The Things I Hate About You

بواسطة ceresvenus

165K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 14

3.1K 92 14
بواسطة ceresvenus

Today is the launch party of Daze. Ang club na ilang buwan naming pinag-planuhan at ang club na pinagka gastusan ko ng malaking halaga! It all goes down tonight! Mayroong event na inorganize si Clint para sa launch ng club at magkakaroon ng after party mamaya sa Revel.

Busy na ang hair and make up team ko dahil ilang oras nalang ang event at kailangang perpekto ako mamaya. Nag sasalpukan nanaman si Mori at Roxy. Ang mga baklang ito talaga!

"Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng eksena mamaya, Tosca. Nako. Baka pahirapan mo nanaman ako niyan." Banta ni Rita.

"Bakit? Puro positive naman ang mga news about me recently ah." Nag kibit balikat ako.

"Oo nga. Curious nga ang mga tao kung sino itong mystery boyfie mo na mag malaking braso eh." Sabat ni Roxy habang nilalagyan ng rollers ang buhok ko.

"Puro pahapyaw lang kasi ang pinopost ng ate mo eh."

"Paanong hindi puro braso, eh bindi naman aware yung lalaki na mag jowa sila!" Untag ni Rita na sinundan ng halakhak nilang tatlo.

Inirapan ko si Rita mula sa salamin. Nag bitter ako dahil medyo totoo naman. Wala naman ding progress sa relasyon namin ni Scor. Palaging hot and cold. Minsan para na nga akong aso na sunod ng sunod sa amo. Ewan ko ba pero pag dating sa kanya bumabaliktad lahat ng prinsipyo ko.

"Totoo na ba 'yan Tos?" Tumawa si Roxy.

"Tsk! Tigilan niyo na nga ang love life ko. Di na kayo nakakatuwa ah." Untag ko sa kanila.

Ayoko nalang din kasing pag usapan pa ang tungkol sa amin ni Scor. Paulit ulit nalang kasi akong napapahiya eh.

Mabuti nalang at tinantanan din nila ang kaka-asar sa akin tungkol kay Scor. Patapos na akong mag ayos nang mag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Scor.

"Hello?"

"I'm at the parking. Tapos ka na bang mag ayos?" Suminghap ako nang marinig ang sinabi niya.

"Saan? Dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yeah." Sagot niya.

"P-patapos na ako." Hindi magkanda ugagang sinaksak ko sa bag ko ang mga gamit ko.

Hindi na ako nag paalam kina Mori. Sinabihan ko nalang sila na sila na ang mag sarado ng unit ko. Ayoko namang paghintayin ng matagal si Scor.

"Sorry ang tagal ko. Nainip ka ba?" Tanong ko pagka pasok ko ng sasakyan niya.

Inayos ko ang puting dress ko para hindi maipit ng pinto iyon pagsara ko. Nag tama ang paningin namin. Nag iwas din ako kaagad dahil pakiramdam ko may napuna nanaman siya na hindi maganda sa akin.

"It's fine." Tumikhim siya at inistart na ang sasakyan.

"Hindi ko alam na dadaanan mo ako." Wala kasi siyang sinabi na sabay kaming pumunta. Mabuti nalang at tapos na akong mag prepare.

"I had no choice. My date backed out." Untag niya habamg nag mamaneho.

Umuwang ang bibig ko pero hindi ko mahagilap kung ano ang sasabihin ko. Lumunok ako para pigilan ang damdamin ko. He didn't have to tell me that but he did. Bakit? Para saktan ako? Para ipamukha na second choice ako?

"Ah, I see. Paano pala kung may date din ako?" Nanginginig ang boses ko.

Sinulyapan niya ako at blangko ang ekspresyong tiningnan. Wala naman siyang sinabi.

"So this is a date?" Sabi ko ulit.

"No." Parang bomba iyong binitiwan niya.

Hindi na ako sumagot. Sumandal nalang ako at nag kalikot ng kung ano ano sa cellphone ko. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa sasakyan. Na tempt akong buksan ang radyo pero ayoko namang masabihang pakialamera.

Nang marating namin ang venue ay ni ready ko na ang ngiti sa mukha ko. Maraming tao at may press. Ang problema ko nalang ay kung ano ang isasagot ko sa mga tanong ng reporter mamaya. Pinag buksan ako ni Scor ng sasakyan at pag labas ko ay nag flash kaagad ang mga camera. May naririnig akong mga tanong tungkol sa relasyon namin. Hindi ko nalang pinansin. Wala ako sa mood na makipag bolahan sa kanila ngayon.

Lumapat ang kamay niya sa likuran ko. Hinapit niya ang tagiliran ko palapit sa kaniya. He told me that this isn't a date, so I distanced my self. Lumayo ako at binati ang mga bisita na nandoon. Hindi ko na siya nilingon para makita pa ang ekspresyon niya. Para bang nawala ako sa mood.

Ilang oras din ang itimagal ng event. Sa huli ay nagsalita sa harap si Clint si Scor at ako. Inimbitahan ni Clint ang mga bisita na dumalo sa afterparty. Pupunta din ako pero kailangan ko pang magpalit. Naka long gown kasi ako. Buong event ay hindi ako lumapit kay Scor. Hindi ako nagpapansin at hindi ko din siya hinanap. I figured out how hurt I am and that I needed a little time away from him.

Masyado nang lumalalim ang nararamdaman ko sa kanya. Alam ko dahil habang patagal ng patagal ay mas nagiging affected ako sa mga masasakit niyang birada sa akin. I will never understand why he treats me this way, ang mas nakaka gaga pa ay hindi ko alam kung mabuti ba ito o hindi.

"Girl. Ready na itong damit mo." Inangat ni Mori ang isang pulang tube bodycon dress na hanggang hita ang haba. Kumikinang iyon dahil sa mga crystal na nakakabit.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik." Pansin ni Roxy.

"I'm fine. Tulungan mo akong mag palit Mori." Nginitian ko sila.

Nag palit na ako ng damit at agad na humangos patungong Revel. Sinalubong ako ng mga kaibigan at kakilala ko. Lahat sila ay kino-congratulate ako sa bago kong negosyo.

"Sis! Para namang hindi ka masaya!" Puna ni Maddie.

"Oo nga, kanina ka pa tulala." Ani Laine.

"Huwag niyo akong pansinin okay! I just need a few drinks!" Pilit akong tumawa.

Nilagok ko ang isang shot ng Jose Cuervo para hindi na nila ako punahin. Gumuhit ang mainit na alak sa lalamunan ko pababa sa tiyan ko. Ahh. This is exactly what I need. The comfort of alcohol.

"Nasaan pala yung afam mo?" Tanong ni Beatrice sa gitna ng inuman.

"I don't know. He's probably around with other girls." Nag kibit balikat ako at pinigilan ang pag kirot ng dibdib ko.

"Ohhh! I hear someone jealous!" Pang aasar ni Beatrice.

Umiling nalang ako at nilunod ang sarili ko sa alak. Maya maya pa ay natanaw ko si Elliot na papalapit sa mga couches. Nakita niya ako kaya kumaway siya. Kinawayan ko din siya. Tumayo ako para ibeso siya.

"Congrats!" Sabi niya.

"Thanks. Kakarating mo lang?" I asked.

"Yup! Nandoon sa dulo sila Clint." Tinuro niya ang pinaka dulong couch. Malayo mula sa inuupuan naming magkakaibigan.

Tumango ako at tinaboy na siya. "Sige na! Enjoy ah. Dito lang ako." Muli ko siyang bineso at bumalik na ako sa upuan ko.

"Uh-oh! Tos, you won't like this." Nakatulala si Laine at parang may tinitingnan sa malayo.

"Ha? Ano?" Tanong ko at luminga din sa direksyon na tinitingnan niya.

"Rob is here." Sabi niya kasabay nang pagkawala ng kulay sa mukha niya. Patay bukas man ang ilaw ay kitang kita ko ang pamumutla niya.

"No way!" Bulalas ko at agad na tumayo para hanapin ang huli.

Nakita ko nga si Rob na nasa dance floor. Lubog ang ilalim ng mga mata, pawis na pawis at pagewang gewang ang lakad. Hindi lang siya lasing. I think he's on drugs or something.

"What the hell are you doing here?" Mariin kong hinagip ang braso niya para maiharap siya sa akin.

"Hey! Look. My one and only love." Mapungay ang mga mata niya at halos nabubulol na siya.

Sinubukan niyang haplusin ang pisngi ko pero marahas kong hinawi ang kamay niya.

"You're not invited! This is a private party. Umalis ka na!" Tinulak ko siya pero bahagya lang siyang na out balance sa ginawa ko. Tumawa pa siya.

"Tosca. I'm here for the last fvcking time! Bumalik ka na sa akin." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inalog alog ako.

Masyadong puno ang mga tao sa dance floor. Abala sa kanya kanyang pag sayaw. Sa unang tingin ay mukhang dalawang magkaibigan lang kami na nag uusap. Pero hindi! He was harassing me!

"What? No! Nababaliw ka na ba talaga? Are you on drugs! Leave or I'll call security." Matapang na sabi ko.

Suminghap siya at dinamba ako. Napaatras ako sa pwersa niya. Unti unting sumasakal sa leeg ko ang kamay niya. Nag panic ako kaya tinanggal ko iyon pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Lahat ng kaya kong gawin ay ginawa ko para makapiglas. Ang mga punyetang tao sa paligid ay hindi kami napapansin.

Umubo ubo ako dahil nasasamid na ako sa sobrang kahirapang huminga. I had to think deep. Buong pwersa kong inapakan ang paa niya at doon niya ako nabitawan. Matulis ang takong ng sapatos ko kaya sigurado akong masakit iyon. Agad akong tumakbo patungo sa couch kung nasaan ang pinsan ko.

"Clint!" Humahangos na sigaw ko. Hinihingal pa ako nang marating ko ang couch nila.

Lahat ata ng ulo doon ay luminon sa akin. Saglit na nag tama ang paningin namin ni Scor.

"I have to talk to you." Hinila ko ang pinsan ko at saglit na inilayo mula sa couch.

"Tos, what- what happened?" Nag aalalang tanong ni Clint.

"My ex. He's here. He freaking strangled me!" Tumingala ako at pinigilan ang sarili ko na mag panic. Pinaypay ko pa sa akin ang mga kamay ko kahit na hindi naman nakakatulong iyon.

Manaka naka akong lumilingon sa couch at namataan kong hindi kami tinatantanan ng titig ni Scor. It's as if he knows what Clint and I are talking about.

"Ano? Nasaan? I'll call security." Aalis na sana siya pero pinigilan ko ang palapulsuhan niya.

"Couz, I'm scared. I think he's high on something." Nakangiwi kong sabi.

"Stay here. Tosca. Doon ka kila Scor. You'll be safe there." Tinanggal niya ang pagkaka kapit ko at tuluyan nang umalis.

That crazy guy is still somewhere around here. He almost killed me! Nanghihina akong nagpunta sa table nila Clint. Agad akong binati ng mga kaibigan nila at tinanong kung ano ang nangyari. Iling lang ang naisagot ko. Masyado akong nawawala sa sarili. What if bigla nalang lumitaw iyon at manaksak? He really lost it.

Balisang bumalik si Clint. Nagkaroon na kaagad ako ng clue na may masamang nangyari o may masamang mangyayari. Nilagpasan niya ako at dumiretso siya sa table. Seryoso niyang kinausap ang mga kaibigan niya. Nakita kong may sinasabi siya kay Scor at agad na nagdilim ang mukha niya. Tumango si Scor at tumayo.

"So, your crazy ex is here?" Malamig na tanong niya.

Nilunok ko ang malagkit na laway na nasa lalamunan ko bago tumango.

Nakita kong umigting ang panga niya habang nag iiwas siya akin ng tingin. Gamit ang hintuturo ay kinamot niya ang dulo ng kilay niya na parang naiinis sa nangyayari.

"Clint said he's still on the loose. You have to leave. Sasamahan kita."

"S-sige."

"Let's go." Tinangay niya ang braso ko at hinila ako palabas. Nagpatianod lamang ako sa kanya.

Hindi pa man kami nakakalabas ay hinarang kami ng walang hiyang si Rob. Nakangisi siya at mas nakakatakot pa ang hitsura niya ngayon kaysa kanina. Pawis na pawis siya at nanlilisik ang mata.

Pinanlamigan ako ng katawan nang marinig kong ilang ulit na nagmura si Scor sa tabi ko.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

4.8M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
111K 2.9K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
608K 41.6K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
216K 12.6K 33
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...