"Nabuhay ako ngayon ng napaka haba, at kahit hindi ko man hawak ang mga kamay mo ngayon asahan mo na ang puso ko ay kailanman ay hindi bibitaw sayo."
"Naniniwala ako na kahit anong mangyari. Hanggang sa huli ako parin ang pipiliin mo."
"Pasensya na kung hindi ko mapigilan ang damdamin ko at ayoko ng pigilan pa ito. Gusto kong malaman mo na ikaw lamang ang tinitibok nito."
~~~**~~~
"Ako'y sayo at ika'y akin
Iyan ang nakasulat sa mga bituin
Balutin man ng mga ulap ang langit
Wala parin makapipigil saatin
Sa paglubog at pagsikat ng araw
Pinapangarap ko ay ikaw
Sa gitna ng gutom at pagkauhaw
Inaasam ko ay ikaw
Pangako ko sayo'y binitwan
Na kailanmay hindi ka iiwan
Asahan mong puso ko'y tapat
Pagmamahal ko sayoy higit pa sa sapat"
A/N: Ano ang pinakapaborito mong linya ni Ginoong Juanito?