GENERAL'S PROVERBS
Pagkatapos malaman nang nilang kaanib ang mensaheng pinaabot nila Alena at Danaya ay nagtungo sila kung saan naroon ang Hara nang mga diwata at ang mga kasama nito maliban sa ilang kawal na kasama nila pagkat pinauna na silang magtungo sa kaharian kung saan sila nagbabantay.
AMIHAN:Anong plano Hara?
ALENA:Ang naisip kong plano ay hatiin muna natin sa dalawa ang ating grupo ako at ang aking mga kapatid muna ang papasok pagkatapos ang mga naiiwan ay magmanman sa paligid.
DANAYA:Nakuha ko na kung ano ang iyong nais mangyari Alena,kung sugurin kami nang mga vedalje ay saka na kayo papasok at saka tayo maghiwahiwalay ulit upang hanapin ang ating mga anak at si Cassandra.
ALENA:Sumasang-ayon ako Pirena yan nga ang mangyayari.
PIRENA:Napakatalinong plano ngunit may nais akong imumungkahi.
ALENA:Ano iyon Pirena?
PIRENA:Pwede ding sumabay sa atin sila Mira at Lira ngunit hindi muna sila magpapakita.
LIRA:Ang ibig mo bang sabihin Ashti nasa estado kami nang ivictus kung papasok kami doon?
PIRENA:Oo
MIRA:Magmaman muna kami doon Yna,kung sakaling sugurin kayo babalik kami ni Lira sa labas nang palasyo para sunduin sila Ama,tama?
PIRENA:Yun na nga,para mas maging mabilis ang ating gawain,ano sa tingin niyo?
AMIHAN:Sumasang-ayon ako sa inyong mga nais mangyari Alena,Pirena..kung sakaling nasa kamay ni Agatha ang aking apo at hadiya nakatitiyak ako may kapalit siyang hihingin.
YBRAHIM:Siyang tunay at alam kong inyong mga brilyante ang kanyang hihinging kapalit.
AZULAN:Kung ganon nababaliw na siya at hinding-hindi yun mangyayari.
MEMFES:Katulad nang mga dating kaaway walang ibang pinagnanasaan kundi ang maging pinakamakapangyarihan.
AQUIL:Hindi lang iyon gusto din nilang manakop nang kaharian na hindi na man sa kanila.
MUROS:Poltre kung putulin ko ang inyong pag-uusap mga kamahalan at Mashna durye ngunit,kailangan na nating kumilos.
Nagsimula nang mag-ivictus ang mga Sang'gre papunta sa loob kung saan nakaabang si Agatha.
AGATHA:Avisala mga Hara at mga Mahal na Sang'gre natutuwa ako na naparito kayo sa aking kaharian.
PIRENA:Huwag ka nang magpanggap Agatha pagkat alam natin sa ating mga sarili na hindi natin gusto ang isa't isa!,ngayon sabihin mo kung saan mo itanago ang aming mga anak at anak nang aking hadia?!
AGATHA:Sasabihin ko sa inyo kung ibigay niyo sa aking ang aking mga nais.
AMIHAN:Alam ko na kung ano ang mga hihingin mong kapalit ang aming mga brilyante,pagkat yan ang pinagnanasaan nang mga nilalang na katulad mong maitim ang budhi!
AGATHA:Oo yan nga hihingin kong kapalit kung hindi niyo kayang ibigay ang aking nais,buhay nang mga diwani at rehav ang magiging kapalit!
DANAYA:Pwes!nahihibang kana pagkat hindi-hindi mangyayari ang mga sinasabi mo!
AGATHA:Kung ganon ay ipapatay ko nalang sila,pagkat wala na silang silbi sa akin!
ALENA:Alam mo wala kang pinagkaiba sa mga dati naming nakakarahap katulad ra rin nila na wala sa tamang pag-iisip,kahit itanong mo pa sa iyong mga Mashnang mga walang silbi!
ANDORA:Mga lapastangan!
AGATHA:Paslangin ang mga diwatang yan!
Sinugod sila nang mga kawal niyebe at nilabanan nang mga magkakapatid ang mga ito gamit ang kanilang mga sandata at kapangyarihan.Habang ang magpinsan na sila Mira at Lira ay nagmanman pa rin sa isang sulok.
LIRA:Ito na nga ang sinasabi ko bes magkakagulo talaga!
MIRA:Inaasahan na ko na yang mangyari,puntahan na natin sila Ama!
LIRA:Sige!
Nang makalabas na sila sa palasyo pinaalam agad nang magpinsan kung ano nang nangyari sa loob sa iba nilang kasama kaya nang makapasok tinulungan nila agad ang mga nakatatandang Sang'gre na lumaban sa mga kawal niyebe.May hawak na mga brilyante ang mga magkakapatid,makapangyarihan din sina Mira at Lira at sa tulong nang kanilang ibang kaya madali lang nila nadaig ang mga kawal ni Agatha. napadesisyonan nilang maghiwahiwalay upang gawin na ang sunod na plano na hanapin at iligtas ang mga diwani at ang rehav ngunit hindi sumama ang magkakapatid dahil meron pa silang kailangan harapin ang mga Mashna.
PIRENA:Hindi ka talaga nadala sa inyong mga kapalpakan kung tutuosin pang ilang talo muna ito,kung ako pa sa inyo aatras nalang ako!(Pangaasar nang Hara)
GURNA:Huwag ka munang pasisiguro Pirena pagkat wala pa kayong nakikita kung ano pa ang kaya namin gawin!
DANAYA:Meron pa pala kayong kayang gawin akala ko wala na!
ANDORA:Ngunit bago pa namin iyon ipakita nais muna naming maaliw.Inuutusan ko ang iyong mga isipan na kakalabanin ninyo ang isa't-isa!
Ngunit hindi naman tumalab ang kapangyarihan ni Andora sa mga Sang'gre pagkat nilabas nila ang kanilang brilyante nang tangkain nang mashna na paglaruan ang kanilang mga isipan.
ALENA:Akala mo siguro na mapaglaruan mo pa kami katulad nang dati!
FLASHBACK
Nang humingi ang magkakapatid nang basbas kay Emre sa kanilang nais na lagyan nang pananggalang ang bawat kaharian may dinagdag na kapangyarihan ang bathala sa mga brilyante upang mas lalo pa nila itong magagamit isa na noon ang mas patalasin ang kanilang isipan nang saganon ay hindi na ito mapaglaruan at utusan nang kahit na sinong nilalang.
SA KASALUKUYAN
ANDORA:Tanakreshna!
AMIHAN:Mabuti pang tapusin na natin ang laban na ito ngayon din!puro kayo salita!
CRISELDA:Hara ipatikim niyo na sa kanila ang inyong bagong kapangyarihan!
Gamit nang bagong kapangyarihan ni Agatha na makalikha gumawa siya nang isang higante na iisa lamang ang mata at nakakatakot ang wangis at may hawak na sandata.
DANAYA:Pashnea anong klaseng nilalang iyan!
PIRENA:Isa iyang bungisngis,ang nilalang na iyan ay mahilig paglaruan ang mga Enkantado kaya ring buhatin nang nilalang ito ang kahit ano kaya mag-ingat tayo sa ating pakikipaglaban.
AMIHAN:Sa tingin ko kaya natin yan labanan gamit ang ating mga brilyante at sandata.
ALENA:Oo,kaya nating labanan iyan ngunit hindi muna tayo,magpakampante pagkat sa tingin ko ay malakas din iyan.
Sa pagharap nang nilalang sa mga Sang'gre ay gumawa ito nang nakakatakot na ungol saka inutusan ito ni Agatha sa paslangin ang magkakapatid.
YBRAHIM'S PROVERBS
Noong napagdesisyonan namin na maghiwahiwalay aming napag-usapan na kami nang aking anak kasama ni Aquil ay sa timog bahagi nang palasyo maghanap habang ang grupo nila Azulan at Mira kasama ang Rehav nang Adamya ay sa Hilaga samantalang ang dalawang Mashna ay sa kanluran.Naisip din namin kung hindi namin makita ang mga diwani at Rehav sa Silangang bahagi kami magkitakita.
Kagaya nang aking inaasahan may mga kawal na nakabantay.
KAWAL:Mga Vedalje!
Tumakbo ito papalapit sa amin at nilabanan naman namin ang mga ito pagkatapos nagsimula na kaming maghanap pagkalipas ang ilang sandali ay naikot na namin ang lahat nang mga silid at piitan dito ngunit wala ang mga diwani at rehav doon kaya pumunta nalang kami sa silangan.
AZULAN'S PROVERBS
Sa hilagang bahagi nang palasyo naman ang walang masyadong nakabantay kaya napatumba namin ito na hindi nila napapansin.Naglakad lakad kami hanggang naikot namin ang lahat nang bahagi nang parteng ito nang palasyo ngunit hindi namin mahanap ang aking bunso at ang mga kasama nito napagdesisyonan naman na pumunta nalang sa silangan para doon magkitakita.
HITANO'S PROVERBS
Pashnea! wala ngang kawal na nakabantay rito mga kubor naman na gawa sa niyebe ang nabantay at ako pa ang ginawang pain na makipaglaban sa mga ito mabuti nalang na ako isang ivtre na kaya hindi na ako mapapaslang kaya madali lang sa akin na labanan ang mga ito.Sa aming pag-iikot sa bawat silid,sulok,at posibleng mapagtaguan nang mga bihag wala pa rin ang aming hinahanap kaya nagivictus nalang kami patungong silangang bahagi nang kaharian.