Inexorable Love

By ivyjrsh

3.9K 121 59

Perhaps time will just make them crave for each other's warmth and love. [ Alyssandra Ramirez and Harley Cuiz... More

Prologue
Chapter Two
Chapter Three

Chapter One

1K 29 9
By ivyjrsh

Chapter One: Things are better left unsaid.

Alyssandra’s POV

It’s my lovely daughter’s graduation today. Hindi lang siya basta ga-graduate ngayon dahil with highest honor din siya. Nakakatuwang malaman na maganda ang performance niya sa school. Lahat ng pagod ko sa pagma-manage ng coffee shop ko ay nababayaran dahil nakikita kong naga-aral ng mabuti ang anak ko.

Malapit na din siyang mag 18th birthday kaya naman sobrang nae-excite talaga ako pero nalulungkot din ako dahil hindi na bata ang anak ko.

“Mom, let’s go? Dad is waiting us downstairs.” Narinig kong sabi ni Hally na ngayon ay nakatayo sa harap ko. Tumayo ako sa harapan niya at tinignan ang mukha niya.

“Baby, look at you. You’re so beautiful.” Nakangiting sabi ko kay Hally habang inaayos ko ng kaunti ‘yung styled na buhok niya.

“Mana lang sa’yo, mom.” Sabi ni Hally at nginitian pa ako.

Natawa naman ako, “Yeah, mana ka nga sa’kin.” Sabi ko. Niyakap naman ko naman ang anak ko ng mahigpit. Sobrang nakakatuwang makita na lumalaking mabuti at masipag na anak si Hally.

“Mom, tara na?” Tanong sa akin ni Hally kaya naman kumalas ako sa pagkakayakap namin at kinuha ‘yung purse ko. Pagkatapos ay sabay naman kaming bumaba.

Nakita ko naman si Harley na nakaupo sa sofa habang bumababa kami. Nakasuot siya ngayon ng button down shirt atsaka slacks. Habang ako naman ay naka-blazer dress, si Hally ay naka-off-shoulder maxi dress na hindi naman aabot hanggang paa niya. Lahat kami ay naka-white dahil ayon ang napagkasunduan naming tatlo.

“Dad!” Tawag ni Hally kaya napatingin sa amin si Harley. Tumakbo naman si Hally at niyakap ang daddy niya.

“Ang ganda ng anak ko ngayon, ah.” Sabi ni Harley at nginitian si Hally.

“Ngayon lang ba maganda, dad?” Nakasimangot na tanong naman ni Hally. Natawa naman si Harley.

“Siyempre araw-araw ka namang maganda.” Nakangiting sabi ni Harley.

“Tama na bolahan, baka ma-late pa tayo.” Singit ko sa usapan nila kaya naman kumilos na din sila palabas ng bahay.

Sumakay kami sa kotse ni Harley na siyang gagamitin namin ngayon. Ako ‘yung nasa shotgun seat, si Harley ang nagda-drive habang si Hally ay nasa passenger seat katabi ‘yung toga niya.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Buti nga hindi masiyadong traffic ngayong araw.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa venue ng graduation nila Hally. Nauna kaming bumaba ni Hally dahil ipa-park muna ni Harley ‘yung sasakyan niya. Sinalubong naman si Hally ng mga kaibigan niya. Nag yakapan sila kaya naman napangiti ako. Naalala ko sila Jewille. Parang ganiyan din kami dati. Well, actually, hanggang ngayon naman. Pwera na lang nga ngayon na may mga anak na kami.

Nawala ang mga iniisip ko dahil nagulat ako nang may umakbay sa akin. Tinignan ko naman kung sino iyon at nakita si Harley na nakangiti habang nakatingin kay Hally na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

“Ang laki na talaga ng anak natin ‘no?” Tanong ni Harley kaya napatingin ako sakaniya pagkatapos ay binaling ko ‘yung tingin ko kay Hally.

“Oo nga. I can’t believe we did that.” Sabi ko. Medyo huli na no’ng na realize ko kung ano ‘yung sinabi ko kaya uminit ‘yung pisnge ko at umalis sa pagkaka-akbay ni Harley sa akin. Ohmygod! Why am I even blushing?

Narinig ko naman ang mahinang pag tawa ni Harley, “Yeah, we did that.” Sabi niya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya mabuti na lang lumapit sa amin si Hally at sinabing kailangan na naming pumila para sa pag march papasok sa loob.

Hiwalay ang parents sa students kaya nauna pumasok ang mga parents na gina-guide ng mga ushers. Mabuti nga’t pwedeng dalawa ang sumama sa graduation dahil parehas naming masasabitan ng medal si Hally. Hindi lang naman ako ang nag hirap sa pagsusuporta ng pagaaral ni Hally kaya naman may karapatan din siyang mag sabit ng medal ni Hally.

Nang matapos makapasok ang lahat ng mga magulang, nag simula ng mag march ‘yung mga students. Ilang saglit lang naman ay natanawan ko na din kaagad si Hally na sobrang confident kung lumakad. Napangiti naman ako dahil sobrang ganda ng anak ko.

Nag simula naman na ang program. May nag speech lang at nag simula na ding mag tawag ng mga pangalan ng mga ga-graduate ng senior high school. Ilang section lang ang nakalipas bago kami pinatayo dahil sunod na ang section nila Hally na aakyat sa stage. Sinalubong naming dalawa si Hally na malaki ang ngiti at inilagay niya ang kamay niya sa braso naming dalawa ni Harley. Nag lakad kami hanggang sa pila nang mga aakyat na sa stage.

“Mom, dad, ready na ba kayo umakyat sa stage?” Narinig kong tanong sa amin ni Hally.

Natawa naman ako, “Bakit naman hindi ako magiging ready?” Tanong ko din sakaniya.

“Mom, baka maiyak ka kasi.” Nakangising sabi niya sa akin.

“Huwag mo na nga asarin ‘yang mommy mo. Baka umiyak na nga ng tuluyan.” Natatawang sabi naman ni Harley. Sinimangutan ko naman sila.

“At talagang nag kampihan pa kayong dalawa, ah.” Sabi ko kaya natawa silang dalawa.

May sasabihin pa sana si Hally ngunit nag salita ang isang teacher na naga-assist at sinabing dalawang studyante na lang bago kami umakyat.

“Cuizon, Hally Joyce R., With Highest Honors.” Pagkarinig namin no’n ay nag lakad na kami sa stage. Kinamayan namin ‘yung mga dean habang si Hally naman ay kinuha ‘yung diploma at certificate niya. Inabot naman sa amin ‘yung medal at sabay namin ni Harley na sinuot kay Hally iyon.

Nag picture lang saglit sa stage at pagkababa namin ng stage tapos ay bumalik na kaagad kami sa dati naming pwesto.

Naramdaman ko namang nag vibrate ‘yung sling bag ko kaya binuksan ko iyon at kinuha ang cellphone ko. Sinagot ko naman kaagad ‘yung tumatawag.

“Hi,” Bati ko sa nasa kabilang linya.

“Hi, babe. Papaalam ko lang naman sa’yo na maayos na lahat ng decorations dito. Kulang na lang ‘yung catering pero padating naman na daw sila.” Narinig kong sabi ni Hope. Napatango naman ako. Si Hope kasi ‘yung nag presinta na iayos ‘yung mga kailangan para sa celebration ng graduation ni Hally.

“Buti naman. Medyo matagal pa naman kami dito. I’ll text you kapag matatapos na ‘yung program.” Sagot ko kay Hope.

“Alright. I’ll see you later. Bye, love. I love you.” Sabi ni Hope.

“Hm, I love you too.” Sagot ko naman bago ko ibaba ‘yung tawag. Napatingin ako sa kanan ko kung nasaan si Harley at nakatingin na siya sa akin.

“Uh, si Hope. Ayos na daw lahat ng decoration. Catering na lang kulang pero padating na din naman.” Paliwanag ko kay Harley. Hindi ko din alam lung bakit ako nagpapaliwanag. Siguro dahil may ambag din naman siya sa reception na ‘yon kaya deserve naman niyang malaman?

Tumango naman siya, “Ite-text ko na lang ulit sila mommy pati si kuya kapag matatapos na ‘yung program.” Sabi niya at tumango din ako.

“Nakapag text na ako kila mommy pati kay Cass at Nicole. Sure naman na daw silang pupunta sila. Excited pa nga ‘yung mga ‘yon, e.” Natatawang sabi ko.

“Si Jewille din sabi ni kuya. Bumili pa mga raw sila ng gift kay Hally. Alam mo naman ‘yon, una niyang pamangkin si Hally kaya gano’n.” Sabi ni Harley kaya napangiti ako. Kung iisipin mo nga naman, sobrang spoiled ni Hally sa mga tao sa paligid niya pero mabuti na lang at hindi siya ‘yung tipo ng tao na aabusuhin ‘yon kaya hanggang ngayon, kahit na malaki na siya ay spoiled pa din siya sa mga tao sa paligid niya.

Makalipas ang halos dalawang oras, natapos na din ‘yung graduation program. Lumabas kami sa venue pagkatapos ay nag picture lang kami gamit ang cellphone, instax at DSLR na dala ni Harley. Nang makakuha na kami ng sapat na picture, kinuha na ni Harley ‘yung kotse niya. Ilang saglit lang naman ay huminto ‘yung kotse ni Harley sa tapat namin kaya sumakay na kaagad kami.

Na traffic kami kaya medyo natagalan kami sa pag punta sa reception ng after-graduation party ni Hally. Mga 30 minutes lang din naman ay nakarating na kami. Nag park muna si Harley sa garahe pagkatapos ay bumaba na kami. Isang villa ‘to sa Quezon City na pagmamay-ari nila Harley.

Pagbaba namin ay binitbit na namin ‘yung ilang gamit namin papasok. Dito kasi kami matutulog, request na din ni Hally.

Hindi pa kami nakakapasok ay naririnig na namin ‘yung kwentuhan galing sa mga tao sa loob ng bahay. Pagka-bukas namin ng pintuan, napatingin silang lahat sa amin tapos ay sinalubong nila kami ng sigawan at mga bati ng “congratulations”.

“Congratulations, ‘nak!” Bati ni mommy kay Hally at niyakap ito.

“Thank you, mommyla!” Sagot naman ni Hally.

Nilibot ko naman ‘yung tingin ko at nag taka ako kung bakit walang mga design na nakapalibot kagaya ng sinabi ni Hope sa akin.

“Love, nasa backyard ‘yung mga decorations and catering.” Narinig kong sabi ni Hope na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala. Nginitian ko siya at niyakap ko.

“Thank you.” Bulong ko sakaniya.

“Anything for you, love.” Narinig kong sabi niya sa akin at napangiti naman ako. May narinig naman akong tumikhim kaya napahiwalay ako sa yakap namin ni Hope. Napansin ko namang lahat sila ay nakatingin sa amin ni Hope kaya nailang ako.

“Mom, mag bihis muna po kaya tayo? Hehe.” Sabi ni Hally kaya naman tumango ako at niyaya siya umakyat bitbit ‘yung gamit namin. Nag paalam muna kaming dalawa at pumayag naman sila. Sinabing doon na lang kami dumiretso sa backyard.

Sa iisang kwarto lang kami matutulog nila Hally at Harley. Again, request ‘to ni Hally kaya wala akong magagawa. Napag-usapan naman na din namin ni Harley na kaming dalawa ng anak namin sa kama habang siya ay maglalagay na lang ng folding bed sa tabi ng kama. Pero hindi pa namin sinasabi ni Harley ‘yon kay Hally kasi alam naman namin na kapag may sinabi si Hally sa amin, hindi kami makakatanggi kaya pauunahin na lang namin matulog si Hally para hindi na siya makapag-request pa.

Nawala naman ‘yung mga iniisip ko ng nag tanong si Hally, “Mom, magswi-swimming ka po ba?” Tanong sa akin ni Hally.

Umiling naman ako, “Hindi na, ‘nak. Why?” Tanong ko naman sakaniya.

“Wala po. Nag dala po kasi ako ng extra swimsuit baka sakaling gusto mong mag swimming.” Paliwanag ni Hally.

“Hm, okay. Kunin ko na lang diyan kapag nag bago isip ko.” Sabi ko at nginitian ko siya.

“Sige na, mag bihis ka na sa cr. Baka hinihintay ka na doon sa baba. Dito na lang ako magbibihis.” Dagdag ko at sumunod naman kaagad siya’t nag punta na sa cr dala-dala ‘yung swimsuit niya habang ako naman ay pumunta sa bag na dala ko at kinuha ‘yung susuotin ko. Loose t-shirt lang naman ‘to atsaka short kaya mabilis naman akong nakapag-palit. Saktong pag tapos ko ay lumabas na si Hally sa cr. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. Naka-suot siya ngayon ng mustard yellow one-piece swimsuit at bagay na bagay ‘yon sa warm skin tone niya.

“Ang sexy ng anak ko, ah. Manang-mana kay mommy.” Sabi ko at tumawa.

“Mom! Siyempre naman, ikaw pa ba?” Sabi naman ni Hally sa akin kaya natawa ako.

“Halika na nga’t bumaba na tayo. Panigurado hinihintay na nila tayo doon.” Sabi ko at kinuha ko ‘yung cellphone ko. Si Hally naman ay nag suot lang ng shorts at kinuha ‘yung instax atsaka ‘yung cellphone niya bago kami lumabas ng kwarto namin.

Dumiretso na kami sa backyard pagka-baba namin at nakita nga namin kaagad sila na iba-iba ‘yung ginagawa.

Sila Nicko, Joss, Whyne at Jaein ay nasa swimming pool na. Sila James, CJ, William, Harley at Hope naman ay inaayos ‘yung videoke na inihanda nila. Habang sila mommy at mommy naman ni Harley kasama sila Jewille, Cass at Nicole ay naka-upo at nagku-kwentuhan habang may kinakain silang snacks na nakapatong sa lamesa. Wala naman dito si daddy pati ang daddy ni Harley dahil as usual, nasa business trip sila. Pero bago naman sila umalis e binigyan nila ng regalo si Hally. Ang mommy at daddy naman ni Jewille at hindi makakapunta dahil nag bakasyon sila sa Japan kasama sila Justine at Jessica. Sayang nga e, malapit pa man din sila kay Hally.

Nilibot naman kaagad ni Hally ‘yung backyard at kumuha ng mga pictures. Ako naman ay kumuha ng upuan at umupo kasama sila mommy. Hindi naman ako nakikinig sa mga kwentuhan nila dahil naging busy ako sa pag tingin ng mga decorations na nakapalibot. Simple lang naman ‘yung decorations, actually. May ginawa lang silang maliit na photobooth na malapit sa swimming pool at ang background ay isang simpleng gold na may maliliit na holographic na sparkle. Meron ding balloons na ang nakalagay ay “Congratulations Hally” na may nakapalibot na fairy lights. Nakita ko naman si Hally na nagpi-picture at mukhang tuwang-tuwa siya kaya naman napangiti din ako. Kung ano talaga ang kasiyahan ng anak ko, ayon na din ‘yung kasiyahan ko.

“Hello, mic test. Mic test.” Nag echo naman ang boses ni Harley.

“Hello, everyone! Good evening!” Bati ni Harley habang naka-mic pa.

“Alam niyo namang nag sama-sama tayo ngayong araw dahil isa itong espesyal na araw para sa aking anak at siyempre, sa amin na ding magulang niya.” Hindi ko alam kung bakit nagi-speech si Harley ngayon, e.

“Wala naman tayong ibang hihilingin kundi ang makapag-tapos ang mga anak natin, hindi ba? Kaya naman ngayong araw ay ice-celebrate natin ang pag graduate ng anak namin sa high school! Yehey! Pumalakpak kayo!” Sabi ni Harley kaya natawa kami pero siyempre pumalakpak naman kami. Tinawag naman ni Harley si Hally at pumunta naman kaagad si Hally sa side ng daddy niya.

“Ngayong graduate na ‘tong anak ko at sa susunod na pasukan ay college na, please lang, sabihan niyo ako kapag nakita niyo siyang may kasamang lalaki. Alam niyo namang maganda ‘tong anak ko kaya malamang e lapitin talaga ng lalaki ‘to pero siyempre kailangan muna dumaan kay daddy pati na rin sa mga taong nandito ‘yung manliligaw ni Hally, tama ba ako?” Tanong ni Harley sa amin. Tumango lang ako habang sila James, CJ, William ay nag sigawagan ng “tama” kaya natawa kami.

“Teka, bakit ba ako lang ang nagbibigay ng message dito? Aly, mag bigay ka din naman ng message.” Sabi ni Harley kaya natawa ako at pumunta kung nasaan sila.

Kinuha ko naman ‘yung microphone na hawak ni Harley at nag salita, “Wala naman akong masiyadong masabi dahil nasabi naman na ni Harley. Gusto ko lang i-congratulate si Hally dahil kahit minsan alam kong pasuko na siya e hindi pa din siya sumuko sa pag-aaral at nagkaroon pa ng highest honors.” Sabi ko at lumingon sa kaliwa ko kung nasaan si Hally at nginitian siya.

“With highest honors o wala, proud pa rin naman kami ng daddy niya sa kaniya. Atsaka sabihin niyo din sa’kin kung may makita kayong kasamang lalaki ni Hally, ah. Kailangan muna pumasa ‘yon sa atin.” Dagdag ko pa kaya nag tawanan kami.

“Anyway, ayon lang naman. Let’s celebrate Hally’s graduation and enjoy this night!” Sabi ko at binigay ko na kay Harley ‘yung microphone.

“Ayon, enjoy daw! Kain na tayo dahil nagugutom na din ako at pwede na kayong mag hanap ng kanta sa song book.” Sabi ni Harley at binigay kay James ‘yung microphone.

Nagulat naman ako ng naipit ako sa yakap nila Harley at Hally, “Family hug!” Sigaw ni Hally at hinigpitan ‘yung yakap.

“Thank you, mom and dad.” Narinig kong bulong ni Hally. Kumalas naman siya sa yakap at nginitian kaming dalawa ni Harley.

Hinaplos ko naman siya sa pisnge, “Anything for you, ‘nak.” Sabi ko.

Si Harley naman ay hinalikan sa noo si Hally at niyakap niya pa ng isang beses. Mas maiiyak pa ata ‘to kaysa sa’kin, e.

“Harley, huwag ka muna umiyak. Hindi pa magaasawa ‘yang anak natin.” Biro ko naman kaya natawa si Hally.

“Eh mom alam mo naman ‘tong si daddy laging emotional.” Biro din ni Hally sa daddy niya.

Sumimangot naman si Harley, “Alam niyo, mag ina nga kayo. Parehas kayong bully, e.” Sabi ni Harley kaya natawa kaming dalawa ni Hally.

“Kain na nga lang tayo, dad. Mamaya ka na umiyak.” Sabi ni Hally at niyaya na ang daddy niya kumuha ng pag-kain sa catering. Niyaya din nila ako pero sabi ko ay mauna na sila muna kaya nauna na sila.

Pinuntahan ko naman si Hope na seryoso habang naghahanap ng kanta sa song book. “Love, hindi ka pa kakain?” Tanong ko sakaniya at umupo ako sa tabi niya.

Binaling naman niya kaagad ‘yung tingin niya sa akin, “Kakain na din ako. Ikaw, love? Bakit hindi ka pa kumuha ng pagkain doon?” Tanong naman niya sa akin.

“Chine-check muna kita, e. Para sabay na tayo kumain.” Sagot ko sakaniya at ngumiti naman siya.

“Tara na nga, kumain na tayo.” Sabi niya at binaba sa tabi niyang upuan ‘yung song book tapos ay tumayo na siya at nilahad ‘yung kamay niya sa harap ko. Nginitian ko siya at hinawakan ‘yung kamay niyang nakalahad pagkatapos ay tumayo na din ako.

_____

9 PM na at patuloy pa din ang pag celebrate namin. Kanina lang ay umalis si Hope dahil may emergency daw sa trabaho niya kaya hindi na siya makakapag stay.

“Nicko, anak, huwag ka ngang maharot. Mamaya e malunod ‘yang si Joss.” Saway ni Nicole sa anak niya dahil naghaharutan ang anak niya at anak ni Cass. 11 years old na sila Nicko at Joss habang sila Whyne at Jaein naman ay 10 years old na. Ang bibilis nga nilang lumaki.

“Tita, I know how to swim so don’t worry po.” Pagtatanggol naman ni Joss at nginitian pa si Nicole.

Natawa ako kasi ang sarap nila tignan. Parang kami lang din nung mga bata kami. Sigurado naman akong lalaki sila ng maayos dahil maayos din naman ang pagpapalaki namin sa kanila.

“Akyat muna ako, kunin ko lang charger ko.” Paalam ko kay Jewille na kausap ko. Tumango naman siya kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at umakyat sa kwarto. Malo-lowbatt na kasi ‘yung cellphone ko kaya naisipan kong i-charge na ngayon palang. Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso kaagad ako sa bag ko at kinuha ‘yung charger tapos ay bumaba din kaagad ako. Sinaksak ko naman ‘yung charger sa outlet dito sa sala.

“Para sa’yo ‘tong kantang ‘to.” Mahina pero narinig ko. Teka, si Harley ba ‘yung nag salita?

Hindi ko muna pinansin at inayos ko lang ‘yung pagkakacharge ng phone ko tapos ay nilapag ko sa lamesang nasa baba lang ng outlet. Hindi muna ako pumunta sa backyard dahil nauuhaw na ‘ko kaya dumiretso ako sa kitchen at kumuha ng tubig. Buti na lang may maliliit na bottled water dito kaya napagpasiyahan kong dalhin na din ‘yon papunta sa backyard. Habang naglalakad ako ay palakas na ng palakas ang tunog na naririnig ko.

Bakit 'di ka maalis sa isip ko
Ikaw ang laging laman nitong puso ko

Saktong pag labas ko ng pintuan ay na recognize ko ‘yung kantang kinakanta ni Harley kaya napatigil ako at napatingin sakaniya.

Kahit pilitin kong damdami'y magbago
Ikaw pa rin ang hinahanap ko

Nagulat naman ako ng tumingin sa gawi ko si Harley at nag patuloy na kumanta.

Hanggang ngayon
Ikaw pa rin ang iniibig ko
Ikaw pa rin ang natatanging pangarap ko
Ikaw lamang hanggang ngayon

Para akong napapaso sa tingin ni Harley habang kumakanta siya. Hindi ko mabasa ‘yung mga emosyon na nakikita ko sa mga mata niya dahil halo-halo ‘yon.

Ikaw lang ang tunay na minamahal
Ikaw lang hinihintay ko ng kay tagal
Ikaw ang ligaya, ang buhay at pag-asa
Ikaw lang, wala nang iba

Napahawak bigla ako sa dibdib ko. Sobrang lakas ng kabog neto. Halo-halo na din ‘yung nararamdaman ko. Nalulungkot ako, nasasaktan na hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na kaya lahat kaya tinanggal ko na ‘yung tingin ko sakaniya at dumiretso na lang sa upuan.

Patuloy pa din ang pag kanta ni Harley. Buti na lang nakatalikod ako sa kaniya kaya hindi ‘ko na kailangan tumingin pa sa iba para lang hindi ako mapatingin sa kaniya.

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil hindi pa din maalis ‘yung lakas ng kabog neto.

“Aly, ayos ka lang?” Napalingon kaagad ako kay Jewille at binigyan siya ng maliit na ngiti.

“Oo naman.” Sagot ko at tumawa ng kaunti. Akala ko ay tatanungin niya pa ako pero buti na lang hindi na siya nag tanong pa.

Ikaw lamang
Hanggang ngayon

Narinig ko namang huling bitaw ng linya ni Harley sa kinakanta niya at nang mag sigawan sila James para i-cheer si Harley, napahinga ako ng maluwag at napagtanto kong parang natigilan akong huminga ng sandali.

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang laki ng epekto nang pag kanta ni Harley. Siguro dahil maganda lang talaga ang boses niya. Siguro nga.

_____

Alas dos na at hindi pa din ako makatulog. Nandito na kami sa kwarto at natutulog na sa tabi ko si Hally. Sila CJ, James, William at Harley naman ay nasa baba pa din at nagiinuman pa. Gabi na din naman kasi nila sinimulan ang pagiinuman nila. Silang apat na lang ang gising at nasa baba pa.

Napagdesisyunan ko namang bumaba para kumuha ng tubig dahil baka sakaling makatulong ‘to sa pag tulog ko pero maling desisyon pala ‘yon dahil pag punta ko sa kitchen ay nandoon si Harley, nakaupo sa isa sa mga stool na nandoon. Hindi ko alam kung tulog na siya o gising pa dahil nakatungo lang siya sa harap ng wallet niya.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka tulog na siya at gigisingin ko na lang maya-maya kaya dumiretso ako sa refrigerator para kumuha ng tubig. Kinuha ko na lang din ‘yung maliit na bottled water at sinara na ‘yung refrigerator.

“Bakit gising ka pa?” Nagulat naman ako sa tanong ni Harley na akala ko ay tulog na.

Humarap ako sa kaniya habang binubuksan ‘yung bottled water na nasa kamay ko, “Hindi ako makatulog.” Sagot ko sa tanong niya.

Tumango naman siya, “‘Yung anak natin? Tulog ka na ba?” Tanong niya ulit.

“Oo. Kanina pa tulog si Hally.” Sabi ko. Tumango lang naman siya. Akala ko ay magtatanong pa siya pero hindi na siya nag tanong kaya uminom na lang ako ng tubig. Pagkatapos kong uminom ay para akong inantok bigla. Sabi na nga ba e, nauuhaw lang talaga ako kaya hindi ako makatulog.

“Tapos na ba kayo uminom?” Tanong ko sakaniya bago ko ibalik sa refrigerator ‘yung bottled water.

“Hindi pa pero matatapos na din naman.” Sagot niya sa akin kaya tumango na lang ako.

“Nilatag ko na ‘yung folding bed sa taas. Sige, akyat na ako.” Sabi ko at nag lakad na palabas ng kitchen.

Napahinto naman ako dahil nag salita siya, “Aly, sandali.” Narinig kong sabi niya kaya huminto ako at lumingon sa kaniya.

Mukhang nag iisip naman siya kaya matagal bago siya nag salita ulit, “Ah, nevermind. Good night na lang.” Sabi niya at nginitian ako.

“Good night.” Sagot ko naman at binigyan siya ng maliit na ngiti bago ako magpatuloy sa pag lakad ko paakyat ng kwarto.

Pagkahiga ko sa kama ay nakatulog naman kaagad ako.

Naalimpungatan lang ako nang may naramdaman akong nakahawak sa kaliwang kamay ko na nakalawit sa kama.

“I know I shouldn’t be holding your hands but I really miss holding it.” Narinig kong sabi ni Harley. Mahina lang ang pagkasabi niya pero naririnig ko pa din. Nanatili lang naman akong nakapikit at hindi gumagalaw.

“Alam mo, sobrang miss ko na ‘yung dating tayo pero hindi ko naman magawang kunin ka kay Hope kasi mukhang masaya ka naman.” Sabi niya at narinig ko pang tumawa siya ng saglit.

Akala ko nakatulog na siya at gagalaw na sana ako pero nakarinig ako ng mahinang pag singhot na parang umiiyak?

“I really miss everything about you, love.” Parang huminto ‘yung pag tibok ng puso ko. He’s still calling me love.

“Alam kong napatawad mo na ‘ko sa lahat ng ginawa ko sa’yo pero hindi ko pa din mapatawad ‘yung sarili ko kasi ang tanga, e. Pinakawalan ka pa. Sobrang tanga talaga naiinis ako.” Sabi niya at kung kanina ay hindi pa ako sigurado na umiiyak siya, ngayon ay sigurado na ako dahil kaunti na lang ay hahagulgol na siya. Hindi ko naman alam ‘yung gagawin ko dahil ang alam niya ay tulog ako. Hindi niya alam na gising ako kaya wala akong magawa kundi makinig lang sakaniya habang hawak niya pa din ‘yung kamay ko.

“Hindi ko naman itatanggi na masaya ako tuwing nakakasama ko ‘yung anak natin pero hindi ko pa din maiwasang isipin na siguro mas masaya ako kapag kasama ka din namin.” Rinig kong sabi ni Harley.

“Alam ko namang hindi mo ‘to naririnig dahil malamang tulog ka na diyan pero Aly, sobrang miss na kita at hanggang ngayon ay mahal pa din kita.” Parang biglang kumirot ‘yung puso ko nang marinig ko iyon.

“Alam kong masaya ka na ngayon, Aly kaya naman masaya din akong makitang masaya ka. You deserve the best, Aly. Well, sadly, I’m not the best person for you.” Sabi niya at mahinang tumawa pagkatapos ay naramdaman ko ang labi niya na dumampi sa likod ng kamay ko. Maya-maya lang ay naramdaman kong inalis na niya ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Parang bigla namang nilamig ‘yung kamay ko.

Nag hintay ako ng ilang minuto bago ko hinugot ‘yung kamay ko at bumaling sa kanan ko para yakapin si Hally. Hindi ko na napigilan ‘yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ang dami-daming tumatakbo sa utak ko ngayon, ang dami kong naiisip. Alam ko masaya ako pero bakit parang hindi?

Harley, ginugulo mo na naman ang utak ko.

__________

Your comments inspires me to write so I want to read some. Hehe. Any thoughts on the first chapter? :>

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...