Claiming the Opposite ✔

Von Lserolf

6.2K 312 3

Humiliation Series #4 Bisexuals endure high rate of being stigmatized about their sexuality. Xierl Astamiraca... Mehr

Synopsis
Prologue
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
34
33
35
36
37
38
39
40
Epilogue

05

119 8 0
Von Lserolf


Sick

NAPAAWANG ang labi ko nang paggising ko ay nandito si Momny habang pinaghahalukay ang closet ko. Lahat ng mga damit ko ay inilagay niya sa malaking maleta habang pinalitan ang mga ito ng mga bagong damit.

Hindi ko na kailangang alamin dahil alam kong mga pambabae ang inilagay niya sa closet ko. Grabe. Umagang-umaga, ito agad ang bubungad sa akin?

Wala pa akong oras na magreklamo dahil kailangan ko pang maligo dahil pasok namin ngayon.

Nakita ko si Jauncy na pinapaliguan ang pusa sa lababo. Nakasuot na siya ng uniform. Sana all talaga.

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay agad ko nang isinukbit ang backpack sa kaliwang balikat ko. Mabilisan lamang ang pagsuklay ko sa buhok dahil ayokong ma-late. At baka center of attention na naman.

"Hatid mo na lang si Xierl sa university nila tutal malapit lang naman sa inyo, Jauncy. Dapat kasi, sabay na kayo palagi."

Tahimik na napatango si Jauncy. Alam kong napipilitan lamang siya. E, ano pa bang magagawa niya? Pareho lang din naman kaming kinokontrol ng mga magulang namin.

"Ano 'yan, Xierl? Bakit naka-civilian clothes ka lang?" biglang tanong ni Mommy na nasa likuran ko na.

"Allowed rin naman kasi ang naka-civilian lang."

"No way! Use your uniform! Maganda pa naman ang tela lalo na ang palda. Medyo mahal pa naman yung uniform niyo pero pinapatulog mo lang pala! Jusko sa'yo Xierl, parang bata ka pa rin talaga!"

Pinanliitan ko ng mata si Jauncy nang mapansin na palihim niya akong pinagtatawanan. Wow, tuwang-tuwa naman yatang makita akong pinapagalitan.

"E, ano namang magagawa niyo? Ayokong magsuot ng palda. Kadiri."

"Ewan ko sa'yo. Lalaking-lalaki nga ang porma pero baka ikaw pa ang mauunang mabuntis sa mga maaarte diyan. H'wag kang magsalita ng tapos."

Napaismid na lamang ako. Tinanguan ko si Jauncy as a sign na aalis na kami. Sinigawan na naman ako ni Mommy nang makita niya akong binuksan ang pintuan ng back seat.

"Sa tabi ka ni Jauncy maupo, Xierl!"

Naiiritang binuksan ko ang pintuang nasa tabi ng passenger seat. Kahit sa upuan, big deal rin? Kulang na lang siguro ang pumatong ako sa hita ni Jauncy. Nakakainis na talaga e.

"Baba ka na," ani Jauncy.

Napatingin ako sa labas. Medyo malayo pa sa parking area at gate ng university namin. Napakunot-noong binalingan ko siya.

"Seriously? Ang layo pa!"

At saka ang init ng panahon. Mahirap ang makasakay dito dahil karamihan ay mga kotse ang dumadaan, madalang lamang ang taxi.

"H'wag ka nang mag-inarte. Hindi ka naman prinsesa na ihahatid-sundo ko. At liliko pa ako sa kabila para makapunta sa university namin. Ano ka? Ang swerte mo naman yata kung gano'n."

Nagmamatigas ako dahil hindi talaga ako lumabas. Pumuti pa ang balahibo ng uwak, bahala siya sa buhay niya.

"Puro ka dakdak nang dakdak, Onse! Kung nagpatuloy ka na sa pagmaneho, baka kanina pa tayo nakarating sa amin!"

He frowned.

"You really used to it by calling me Onse, huh?" he mocked.

"Unique kasi. Saka ganito na lang... ako na lang muna ang maghahatid sa'yo tapos ako na ang magmamaneho papunta sa amin."

"So you mean, sa'yo muna ang sasakyan ko?"

"Uh uhm, oo?"

"Nice plan. But if that's what you want, sure. Basta ikaw na lang din ang maghahatid-sundo sa akin. You can use my car wherever you are but of course, be my driver."

Wala akong magawa. Kaysa naman palagi akong naka-commute. Bawas pamasahe na rin. Sila Daddy kasi hindi ako binigyan ng sasakyan dahil alam kasi nilang palagi akong tumatakas. Kaya iniisip nila na mas malaki ang pakinabang sa pagtakas ko kung may sasakyan na ako.

Nang nasa harap na kami ng gate ng university nila ay walang paalam siyang lumabas. Agad ko namang pinaandar ang sasakyan. Oh shit! Paniguradong ma-le-late ako nito.

As what I expected, late ako ng fifteen minutes sa unang klase kaya sa cafeteria na lang muna ako nagtambay. Hindi na kasi pinapapasok kapag late comer ka.

Tinawagan ko si Cyrill at baka late rin. Nag-inuman pa naman sila kagabi at baka may hangover pa.

"Uy dude, nasa bahay niyo ka pa ba?"

"Nope. Nasa clinic ako ng university natin. Bakit? Late ka 'no?"

"Anong ginagawa mo diyan sa clinic? Nakikitulog?"

"Yup. Plus masakit ang ulo ko kaya pinayagan ako ng instructor namin na dito muna ako sa clinic. Late ka ngayon?"

"Oo e. Naghihintay lang ako sa oras para sa next class. Yung ogags kasi na Onse, hinatid ko pa. Ayan tuloy late ako ng fifteen minutes! Baka may surpise quiz na naman! Edi itlog na naman ang score ko nito! Kainis!"

He chuckled.

"I missed you," mahinang banggit ni Cyrill na ikinatigil ko.

Bigla akong kinabahan kaya agad kong napindot ang end call. Nang malapit na ang oras para sa next class ay inabangan ko na ang instructor namin na lumabas sa room. Mabilis akong tumakbo nang lumabas na ito. Humahangos akong napaupo sa upuan habang nagpapahid ng pawis sa noo.

"Nag-quiz kami. Late ka na naman," sabi ng seatmate ko.

Bigong napahilamos na lamang ako ng mukha. Ayoko nang magkaroon ng line of seven ngayong pre-finals dahil para naman same section pa rin kapag sa second sem. But I doubt that. May tatlong subject akong line of seven. So siguro, goodbye na sa section na 'to.

Kasama ko si Cyrill at Danilo. Dito sa cafeteria na kami nag-lunch.

"Dude, pwede pagawa ng essay? Alam mo namang Math lang ang hilig ko."

"Kailan pa ba ako tumanggi, Ri? Kahit tinatraydor mo ako 'no, ginagawa ko pa rin ang mga favor mo."

"Hoy! Ako din, Xierl! Grabe ka sa akin. Kayong dalawa ang parehong traydor! May favoritism ka talaga Xierl, ha? Alam mo namang mag-classmates kami ni Cyrill kaya pareho kaming pinagawa ng essay," nakabusangot na wika ni Danilo.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Walang kaso rin naman sa akin dahil mahilig talaga akong gumawa ng essay. Besides mabilis ko lamang itong matatapos.

"Okay. Kailan ipapasa?"

"Bukas na."

"Sus, kahit ngayon ko pa tapusin. Essay is easy!"

Kaya ayon nga. Bago kami bumalik sa room namin ay natapos ko na ang tig-ta-tatlong essay nila na kada isang paragraph ay may five sentences. Piece of cake.

Hindi na kami nagkita ni Cyrill pagsapit ng uwian dahil nakatanggap ako ng tawag mula sa unknown number. Galing pala kay Jauncy. Uwian na rin daw kasi nila at kasalukuyang hinihintay ako.

"Tagal mo," reklamo niya pagbukas ng pintuan ng sasakyan.

"Wow naman. Sorry na master, ha? Ang bagal kasing tumakbo ng sasakyan mo."

Pagdating namin sa condo ay pareho kaming nagulat nang makita ang parents namin. They were complete. Si Tita at Mommy ay nagbe-bake ng cookies. Sila Daddy naman ay nanonood ng NBA. Anong meron? Get together?

"Oh hija, nandito na pala kayo! Son, you should record a video. The caption should be 'Get together with my fiancée's parents and her'."

Nalaglag ang panga ko. Napalingon ako kay Jauncy na hindi maipinta ang mukha.

"What? Seriously, Ma?" agad na singhal ni Jauncy.

"Of course!"

"No. I won't."

"Okay. Just record a video na lang. It's up to you what will be the caption is."

In the whole video, I wasn't smiling as well as Jauncy. Sila lang naman ang nag-uusap. Dahil sa pagkailang ay nilaro-laro ko na lamang si Nibbles. Well, feeling close kasi ang pusang 'to dahil palagi sa akin lumalapit kaya kinakaibigan ko na lang din.

Nakahinga lamang ako ng maluwag pagkaalis nila. Well, that was a quick torture. Nagpunta ako sa closet dahil hindi pa ako nakapagbihis.

Pakiramdam ko ay biglang binagsakan ako ng langit nang makita ang mga damit na nasa closet ko. Watdapak men?! Anong mga damit 'to? Puro croptop at off-shoulder! May mga dresses at short shorts rin!

Mayroon rin naman akong nakitang sleepwear pero sa lakad ay hindi ko naman masusuot ang mga ito. And of course, I won't choose to wear these kind of revealing clothes. Hindi ako sanay. Jusko naman si Mommy!

Namomroblema kong tinawagan si Mommy. Parang gusto ko nang umiyak at magwala ngayon.

"Anong klaseng damit ang ipinalit mo?!"

Narinig ko ang tawa ni Mommy sa kabilang linya.

"Those will perfectly suit to you, Xierl. Your beauty will be highlighted if you will be used to wear those."

Hindi ako nakaimik. Sa sobrang galit ay hindi ko na pinasalita muli si Mommy. I threw my cellphone in the bed. Nanlaki pa ang mata ko nang tumama ito sa ulo ni Nibbles.

"Hala, sorry!"

Hinimas ko ang ulo ni Nibbles na tahimik lamang. Ibinaba ko siya sa sahig pero pilit talagang umaakyat sa kama. Jusko! Baka tumae na naman ito.

"Onse, bakit sa akin palaging lumalapit si Nibbles? Ikaw naman ang amo nito ah?"

Nagtataka ako nang hindi makarinig ng sagot galing sa kanya. He was lying on his bed while his left arm was covering his eyes. I stood up and tried to remove his arm on his face to check if he's already asleep.

Ngunit napatalon ako sa gulat nang makitang parehong nakabukas ang mga mata niya.

"Uhm, akala ko tulog ka na."

"Paki-off ang aircon. Ang lamig kasi," he said.

My forehead creased.

"Hindi ko pa na-on ang aircon. At anong malamig? Ang init nga e!"

Hindi siya sumagot. Nanginginig na nagtago siya sa kumot kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Malakas na hinila ko ang kumot at hinawakan ang noo niya. Napanganga ako nang mapaso ang palad ko. Ang init niya!

"Bakit ka nilalagnat?!"

Hindi pa rin siya nakaimik.

"Hindi ka pa kasi nag-dinner! Maybe that's the reason."

"A-Ang baho mo. Magbihis ka muna," mahinang aniya.

Nalaglag ang aking panga. Ako? Mabaho? Ay, walang modo naman pala talaga ang lalaking 'to! Edi bahala siyang mamatay sa lagnat!

Napiling sinuot ko na lang ang sleepwear na hello kitty kahit napipilitan lamang. May mga sleepwear nga pero karamihan ay pink ang kulay. Nakakapanibago talaga e. Pakiramdam ko ay bigla ako naging bakla.

Dahil naiinitan na ako ay pinaandar ko na ang aircon. Nang mapabaling sa direksiyon ni Jauncy ay medyo tinubuan ako ng konsensya kaya in-off ko na lang. Kita pa rin kung paano siya nanginginig sa ilalim ng kumot. Hindi rin naman ako si satanas para hindi makaramdam ng awa. 'Yon nga lang, ano naman ang maaaring gawin ko?

Naisipan kong mag-lugaw na lang. Ginising ko siya at pilit na pinakain. At ang ogags naman ay hindi kumakain kung hindi sinusubuan. Ay, ang swerte naman ng lalaking 'to. Bumabait talaga ang tao kapag may sakit. Totoo pala talaga.

Nadamay ako sa pagkakaroon ng lagnat niya dahil hindi ako nakatulog ng maayos. Nagising ako nang marinig ang boses niya na parang nahihirapan. Nang makapa ang basang likod niya ay hindi ako nagdadalawang-isip na hubarin ang pang-itaas niyang damit at binihisan.

In all my life, I had never thought of taking care of a sick guy but not until this day came.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

8.9K 361 17
the invisible string signifies that if we are meant to meet someone, we will meet them eventually. despite being in the same school for the last few...
608K 2.3K 63
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
9.3K 543 43
HUMILIATION SERIES #3 Zychr Therese Gato was filled with depression when a concealed video of her and her boyfriend got leaked throughout the Philipp...
132K 5.8K 55
ငယ်ငယ်ကတည်းကတစ်ယောက်နှင့်တစ်ယောက်မတည့်တဲ့ကောင်လေးနှစ်ယောက်ကအလှလေးတစ်ယောက်ကိုအပြိုင်အဆိုင်လိုက်ကြရာက မိဘတွေရဲ့အတင်းအကြပ်စီစဉ်ပေးမှုကြောင့်တစ်ယောက်အပေါ...