My Stalker, My Slave [COMPLET...

By NoToWinter

32.8K 732 28

Stalker na nga, Slave pa! Oh diba? Palagi niya pang makakasama ang ini-istalk niya for the long time. Swerte... More

My Stalker, My Slave
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
EPILOGUE

Chapter 32

774 16 0
By NoToWinter


Nakatulala lang ako habang nasa tambayan namin Bella at Axel dito sa garden. Wala pa sila kaya hinihintay ko sila rito. Napabuntong hininga ako.

"May problema ka?" napalingon ako kay Axel na bagong dating kasunod lang si Bella. Malungkot akong napangiti. Siguradong mami-miss ko ang mga 'to. Ngayon pa lang ay naluluha na ako sa isiping iiwan ko ang bestfriend ko na si Bella at ang new found bestfriend ko na si Axel.

"I'm sorry kung may nagawa akong mali sa inyo. At thank you dahil pinasaya niyo ako" sambit ko sakanila. Nagtataka naman ang dalawa na napatingin sakin.

"Nalaman ng parents ko na naging slave ako ni Andrew. Galit na galit sila kaya tuloy na tuloy na talaga ang pag-alis namin" tugon ko saka muling umiyak. Napatabon si Bella ng bibig at gulat sa sinabi ko, napayuko naman si Axel kaya hindi ko alam ang naging reaksyon niya.

"Huwag ka nga magbiro ng ganyan, Aaliyah. Baka nang jo-joke time ka na naman" nakangiting sabi ni Bella at tuloy tuloy na umagos ang luha niya. Nasabi lang 'yan ni Bella para pagaanin ang atmosphere ngayon pero alam namin na hindi na babawiin ni Daddy ang desisyon niya. Narinig ko namang suminghot si Axel. Tumingin ako sakanya at nakita ko ang namumula niyang mata.

Umiyak rin ba siya?

"Sorry. Napuling yata ako" ani niya. But I know he didn't.

Yumakap ako kay Axel at naramdaman ko ring yumakap samin si Bella.

"Kailan ang alis niyo?" pagiiba ng topic ni Axel. Bumitaw muna ako sa pagkakayakap sakanya.

"This weekend, I think. Three days from now" malungkot kong tugon habang nakayuko at nilalaro ang sariling daliri. Nagkaroon naman ng ilang segundong katahimikan sa pagitan namin.

"I'll gonna miss you two. I promise na babalik agad ako kapag pinayagan ako ni Dad. Malay mo 2 years lang ako do'n diba? Uso na naman ngayon ang video call kaya doon na lang tayo mag-usap" sabay naman napabuntong hininga ang dalawa.

"Hwag nga kayong ganyan. Dapat magsaya tayo ngayon. Happy lang dapat okay? How about gala tayo today?" suhestiyon ko. Hindi naman umimik ang dalawa.

"Sa mall tayo mamaya, how about that? Libre ko kayo!" nakangiti kong sambit. Napabuga naman ng hangin si Bella.

"Okay, I'm in" napangiti ako kay Bella. Ngayon naman ay napatingin kami kay Axel na tahimik pa rin.

"I'm always in" mas lalong lumawak ang ngiti ko. Yown, oh!

Masaya kaming pumunta sa mall nung araw na iyon. Nag window shopping, kumain at nag laro sa mga arcades. Sa mga oras na iyon nakalimutan namin pansamantala ang problema ko.

Parang ayos lang ang lahat. Parang hindi ako aalis, gano'n.

"Dapat kasi ginalingan mo, makukuha na sana natin yung teddy bear" reklamo ni Bella kay Alex. Palabas na kami ng arcade ngayon ay mukhang mag-aaway na naman ang dalawa.

"Kung ikaw kaya ang naglaro? Magaling ka diba?" may halong sarcastic na pagkakasabi ni Axel. Inirapan naman ni Bella si Axel bilang tugon.

"Bili tayo Ice cream, Aaliyah" paglalambing ni Bella sakin saka kumapit sa kaliwa kong braso. Natawa naman ako saka marahang tumango.

"Kakakain mo lang, Bella. Ice cream naman ngayon? Wala ka bang kabusugan?" pang-aasar ulit ni Axel.

"Duh. Syempre natunaw na 'yon sa tiyan ko. Halika na Aaliyah, hwag na natin pansinin ang isa diyan" irap ni Bella. Napabuga naman ako ng hangin. Anong meron sa dalawang to at palaging nagbabangayan?

"Hwag na nga kayo mag-away. Baka magkain-love-an kayo. Labas na ako niyan ah" pang-aasar ko saka nginisihan silang dalawa.

"No way!"
"No" sabay na sigaw nila kaya napailing na lang ako.

Sabagay kung ako si kupido silang dalawa ang ima-match ko. Natawa ako sa naisip.

Nangunguna ako sa paglalakad at nasa likod ko naman ang dalawa na tahimik. Napahagikgik ako.

Napahinto ako sa paglalakad ng makilala kung sino ang kasalubong namin.

Andrew and Xylene.

Magkahawak sila ng kamay at nakangiti sa isa't isa. Napakurap-kurap ako ng makita nila akong nakatingin sakanila kaya natigil ang pagtatawanan nila.

Naramdaman ko namang may humawak sa braso ko. Nang tignan ko ay si Axel ito na seryoso na ngayon.

Malungkot akong napangiti habang nakangiti kay Andrew. Siguradong ma-mimiss ko rin siya.

Nang ilang metro na lang ang layo namin ay huminto ako sa paglalakad. Tinaasan naman ako ng kilay ni Xylene at mas lalo pa siyang kumapit sa braso ni Andrew na para bang aagawin ko siya sakanya, which is imposible.

"A-andrew? Can we t-talk?"lakas loob kong tanong kahit nakita kong umusok ang ilong ni Xylene sa galit. Napalingon naman sakin si Axel at Bella gulat sa sinabi ko kay Andrew.

Kahit alam kong imposible na ulit makausap si Andrew ng pribado dahil sa girlfriend niya na si Xyelen, sinusubukan ko pa rin dahil alam kong kaunti na lang ang oras kong makausap siya.

Kahit papaano naman ay naging mag-kaibigan kami ni Andrew. Guston kong magpasalamat sakanya dahil sa ilang weeks na magkasama kami kahit minsan ay nagbabangayan ay naging masaya ako.

"No, he's not going to talk to you"nakataas na kilay na sambit ni Xylene saka hinila ang braso ni Andrew.

Malungkot akong napabuga ng hangin ng makitang nawala na sila sa paningin ko.
"Hindi ka talaga hahayaan ni Xylene na makausap ang lalaking 'yon, Aaliyah" muli akong napabuga ng hangin sa sinabi ni Axel.

"Bakit ba sinusunod ni Andrew agad ang gusto ni Xylene? Pwede naman siyang magsalita para sa sarili niya, pero hinahayaan niya si Xylene ang kumontrol sakanya!" saad ni Aaliyah sabay crossed arm.

"Wala, e. Mahal niya si Xylene kaya maiintindihan ko kung ginagawa lang iyon ni Andrew para protektahan ang mahal niya. Kahit sino naman siguro gagawin yung ginawa niya," malungkot akong napangiti.

"Diba dapat masaya lang tayo ngayon? Tara na!" masayang nakangiti na ngayon si Aaliyah at hinila ako. Nakasunod naman si Axel sa amin.

Natapos ang araw na iyon na wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-saya. Pagkatapos namin sa mall ay sa park naman kami pumunta malapit sa lugar namin.

Maraming bata ang naglalaro at muli ng mga oras na iyon ay napakasaya ko dahil parang bumalik muli kami sa pagkabata. Sumali kami sa habol-habolan, naglaro sa playground, kumain ng Ice cream na tig limang piso, kumain ng street foods kasama ang mga batang kalaro namin.

Nagvolunteer rin si Axel na ihatid kami muli ni Bella na sinang-ayunan namin dahil nagdidilim na rin ang kalangitan. Hindi na nga namin napansin na nasa tapat na kami ng bahay nila Bella dahil sa walang katapusang topic namin.

Pagkatapos namin makapag-paalam kay Bella ay ako naman ang inihatid ni Axel.
"You know, Aaliyah. Nasabi ko na sayo yung nararamdaman ko para sayo," napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi na ako umaasa na magkakaroon ng tayo. Kasi alam kong paghanga lang talaga ang nararamdaman ko sayo. Napakabait mo kasi na kahit inaapi ka na hindi ka pa rin lumalaban pero minsan kung umaabot ka na sa boiling point mo napakatapang mo kasi nakakaya mong ipaglaban ang sarili mo. Alam mo ba na kayo ni Bella ang first ever girl friend ko? Sainyo ko lang pinapakita yung makulit at joker na side ko kasi ganoon ko kayo pinagkakatiwalaan. And I want to say that naiiyak talaga ako dahil aalis ka na. Yung una kong nanging babaeng kaibigan ay iiwan ako, pero kumakapit pa naman ako sa promise mo na babalika ka, e. Babalikan mo kami." he blurted out. Kasabay ng pag ngiti ko ay ang pagtulo ng mga luha ko. Walang humpay ito sa pag-agos na parang isang ilog. Naninikip rin ang dibdib ko dahil sa narinig sakanya.

"Axel. I'm gonna miss you. Thank you for everything. Kahit na nito lang tayo nagkakilala feeling ko ang tagal na nating magkaibigan" umiiyak na sambit ko saka mahigpit siyang niyakap. Naramdaman ko rin ang pagyakap niya sakin ng mahigpit.

"Napakabuti mong tao, Axel. Sana makita mo na iyong babaeng papasayahin ka habang buhay. At mamahali ka ng walang hanggan"

"Actually, nakita ko na siya. Ang she's your bestfriend" gulat naman akong napahiwalay sakanya saka napatabon ng bibig. Omo for real?! Si Bella?

Napakamot naman siya sa kanyang batok.
"Si Bella? As in si Ashleigh Bella Adler? Seryoso ka, Axel?" natigil yata ang luha ko sa pagtulo dahil sa nalaman. Sino mag-aakala na sa huli sila pala ang magkakatuluyan.

"But the problem is... Hindi niya ako gusto" tinapik ko naman siya sa balikat.

"Ano ka ba! Edi paibigin mo. Ang dali-dali lang kayang paibigin ng isang 'yon"nakangisi kong sambit. Napangiti naman siya saka muling ginulo ang buhok ko.

"Oh, siya ako na bahala. Mauna na ako, dumidilim na rin, e" masaya akong tumango sakanya.

Atleast kahit hindi man naging kami ni Andrew, magkakaroon naman ng love life ang bestfriend ko na si Bella.

Nakangiting napailing ako bago pumasok sa bahay. Nakita ko si Mommy't Daddy nasa sala at nag-uusap napahinto lang sila ng makitang pumasok ako.

Lalagpasan ko na sana sila ng marinig ko ang sinabi ni Dad.
"Kompleto na lahat ng dokumento na kailangan natin sa pag-alis. Nakakuha na ako ng ticket para abroad. Napaalam na rin kita sa Adviser at Principal ng skwelahan niyo. Everything is now settled" napakurap kurap ako dahil sa narinig mula kay Dad. Mau gusto ba siyang ipahiwatig saakin?

Kung gano parang alam ko na.

"We will leaving the day after tomorrow. Pack your things tomorrow, understand? "parang gumuho ang mundo ko sa narinig mula kay Dad.

Bukas na lang ang huli kong araw dito, ganoon ba? Bukas ko na lang makakasama si Axel at Bella? Nanikip ang dibdib ko sa naisip.

Continue Reading

You'll Also Like

67.6K 1.2K 61
STACEY GARNETT. mabait, matalino, masayahin, at higit sa lahat malambing sa mga kapatid niyang sila ARTHUR GARNETT at NASH GARNETT. pero meron siyang...
21.7K 563 29
Mahirap talagang tanggapin na ang kaisa-isang lalaki sa buhay mo ay mawawala sa 'yo. Lalo na't matagal mo na siyang nakasama. Hindi mo nalang namalay...
1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...