consider this.”

Napatango siya bilang pagsang-ayon sa ama. Isang construction company ang pagmamay-ari at pinamamahalaan ng kanilang pamilya. Limang taon pa lamang mula nang pasukin nila ang ganoong industriya pero masasabi nilang may napatunayan na rin ang kompanya nila. At gusto nilang makipag-partner sa Morales Development Corporation upang lalo pang mapaunlad ang kanilang negosyo.

Ang Morales Development Corporation ang isa sa mga kilalang developer ng malalaking subdivision sa bansa. Nabalitaan nilang plano ng MDC na mag-develop na rin ng mga condominium and they were looking for a construction company to be their partner in their projects. Ilang linggo rin niyang pinaghandaan at pinag-aralan kung paano makukumbinse ang presidente ng MDC na si Joaquin Morales that they are their best option.

“Kung okay na ho iyan sa inyo, then itutuloy ko na ang pakikipag-meeting kay Mr. Morales on Wednesday,” aniya naman.

Bahagyang nangunot ang noo ng Papa niya. “You already made an appointment?”

Tumango siya. “Last week pa ako nagpa-schedule ng meeting.”

Ngumiti si Mr. Chen. “Kaya sa 'yo ko ipinatrabaho ito dahil alam kong kayang-kaya mo 'yan, Raizen. You are assertive and determined to get what you want. And sabi nga nila ganoong mga tao ang gustong-gustong ni Mr. Morales.”

Hindi siya kumibo.

“Bueno, Hijo, ikaw na ang bahala diyan,” ani ng kanyang Papa at ibinalik sa kanya ang folder.

Tumango lang siya at lumabas na ng opisina ng ama.

Continue Reading

You'll Also Like

74.9K 1.7K 10
Hindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world-- a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senato...
258K 4.8K 20
PHR novel # 1685 Soon, I'll Find You "Of course not. In fact, desidido akong patunayan sa iyo." "Na ano?" tanong niyang agad na kinabahan. ...
75.7K 1.5K 12
Dahil sa halos siyam na taon na nilang relasyon, labis na ang pagtitiwala ni Jelay sa kasintahang si Peter. Kahit pa nga ba naging kasinlaki na ng re...
958K 30.6K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...