Magisch Academy: The Heartles...

By neverbeeninlove17

2.1M 57.2K 7K

WARNING: Mature Content / R-18 / SPG Akisha Raven Scott a heartless woman who found herself entering a school... More

Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER (Part 1)

CHAPTER 52

22.2K 631 57
By neverbeeninlove17

RAVEN'S POV

KANINA pa ako palakad-lakad dito sa loob ng gubat pero wala parin akong makitang kweba. Ang sabi sa libro ay nasa dulo ng gubat ang soul cave pero halos ilang oras na akong nagpapaikot-ikot dito sa loob ng gubat pero wala akong makita ni isang kweba dito.

Kumuha ako ng bato at nag-iwan ng marka sa isang puno saka nagpatuloy sa paglalakad. Maya-maya ay nakita ko ulit ang marka na iniwan ko sa puno kanina na nadaanan ko. Sabi na nga ba eh may spell na nasa loob ng gubat. Ginagawa nitong invisible ang soul cave dahilan para walang makapasok ni sino man sa loob nito. Siguradong ang dragon mismo ang may gawa nito. Kinulong niya ang sarili niya sa loob ng soul cave para hindi na ito masaktan ninuman at wala sinuman ang makinabang sa kapangyarihang taglay niya.

Mabilis kong kinuha ang libro na Untold secrets.

"What incantations do I need to break the spell?" tanong ko sa libro mabilis na lumabas ang mga salitang kailangan ko. Pumikit ako saka binigkas ang inkantasyon.

"Behind your power let nothing hide. Reveal the truth that lurks inside" bigkas ko sa isang spell at sa isang iglap lang ay nakakita ako ng isang kweba. Ito na nga iyon.

Pumasok agad ako sa loob at nakakita ako ng mga kaluluwa na nagkalat. Tama lang talagang tawagin ito ng soul cave. Ang alam ko dito napupunta ang mga galang kaluluwa. Mga kaluluwang hindi maiwan ang mundo. Mga kaluluwang hindi matahimik. Napapatingin sila sa akin na tila ba naaawa sila sa akin habang iyong iba naman ay nasisiyahan dahil makakakita sila ng aksiyon ngayon.

Kung titignan sa labas para ang liit lang ng kweba pero pagpasok sa loob sa napakalaki. Hindi nakakapagtakang nagkasya ang isang dragon sa loob nito.

Nakakita ako ng gabundok na ginto pero ang nakapukaw sa mga mata ko ay ang purple na dragon na may pagka itim na nasa tuktok nito at mahimbing na natutulog.

Mabilis na dumilat ang dragon tila naramdaman niya ang presensiya ko. Magaling. Malakas nga ang pakiramdam niya. Tinago ko na ang presensya ko pero naramdaman niya parin ito.

Dahan-dahan itong tumayo kaya mas nakita ko ang itsura nito. Isa itong purple dragon. Ginto ang kulay ng mga mata nito. Ang pakpak naman nito ay kamangha-mangha. Kulay blue green ang gitna ng pakpak nito habang purple naman ang gilid. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong klaseng dragon. Alam ko kaya siyang tinawag na immortal dragon dahil ilang daang taon na itong nabubuhay at wala ni isa ang nakapatay dito.

"At anong ginagawa ng isang prinsesa dito sa teritoryo ko?" nagulat ako ng magsalita ito

"Gusto ko sanang hilingin na buhayin mong muli ang lahat ng mga napatay ng Dark King" sabi ko

"Eh pano kung ayaw ko?" tanong ng dragon

"Nakikiusap ako sa iyo. Buhay ng isang taong importante sakin ang nakasalalay dito" sabi ko

"Papayag lang ako kung matatalo mo ako sa isang duelo. Ano payag kaba?" sabi niya

Hindi agad ako nakasagot. May hinala na ako na mauuwi sa labanan ang lahat pero umasa parin ako na kahit papaano ay madadaan ito sa mahinahong usapan. Kung lalaban ako baka mapapahamak ang sanggol sa sinapupunan ko. Pero kung hindi naman ako papayag mamamatay si ash.

"Dalian mo ang pagdedesisyon mahal na prinsesa. Iba ang oras dito sa loob ng kweba kaysa sa labas. Mas mabagal ang oras dito. Ang isang oras dito ay katumbas na ng isang araw sa labas" sabi ng dragon

Nagulat ako doon dahil wala namang nakasulat sa libro tungkol doon. Pero sabagay wala pa namang nakapasok dito na nakalabas ng buhay kaya walang nakakaalam.

"Pumapayag na ako" sabi ko

"Mukhang sobrang importante sa iyo ng taong gusto mong iligtas to the point na handa kang isugal ang buhay ng batang nasa sinapupunan mo" sabi ng dragon

"Dahil naniniwala ako sa sarili ko at sa batang sinapupunan ko na magagawa naming malagpasan ang lahat ng ito. At kung di kami palarin ay ayos lang. Mas mabuti ng sabay kaming mawala sa mundo kaysa mabuhay nga siya pero lalaki siyang kulang ang pamilya niya. Gusto kong bigyan ang anak ko ng kompleto at masayang pamilya. Bagay na wala ako noong bata pa ako. Hindi ko hahayaang maranasan ng anak ko ang mga pinagdaanan ko noon" sabi ko

Alam kong iniisip ng iba sa inyo na pwede parin naman kaming mabuhay ng anak ko kahit kaming dalawa lang. Pero kung wala si ash sa tabi ko hindi ko maipapadama sa anak namin ang pagmamahal na kailangan niya. Remember isa akong sinumpa. Pag nandiyaan lang si ash saka ako nakakaramdam ng emosyon kaya kapag nawala si ash hindi na ako kailanman makakaramdam o makakapagpakita ng emosyon. Alam kong hindi naiintindihan ng iba sa inyo kung bakit iyon ang naging desisyon ko. Pero bilang isang ina gusto kong ibigay lahat ng pagmamahal at pag-aaruga na kaya kong ibigay sa kanya pero hindi ko iyon magagawa kung wala si ash sa tabi ko. At iba parin kasi ang pakiramdam at makita na buo ang pamilya mo. Malaki iyong bagay para sa isang tulad ko na hindi man lang naranasan ang pakiramdam na may pamilya ako noong bata pa ako.

"Kung ganoon ay tignan natin kung hanggang saan ang makakaya mo para lang bigyan ng masaya at kompletong pamilya ang anak mo" sabi ng dragon saka mabilis na binugahan ako ng apoy na kulay asul

Mabilis akong gumawa ng water shield. Pero masyadong malakas ang apoy niya kaya medyo napaatras ako. Damn! Wala man lang pasabi ang dragon na ito!

Mabilis akong tumalon papunta sa gilid kaya dumiretso ang apoy niya sa pader. Nakita ko ang laki ng butas na nagawa nun.

Mabilis niyang hinampas ang buntot niya sa akin kaya agad akong tumalon paatras.

"Ano puro na lang ba pag-iwas ang gagawin mo? Hindi ka man lang ba aatake?" tanong ng dragon

Damn wala akong makita kahinaan niya! Masyado siyang mabilis para sa isang malaking dragon na katulad niya.

Sigurado akong di siya tatablan ng apoy ko dahil mas malakas ang apoy niya kaysa sa akin.

Ugghh! Bahala na! Nilabas ang katana ko saka mabilis na sumugod papunta sa kanya. Iniwasan ko ang lahat ng binubuga niyang apoy habang tumatakbo. Hanggang sa makarating ako sa harap niya binugahan niya na naman ako ng apoy kaya mabilis akong tumakbo sa gilid saka tumapak sa isang pader saka pahiga na tumalon sa taas niya yung parang nag gygymnast at sinugatan ang likod niya habang nasa ere na naging dahilan para mapaungol siya ng malakas. Sinigurado ko kasing mahaba at malalim ang pagkakasugat ko sa kanya.

Nabigla ako ng bigla na lang akong tumalsik sa pader yun pala ay hinampas niya ako gamit ang buntot niya. Di ko iyon naiwasan dahil nasa ere pa ako nun at di pa ako nakakalapag. Napatingin ako sa kanang braso ko na siyang napuruhan. Mukhang kaliwang braso ko na lang ang maasahan ko.

Ilang oras pa ang lumipas kapwa na kami sugatan. Damn! Masakit na ang buong katawan ko. Pakiramdam ko kunti na lang bibigay na ang katawan ko. Pakiramdam ko medyo humina ang stamina ko dahil sa pinagbubuntis ko. Promise pag ako nakasurvive dito gugulpihin ko iyang si ash!

"Mahusay ka bata. Isang karangalan ang makalaban ang malakas na tulad mo" puri niya sa akin

"Well tumatanggap ako ng papuri galing sa kaaway. Ikaw din magaling ka. Sabihin na nating isa ka sa mga pinaka mahusay na nakalaban ko" sabi ko saka ngumisi

"Pero hanggang dito kana lang mahal na prinsesa" sabi ng dragon

"Hindi naman ako makakapayag diyaan" sabi ko

Mabilis niya akong sinugod lalamunin niya na sana ako pero mabilis akong tumalon saka naglakad sa likod niya kaya nauntog siya ng malakas sa pader. Mabilis akong bumaba sa kanya para di ako masama sa pagbagsak niya.

Nagulat ako ng bigla niyang ipulupot ang buntot niya sa katawan ko at mabilis akong binalibag sa sahig. Damn! My head hurts! Naramdaman ko ang pagpula ng mga mata dahil nalagyan ng dugo na tumulo mula sa ulo ko. Nakaramdam din ako ng pagkahilo.

Bumibigat na ang paghinga ko. Damn! Hindi pwedeng matapos lang dito ang lahat! Pinilit kong makatayo pero di ko magawa kaya naman umupo na lang ako at sumandal sa pader. Kahit nanghihina na ako at di na halos makatayo ay nakagawa pa ako ng isang malaking shuriken at pinatama iyon sa dragon. Tumama siya sa dingding ng tamaan siya ng tira ko.

Kinakapos na ako ng hininga at nararamdaman ko na bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. Napahiga na ako sa sahig dahil nanghihina na talaga ako.

Damn! Hindi ko na kaya pakiramdam ko hanggang dito na lang ako. Sana tumupad sa usapan ang dragon na iyon. Para kahit man lang si ash nailigtas ko. Kahit hindi na yung sa amin ng baby ko. Kahit siya na lang.

Sana ayos lang sila lia. Alam kong malalagpasan nila ang lahat kahit wala na ako. Malalakas sila at may tiwala ako sa kanila. Hindi ko inaasahan na hanggang dito na lang pala ako magtatagal.

Napahawak ako sa tiyan ko at naramdaman kong tumulo ang luha ko sa unang pagkakataon. Unti-unti ng nagdilim ang paningin ko. Gusto kong dumilat. Gusto kong lumaban. Gusto kong mabuhay para sa baby ko. Noon wala akong ginusto kundi mamatay pero bakit ngayong may rason na ako para patuloy na mabuhay hindi ko naman magawa! Why?! Why life is so cruel?! Why I can't be happy?!

I'm really sorry baby. I'm sorry for being weak. I'm sorry I failed as a mother. I hope you can forgive your mother for being selfish. I just want to give you the best thing you can have but I can't. My strength is not enough.

Please God. I know that I have done a lot of sins. I know that we're not close. Hindi ako lumapit sayo ni kailanman kahit noong mga panahon na pakiramdam ko nasa impiyerno na ako. But please if you do really exist. If you really still have love have left for me please.. Please save my baby kahit hindi na ako. Kahit ang anak ko na lang. Please God.

ZACH'S POV

Nandito ako sa isang lugar na puno ng mga magagandang bulaklak. Nagulat ako ng may makita akong babaeng nakatayo malapit sa akin. Nakasuot ng puting bistida. Mabilis ko itong nilapitan at nakita kong si akisha pala. Pero nanlaki ang mga mata ko ng makitang umiiyak siya.

"Anong problema? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ko pero umiling lang siya. Pumunta siya sa harap ko at hinawakan ang balikat ko.

"I love you, Ash. Always remember that" sabi niya saka ngumiti kaya napangiti din ako

Binigyan niya ako ng isang matamis na halik pero sandali lang iyon dahil humiwalay din siya agad.

"I lo-" di ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla siyang magsalita

"Goodbye, Ash" sabi niya sabay tulak sa akin at nagulat ako ng malaglag siya. Mabilis akong lumapit papunta doon pero nagulat ako ng naging bangin iyon. Gusto kong sagipin siya pero hindi ako makagalaw.

"AKISHA!" sigaw ko habang nakikita siyang nalalaglag. Nakangiti lang siya sa akin habang may tumutulong luha sa mga mata niya.

Pinipilit kong gumalaw pero ayaw makiayon ng katawan ko. Maya-maya ay nakagalaw na ako mabilis akong sumilip sa bangin. Hindi ko namalayan na pinipigil ko na pala ang paghinga ko habang nakatingin kay akisha na nasa sahig at duguan. Ang puting dress na suot niya kanina ay naging pula dahil sa dugo niya.

"NO! AKISHA!!" sigaw ko habang umiiyak

Napamulat ako bigla. Sinuri ko ang sarili ko at nakita kong tagaktak na ang pawis ko. Kinapa ko ang mukha ko at naramdaman kong may luha na tumulo mula dito.

Tama. Isa lang iyong malaking bangungot. Hindi pa patay si akisha. Isang bangungot lang ang lahat. Kaya ko siguro napapanaginipan iyon ay dahil bukas na ako bibitayin. Bukas na ang nakatakdang araw. Gusto kong makita si akisha bago man lang ako mawala. Gusto kong malaman kung ayos lang ba siya o kung ligtas ba siya. Napaparanoid na ako dahil sa napanaginipan ko. Damn.

I want to go to her right now to check if she's okay but my brain is stopping me. It keeps on telling me that I'll just make Raven unhappy once she sees me. I want to be selfish and claim her but my heart won't let me be. I want her to love me I badly want her to the point that I want to locked her up in a room where only me could see her but I'm afraid that I might suffocate her and at the same time I want her to live freely. I want to be with her but I want her to be happy and that will never if she will always see me and reminds her of her dark past. I love her but I know I'm not healthy for her. I know that I'm toxic but I can't help on loving her. I know that she's attracted to me because she'll never let me have her first time and kiss me if she don't have any feelings for me but we are both toxic for each other and I'm a greedy person. I won't be contented in just a simple attraction. I'll always keep on wanting more from her. My love for her is like a poison that is slowly hurting her. Her happiness is what matter to me the most. She already suffered enough and I didn't want to add up on it just because of my greed. I want her but I know I can never make her happy because who's in their right mind who will love someone who did nothing but hurt you? Though I didn't meant to hurt her but still my hesitations and fear deeply hurt her back then.

I'm afraid that my love for her will just cause her pain. I already hurt her too much. I can't afford to hurt her anymore. I'm willing to do anything to make her happy even if it means that I have to suffer whole my life just because she was not on my side anymore. But I'll prefer to die than live on a world that I know I can never have her because a life without having Akisha in my arms will be excruciatingly painful and I'll be utterly ruined. So being punished for my crimes was all just a facade to hide that fact that I really just want to die. I just want to dissipate because I know I can never have Akisha. After all what I've done to her it will just be a miracle if she ever loves me back. I won't be a hypocrite and say that I'm not hoping for her to reciprocate my feelings, I want her to love me back but I don't want to force her to love me because it'll make her unhappy. And I'd rather die than to see her suffer because of me once again and hurting her for once again was like killing her for the nth time. Although I desperately want her to love me but her happiness is still my priority more than anything and I want her to love because she loves me not because she was forced to or out of pity. I just want her to be happy once and for all. Even if she didn't love me back I'll still always be rooting for her happiness. I want her to start a new life that was mostly filled with happy memories even though I wasn't part of her new life anymore because she's the only woman who can move my heart, she's the only woman I'll love, she's my world, she's my everything. I just want her to be happy whether she's with me or not.

Binuksan ko na lang ang radyo para mawala sa isip ko ang bangungot na iyon.

"Hello to our dear listeners! Mayroon po tayong bagong sender! And guess what its a letter with a voice recorder! Excited na ba kayong basahin ang letter niya? So eto na nga babasahin ko na kaya makinig kayong mabuti mahal naming tagapakinig!"

"Ikaw ang una ko sa lahat. Ikaw ang una kong naging kaibigan. Ikaw ang kauna-unahang tumanggap sa akin noong panahong maski ako hindi ko tanggap ang sarili ko. Ikaw ang kauna-unahang tao na nagprotekta sa akin. Ikaw ang saviour ko. Ikaw ang ang unang taong nagsabi sakin ng mga katagang mahal kita. Ikaw ang ang kauna-unahang nagpadama sakin ng saya at sakit. Ikaw ang nagpadama sakin ng tinatawag nilang emosyon. Ikaw ang first heartbreak ko. Alam mo ikaw ang pinaka walang manners na nakilala ko. Kasi bigla-bigla ka na lang pumasok sa buhay, isip at puso ko ng hindi man lang nagpapaalam. Kahit ilang beses mo akong sinaktan hindi ko alam kung bakit hindi man lang nagbago ang nararamdaman ko para sa iyo. Kaya dapat panagutan mo ang pagpasok mo sa buhay ko ng walang abiso. Ang parusa mo ay hindi na ako kailanman mawawala sa buhay mo. Kahit ilang beses kang lumayo, sumuko at itulak ako palayo sa iyo mananatili parin ako sa tabi mo. This time ako naman ang proprotekta sa iyo. Ako naman ang lalaban para sa ating dalawa. So just wait for me okay?"

Iyan yung mga salita na gustong-gusto ko marinig mula kay akisha na impossible namang mangyari.

"Awww ang sweet naman! Nakakaiyak! Nakakainggit! Ngayon naman sabay-sabay po nating pakinggan ang awitin ng ating munting sender!" masiglang sabi ng radio broadcaster

"I've known pain and deep regret
I've known the weight of my mistakes like the back of my hand
I've known deception and all its games
I've known the way it feels to drown in my own shame"

Napadilat ako ng bigla kong marinig ang boses na iyon. Damn! Si akisha ba talaga iyon o sadyang sobra lang ang pagkamiss ko sa kanya kaya boses niya ang naririnig ko. Impossible. Hindi gagawa ng ganitong bagay si akisha.

"But I never knew love
I never knew truth
I never knew peace, the sweet release that brought me through
I never knew freedom, what grace could do
The broken chains, the hope that saves, a life made new
Till I met You"

Kaboses na kaboses talaga ni akisha yung babaeng kumakanta. Nababaliw na ata ako.

"I've known rejections
I've bought the lie that I could never overcome the hurt inside
With arms of mercy You reach for me
Tore the veil away and gave me eyes to see
You're all I need

And I never knew love
I never knew truth
I never knew peace, the sweet release that brought me through
I never knew freedom, what grace could do
The broken chains, the hope that saves, a life made new
Till I met You (I'm accepting I was hopeless)
Till I met You (I was stumbling in the darkness)

I never knew love
I never knew truth
I never knew peace, the sweet release;
You're the one Who brought me through.
And I never knew freedom, what grace could do
The broken chains, the hope that saves, a life made new
Till I met You (till I met You)
Till I met You (till I met You)
Till I met You"

Pagkatapos na pagkatapos ng kanta ay pumatak ang luha ko. Mabilis kong niyakap ang mga tuhod ko at sumubsob doon.

I miss my akisha. Gustong-gusto ko na siyang mayakap at makita. Sana masilayan ko man lang kahit saglit ang maganda niyang mukha bago ako mawala ng tuluyan sa mundong ito.

Narinig kong marahas na bumukas ang pinto. Hindi ko na kailangan tignan kung sino iyon dahil siguradong sila lia iyon. Kukulitin na naman ako na wag akong sumuko pero kasi wala na akong makitang dahilan kung bakit kailangan ko pang lumaban at magpatuloy.

Mabilis akong hinawakan sa kwelyo ni brent at inangat. Mahigpit niyang hinawakan ang kwelyo ko. Pero binigyan ko lang siya ng malamig na titig.

"Ganito kana lang ba ha zach?! Wala kana ba talagang balak mabuhay?! Napaka walang kwenta mo!! Bakit ba ang duwag-duwag mo?! Hahayaan mo na lang ba na mamatay ka ng ganito lang?! Bakit ang dali para sa iyong isuko si raven?!" galit na sigaw niya sakin

"Ano bang pakialam mo?! Buhay ko ito! Kaya pwede ba hayaan niyo na ako!" sabi ko sa kanya at sa isang iglap nakita ko na lang ang sarili ko na nasa sahig dahil sa pagkakasuntok sakin ni brent kaya napahawak ako sa bibig at nakita kong may dugo doon.

"Para mamatay kang malungkot at puno ng pagsisisi? Isang beses ka lang mamatay walang take two! Kung mamamatay ka dapat yung alam mong wala ka ng pagsisisihan. Kaibigan ka namin zach! Hindi ka namin hahayaan magdusa ng mag-isa. Kasama mo kami sa lahat ng oras pero bakit ba hindi mo makita iyon?! Gusto ka naming tulungan pero ayaw mo namang magpatulong. Hindi ka nag-iisa dito zach! Kung nahihirapan ka nahihirapan din kami at kung nasasaktan ka nasasaktan din kami! Pero ang tigas kasi niyang ulo at puso mo! Ayaw mo kaming pakinggan! Ayaw mo kaming paniwalaan! Hindi ka nararapat para kay raven!" galit na sabi ni brent

Alam ko naman iyon eh. Hindi ako kailanman naging o magiging karapatdapat para kay raven.

"Brent ano ba! Tama na!" saway ni chloe

"Wag mo kong pigilan chloe! Hindi ako makakapayag na habang tinataya ni raven ang buhay niya ay nandito lang si zach sa apat na sulok ng kwarto na ito at nagmumukmok habang hinihintay ang kamatayan niya! It's so unfair!Magpakalalaki ka naman kahit ngayon lang zach! Lumaban ka! Mabuhay ka! Kailangan ka namin! Kailangan ka ni raven! Wag mong hayaan na mapunta sa wala lahat ng ginawa ni raven para sa iyo!" galit na sabi ni brent na kinagulat ko

"What do you mean? What happened to akisha?" tanong ko habang masamang nakatingin sa kanya

"Wag mo ng alamin pa zach. Wala ka namang magagawa or let me say wala ka namang gagawin. Ni hindi mo nga siya magawang harapin sa tuwing dinadalaw ka niya dito. Kaya para saan pa na malaman mo eh wala ka namang pakialam sa kanya kahit mamatay pa siya?" tanong ni brent kaya mabilis akong lumapit sa kanya at this time siya naman ang kinwelyuhan ko. Mabilis ko siyang sinandal sa pader.

"Answer me! Goddamn it! Where is she?!" galit na sigaw ko

"Gusto mo talagang malaman? Pumunta siya sa soul cave para kalabanin ang immortal dragon para hilingin na mabuhay muli ang lahat ng mga napatay mo! Lumuhod pa siya sa harap ng maraming tao para lang pumayag sila sa kagustuhan niya. Ngayon nasa panganib ang buhay niya ng dahil sa iyo pero anong ginagawa mo?!  Heto ka! Nawawalan ng pag-asa at hinihintay na lang ang kamatayan mo. Gumawa ka naman ng paraan! Ipakita mo naman na worth it ka sa lahat ng sakripisyong ginagawa ni raven!" sabi niya

No! No!! Damn it!! Hindi siya pwedeng mawala sa akin!

"Pero bakit?! Bakit niya ginawa iyon?! Bakit hindi niyo siya pinigilan?!" galit na sigaw ko

"Ayaw niyang magpapigil kahit anong sabihin namin! Nalaman lang namin na umalis na pala siya ng makita namin ang sulat niya! Umalis siya kahit alam niya ang posibilidad na hindi na siya makakabalik pang buhay!! Alam mo kung bakit?! Kasi mahal ka niya!! Nasa bingit siya ng kamatayan dahil mahal ka niya! Ginagawa niya ang lahat para mailigtas ka kasi mahal ka niya! Eh ikaw ba zach mahal mo ba talaga siya?" galit na sabi ni brent at napatigil naman ako dahil sa tanong ni brent.

Napasandal ako sa pader at napasabunot sa buhok ko saka marahas na napahilamos ako ng mukha.

"Ofcourse. Mahal ko siya. Mula noon hanggang ngayon mahal na mahal ko parin siya" sabi ko habang unti-unting tumutulo ang luha ko

"Pero hindi ganoon ang nakikita ko!" galit na sabi ni brent

"Wala kang karapatan kwestyunin ang pagmamahal ko para sa kanya! Wala kang alam! Wala kang alam sa lahat ng mga sakripisyo at mga bagay na tiniis ko para lang sumaya siya!! Wala kahit ni katiting!! Itong lahat ng ginagawa ko lahat para sa kanya! Para sa kapakanan niya! Para sa kaligtasan niya!" sabi ko sa kanya

"Oo nga ligtas siya pero naisip mo ba na baka mas gusto niyang laging nasa panganib basta kasama ka lang niya kaysa maging ligtas pero wala ka naman sa piling niya? Minsan ba naisip mo siyang tanungin kung ano ba talagang gusto niya zach? Hindi mo ba naisip na baka ikaw lang ang tanging kailangan niya? Magulo at puno na talaga ng panganib ang buhay ni raven kahit noong panahon na hindi ka pa dumadating kaya hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo. Ni minsan hindi siya nagtanim ng galit sa iyo. Matagal ka na niyang pinatawad sa kasalanan mo kaya sana patawarin mo na din ang sarili mo" sabi ni lia saka may inabot na papel sa akin

'Dear Royalties,

Kung nababasa niyo man ito ay siguradong wala na ako dito sa academy. Kung anuman ang mangyari sa akin wag na wag niyong sisisihin ang sarili niyo dahil desisyon ko ito. Kapag nakita niyo na sinisisi ni ash ang sarili niya sa pagkawala ko please lang pakisuntok siya para sa akin. Pakisabi sa kanya na hindi niya hawak ang utak ko sarili ko itong desisyon kaya kung anuman ang mangyari sakin walang ibang dapat sisihin kundi ako lang. Ito na ang panahon para patawarin niya ang sarili niya. Pasensya na kung isasantabi ko muna ang mga nararamdaman niyo dahil sa gagawin ko. Wala eh selfish akong tao. Hindi ko ito kayang sabihin ng personal kaya dito na lang sa sulat ko. Gusto kong sabihin na masaya ako at nakilala ko kayo. Salamat sa pagtanggap sa akin sa kabila ng mga kasinungalingan na bumabalot sa pagkatao ko. Isa kayo sa mga taong tumanggap sa akin sa kung ano at sino ako kaya mahalaga kayo sa akin. Pinaramdam niyo sa akin kung ano ba talaga ang tunay na pagkakaibigan. Pinaramdam niyo sakin kung paano ang magkaroon ng pamilya. Kayo na sana ang bahala kay ash kung sakaling mabigo akong bumalik. Ingatan niyo siya ah. Siya kasi ang una ko sa lahat eh. Akala ko noon ako na ang pinaka malas na nilalang sa buong mundo pero ng dumating si ash naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Ako na ang pinaka maswerteng bata noon pagkasama ko ash. Siya lang ang meroon ako noon. Pero iniwan niya ako para iligtas sa ama niya kaya this time ako naman ang mang-iiwan para iligtas siya. Kaya pakisabi patas na kami. Kung hindi na tayo magkikita pa. Lagi niyong tatandaan na lagi kayong narito sa puso ko buhay man o patay. Pasensya na kung hindi na ako nagpaalam ng personal. Magkikita pa naman kasi tayo eh. Kaya hintayin niyo lang ang pagbabalik ko.

-Akisha Raven Scott'

Napaiyak na lang ako habang binabasa ang sulat ni raven. Nagulat kami ng biglang sabay-sabay na umilaw ang mga singsing na binigay sa amin ni raven. Umilaw ang lilang crystal sa singsing na suot namin pero hindi iyon nagtagal dahil unti-unting nawawalan ng kulay ang crystal at may hindi ako magandang pakiramdam doon.

Naalala ko yung napakinggan ko sa radyo. Ngayon nakompirma ko na si akisha talaga iyon. Tama ang hinala ko.

Mabilis akong napatayo at lumabas ng kwarto. Pero hinarang ako ng mga gwardiya. Pero biglang silang napatumba ng may pumulupot sa kanilang mga baging para hindi sila makagalaw. Napatingin ako sa likod ko at napatingin kay lia na siyang kumuntrol sa mga baging.

"Nasa likod mo lang kami. Kami na ang bahalang maglilinis ng mga sagabal sa daan mo" sabi nila lia habang nakangiti kaya naman napangiti na din ako

Maswerte talaga ako sa mga kaibigan ko. Mabilis akong tumakbo palabas ng academy. Pero palabas pa lang kami ng biglang napatigil kami ng may nakita kaming nakahandusay sa labas ng gate.

Mabilis namin iyong nilapitan. Hinawakan ko ang babae at nagulat ako ng maramdaman kong malamig na ang katawan nito. Hindi ko alam pero parang biglang nabalot ng takot ang buong katawan ko. Pigil hininga kong iniharap sa amin ng dahan-dahan ang mukha ng babae upang makita ang mukha niya.

Pakiramdam ko tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. Pakiramdam ko mababaliw na talaga ako.

"N-no. Its not her. Hindi naman si a-akisha ito hindi ba? Tell me!" umiiyak na sabi ko saka napalayo doon sa babaeng nakahandusay sa sahig napaupo ako sa sahig dahil pakiramdam ko nawalan na ng lakas ang buong katawan ko.

Hindi si akisha iyan. Hindi niya ako iiwan.

"Z-zach" utal na tawag nila sa akin at narinig ko pa ang mga hikbi nila

"Bakit ba kayo umiiyak?! Hindi nga si akisha ito! Hindi siya mapapatay ng isang dragon lang!! Hindi pa patay si akisha okay?! Sabi niyo mahal niya ako diba?! Kaya hindi niya ako iiwan!! Hindi niya magagawa sakin ito! Hindi niya ako iiwang mag-isa!!" sigaw ko saka akmang tatayo pero hindi ko magawa

"Kailangan kong makapunta sa soul cave. Ililigtas ko pa si akisha! Damn this knees! Bakit ba hindi ako makatayo?!" galit na sigaw ko

Nakita kong lumapit si troy doon sa babaeng nakahiga sa sahig. Tinignan niya pa ang pulso nito saka umiling habang may tumutulong luha dito. Napahagulhol na sila lia habang si brent naman ay napasuntok sa pader habang sumisigaw. Lahat sila sumisigaw na puno ng pagdadalamhati. At Lumabas sa mga bibig ni troy ang pinakamalaking bangungot ko. Isang bangungot na kailanman hinding-hindi ko matatanggap.

"She's dead. Raven's dead"

---

Continue Reading

You'll Also Like

17M 731K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
2.5M 70.3K 56
Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na siyang may boyfriend, sobrang bitter pa r...
6.1M 30K 6
[COMPLETED] Tagalog Vampire Story. PHYSCIAL BOOK IS NOW AVAILABLE ON SHOPEEEE. please search IMMAC or Magical Vampire Academy. Thank you to all MVA...
Stay Alive By Josh

Mystery / Thriller

652K 33.2K 19
A standalone novel with Prosecutor Aubrielle Baxter's Point of View