MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

012

3.8K 159 61
By saltypastry

' Madalas kasing nauuwi sa totoong relasyon yang fake relationship '

--

Milk's POV

Pagkamulat na pagkamulat ko, tumingin agad ako sa orasan.

Shemay ! Late ako nagising ! Ipagluluto ko pa sila ng almusal !

Babangon na sana ako pero napansin kong may unan at kumot ako.

Ha ? Diba kagabi wala naman to ? Kasi nga sinolo ni Joshua diba ?

Speaking of Joshua, wala na sya dito. Aba'y malamang, late na nga kase diba ? Common sense naman Milk !

Nag-ayos muna ako ng sarili bago ako nagpunta sa dorm nila

Naabutan ko silang kumakain ng almusal.

' Good morning Noona ! '- bati sakin ni Dino.

' Good morning din '- sabi ko.

Nagpa-deliver nalang pala sila. Buti naman.

' Jagiya, kumain ka na '

Gulat kaming napalingon kay Joshua.

' Jagiya ?! '- sabay-sabay na tanong namin.

' Oo. Jagiya. May problema ba ? '- inosenteng tanong nya.

Sinong jagiya tinatawag netong tahong na to ? Si Jeonghan ba ?

' Noona ! Tinawag ka ni Jisoo hyung na jagiya ! Hindi mo man lang ba sya sasapakin ? '- tanong sakin ni Minghao.

Ay oo nga pala. Simula na pala ngayon ng pagpapanggap namin.

' Hindi. Bakit ko naman sya sasapakin ? '- sabi ko tapos naupo ako sa tabi ni Joshua.

Nanlaki yung mata nilang lahat tapos nagtinginan sila sa isa't-isa. Syempre kunwari nagulat din sila Hoshi.

' Joke day ba ngayon ? '- tanong ni Seungcheol.

' May sakit ba kayong dalawa ? '- tanong ni Woozi.

Nagtinginan kami ni Joshua tapos sabay kaming natawa. Pwede na kaming artista !

' Hindi joke day ngayon at wala kaming sakit. Kumain nalang tayo '- sabi ko sa kanila.

Nagsimula naman silang kumain pero every once in a while tumitingin sila samin ni Joshua. Di ata sila makapaniwalang magkasundo kami ngayon.

' Nakatingin si Vernon '- bulong nya sakin.

Dahil maganda ako, nakaisip ako ng magandang idea.

Sinubuan ko si Joshua. Buti naman at nakisakay sya sakin kasi sinubuan nya din ako.

Kita ko sa peripheral vision ko na nagulat silang lahat. Sumulyap ako kay Vernon at nakita kong nagulat din sya tapos yumuko.

Ohmygawd nagseselos na ba sya ?

Ay hindi. Wala pa yan. Umpisa palang to. Hindi muna ako aasa.

' Ano ba talagang meron sa inyong dalawa ? '- tanong ni Jeonghan.

' Nung isang araw lang parang suklam na suklam kayo sa pagmu-mukha ng isa't-isa eh. Palagi kayong nag-aaway at nag-aasaran '- sabi ni Jun.

' Tapos ngayon may subuan pang nangyayari. Ano ba talagang meron ? '- tanong ni Mingyu.

Ang kulit nila.

' Kami na kase '- simpleng sagot ni Joshua.

' Ha ?! '- sabay-sabay na sabi nila.

Sila Hoshi halatang gulat na for real. Ang alam kasi nila pagseselosin lang namin si Vernon. Hindi nila alam yung plano namin na magkunwaring kami.

' Kayo na ? Bakit ang bilis naman ata ? Niligawan ka ba nya Noona ? '- tanong sakin ni Dino.

' Uh .. oo naman ! '- sagot ko.

' Kailan ka sinagot ni Noona ? '- tanong ni Wonwoo kay Joshua.

' Kagabi lang '- sabi ni Joshua.

Ang cute nilang lahat. Mukha kasi silang nalilito eh. Haha.

' So yung mga panahong nag-babangayan kayong dalawa, nanliligaw na sya sayo ? '

Napatingin kaming lahat kay Vernon kasi bigla syang nagsalita.

Bakit bigla akong kinabahan nung nagsalita sya ?

' A-Ah.. Oo ! '- sagot ko.

' Sure ba kayo ? Mahal nyo ba talaga ang isa't-isa ? Kasi parang ang bilis talaga eh. Parang kahapon lang nag-aaway kayo. Ngayon naman, kayo na '- sabi pa nya.

Nagkatinginan kami ni Joshua.

Umusod sya ng mas malapit sakin tapos inakbayan ako.

' Mahal naman namin ang isa't-isa eh. May problema ka ba Vernon ? '- tanong ni Joshua kay Vernon.

Natahimik lahat ng members.

' W-Wala naman. Sana lang wag mong igaya si Noona sa ibang mga babae dyan. Iba kasi si Noona '- sabi ni Vernon sabay walk-out.

Nagkatinginan kami ni Joshua.

Beastmode si Vernon.

' Kayong dalawa .. '- sabi ni Seungcheol kaya napatingin kami sa kanya.

' .. hindi naman sa tutol ako sa relasyon nyo pero sana lang mag-ingat kayong dalawa. Hindi dapat to malaman ng mga staff at lalung-lalo na ng mga fans '- sabi nya.

Tumango kaming dalawa.

Nang matapos na silang kumain, inutusan na naman nila si baby Dino na magtapon ng basura. Hays.

Dinala ko yung mga ginamit nilang baso at kung ano-ano sa kusina. Sila naman, kung ano-ano na ulit ang ginawa.

Habang naghuhugas ako ng pinggan, parang naramdaman kong may nakatingin sakin kaya napalingon ako.

Nakita ko si Vernon na nakaupo habang nakatingin sakin. Pero parang ang lalim ng iniisip nya. Nakakunot pa noo nya eh.

' Vernon, tulungan mo naman ako dito '- sabi ko sa kanya kaya parang nahimasmasan naman sya.

Lumapit sya sakin tapos tinulungan nya akong maghugas.

' Noona, sabi mo nung isang araw, crush mo si Mingyu hyung '- sabi nya.

Ikaw lang ang crush ko.

Joke.

Ang landi ko talaga.

' Joke lang yun. Ang gulo nyo kasi eh. Para manahimik kayo '- sagot ko.

' Noong nagpunta tayo ng Namsan, tinanong kita kung si Jisoo hyung ba yung crush mo. Sabi mo naman, never in his wildest dreams. Tinawag mo pa nga syang tahong eh. Pero bakit sinagot mo sya ? '- tanong nya.

Hala oo nga. Naalala ko yun.

' Eh .. oo nga. Hindi ko sya crush '- sagot ko.

' Kasi mahal mo sya ? Gasgas na gasgas na yang line na yan Noona '- sabi nya.

Natawa ako ng mahina tapos tumango ako.

Ang cute ni Vernon promise ! Mukha syang batang naagawan ng candy !

Pero seriously, kanina pa talaga ako nandidiri sa mga ginagawa namin ni Joshua.

' Gaano katagal ka nya niligawan ? '- tanong nya.

Anong sasabihin ko ?

' Uhm.. simula nung naging PA nyo ako. Oo. Tama '- sagot ko.

Napatango nalang sya at nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan.

Nang matapos kaming dalawa, bumalik na kami sa sala.

Naupo ako sa tabi ni Dino na naglalaro sa cellphone nya.

' Pst '- sabi ko sa kanya.

' Bakit Noona ? '- tanong nya habang hindi padin inaalis yung tingin nya sa screen.

' May sasabihin ako sayo. Wag mong ipagsasabi sa ibang members ha. Sa buong Performance Unit mo lang sabihin '- bulong ko sa kanya.

Agad naman syang napatingin sakin.

' Diba guest kayo sa Weekly Idol bukas ? '- sabi ko tapos tumango naman sya.

' Lalaruin nyo dun yung paper kissing game kaya mag-practice na kayo para kayo ang manalo '- sabi ko.

Sabi sakin nung Manager nila, wag ko daw sabihin yung mga lalaruin nila.

Pero dahil maganda ako, hindi ako sumunod sa kanya.

*flips hair*

' Bakit hindi mo sinabi kay Jisoo hyung ? Boyfriend mo naman sya ah ? '- inosenteng tanong nya.

Ngumiti nalang ako.

' Gusto ko kasing kayo ang manalo eh. Alam mo ba kung anong prize ? '- tanong ko.

' Ano ? '- inosenteng tanong nya.

' Shampoo, tissue, toothpaste, toothbrush at sabon '- bulong ko sa kanya.

' Talaga Noona ?! '- tuwang-tuwang tanong nya.

Tumango ako. Agad naman syang nagpunta kina Hoshi, Jun at Minghao para sabihin yung sinabi ko.

Pagkaalis ni Dino, naupo naman si Hoshi, Seungkwan at DK sa tabi ko.

' Di mo naman sinabing kayo na pala ni Joshua '- sabi ni DK.

*facepalm*

' Guys ! Sa tingin nyo ba talaga papatol ako sa tahong na yun ? '- mahinang sabi ko sa kanila. Baka kasi marinig ng ibang members.

' Eh ano bang plano nyo ? '- tanong ni Seungkwan.

' Magkunwaring kami tapos pagselosin si Vernon '- sagot ko.

Nagkatinginan silang tatlo tapos ngumiti.

Okay ? Ang creepy nila.

' Ayos yan Noona. Suportado namin kayo '- sabi ni Hoshi.

' Mukha ngang nagselos si Vernon kanina '- sabi ni DK.

Sana nga.

' Hindi ka ba kinakabahan Noona ? '- tanong ni Seungkwan.

Napakunot yung noo ko.

' Bakit ako kakabahan ? '- tanong ko.

' Madalas kasing nauuwi sa totoong relasyon yang fake relationship '- sabi ni Hoshi.

Ginulo ko yung buhok nila.

' Masyado na kayong madaming napapanood na cliché na koreanovela '- sabi ko sa kanila.

' Totoo yun Noona ! '- sabi ni DK.

Sus. Asa pang ma-inlove ako sa tokwa na yun.

' Iba kami. Hindi yan mangyayari '- sabi ko.

' Pustahan tayo '- sabay-sabay na sabi nilang tatlo.

' Pera ? '- tanong ko.

Wala akong pera. I'm only 17 I only got a few dollars. Lol joke.

' Hindi pera. Marami kami nyan '- sabi ni Seungkwan.

Wow ah. Di nga sila makabili ng toothpaste eh.

' Eh ano ? '- tanong ko.

' Wala '- sabay-sabay ulit na sabi nila.

Eh ?

' Eh kasi, kapag na-inlove ka kay Jisoo hyung, ikaw din naman ang magbe-benefit eh. Kaya wala nalang kaming ipupusta '- sabi ni Hoshi.

Benefit ? Kalokohan.

' Ang gulo nyo. Dyan na nga kayo '- sabi ko sabay tayo.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nag-high five silang tatlo.

Bahala na sila sa buhay nila.

Basta ang alam ko, hinding-hindi ako mai-inlove sa tahong na yun.

Destined kami ni Vernon forever.

Continue Reading

You'll Also Like

168K 372 12
Mga tulang magpapahiwatig, magpapasabik, at magpapalungkot sa inyo sa larangan ng pag-ibig
14.8K 906 71
"It's just a game, and you're my toy. Nothing more, nothing less." - She just wants to have a simple life, but everything turns upside down when the...
1.2K 278 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...