Part of You

By mrgrttnnmr

169 11 3

Pollyana Cielo Samaniego was a not so famous gal in their school. Not rich. Not popular. Not so kind. A bit b... More

2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12

1

55 3 2
By mrgrttnnmr

"Hui Cielo ano pa bang ginagawa mo dyan? You're so matagal ha"

Haist napakaingay talaga nitong si Andi kahit kelan. Ang arte pa. Kung di ko lang to bestfriend kinalbo ko na yan eh. Hihihi.. bad me.

Tiningnan ko si Andi at napangiti ako dahil sa itsura nya.Nakakunot na noo nya. "Wait lang babe. I'm just fixing my things." sabi ko kahit kanina pa ko tapos. Sarap kasing galitin eh,sobrang mainipin.

Ako nga pala si Polyana Cielo Samaniego.I preffer to be called Cielo than my first name because...anyways, hindi ako rich kid gaya ng bff ko na si Andi, her father is the CEO of some companies in Manila while my dad is an OFW.Scholar lang ako dito sa Licean Academy.What they call L.A. Catholic School for rich kids. Siguro swerte ko lang talaga at nakapasa ako sa scholarship exam na binigay nila. Mabuti nga at mabait at hindi matapobre tong si Andi kaya naging bff ko. Hindi ako kasing bait ni Andi,may pagkasupladita ako minsan pero mabait talaga ako.minsan lang.Hay buhay nga naman.tsk.

Napatigil ako sa pag eemote nang Sumigaw ulit sya na ikinataranta ko. "Bahala ka! You're so mabagal dyan,ayun oh dumaan na si Hendrix mo!" sabay turo sa labas.

Mabilis pa sa alas kwatro,tumayo agad ako at hinila sya palabas ng school. "Babe wait lang.Narinig mo lang ang Hendrix nataranta ka na". Si Hendrix Salmentar ang aking one true love kaya why not ako mataranta noh? Crush ko na sya since first year dito sa L.A noh,ang kaso he doesn't know my existence,patapos na pa naman ang school year at graduation na namin.Sabi nila mayabang daw sya dahil nga gwapo at mayaman at matalino at the same time. pero di ako naniniwalang mayabang sya.

"Babe, hindi ko pa sya nakikita ngayong araw kaya kelangan natin sya maabutan."

Dahil sa pagmamadali,di ko na pinansin ang sinasabi ni Andi. Hanggang sa nakita ko na ang likod ng mahal ko at malapit ko na sanang mahawakan ng biglang....

"What the hell babe...asdfghjkl..." tinalapid ako ng walangya kong bff at dahilan para bumangga ako sa malapad at matigas na likod ng isang nilalang.

Nang tumingala ako para tingnan kung sino man yung nabangga ko, napanganga na lang ako at napatitig sa mukha ng lalaking kaharap ko.

"Miss are you okay?" tanong nya saken. "Pakisara ng bibig mo babe. Look at your saliva oh.you're so eewie talaga." Napakurap naman ako sa sinabing yun ni Andi. Nakakahiya.

Ngumiti naman sakin ang lalaking nasa harap ko at sinabing "ang cute mo talaga Polly."saka tinap ang ulo ko dahilan para matulala na naman ako. At umalis na sya sa harap ko ng di ko namalayan.

"Hoi Cielo!" langyang Andi to ah. "Bakit may batok?Para san yun ha?" lakas makabatok nitong bff ko. Panira ng moment.

Niyaya na nya ko maglakad papunta sa isang bench dun sa labas ng school. "Alam mo babe?Mukha kang tanga kanina" aray ko naman noh.

Tumingin ako ng masama sakanya,"Bakit naman?Duguan na ko sayo ha.kanina batok,ngayon makatanga ka dyan!" tapos tumawa sya.

Humarap sya saken saka bumulong "Ang pagnganga mo kasi kanina kay Hendrix wagas.Hahaha" Nakakahiya naman talaga.

"Babe,kilala nya pala ako."

Siniko ako ni Andi at saka nakakalokong ngumiti. "Aysows. Kilig to the bones ka naman.This is it na babe! Isa na yan sa senyales!" pumalakpak pa sya na parang nababaliw na.

Pinigil ko sya sa pagtayo nya sana. " tumigil ka nga dyan.pinagtitinginan na tayo oh." tiningnan nya ko ng masama.

"Wala silang pakealam! I'm so happy for you babe!Mas kinikilig pa ata ako sayo eh." hayy nako kung alam mo lang Andi kung gano ko kinikilig ngayon.

Humarap sya saken pagkatayo nya,"pero babe tinawag ka nyang Polly.Diba you dont like to be called that name because of...asdfghjkl...." tinakpan ko na ang bibig nya bago nya pa mabanggit yun!

"What the hell babe?!Di na ko makahinga eh " kainis naman kasi.ok na eh.pinaalala nya pa."Daldal mo kasi" sabi ko na lang.

Ayoko na talagang maalala.

Inaya ko na syang umuwi.Palagi naman kaming sabay umuwi eh.Yun nga lang minsan may sundo sya.Alam nyo na rich kid.

"Babe dont tell me you're not yet over that bullsh*t." Nakatingin lang ako sakanya." O.M.G. Cielo,it's been four years!eh elementary pa tayo nun ah!look,fourth year high school na tayo!" Nakatingin pa din ako sakanya.Kaya inirapan nya lang ako.

"It's not that easy Andrea." nagbabadya nang may tumulong luha sa mata ko.Tiningnan nya lang ako at naglakad papunta sa kabilang bench.

Sumunod naman ako sakanya. "Akala ko over ka na dun babe dahil kay Hendrix,hindi pa din pala.Move on babe.You can if you will be focusing your feelings to Hendrix kahit na we are not yet sure kung magtutuloy yung scene kanina." At nagtwinkle na naman ang mga mata nya.

"Tama ka babe,i'll focus on him na lang." gusto ko din naman makamove on na.Ang kaso lang mahirap talaga.

"umuwi na tayo." pag aya ko ulit sakanya.tumingin lang sya saken ng nakangiti. "wla pa si kuya Steve eh." si kuya Steve ang driver nila.

After waiting for siguro mga 15mins. dumating na si kuya Steve."Babe sabay ka na ulit sakin ha.Di ba kuya?dun naman daan naten eh kaya okay lang diba?"tumango na lang ako.Ano pa magagawa ko diba? Libre na to eh,tatanggi pa ba ko?Hahaha.

"Bye babe.See you bukas!" nagwave na lang ako sakanya ng nakangiti. "bye.Salamat sa paghatid"

Ngumiti din si Andi saken at umalis na ang sasakyan nila.Ako, nakatingin na naman sa langit at iniisip ang mangyayari bukas.

------------------------------------------

Boring ba? Pasensya na.Di ko kasi alam pano sisimulan eh.By the way thanks sa pagbasa. Unang chapter pa lang. Hope you'll like my story. :)

-jm

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...