The Invisible Wife (Arranged...

By SassyLene

419K 4.9K 1K

[UNDER EDITING] Chikkie is a girl who has an unrequited love with Greyson, her bestfriend. An incident happen... More

AS #2: The Invisible Wife
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40

Kabanata 14

8.1K 120 46
By SassyLene

Kabanata 14

Third Person



"I suggest to meet up again in your house, Greyson, to talk about the vacation plan. What do you think, guys?" Nakangising saad ni Kelly.

Mabilis na umiling si Greyson.

"We don't have to meet personally, Kelly. We can talk now to finalize all the details," seryosong saad ni Grey.

Naalala niya ang nangyari no'ng nakaraang biyernes kung saan nagpumilit ang mga kaibigan na magtipon-tipon sa bahay niya dahilan nang hindi niya pagtupad sa pangakong pupunta ng mall kasama ang anak.

"Are you still in your office, Greyson?"

Halatang-halata ang pagkatuwa sa boses ni Kelly nang sagutin ni Grey ang phone niya. Wala nga siyang balak sagutin ang phone dahil inis pa rin siya sa ginawa nito sa parking ng mall no'ng nakaraan pero sa sunod-sunod nitong tawag e sinagot na niya.

"What do you need, Kelly?" Hindi sinagot ang tanong dahil ayaw na niya nang paligoy-ligoy pa.

"You didn't answer my question! Anyway, umuwi ka na dahil papunta na ang barkada sa bahay mo. It's surprise reunion coz' Kristina is back!"

"What? Bakit sa bahay ko? I have something to do, Kelly, maybe some other time."

"Sorry, Grey but the group is heading to your house already. See yeah!"

"Kelly! Kelly!?" pagtawag ni Greyson pero binabaan na siya nito ng phone. Iritado siyang nagpatay ng phone at agad na umuwi.

Pagkarating ng sasakyan ni Grey sa may gate ng subdivision nila ay naabutan niya ang ilang sasakyan na nakatigil. Hindi pinapapasok ng guard. Alam niya na kaagad na sasakyan ito ng mga kaibigan niya.

Agad niyang binaba ang bintana para kausapin ang mga kaibigan. Binaba rin naman agad ng mga ito ang bintana ng sari-sariling kotse.

"Hi Greyson! It's nice to see you. You're just in time. Hindi kami pinapapasok sa loob." Si Janice ang unang nagsalita katabi nito si Megan.

"I didn't know na pupunta kayo. Ni hindi ko alam. Sana nagsabi kayo nang mas maaga," sagot ni Grey habang kunot na kunot ang noo. Hindi makapaniwalang 'di nga nagbibiro si Kelly.

"Ano? Sabi ni Kels, alam mo na raw. Hindi mo ba sinabi Kels?" tanong ni Janice kay Kelly.

Tinanaw ni Grey ang puting sasakyan nito. Nakita niya ang matagumpay na ngiti ni Kelly, parang may pinaplanong kung ano.

"Of course not, 'di ko agad sinabi. Surprise nga 'di ba kaya 30mins ago ko lang inin-form si Greyson. Saka may isa pa akong surprise dahil kasama ko first love niya. Say hi naman Kristina!"

Sumilip ang ulo ni Kristina sa kotse ni Kelly at kumaway habang malawak ang ngiti. Natigilan si Greyson nang ilang sandali nang magkatinginan sila ng dating kasintahan.

"Huy! Kels! Kung i-ship mo naman si Greyson at Kristina parang walang asawa 'yong isa. Ikaw talaga!" Natatawang kumento ni Megan.

Umiling lang si Kelly at ngumisi.

"Where are the boys pala? Nasabihan mo, Janice?"

"Oh, they're here na. Ayan sa likod kaya Greyson, come on. Alam kong maganda bestfriend ko kaya huwag mo na titigan. Sabihan mo na 'yong guard para papasukin kami. Later mo na lang ituloy 'yan." Humalakhak si Kelly.

Umiling si Grey at wala nang nagawa kundi sumunod. Nandito na kasi ang mga kaibigan kaya wala na siyang magagawa para i-cancel ang kung anong plano ng mga ito.

Pagkababa niya nang sasakyan ay sinalubong siya nang yakap ng anak. Nakabihis na ito na halatang excited. Hinalikan ito ni Grey at mahigpit na niyakap bago binalingan ang yaya nito.

"Ate Baby, kayo na lang po ang sumama kay Santi ngayon. Pasundo na lang si Chikkie. Naghihintay na 'yon sa school," saad ni Greyson sabay tingin sa relo niya.

Nagpababa naman si Santi sa pagkakahawak ng daddy niya. "But you promise me daddy..." maliit na saad nito bago yumuko.

Naawa naman si Greyson sa anak nang makita ang bigong mukha nito. Mabilis na dumalo si Ate Baby.

"Sige, ako nang bahala. Asikasuhin mo na lang bisita mo." Napasulyap si Ate Baby sa mga kasama ni Grey na nagsisibabaan ng sasakyan bago niya hindi hinila si Santi patungong sa sasakyan na dina-drive ni Mang Lito.

Sinundan na lang ito ng tingin ni Grey. Naputol ang titig niya nang nag-ingay na ang mga kaibigang nasa likod na niya.

"Well, it's been a while since we last see each other. Kumusta naman kayo?" Si Lander sabay inom ng alak.

Nagpahanda ng inumin si Greyson kay Manang Josie sa hiling ng mga kaibigan. Nakaupo silang lahat sa living area at nagkakamustuhan sa ganap ng bawat isa. No'ng graduation ceremony pa kasi ata sila huling nabuo. Ito ang naging barkada ni Greyson nang bumalik sa pag-aaral. Dahil nahuli siya nang isang taon, hindi niya kasabayan ang una niyang barkada na kinabibilangan ni Dale, Lemon, Evans, at Maccoy. Ang lower year na mga kaibigan ni Kristina ang ka-batch niya nang grumaduate.

Kilala na ni Greyson ang mga ito noon dahil madalas naman siyang nakabuntot kay Kristina noon. Madalas niya itong sinasama kapag may lakad silang magkakaibigan. Naging mas close lang ito ni Greyson nang bumalik siya sa pag-aaral matapos umuwi galing ng Canada.

"Ako, naka-base na ako ngayon sa US since nag-migrate kami ng family namin last year. Hindi na rin nakakauwi kaya nang mag-message si Kels ay hindi na ako nag-isip pa lalo't minsan lang ako dito sa Pinas." Si Winona.

"Ako naman, busy mag-manage ng business since nag-retire na si Daddy. How about you Justin, balita ko nag-put up ka daw ng gym?" Si Megan.

Tahimik lang si Greyson na nakikinig sa usapan. Hindi kalayuan sa upuan niya ay si Kristina na kanina pa palakaibigan na ngiti ang binibigay sa kanya. Hindi naman niya masuklian 'yon at nanatili lang siyang seryoso. Hindi niya alam ang nararamdaman, ito ang unang beses na muli silang nagkita pagkatapos siya nitong ipagtabuyan nang sumunod siya sa Canada.

"Yup. Actually, business partner kami do'n ni Ralph. Booming din negosyo mo ngayon, Janice, right? You entered food industry same with your ex's business?" Tumawa si Justin sa pang-aasar kay Janice na sinimangutan lang siya.

"Excuse me, nagkataon lang 'yon 'no. Hindi ko naman ginagaya 'yong business ni Topher. As if naman may hung up pa ako sa kanya. I've moved on already," mataray nitong saad.

"Wow! Sana lahat naka-move on na 'no? Ikaw Bessy, naka-move on na... kay Greyson?"

Naghalakhakan ang mga kaibigan sa panunudyo ni Kelly.

"Ikaw talaga, Kels. Ang issue mo ah," sagot ni Kristina na natawa na lang.

"Sorry naman, I'm just thinking the 'what could have beens'. You know, mas okay siguro na kayo nagkatuluyan ni Greyson like sobrang perfect couple niyo kasi noon not until Greyson's bestfriend ruined everything."

"Kelly. Don't start," may banta sa boses ni Greyson. Hindi niya nagustuhan na pagsalitaan na naman ni Kelly ang asawa niya gayong mismong nasa pamamahay niya pa ito.

Medyo naging awkward naman ang paligid. Hilaw na ngisi ang pinakita ni Kelly.

"It's been years, Kels, we're friends pa rin naman ni Greyson after what happened. That's more important. Anyway, let's plan a trip na lang kaya. Halos lahat kasi busy na rin kaya paminsan-minsan na lang 'to. What do you think?"

Halos lahat ay nag-agree sa suggestion ni Kristina kaya nagplano na sila kung saan pupunta. Sa huli ay sa isang beach resort ang napili nilang puntahan.

"Okay fine. It's only a suggestion. I think 'yon din ang gusto mo, Bessy, right?"

"Huh? Ikaw talaga, Kels. Anywhere naman, G ako," sagot ni Kristina saka ngumiti.

Hindi natanggal ang ngisi ni Kelly pero hindi na ito nagprotesta pa. Lunch time kaya nagawang sagutin ni Grey ang video call kasama ang mga kaibigan.

"Nga pala, Grey, sasama ba friends mo like si Dale, Evans, Lemon and Macky? The more friends, the merrier," dagdag ni Kristina.

"Hindi ko pa sila nasasabihan but I'll get an answer from them within the week," sagot ni Greyson.

"Okay, anong dadalhin natin? Any preferred foods and drinks aside from alcohol?" Si Justin.

Nagkatawanan sila. "Of course, hindi pwede mawala ang alak but I don't think need pa natin magdala ng foods. The beach resort is offering a wide variety of food choices." Si Janice.

"So it's settled. We can already book a flight on the coming weekend and pa-reserve na rin sa resort."

"Ako na bahala doon, guys. Just wait na lang my PM," saad ni Kelly bago nag-end ang video call.

Pagkatapos ng tawag ay agad minessage ni Grey sina Dale tungkol sa planong bakasyon. Sakto naman at walang prior commitments ang mga ito kaya agad na um-oo. Agad na nag-message si Greyson kay Kelly para isama ang kanyang kaibigan sa pag-book ng flight and accomodation sa resort. Hindi rin kinalimutan ni Grey ang pagsama kay Chikkie at sa anak nilang si Santi.

Ito na ang chance niyang makabawi sa anak sa hindi niya pagsupot sa ipinangako niyang mall date dito.

Chikkie's

"Let's go, big boy. We're late." Narinig kong pagtawag ni Greyson sa baba

Umikot naman ang mata ko. Hindi ko mapigilang hindi mainis. Nagkasagutan pa nga kami kanina eh. Naalala kong nabanggit niyang magbabakasyon kami pero hindi ko naman naisip na isasama niya kami sa bakasyon niya ng mga kaibigan niya. Akala ko kami lang. Ni hindi manlang niya naisip kung gusto ko bang sumama sa trip nilang magkakaibigan. Sinabi ko nang ayaw ko at alam na niya dapat kung bakit ayaw kong sumama pero sa halip na pakinggan ako... isinanggalang niya pa ang anak ko.

"If you don't want to go with us then fine but I will bring my son."

3D2N ang trip ayon kay Grey at hindi ko kayang malayo nang gano'ng katagal sa anak ko. Kailangan ko na lang tiisin ang presence nina Kelly. Gustong-gusto rin kasi ni Santi kaya wala na rin akong nagawa.

"Mommy, matagal ka pa po? Daddy is waiting downstairs." Tiningnan ko siya na excited nang umalis. Suot niya ay pants, blue shirt, at black jacket habang may backpack laman ang dala niyang laruan.

Ngumiti ako. "Yes, Santi, patapos na si mommy kaya bumaba ka na. Susunod ako, promise."

Medyo hesitant pa siyang iwan ako pero nang sinabihan ko itong magpaalam na kina Manang at Ate Baby ay bumaba na rin siya. Ilang sandali ay sumunod na rin ako dala ang gamit namin.

Pagbababa ko sa hagdan ay naabutan ko ang aking mag-ama na nagkukulitan sa sala. Malawak ang ngiti ni Grey habang buhat si Santi pero nang mapadako ito sa akin ay bigla itong nawala. Umiwas naman ako ng tingin. Hindi ko alam kung magiging maayos ang trip na ito dahil halos 1 week na rin kaming bumalik na naman sa dati. Masama pa rin ang loob ko sa kanya noong hindi siya sumama sa mall kahit nangako siya. Sinundan pa nitong trip na ito na hindi niya manlang inisip ang nararamdaman ko.

"Let's go, Santi." Inaya na niyang lumabas ng bahay ang anak ko. Nagpaalam naman ako kina Manang na nakatanaw lang sa amin sa may pinto.

"Manang, Ate Baby, kayo na po bahala dito. Ingat po kayo." Hinakawan ni Manang ang kamay ko bago ngumiti.

"Mag-enjoy kayo doon. Sana pagbalik niyo, maging okay na uli. Iba na naman ang tension ngayong 'di kayo nag-uusap ng maayos."

"Baka po mag-usap kami, Manang." Tumingin naman ako kay Ate Baby na iba ang ngiti.

"Usap lang ba talaga, ha, Chikkie. Baka may iba pa kayong gawin ah. Tandaan niyo kasama niyo alaga ko baka kung ano-anong makita," biro pa ni Ate Baby. Pabirong hinampas siya ni Manang at ako'y natawa na lang.

Nakarating kami sa airport at nag-aantay na nga doon ang grupo ng mga kaibigan ni Grey. Sa kabilang side ay ang barkada niyang si Dale at sa kabila ang mga kaibigan niya na kaibigan din ni Kristina. Mabilis na lumapit doon si Grey kaya medyo nahuli kami sa paglalakad.

Pinasadahan ko sila ng tingin. Nang makalapit sa kanila si Grey ay agad nagsimula ang tuksuan kina Grey at Kristina. Eh paano ba naman, parehas sila ng suot na damit white top at khaki pants. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa kanila. Mabuti na lang at hinawakan ni Santi ang laylayan ng damit ko.

"Mommy, Ninong is calling you." Tinuro ni Santi si Maccoy na kumakaway sa amin. Doon ako dumiretso habang si Grey ay umupo na doon sa side ni Kristina matapos makipagbatian kina Dale. Ni hindi manlang niya kami nagawang lingunin. Maling-mali talaga na sumama pa kami rito.

"Chikkie, kasama pala kayo. Hindi ko alam," saad ni Maccoy nang makalapit kami sa kanya. Ngumiti naman ako kina Dale, Evans, at Lemon na bumati sa akin at kay Santino. Tinawag pa ni Evans si Santi na nagpakalong na sa kanya. Lahat sila ay ninong ni Santi.

Umupo na ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Maccoy. Nasulyapan ko si Grey na malamig na tumitig sa inuupuan ko. Bumaling na ako kay Maccoy na naghihintay ng sagot.

"Ah, kanina nga lang sinabi ni Grey eh. Gusto niyang maka-bonding si Santi." Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Maccoy.

"Talaga bang nagpapaka-gago siya. Alam niya ang ginawa nina Kelly sa 'yo. Sobrang insensitive naman niya kung gano'n," mariing saad ni Maccoy.

"Pwede naman akong hindi sumama kaya lang isasama niya kasi si Santi eh."

Ginulo ni Maccoy ang buhok niya. "Eh may igaga-gago pa pala siya ginamit niya pa ang anak mo. Malamang alam niyang sasama ka dahil kay Santino." Hindi na ako nagsalita. Parang nabadtrip si Maccoy. Kinuha ko na lang si Santi nang magpababa kay Evans at hinintay na matawag ang flight namin.

Nang makapasok kami sa eroplano ay agad kaming iginaya ng flight attendant sa aming seats. Habang papunta dito ay lingid naman sa kaalaman ko ang bulung-bulongan nina Kelly kung bakit sumama pa ako. Inignora ko na lang ito at nag-pokus na lang sa anak ko. Alam ko naman na sabit lang kami sa trip na ito. Masyado namang halata dahil ang seats na naka-assign sa amin ay napakalayo kumpara sa kanila na magkakatabi lang. Tapos si Kristina ay sakto pang katabi ni Grey. Imposible namang nagkataon lang.

Sinulyapan ako ni Maccoy at inayang magpalit kami ng upuan pero umiling ako. Idinahilan ko na lang na gusto ni Santi sa may bintana. Lumingon din ng ilang beses sa amin ni Grey pero hindi ko naman mabasa ang ekspresyon nito. Hindi ko naman kasi tiningnan.

"Mommy, I want to sit with daddy," ungot ni Santi sa tabi ko.

Pilit akong ngumiti sa anak. "Later na lang, anak ah. Matulog ka na lang muna. Pagbaba natin ng plane, pupunta tayo kay daddy, okay?" Sumimangot lang si Santi at tumango.

Hindi ko mapigilan maaawa sa anak ko. Papunta palang ay ganito na ang sitwasyon, paano pa kaya kung nasa resort na kami. Kung ganito rin pala ay sana hindi na lang kami sinama ni Grey. Kung gusto naman kasi niyang bumawi, pwede namang sa ibang pagkakataon na lang. Hindi itong isasama niya kami sa reunion nila ng mga kaibigan niya.

Mahigit isang oras ang inabot ng byahe. Nakatulog si Santi at nang magising ay wala na itong sumpong. Nang pababa na kami ay agad nagtatakbo si Santi kay Grey.

"Daddy!!" tawag nito.

"Santi, careful..." saway ko sa anak.

Lumingon si Grey at sinalubong ang tumatakbong si Santi. Hawak kamay ang dalawa habang naglalakad. Sina Maccoy naman ang nakasabay ko.

Mayroong nag-aantay na van sa labas ng airport na diretso na sa pupuntahan resort. Sa unang van ay sina Dale ang sumakay at ilang kaibigan nina Kelly.

"Chikkie, sabay ka na dito sa amin," pag-aya ni Maccoy.

Umiling naman ako at tinuro si Santi na kalong-kalong ni Grey sa tabi ni Kristina. Nang makuha ni Maccoy ang gusto kong iparating ay isinara na niya ang pinto ng van.

Ilang minuto lang ay may dumating na ang isang van ulit. Mabilis na sumakay sila Kelly. Hinintay ko naman si Grey at si Santi na makapasok bago ako pumasok sa loob. Ako na ang huling papasok nang kausapin ako ng driver na nagbibilang sa loob.

"Ay, ma'am, wala na pong bakante. Sa unang van na lang po sana kayo sumakay kasi maluwag pero dibale po, may parating naman ditong van ulit. Sasabihan ko 'yong driver no'n na may sasabay pa." Napapakamot na saad ng driver.

Agad nag-ngisian sa isa't isa si Kelly at ilang babae sa tabi niya nang marinig ang sinabi sa akin no'ng driver. Sila kasi ang nakaupo malapit sa nakabukas na pinto. Ang iba naman ay nagke-kwentuhan na sa loob. Sina Grey at Santi ay hindi ko na nakita kasi nasa bandang likod na sila nakaupo.

Tumango na lang ako sa driver. "Ah, sige po, Manong. Mag-aantay na lang po ako dito."

Si Manong driver na ang nagsara ng pinto bago umikot sa driver's seat. Umatras naman ako nang umandar na ang sasakyan. Hindi pa ito nakakalayo nang bigla itong tumigil. Natanaw kong lumabas ng van si Grey habang buhat ang umiiyak na si Santi. Umandar din ang sasakyan matapos nilang makababa.

Nagpababa dito si Santi at nagtatakbong lumapit sa akin.

"Mommy, ayaw ko pong iwan ka dito." Agad kong pinunasan ang luha sa pisngi nito.

"Susunod naman ako, Santi. Magkikita pa rin naman tayo. Syempre 'di ko naman pwedeng iwan ang baby ko."

Nasulyapan ko si Grey na mariin ang titig sa amin ng anak ko. Hindi ko siya pinansin sa halip ay mahigpit kong niyakap ang anak ko na humihikbi pa rin. Ngayon ko napatunayan na iwan man ako ng lahat, may isang taong hindi ako iiwan kahit anong mangyari. Walang iba kung hindi ang anak ko, si Santi.

─ S•L ─

Continue Reading

You'll Also Like

853K 42.8K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
379K 26.7K 232
Rosabella Nataline swore to keep off dating when she got her heart broken two years ago. She kept herself protected and bound by a rule she establish...
130K 2.7K 22
Duke & Izza