Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Thirty-Three

1.6K 69 48
By MicxRanjo

"GOOD morning kids." Maaliwalas na mukha ni Caleb ang bumungad sa hapag-kainan.

Kaylee watched as her father picked up the steaming coffee in a mug from the table and took a sip. Nang maibaba ang kape, pinuntahan nito si Augustus na abala sa pagkain ng pritong itlog at sinangag na kanin.

"Ang galing naman kumain ng bunso ko." Puri ng ama sa kanyang kapatid.

"Mukhang maganda ang gising mo a?" May ngiting komento ni Lola Matilde habang nagsasalin ng pagkain sa plato ng kanyang ama.

Kay Lola Matilde naman bumaling ang kanyang ama, hindi pa rin napapalis ang ngiti sa labi. "Ha? Hindi ho ba dati naman?"

"Naku, iba ngayong umaga, siguro ay nanaginip ka nang napakaganda at tangan mo pa rin sa iyong paggising." Nilingon siya ng matandang katiwala, ngumiti.

Mabilis niyang iniiwas ang mga paningin, sa sariling pagkain itinutok ang mga mata.

"Kay, good morning sweetheart." Sa kanya naman bumaling ang ama.

"G-good morning, Dad." Sumipsip siya sa pineapple juice na nasa baso.

"Mukhang ang tahimik mo naman yata, may problema ba?" Bumakas sa mukha ng ama ang pag-aalala.

"W-wala ho." Tumindig siya. "Excuse me, Dad, may nakalimutan lang ho ako sa kuwarto ko." At mabilis na siyang humakbang palayo, umakyat sa ikalawang palapag ng mansiyon papunta sa kanyang silid.

Kaylee leaned her back behind the door, she tried to calm herself until her breathing became even. Tumingala siya sa kisame ngunit hindi iyon ang pumako sa kanyang mga mata kundi ang mga nasaksihan kagabi. Kumuyom ang kanyang mga palad, pumikit, paulit-ulit na nilaro sa isipan ang mga narinig.

A tear dropped; her lips quivered. She opened her eyes and looked at the lamp table by her bed, a portrait was standing on there. "Mommy...is it true?" Nagkatunog ang kanyang pag-iyak. "Totoo ho ba?" Tanong niya na tila ba nasa harapan lamang niya ang yumaong ina.

"Kaylee?" Nagulat siya sa pagtawag ng ama. Mabilis siyang bumalikwas, pinunasan ang mukha gamit ang mga kamay.

Kumatok ang ama sa pintuan. "Sweetheart, are you alright?"

"O-opo! Lalabas na po ako." Inayos niya ang sarili, mabilis na tiningnan ang mukha sa salaming nasa tokador bago binuksan ang pinto.

Nakangiting mukha ng ama ang sumalubong sa kanya. "Hey, ihahatid ko na kayo ni Augie sa school at baka ma-late kayo. Are you ready?"

Tumango siya. "Opo. Kunin ko lang po 'yong bag ko." Nagpatiuna na siya sa pagbaba sa hagdanan pagkatapos.

Nagpaalam siya sa matandang katiwala pagkabalik sa kusina. Inalalayan niya ang kapatid papunta sa sasakyan, siya na rin mismo ang nag-ayos ng car seat nito bago siya umupo sa passenger side sa harapan.

Naunang ibinaba ng ama ang kapatid sa school nito bago siya. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi niya ginawaran ng halik sa pisngi ang ama. Nagpaalam lamang siya at mabilis ng tumakbong palayo sa sasakyan. She couldn't pretend that everything was alright after what she heard and saw. Ngunit naroon ang takot sa kanyang dibdib, maniniwala ba siya? Marahas niyang ipinilig ang ulo't nag-focus para sa araw na ito.



KANINA pa nagsasalita si Rommel sa kanyang harapan ngunit wala roon ang kanyang konsentrasyon. Nagtataka siya sa inakto ng panganay na anak. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi nito ginantihan ang kanyang "I love you."

At ten, Kaylee was rational enough to think what's right and wrong. She grew up confident, strong and smart. Hindi ito nagpa-apekto sa kapansanang mayroon kaya naman proud siya sa anak. Alam niya, sigurado siya na may bumabagabag sa anak. Walang lihiman sa kanilang dalawa, bukas ang damdamin nito sa kanya at sinasabi nitong lahat ang anumang nararamdaman.

He released a deep sigh and looked at the man standing in front of him.

"Hoy!" Pinitik ng kaibigan ang mga daliri sa harapan ng kanyang mukha.

Napapitlag siya, saka lamang siya naging alerto sa sarili.

"O, nakawala ka rin?" Tinanguan siya nito.

"Ha? Saan?" Kumunot ang kanyang noo.

"Sa kung anuman ang humihila sa isipan mo? Kanina pa kita minumura pero wala kang naririnig."

"Minumura mo ako?" Nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"Well, kung hindi mo narinig, hindi siya considered na mura, so..." Nagkibit ito ng mga balikat saka ngumiti.

"Gago." Napailing siya, saka nahuli ng kanyang mga mata si Erina na kausap ang isa sa mga decorator ng M&J Designs.

She was smiling ear to ear while talking to that man. Mukha rin namang masyadong nasisiyahan ang lalaki sa pakikipag-usap kay Erina. Naningkit ang kanyang mga mata nang makitang umangat ang kamay ng lalaki at pahapyaw na tumapik sa balikat ni Erina. Lumuwang lalo ang pagngiti ni Erina at kinurot pa ang lalaki sa tagiliran. Tumawa naman ang lalaki.

"Hoy, baka mabitak na iyang mukha mo sa sobrang pagkasimangot." agaw ni Rommel.

"Ano?" Singhal niya sa kaibigan.

"O, 'wag ako ang pagdiskitahan mo." Lalo pang ngumisi ang kaibigan, na lalo rin niyang ikinayamot. "Diyan ka na nga't may tatapusin pa ako sa loob." Paalam nito saka tumungo sa mansiyon na ngayon ay isa ng guesthouse.

Hindi kainitan ang araw ngunit hindi rin naman kalamigan. Nagtaka siya kung bakit balot ng scarf ang leeg ni Erina, samantalang litaw ang mga braso nito sa suot na sleeveless shirt at tight half-pants. Napaigtad pa siya nang bigla itong lumingon sa kanyang gawi, ngunit hindi niya binawi ang mga mata.

Her face quickly turned red, gazed back to the man she was talking then turned around and walked to the back of the guesthouse. His feet automatically followed to where she went. Huminto siya nang makita itong nakatigil sa harapan ng gripo.

May dalawang gazebo sa likuran, may apat na barbecue grill, mga mahahabang upuan na gawa sa katawan ng malalaking kahoy, isang three-tier fountain sa pinakagitna ng mga iyon habang sa bawat sulok ng bakuran ay mga orkidyas na namumutiktik sa mga bulaklak. Nalanghap niya ang pinaghalong halimuyak ng mga bulaklak nang umihip ang hangin.

Inalis ni Erina sa pagkakatali ang scarf sa leeg at inipit sa mga labi. Inayos nito ang mahabang buhok, ipinusod gamit ang scarf. Nang matapos, muli nitong hinugasan ang mga platong nagamit sa pananghalian ng mga trabahador.

She was still so beautiful, and so graceful. Bihisan man ito ng basahan o anuman ang gawin, hindi niyon maitatago ang angking kagandahan. Nang lumihis ang araw, nasinagan niyon ang kabuuan ni Erina. Sa halip na magtago, hinarap nito ang araw, tumingala, ipinikit ang mga mata at nakangiting lumanghap ng hangin, ibinuga, saka uulitin.

Napalunok siya sa nakikita. Wala marahil ideya si Erina kung gaano ito kaakit-akit sa mga makakakita rito. Napakakinis ng balat nito, nakaka-engganyong haplusin. Napakurap siya nang may pumitik sa kanyang isipan. In his dream, his lips roughly traced that white skin, and how the taste still lingered on his tongue.

Nanuyo ang kanyang lalamunan. Nanindig ang kanyang mga balahibo nang marinig ang tinig ni Erina, mga halinghing at pagtawag sa kanyang pangalan. Tila totoo at hindi panaginip lamang. Isa-isa nang bumalik sa kanyang isipan ang mga napanaginipan kagabi, mabilis na tila ba ni-re-rewind. They felt so real.

His eyes caught the bruises on her skin, on her neck where he planted rough kisses in his dreams. Naririnig niya ang sariling tibok ng puso, halos mabingi siya. Kusang humakbang ang kanyang mga paa palapit dito.

Nagmulat ng mga mata si Erina, nanlaki ang mga mata nang masilayan siya. Naglikot ang mga mata nito, tila nagbabalak tumakas kaya naman binilisan niya ang paghakbang at hinablot niya ito sa braso. Napasinghap ito.

At tila naman iyon ang hudyat, muling nanumbalik sa kanyang isipan kung paanong nagniig ang kanilang mga hubad na katawan, mahigpit na magkayakap habang inaabot ang kaligayahan.

"Was it a dream?" Inilapit niya ang katawan dito.

Nakatingala ito sa kanya, larawan sa mga mata ang pagkabahala.

"Were you in my room last night?" Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa braso nito.

Napaimpit ito, tila nasasaktan. Bahagya itong umiling.

Pinakatitigan niya ang pasa sa leeg nito, hindi iyon basata pasa lamang, gawa iyon ng isang mariin na halik. "Did I do this?" Inihaplos niya ang daliri roon.

Umiwas ito ng paningin.

Hinila nitong palislis ang manggas ng blouse nito at tumamabad din ang isa pang chikinini roon. "I did this."

"L-Leb-" Napasinghap ito saka mabilis na tinutop ng isang kamay ang bibig.

Nangunot ang kanyang noo. "I love you, Leb." Paulit-ulit na naglaro ang mga katagang iyon sa kanyang isipan. "L-Leb, ohh!" Ipinilig niya ang ulo. Pinakatitigan nito ang kaharap. "What happened last night?"

"W-wala." Sinubukan nitong kumalas ngunit lalo lamang siyang nagmatigas.

"Iyong totoo, Erina." Mariin niyang tinig, nag-aakusa.

"N-nasasaktan ako, Mr. Guerrier."

"Sagutin mo ako!" Hinila niyang lalo ang braso nito.

"A-aray."

"May nangyari sa atin kagabi, hindi ba? Hindi panaginip ang lahat, sabihin mo."

Hindi ito sumagot. Yumuko.

Dahil sa nagpupuyos na damdamin, iniangat niya ang baba nito, inilapit ang mukha rito saka idinampi ang labi sa labi nito. Natigilan si Erina, gayundin siya, nakiramdam sa reaksiyon nito. When he moved his lips, Erina's mouth opened slightly, he took that as a welcome, so he kissed her deeper.


SUBALIT ang halik ay banayad lamang, walang pagpupumilit, at hindi masakit. Erina couldn't help but to respond. Kahit kagabi lamang nangyari ang namagitan sa kanila ni Caleb, kahit hindi pa nakababawi sa pamamaga ang kanyang mga labi, hindi niya magawang tumanggi sa mga halik ng lalaking mahal. She gave in whole heartedly.

He took her arms to his neck while his hands cupped her thighs. He lifted her up and leaned her against the wall. She wrapped her legs around his waists. Lalo pang lumalim ang mga halik nito, patuloy at ayaw bumitaw. She needed air to continue.

She groaned. He moaned. He let go of her lips, but he continued kissing from her chin down to her neck. Dumapo ang labi nito sa kanyang chikinini, muling sumipsip roon ngunit banayad at hindi siya nasaktan. Pagkuwa'y saglit nitong inilayo ang labi at tiningnan siya. "I did this." May ngiti sa mga labi nito.

Hindi siya sumagot, napalunok lamang siya.

"It wasn't a dream. You were not a dream." Humaplos ang kamay nito sa kanyang mukha.

The Caleb in front of her was kind and gentle. Hindi niya malaman kung bakit at paano ngunit gusto niya iyon, at masaya siya.

"Be my partner." He smiled.

Napakunot naman siya ng noo.

"Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko sa iyo."

Kumabog ang kanyang dibdib sa sobrang kaligayahan, di yata't napatawad na siya ng lalaking mahal? Namasa ang kanyang mga mata sa luha. Hindi niya akalaing magiging ganito kadali ang pagpapatawad nito.

"At ayoko na ring itanggi ang aking sarili sa pagnanasa sa iyo. You're here, and you offered yourself to me. Ibig lang sabihin ay gusto mo rin ang nangyari sa atin kagabi. So, let's continue playing this game." Muling dumampi ang mainit nitong labi sa nakaawang niyang bibig.

Naguluhan siya sa sinasabi nito. Hindi alam kung ano ang dapat itanong.

"Your body and mine, they are perfect for each other, don't you think? You can't deny the attraction between us." Nagpakawala ito nang malalim na hininga. Dumulas ang mga daliri sa kanyang balat mula pisngi papunta sa kanyang dibdib, saka pinatumpik-tumpik ang hintuturo sa isa niyang utong. "See, you wanted my touch as much as I do."

"A-anong ibig mong sabihin?" May hinuha na siya, ngunit nagbabakasakali pa rin siyang sana ay mali iyon.

"Tayo. Kapag kailangan kita, pagbigyan mo ako. Kapag kailangan mo ako, hindi ka magdadalawang-salita at nasa tabi mo agad ako. Let's do each other a favor. I will give you whatever you ask for, anything, but don't ask for my heart." Humalik ito sa gilid ng kanyang labi.

Napapikit siya. Tila may patalim na tumusok sa kanyang dibdib. Naramdaman niya ang luhang tumulo sa gilid ng kanyang mukha. Nang dumilat siya'y matamang nakatingin sa kanya si Caleb, wala na ang ngiti sa mga labi.

"Ayaw mo?" sa mahina nitong tinig. Bahagya na ring nakalayo ang katawan nito sa kanya. Pinakawalan na rin siya nito at muling nakaapak sa lupa ang kanyang mga paa.

The warmth of his touch disappeared as soon as he let her go. Sumusugat ang mga salitang binibitiwan nito ngunit kaya niya iyong tiisin, kaysa sa hindi na muling maramdaman pa ang init ng mga haplos at yakap nito. Hindi ba't iyon naman ang kanyang inaasahan, ang hindi na nito mapatawad pa? To have him close to her, touch him and feel him were good enough, asking more would be too much.

"Ayaw mo, ayos lang. Hindi ako namimilit." Lumayo na ito.

Natilihan siya. Mabilis niyang hinablot ang braso nito. "P-payag ako."

Saglit itong hindi umimik, nakatitig lang sa kanya, waring may pinag-aaralan sa kanyang mukha. "Are you sure?" Sa walang ngiti nitong paniniguro.

Tumango siya. "Para sa iyo, dahil ikaw, kahit ano...payag ako." Tears rolled on her face.

Hinila nito ang braso at lumayo ng ilang dipa sa kanya. "Mamayang gabi, sa kubo, doon tayo magkita." Saka na ito tumalikod at umalis.



A/N:

Sorry peeps, so busy lang talaga. This is a forced update pero sana ay may feels pa rin. Thanks for waiting and thank you for all the support. Keep making noise, i would appreciate it so much!

Luv,

MicxRanjo :)

Continue Reading

You'll Also Like

91.6K 4.6K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
798K 41K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...