The Gangster's Kiss [PUBLISHE...

By PrincessInJeans

3.5M 55K 5.6K

[Unedited Version] A love story that started with a kiss, challenged by obstacles and sealed with love. Who w... More

The Gangster's Kiss
Chapter 1 [Mr. Robber]
Chapter 2 [Twin Princes]
Chapter 3 [The Gangster Prince]
Chapter 4 [The Ice Prince]
Chapter 5 [Date with a Gangstah!]
Chapter 6 [A Prince and A Fairytale]
Chapter 7.1 [His Past]
Chapter 7.2 [His Past]
Chapter 8.1 [A Little Angel]
Chapter 8.2 [A Little Angel]
Chapter 9 [Smitten]
Chapter 10 [Amidst the Danger]
Chapter 11 [Secret Guardian]
Chapter 12.1 [Stolen Moment]
Chapter 12.2 [Stolen Moment]
Chapter 13.1 [That Night]
Chapter 13.2 [That Night]
Chapter 13.3 [That Night]
Chapter 14 [Five Minutes]
Chapter 15 [Weird Feelings]
Chapter 16 [Mystery Girl]
Chapter 17 [Smile.]
Chapter 18 [Sticky Situation]
Chapter 19 [Love is selfless]
Chapter 20 [Her First Love]
Chapter 21 [The Savior]
Chapter 22 [Realize]
Side Story [Jade & Glenn]
Chapter 23 [Kyle's Plans]
Chapter 24 [I love you]
Chapter 25 [Promise]
Chapter 26 [He's Back]
Chapter 27 [First Date]
Chapter 28 [Choices]
Chapter 29 [Decision]
Chapter 30 [Jade's Ever After]
Chapter 31 [Chaos]
Chapter 32 [I'm yours]
Chapter 33 [And They Meet Again]
Chapter 34 [Together]
Chapter 34.2 [Together]
Chapter 35 [Seven Dates]
Chapter 35.2 [Seven Dates]
Chapter 36 [Missing Him]
Chapter 37 [Broken]
Chapter 38 [Pain]
Chapter 39 [It must have been love]
Chapter 40 [Don't give up]
Side Story [His Side]
Chapter 41.2 [Past and Future]
Chapter 42 [Live for Today]
Chapter 43 [Run Away]
Chapter 44 [Danger?]
Chapter 45 [It Ends Here]
Epilogue
Special Chapter [Mr. Robber's Point of View]
Publishing Details (+FAQs)

Chapter 41.1 [Past and Future]

45.6K 694 63
By PrincessInJeans

Chapter 41.1

[Past and Future]

(Yumi's POV)

"Di kita bibitawan."

"Sana tayo na lang ulit."

"Don't give up..."

Tama bang hindi bumitaw? May chance pa nga ba kami? Pero si Janice? Paano si Janice?

Umupo ako sa kama ko at tinignan ko yung box na binigay niya sakin kanina.

Dapat ibalik ko na sa kanya 'to di ba? Hindi healthy para sa puso ang tumanggap ng regalo mula sa ex =____=

Tsk. Para namang kaya ko.

Binuksan ko yung box.

Music box. Isa siyang music box.

Meron siyang isang malambing na tugtog, isang lullaby.

At imbis na stage, isang rooftop yung nandun. Sa gitna, walang prinsesa at prinsipeng nagsasayaw.

Isang babae lang na nakatshirt at skirt at yung lalaking may brown na buhok na naka-polo at sa taas ng isang white shirt at jeans. Meron ding maliit na aquamarine stone na kumikintab sa tenga nung lalaki, isang hikaw. Meron ding maliit na headset na pinaghahatian nung babae at lalaki.

Kami. Kami 'to.

Napangiti ako habang iniisip yung nangyari nung gabing yun. Hahaha. Abnormal kasi ni Kurt eh. Umamin nga, naghapon naman. Haha.

Haaay. Nakakamiss. Miss na miss ko na yung kami, yung dati.

Dahil sinabi mo, sige, I won't give up. Kahit naguguluhan ako. Kahit masakit. Hindi ako bibitaw.

* * *

*yaaawn*

  

"Good morning Yumi." --manang.

"Good morning po."

"Naku, hija. Advance ha? Birthday mo na bukas, di ba? Anong plano mo?" sabi ni Manang.

Oo nga pala. O___O Birthday ko na bukas. mag-seseventeen na ako! Woah. Ano ba yan, sa dami nang mga nangyayari, nakalimutan ko pa birthday ko!

"Plano po? Uhm.. Konting handaan lang po siguro kasama sina Jade."

"Sige, ipaghahanda kita bukas, hija." Ngumiti naman ako kay Manang at nag-"thank you". Parang pangalawang mama ko na din siya kasi siya yung nagpalaki sakin halos. Kahit nung pumunta kami ng England kasama pa din siya. "Ay Yumi! May bisita ka nga pala sa labas. Pinapapasok ko nga kaso maghihintay na lang daw siya dun. Naku, ilang oras na nga yun dun eh!"


"Bisita po? Sino po?



"Tignan mo na lang." Ngumiti si Manang sabay pat sakin sa balikat bago bumalik sa kusina.

Naintirga naman daw ako lalo dun XD Kaya lumabas na ko agad sa may gate namin.

Eh? Bisita daw? Wala naman? Umalis na kaya?

"Yumi." may nagsalita bigla.

"Ay, kabayo!"

"Kabayo na lang pala ako ngayon?"

Shet! si Kurt!

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Hmm.. Kikidnapin ko sana yung nakatira diyan sa bahay na yan. Kilala mo ba siya?" sabi niya ng nakasmirk Nakalagay yung mga kamay niya sa bulsa niya at nakasandal siya sa gilid ng gate namin.

Shemay, ang gwapo! Este... Kidnap? Nakatira sa bahay...? Ako O.O?

Bago pa ko makareact, hinatak niya ko sa gilid. Nandun yung motor niya at nakapark.

Sumakay siya dun tapos inaabot niya sakin yung isang helmet at tinignan ako ng parang inaantay niya kong sumakay sa likod niya.

Tinignan niya ko habang nakangiti pa din. Ba't ba hindi mawala ang ngiti nito ngayon? Hindi ako makapag-isip! Nadidistract ako!

Ampupu, Yumi, try mong maging bitter minsan, ha? Pagkatapos kang paiyakin niyan?

E bakit ba? Mahal ko naman yan!

Sabagay.. Good point!

Chos. Kinausap ko na naman yung sarili ko. Haha.

"S-san tayo pupunta?" 

"Hmm.." Nagshrug siya tapos ngumiti.

Ewan ko kung anong sumapi at kinuha ko yung helmet at sinuot sa ulo ko saka umangkas sa motor niya.

"Kapit." sabi ni Kurt at kinuha yung mga kamay ko at inikot sa bewang niya. Waaah. Naamoy ko yung pabango niya. Namimiss ko na talaga siya.

Ehehehe. Sige na, lulubos-lubosin ko na 'to. Hinigpitan ko pa yung pagkakayakap ko sa bewang niya. Ay, chansing lang? haha.

"Yumi.." Waaah. Bakeeet? Nakakahalata na ba siyang pasimple akong chumachansing ng yakap? Halata na ba ako masyado? O.O

"Hindi! Kasi kasi.. n-naninigurado lang ako! Baka kasi mahulog ako!" Hindi po ako nananching! Praaamis! >_____<

"Huh?" --Kurt.

"Ay, ano bang sasabihin mo? *O* " 

"Wala. Mamaya na lang." Nakita kong ngumisi si Kurt tapos umiling.

Nagsimula ng paandarin ni Kurt yung motor niya, sunrise na kaya ang ganda ganda ng langit. Tapos ang sarap pa nung pakiramdam ng hangin.

Napakapit pa ko lalo sa likod ni Kurt nung binilisan pa niya motor niya.

Napangiti ako at nakita kong ngumiti din si Kurt. Ang ganda ng moment na 'to. Ang sarap sa pakiramdam. Sana hind na matapos..

* * *

"Bakit tayo nasa bahay ampunan? O.O?" --ako

"Yumi, one day lang.. pwede bang ibalik natin yung dati? Ngayong araw lang." Ibalik yung dati? Suicide yan. Kulang na lang torturin ko pa yung puso ko.

"Bakit? Kasi naaawa ka na sakin?" 

Umiling siya. "Kasi gusto ko. Kasi miss na miss na kita. Kasi kailangan ko 'to." Miss mo pala ako eh. Bakit hindi ka na lang bumalik sakin? Bakit hindi na lang tayo ulit?

"At pagtapos nito? Babalik na naman tayo sa di pagpapansinan, sa pag-iiwasan?" Hindi siya sumagot. Sabi na nga ba. Haay. 

Yung tama kong gawin, magalit sa kanya at umiwas na. Kung pwede pa nga, sampalin ko pa siya dapat. Paasa kasi. >___< Pero dahil abnormal ako tumango ako sa kanya.

"One day. Bumalik tayo ulit sa dati." Kasi alam ko gusto ko din 'to. Kasi miss ko na siya. Kahit ano pang dahilan niya para sa araw na 'to, o-oo pa din ako. Kasi ilang beses ko na hiniling na bumalik kami ulit sa dati kahit isang araw lang. Ngayon, nandito na, bakit pa ko tatanggi?

Ngumiti siya at hinawakan yung kamay ko. "Thank you." 

"Oo na. Akala mo naman matitiis kita. Pasalamat ka, mahal kitang kabute ka.Binulong ko yung last part. Asa namang sasabihin ko sa kanya yun noh. Haha.

"Salamat." sabi ni Kurt ng nakangisi. Waaah. Ilang kahihiyan ba mararanasan ko ngayon araw?! >__________< Ihhh. Ano ba naman kasi yung tenga nito! Malakas yung pandinig > O <

"Joke lang! Asa ka naman!" sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya sabay kurot sa pisngi ko.

"Saya mo ngayon ah?!" Tawa kasi ng tawa eh. >.>

"Syempre, kasama kaya kita." tapos kumindat siya sakin. >///< Ampupu. Umayos ka, Kurt! Kahit pa naguguluhan ako sa'yo baka bigla kitang itakas dyan eh. ~____~

Pinanlakihan ko na lang siya ng mata tapos tumawa na naman siya habang papasok kami dun sa bahay ampunan. Baliw -___-

“Pumupunta dito lagi si Kuya Kenneth dati, tapos minsan sinasama niya kami ni Kyle." Sabi ni Kurt. Hindi ako sumagot. Hanggat pwede gusto kong iwasan nagyong araw yung topic na yun, yung tungkol sa dati.

“Mahilig ka pala sa bata?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“mmm..” Kurt sabay ngisi. "Praktis para sa mga anak natin?" Napatingin ako sa kanya bigla. "Joke."

“Kuya Kuuuuurt!” tapos may mga batang nagtakbuhan papunta samin at sumabit kay Kurt. Napabitaw tuloy siya sakin. Hahaha. May tig-isang bata nakakapit sa binti niya tapos tig-isa din sa kamay niya. Hahaha. Ang ewan nung hitsura XD Pano mo maiisip na gangster yan?

“Ate, ate! Sino po kayo?” tanong ng batang babae sakin.

“Ahh.. Hello. Ako si Ate Yumi.”

“Ate Yumi! Gerlpren ko na lang ikaw!” sabi naman nung batang lalaki.

Binatukan siya nung batang babae. “Gerlpren ka dyan! Uhugin ka naman!”

“Bleh! Crush mo lang ako eh.”

“Asa ka! Panget mo kaya! Bleehh!”

“Hahahaha. Kayo talaga!” sabi ni Kurt tapos inakbayan yung dalawang bata.

“Kuya Kurt! Ligaw mo si Ate Yumi?” sabi ng isa pang bata.

Ngumisi ng nakakaloko si Kurt. “Di.” Tapos may binulong siya sa mga bata. Asawa ko yan!” Oo, rinig ko yung bulong niya. Ganyan kalakas yung bulong nya =____=

“Yieeee!”

“Hoy! Ano yun?!” ako.

“Secret!” sabi ni Kurt. 

“Kurt Ian Villanueva!”

“Bakit Yumi Leigh Andrada-Villanueva?”  O///O Nakangisi niyang sabi. Ampupu. Kinikilig ako pero kailangang itago kaya pinanlakihan ko siya ng mata. “Habulan daw! Si Ate Yumi taya! Takboooo!” sabi ni Kurt tapos nagtilian naman yung mga bata at tumakbo kasama ni Kurt.

Waaah. Bakit habulan? Napatakbo tuloy ako papunta sa kanila.

“Hoy Kurt! Yari ka sakin pag nahabol kitaaa!”

Waaaah. Ambibilis naming tumakbo nung mga yun! Nasan na yuuun?

“Hihihi.” Rinig kong may mga naghahagikgikan.

 Lilingon na sana ako kaso may biglang yumakap sakin mula sa likod. "Huli ka." 

"Akala ko ba ako yung taya?"

"Ikaw nga!"

"E bakit ako yung nahuli?! ~___~" Lumayo ako sa kanya tapos humarap sa kanya.

"Bakit ba? Sa gusto kitang hulihin eh. Para akin ka na lang." sabi ni Kurt at ngumisi.

>////////////<

Walanjo! Ako na! Ako na talaga kinikilig >////< Waaah. Sobrang namiss ko yung mga ganyan ni Mush---este Kurt!

"Hihihi!" --mga bata.

"Weh? Banat yun, banat?" pambabara ko. Para matago ang pagkakilig. Hoho.

"Oo kaya, Strawberry! = 3=" >////< Shucks! Strawberry lang sabi eh. Bakit ang laki ng epekto sakin? Nakupo.

"Ate Strawberry!" sabi nung batang lalaki kanina.

"Oi Rap! Akin yung Strawberry eh! Ate Yumi siya! YU-MI!" --Kurt.

"E Kuya Kurt, gusto ko din yung Strawberry?" 

"Bawaaaal! Kikilitiin kita, sige!" sabi ni Kurt sabay hinabol niya yung bata na agad namang tumakbo. 

Hahahaha. Ang kulit! Parang dati lang, kung kanino nagseselos. haha. Mas malala lang yung dati kasi si Pooh pinagselosan niya. HAHAHA.

Ayoko nang matapos yung araw na 'to. 

* * *

Asan na kaya yun si Kurt? =______=

Kung san na napadpad kakalaro kasama nung mga bata. Palibhasa isip bata siya eh XD Hahaha.

Teka..

O____O

Doon sa isang wall na puno ng mga pictures nung ampunan, yung isang picture doon..

Si Kuya Philip, siguro kaedad lang namin siya nito sa picture, nakaakbay siya sa lalaki sa tabi niya na kamukha nina Kurt at Kyle (si Kuya Kenneth) Tapos sa kabila naman niya, hawak niya yung kamay nung isang magandang babae... eto siguro yung mama ni Keira? Kahawig eh.

Sa picture na yun, mukhang masayang masaya silang tatlo.

Lalo ko tuloy gustong malaman kung ano bang nangyari dati.. Kaya naging ganun. Kaya nagkahiwalay si Kuya Philip at Ate Andrea, kung bakit nabaril si Kuya Kenneth.

Nakakalungkot. Parang ang saya saya nila dito at walang problema tapos... magugulo yung lahat at hanggang ngayon,magulo pa din yung lahat.

"Hmm.. Naaalala ko sila.." Biglang nagsalita yung Ate Lydia, yung isa sa mga nagtatrabaho dito sa bahay ampunan. Nakangiti siya habang tinitignan yung picture nina Kuya Philip.

"Po?"

"Sina Philip, Kenneth at Andrea. Naku! Ang babait na bata ng mga yan! Lagi sila dating dumadalaw para makipaglaro sa mga bata. Ewan ko nga ba, kung bakit sila nawala na lang bigla."

"Magkakaibigan po ba sila?" tanong ko.

"Ay ang alam ko, gerlpren ni Philip si Andrea tapos bespren naman niya yang si Kenneth. Pero close din naman si Andrea at Kenneth." 


"Ahh.. salamat po."

"O sya, maiwan na muna kita, Yumi ha? Maghahanda lang ako ng miryenda." Tumango kay Ate Lydia tapos tinignan ulit yung picture.

Sana pwede kong malaman kung anong mga iniisip nila nung mga panahon na yan. Sana malaman ko kung anong nangyari sa kanila na naging dahilan para maapektuhan kami hanggang ngayon.

Haaaay.

Mahanap na nga si Kurt!

Pinuntahan ko yung mga bata at nagtanong. Sabi nila, nasa labas daw? Okaaay.

"Why the hell are you here?!" narinig kong sigaw ni Kurt. May kausap siyang lalaki na naka coat at shades. Mukha siyang... bodyguard?

"Utos lang ng Lolo niyo, Sir."

"Umalis na kayo -____-"


"Sir----"


"Naaawa lang ako sa kanya. Huling beses na 'to. Pagtapos nito, lalayuan ko na talaga siya. Sabihin mo yung kay Lolo at umalis na kayo -___-"



"Sir." sabi nung lalaki at nagbow tapos sumakay dun sa kotseng itim tapos nagdrive paalis.

Nanghina naman ako bigla.

Ano na naman ba 'to? Pinapaasa na naman ba niya ko?

Naaawa? akala ko ba hindi siya naaawa sakin? Akala ko ba...

"Y-yu-yumi.. Kanina ka pa ba..?" --Kurt.

"Oo." Napayuko ako. Hindi ko na alam.. kung ano yung totoo sa hindi.. Naguguluhan ako. "Kurt.. ano ba talagang totoo? Sa lahat ng pinapakita mo sakin, sino yung totoo?" Tinignan ko siya sa mata, alam ko nasasaktan din naman talaga siya. Pero kasi.. hindi ko na talaga alam.. "Mahal mo ba ako o hindi? Naaawa ka lang ba talaga sakin o hindi? Dapat pa ba akong umasa o dapat... sumuko na? Sabihin mo sakin please. Kasi gulong gulo na ko." 

"Sorry." 

"Sorry? Sorry na naman? Kurt.. para san ba talaga yung mga sorry mo?"

 Hindi siya sumagot.

"Mauna na ko. Uuwi na ko." sabi ko tapos nagsimulang lumakad paalis.

"Teka." Tapos hinigit niya yung kamay ko. "Hindi pa tapos yung one day natin." 


Seriously?! Pagtapos ng lahat ng mga narinig ko?

"Please, Yumi?" 

=======================================================

May part two pa! =))))

Sorry hindi na naman ako nakapag-UD ng matagal. Busy lang po sa school :( Anyway, mejo maluwag na ata ako after this week so gora ulit sa update. Hihi :D And yes, alam ko magulo yung update kasi naguluhan din ako sa kanya xD Haha.

Tapooos. sa side! Yan yung charm bracelet ni Yumi na binigay ni Kurt sa chapter 3 (kasama yung earring ni Kurt) Hahaha. nagawa ko lang yan sa isang site eh, so yeah :D Open the external link for a bigger picture!

Nga pala, chineck ko yung outline ko for TGK. 6 to 8 chapters to go before the Epilogue! =))) Malapit nang matapos ito. Hihi. Sayang nga eh, plano ko this week tapusin kaso panira yung acads XD So kung kakayanin, next week na lang :D

Continue Reading

You'll Also Like

28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
909K 27K 101
Dalawang lalaki ang gugulo ng buhay ko. Isang lalaking ubod ng COLD at isang lalaking PERFECT sa paningin ng lahat. Sinong pipiliin ko? Ang taong gus...
25.4K 417 41
"Sayang, sana tayo pa din...". Marami na siguro sa inyo ang minsan na nasabi yan.. Mga salitang puno ng panghihinayang,. Isa ka ba sa kanila? This is...
2M 76.2K 164
Sml? An epistolary.