ARGL : Accidently REJECT the...

By Rai_chan

85.9K 1.9K 206

Meet Yazmin, Sikat sa campus nila, Maganda,Mabait,Matalino,Mayaman, ala model STUDENT ang peg.. subalit kabal... More

Their Side
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21

Chapter 15

3.8K 99 16
By Rai_chan

[Yazmin P.O.V]

Hindi ko ito inaasahan na bumalik na pala si Kian dito o kilala sa buo nyang pangalan sa Kian Lor Night ang nangunguna dati sa 10th PS, at isa sa mga nakaka kilala sa akin.

   “Mukhang na surpresa ko ata ang Min-min ko” naka ngiting salita nya sa akin “May kausap ka sa phone?”—tanong nya sa akin, habang ako naman ay napa tingin sa hawak-hawak kong cellphone.

   “A—ah wala ito, ano lang ito kaka-tapos ko lang mag load kaya pina-pakinggan ko lang kung mag kano ang load ko”—sagot ko sa kanya. at binaba ko agad yung tawag ni Zion sa akin.

   “Ganun ba, teka nga pala kamusta na dito?. balita ko andito na ang mga estudyante ng Melton”—Kian.

   “Oo andito na sila, kailan kayo dumating dito Kian”—Ako.

   “Kanina lang, alam mo ba ikaw agad ang gusto ko makita dito Min-min”—Kian.

   “Eeeh?”—Ako.

   “Ang sabi ko, ikaw ang gusto ko makita agad dito Min-min”—Kian. At ngumiti sya sa akin. <(>.<)>

   “Ahhh…”—Ako, at napa taas ang kanyang dalawang kilay dahil sa sagot ko sa kanya.

   “Yun lang sagot mo sa akin… nakaka tampo ka naman’’ Kian, at lumapit sya sa akin at hinawakan nya ang kanang kamay ko “Tara samahan mo muna ako sa cafeteria hindi pa kasi ako nag lunch”—salita pa nya, kaya hinayaan ko nalang sya na hilain ako.

   “Ikaw kamusta ka na Kian, Kamusta pala ang States?, hindi na ba kayo aalis nila Troy dito?, ano pala nangyari sa gang ninyo nung nasa States pa kayo, kamusta na pala kayo n—”—salita ko dapat sa isip ko ng biglang tumigil kami sa pag lalakad ni Kian.

   “Min-min, okay ka lang ba talaga(?)”—Kian.

   “Ah? oo naman, bakit?”—Ako.

   “Kanina pa kasi kita tinatawag, may sakit ka ba?”—Kian, at chinek nya ang nuo ko kung meron ba ako lagnat, pero agad ko yun tinapik ng mahina at bumitaw sa pag ka hawak nya sa kamay ko.

   “Okay lang ako Kian” sagot ko sa kanya at ngumiti naman ako sa kanya “Tara sa Cafeteria?”—ako at nakita ko sya na napa iling nalang at ngumiti din sa akin.

Pumunta lang kami ni Kian sa cafeteria, at dahil hindi pa Lunch time ngayon ay konti lang ang mga tao na andito. Pina-upo muna ako ni Kian sa pang apatan na tao at saka naman sya bumili ng pag-kain na para sa amin.

…….

 

   “Ano ba naman ito…. Act normal ka nga Yazmin! diba nga give up ka na sa kanya, at tanggap mo na close friend lang talaga kayo!!”—salita ng isip ko sa sarili ko.

   “Pero malay mo wala na sila matagal na rin sila nawala dito ah, at baka may chance pa ko”—sagot ko naman sa isip ko.

   “Aba! May pag ka engotz ka rin noh(?), paano mo naman nasabi yun? aber, sinabi ba nya?, manghuhula ka ba(?)”—salita ng isip ko sa sarili ko.

   “Hindi malay mo lang….”—sagot ko sa isip ko.

   “MALAY MO LANG YUN YAZMIN! MAG TIGIL KA NA DYAN!”—sagot ng isip ko sa sarili ko…

Napa buntong hininga nalang ako mag-isa dito… ano ba yun (-_-) pati ang isip ko ay sinasagot na nya ko… nako! gutom ko lang ata ito! At epekto ito na hindi ako nag breakfast kanina.

Kung ini-isip ninyo na may gusto ako kay Kian, pwes tama kayo… Oo may gusto ako kay Kian, pero unrequited love itong feelings ko para sa kanya.. syempre mula simula ay wala ako balak na sabihin ito sa kanya… ayoko masira ang friendship namin ni Kian..

Sya lang ang tanging nakaka alam din sa dating ako sa mga lalaki na naging friends ko….uhhm, sorry WRONG term pala BESTFRIEND ko sya sa mga lalaki at ganun din sya sa akin. si Angelo ay lalaki din pero pusong babae naman sya… (-_-)

   “Min-min, nakaka panibago ka”—Kian, at dala na pala nya yung mga foods na binili nya para sa aming dalawa. Nice carbonara mushroom with red ice tea.

   “Ako?, hindi ah” sagot ko sa kanya, at kinuha ko yung wallet ko at kumuha ng pera para bayaran ko sya dito sa pag-kain “Ito ang bayad ko dito sa pag-kain”—sagot ko ulit sa kanya at kumain na ko.

Napa iling nalang sya nung tinanggap nya yung pera na binigay ko sa kanya… ganun kasi ang ugali ko kahit libre ang binibili nya pag-kain sa akin ay babayaran ko pa rin yun.

   “Alam mo may good news ako sayo”—Kian. Habang kumakain na rin sya ng parehas na pag-kain din sa akin.

   “Oh?, Ano naman yun?”—Ako….

   “Alam mo b—”—salita dapat ni Kian, pero dumating naman sila Jacob at Troy.

   “Aga ng lunch ninyo ah, 12.40 pa kaya ang lunch”—Jacob

   “Ano ka ba! Pag gutom walang pinipiling oras kumain”—Troy

   “Uy dito na kayo sumabay sa amin” salita ni Kian sa kanilang dalawa, kaya naman ay inilapag nila ang dala nilang pag-kain “Kayo nga rin naman eh, ang aga din ninyo mag lunch”—salita ulit ni Kian at sumubo ulit sya ng pag-kain nya.

   “Ganun talaga, nagugutom din kami eh”—Jacob. Katabi ko pala sya dito sa left side ko, at katapat nya si Troy, ako naman ay katapat ko si Kian.. ganun ang sit arrangement namin.

   “Sya nga pala Yazmin, nag congratz ka na ba sa amin”—salita ni Troy sa akin. napa tigil naman ako sa pag inom ng red ice tea.

   “Para saan?”—Ako

   “Hindi mo ba alam nananalo kami sa laban dun sa States, kaya nga after nun ay nag pahinga lang kami ng isang araw dun, at umuwi agad kami dito dahil balita namin na wala na ang 10th PS at andito na rin yung mga Melton Students”—kwento ni Jacob sa akin.

Napa tingin naman ako kay Kian na ngumiti naman ng pilit sya sa akin… ibig sabihin ba nito yun lang ang pakay nilang tatlo dun sa States? Ang maki pag laban sa kapwang gangster lang?...

   “Ahhh…” sagot ko kay Jacob. Inubos ko muna yung red ice tea ko at tumayo na ko “Mauna na ko, babalik na ko sa classroom”—salita ko sa kanilang tatlo, at iniwan ko na sila dun at bumalik nalang ako sa classroom.

……

Nag lalakad lang ako pa balik sa classroom at nung malapit na ko sa pupuntahan ko ay nagulat naman ako na may humawak agad sa kaliwang kamay ko kaya naman napa tigil ako at nilungunan sya.

   “Bakit, Kian(?)”—Ako

   “Ah.. Min-min tungkol dun….”—Kian. Naka-titig lang ako sa kanya.

   “Ah, yung tungkol dun sa sinabi ni Jacob?, ayos lang yun”—Ako at ngumiti ako sa kanya…

   “Hindi…ano kasi… sasabihin ko naman agad sa iyo yun eh, pero umep—a”—Kian, pero agad na sumagot ako sa kanya.

   “Congratz Kian, ano susunod ninyo pupuntahan?, China?, Thailand?, Japan?,” Ako at pumiglas na ko sa pag ka hawak nya sa akin. “Hindi ka pa rin nag babago, ano ba talaga ang gusto mo patunayan?”.

   “Min, wala naman ako gusto patunayan, ang gusto ko lang na bumalik na kayo at isali ka sa grupo nam—”—sagot dapat nya sa akin pero tumalikod na ko sa kanya.

   “Babalik sila Vanessa at Angelo, ndi ko lang alam kung solo sila o babalik sila sa grupo, at yun ay salamat kay Aaron.” Salita ko at binuksan ko na yung pinto “Pag nag kita kayo ni Aaron, paki bura nalang yung number ko sa kanya.”—Ako at iniwan ko sya dun at pumasok nalang ako sa classroom.

Nung nasa loob na ko ng classroom ay dere-deretsyo lang ako hanggang sa naka lapit na ko sa upuan namin.. hindi ko nga pinansin yung mga nasa paligid except lang kala Vanessa at Angelo na anduon na pala sa kanila upuan.

Umupo na ko at napa buntong hininga, kaya naman yung dalawa ay naka tingin sila sa akin. “Kahit kailan talaga, wala sya magagawa na ibalik ulit ako dun”—Ako.

   “Alam mo Yazzy, sinasabi mo yan tuwing andito s—”—Angelo.

   “Si Kian, andito na ba sila?”—Vanessa.

   “Oo, andito na sila”—Ako at hindi ko sila tinitignan.

   “Kailan pa!?!”—gulat na tanong sa akin ni Angelo.

   “Kanina lang daw..”—sagot ko sa kanya.. may napansin lang ako dito sa classroom namin..

   “Ahh, ibig sabihin ba nun pati si Troy ay andito na rin?”—Vanessa.. ex nya pala si Troy kaya tinatanung nya sa akin.

   “Oo… ewan ko nalang kung mag-tatagal sila dito mag stay, diba nga nauna sila Cris bumalik dito… AT alam nyo ba nanalo sila dun sa states, ang GALING NILA noh(?)”—ako at tumingin naman ako sa likod at napansin ko wala yung mga asungot dito.

   “Saan magaling dun Yazzy?” Angelo, at napa tingin naman ako sa kanya “Bago nila natalo ang mga pipitchugin dun ay ikaw ang nauna dun hmph!, kung hindi ka lang umayaw sa pagiging gangster, malamang yung grupo na pinangungunahan ni Sara ay naka tayo pa at sikat pa rin tayo”—salita pa nya sa akin.

   “Inis ka pa rin? Angel, move on ka na nga”—Vanessa.

Nag buntong hininga nalang ako sa kanila… iniisip ko ang layo ng pinag-galingan namin tatlo bago kami naging matalik na kaibigan nila Vanessa at ni Angelo.

Ang dating Angelo ay isa sya sa mga naging naka laban ko nung dati pa kong gangster, leader kasi sya ng isang gang. at katulad din sya ni Vanessa na dati ko rin nakalaban at dati rin syang may sariling grupo at sya rin ang leader nun.

Ako nga lang ang hindi naging gangleader ng isang grupo eh.. hehehe sa grupo ako nila Sara naka sali nun at inimbita nya ko ng mga panahon na, solo ako makipag laban.

   “Oh, bakit ka dyan napapa ngiti mag-isa dyan Yaz”—Vanessa. Naputol ang pag aalala ko ng mga dati pa koi sang gangster.

"Na isip ko lang, paano ba ulit tayong tatlo nag kakilala?, mag-kaka iba pa tayo ng grupo nun, at bago kayo sumali sa grupo nila Sara na kung nasaan din ako na sinali nya ko.”—Ako.

   “Ano ka ba! Yazzy, dahil yun sa laban. remember si Sara ang pumilit sayo nun na kalabanin kami nun at ang pusta ay pag natalo kami nila Vanessa ay mag disband ang gang namin at sasali kami dalawa sa grupo nyo, tapos pag natalo ka naman ay yung gang ninyo naman ang ma disband nun, sa una nga ayaw mo dahil gusto mo ng may pusta”—Angelo. ahh oo nga noh~ naalala ko na…

   “Nako g#ga talaga yung si Sara, palibhasa ikaw pinilit nya na kalabanin kami dahil natalo lang sya sayo nun nung nag try out kayo lumaban sa isa’t isa”—Vanessa, at medyo natawa naman ako dahil totoo nga na hinamon pa ko ni Sara dati, hehe ang ugali ko kasi nun dati hindi ako lalaban kung walang pusta or kung wala isusugal.. hindi kaya nakaka excited ang mga laban pag walang pustahan.

   “Syempre ang resulta nun Yazzy ay, natalo kami sayo kaya sumali na kami sa grupo nyo at itong si Amber ay nalaman nya na natalo kami sayo at hinamon ka naman nya, lols epic nung ending ng laban ninyo ni Amber hohoho”—Angelo.. talaga nga naman ohh. (-_-)

   “Ay! Oo nga ahaha, grabe ang itchura ni Amber nun, naka dapa sya nun habang naka tingin sya kay Yaz na naka tayo at naka tingin sya kay Amber sa lapag parang sinasabi ni Yaz na  HINDI MO KO MATATALO AMBER DYAN KA NA SA LAPAG hahaha ”—Vanessa, at tumawa silang dalawa ni Angelo

   “hohoho engotz kasi nitong si Amber hindi nya alam na fresh galing abroad itong si Yazzy nung time na yun kaya medyo refresh sya galing sa ibang bansa.. teka nga pala Yazzy ano ginawa mo nung araw na yun dun sa abroad bukod sa kumita ka ng pera dun? nag bakasyon ka rin ba dun? ”—Angelo..

   “Bakasyon talaga Angel (-_-)”—Ako at tumingin ako sa kanya. may napala naman ako sa mga pag punta ko sa ibang bansa.

   “Eh why? mali ba Yaz, pwes anong ginagawa mo nung panahon na wala ka dito, at nasa States, Japan, Thailand, China, o saang bansa pa yan. Minsan 2 weeks ka lang nag papakita nun sa grupo tapos mawawala ulit ng isang buwan”—Vanessa.. ganun ba talaga ako nun? xD ahaha hindi ko nga napapansin yun eh.

   “……..Nag re-relax ? ”—Ako

   “Relax ka dyan! bruha ka!, kalat na kalat dati na lagi ka nanalo sa mga gang battle dun sa iba’t ibang bansa, ano pala ang ginagawa mo sa mga panalo mo?”—Tanong sa akin ni Angelo.

   “Syempre sa pangangaylangan ko sa araw-araw nun. Diba nga rebeldeng anak ako nung mga panahon na yun at lagi ako wala, para hindi ako matunton ni Daddy, ang dami kasi nya koneksyon (-_-) kaya nahahanap nya agad ako”—Sagot ko kay Angelo.. yun yung taon na nakikipag date sya sa asawa ni Satan na nanay naman ni Aliza.

   “Ahh! Oo nga eh, napaka sosyal mo nga nun eh ! hahah, wait diba sobra-sobra ang kinikita mo nun sa mga panalo mo, nasaan yung ibang kinita mo?”—Vanessa. Grabe naman sila mag throwback! Hindi naman Thursday (-_-).

   “Yun ba, gumawa ako ng palihim kay Daddy na sariling bank account na sa aming dalawa lang, alam mo na, ang daming gold digger sa mundo ngayon”—Ako at napa tango nalang sila sa sinagot ko.

“Well kakaiba lang talaga itong si Yaz, isang buwan ang stay sa isang bansa at babalik ulit dito ng 2weeks after nun ay aalis nanaman sya para kumita ulit ng pera at mag tago kay uncle nun. Grabe ka Yaz, sa edad natin nun nadadaya mo na pati age mo”—Vanessa. Sapukin ko kaya itong babae na ito.

   “Shut up Vanny!, change topic na nga.. pansin ko lang nasaan yung mga mababait na classmate natin dito, bibilang nalang kasi tayo dito”—tanong ko sa kanilang dalawa.. yung iba kasi dito mga tulog (-_-).

   “Wala namatay na! joke!, nauna na mag lunch may sariling oras ang mga yun eh”—Vanessa.

   “Ohh? Galing ako sa cafeteria pero bakit hindi ko nakita yung mga anino nila dun?”—Ako.

   “Sa labas sila kakain mga ma-aarteng nilalang hindi daw sila kumakain ng pag-kain na galing dito sa cafeteria”—Angelo.

Tumango nalng ako sa kanila. At hinayaan ko nalang ulit silang dalawa mag kwentuhan ng kahit anong bagay, nakikinig naman kasi ako sa kanila, at hindi sila nuubusan ng ma kwentuhan.

  *Ring’Ring’Ring*

Napa tigil silang dalawa sa pag daldal at tumingin kami ni Vanessa kay Angelo. kaya itong si Angelo ay agad nya kinuha ang cellphone nya at sinagot yung tawag na yun.

   “Oh baket ka napa tawag Bea…… ANO!?! SAAN YAN GURL!?!!!..... SINO!?!!.... sige-sige!! Gurl pupuntahan na naming agad yan!”—sagot ni Angelo sa phone nya at tumingin agad sya sa amin ni Vanessa.

   “Nu meron? Bakit ganyan ang mukha mo Angel para ka naka inom ng maraming suka dyan”—tanong ko sa kanya. tumawa naman itong si Vanessa sa sinabi ko.

   “L#tche! Ka Yaz!, pumunta tayo sa basketball gym! now na! mga sis!!”—Angelo sabay tayo sya at kinuha nya ang kaliwang kamay ko, kay Vanessa naman sa kanang kamay nya naman.

   “hehehe anong meron Angel?”—Vanessa. Parehas nalang kami na tumayo at nag padala nalang kami sa hila ni Angelo.

   “Baka naman may game sila Cris kaya tayo pupun—t”—salita ko dapat pero sumabat itong si Angelo.

   “Mga bruha kayo!, kaya tayo pupunta dun dahil nag kaka gulo dun!”—Angelo, habang hinihila nya kami ni Vanessa papunta sa dun sa gym.

   “Ah… okay, ano gagawin natin dun? dagdag aundiance or mag cheer tayo dun?”—Vanessa. Tumingin naman masama saglit si Angelo kay Vanessa xD.

   “hahaha, wag mo nalang pansin yung sinabi ni Vanny sayo Angel.. Anyway sino pala nag-kaka gulo dun ?”—tanong ko kay Angelo.

   “Ang Night gang lang naman at ang DE gang lang ang nag gugulo dun”—Sagot sa akin ni Angelo.

Pumiglas agad si Vanessa sa pag-ka hawak ni Angelo sa kanya at agad naman na tumakbo itong si Vanessa dun papapunta sa gym, at kami naman ni Angelo ay nagulat nalang sa reaksyon na ginawa ni Vanessa.

   “…..Yazzy”—Angelo. habang nag lalakad nalang kami papunta sa gym.

   “Bakit Angel”—Ako at bumitaw na sya sa pag-ka hawak sa akin.

   “Bakit ganun ang naging reaksyon nya?”—Angelo.

   “Ewan…..Meron pa ba?”—Ako.

   “Ata?, pero ang sabi nya lagi sa atin ay 0% na yun”—Angelo.

   “Talaga lang ah..”—Ako.. ang pinag-uusapan namin kung meron pa ba feelings itong si Vanessa kay Troy… sa napapansin namin ay hindi pa rin sya maka get over dun kay Troy. (-_-)

   “Ahhh!! Yazzy! Iwan na kita dyan!, baka ma pano ang Chris ko! <(>o<)>”—nag mamadali salita ni Angelo sa akin, hindi na nya ko hinintay sumagot kaya tumakbo na sya at iniwan nya ko.

…….

   “Ano meron bakit sila nag-kaka gulo dun?, mag-ka kilala ba sila nila Zion?, kailan naman sila nag-ka kilala?,aba bakit hindi ko yun alam (-_-)”—salita ko mag-isa dito habang nag lalakad at papunta na din dun.

Nung malapit na ko sa gym ay una ko agad napansin ay madaming estudyante na anduon sa pinto at napansin ko naman yung mga teacher na pilit dumadaan dun pero hindi sila maka daan dahil ayaw ng mga estudyante.

   “Imposble naman na maki join ako sa siksikan dyan, sa kabila nalang ako dadaan”—salita ko sa isip ko. kaya nilagpasan ko sila at pumunta nalang ako sa isa sa mga mataas na puno.

Nung nakita ko na yung puno na hinahanap ko ay umakyat agad ako dun at tinapakan ko yung isa sa mga matitipay na sanga, at lumapit ako konti sa bintana at tumalon ako dun para maka pasok sa gym.

Buti nalang sakto na naka bukas yung bintana kaya agad ako naka pasok sa loob.. pero sa pag pasok ko dun ay bumungad naman sa akin ang mga sigawan at hiyawan ng mga tao dito sa loob ng basketball gym.

   “ANO LABAN!!!”

   “DE GANG!! TALUNIN NYO YAN!!!!”

   “NIGHT GANG!! TALUNIN NYO NYANG MGA MAYAYABANG NA YAN!”

Mga sigawan na maririnig dito sa loob ng gym.. napansin ko lang yung mga students ng Selton ay nasa left side sila at yung mga Melton Students naman ay nasa Right side.

   “Ang titibay talaga nung mga Night Gang, akalain mo na mag kikita sila agad dito ng DE Gang”—salita nung lalaki na medyo malapit sa akin. at ayon sa pag-kaka pansin ko sa kanya ay schoolmate ko sya na galing sa Melton.

   “Pero pare, yung Leader ng Night Gang, kanina pa sya dun naka tingin ng masama kay Z, bwisit lang hindi pa rin sila nag lalaban bukod sa mga kasama nila”—salita naman nun kasama nya lalaki.

Lumapit ako dun sa dalawa at kinalabit ko silang dalawa para lumingon sila sa akin.. gusto ko kasi malaman bakit nag-kaka gulo dito at kung ano nanaman ang dahilan nito.

   “Pwede mag tanong? (^___^)”—Ako. if im not mistake ay classmate ko sila.

   “Haaaah!?! Paano kung sinabi namin! Na bawal ka mag tanong sa amin?!!”—maangas na salita sa akin ni Classmate angas 1.

   “Oy! Nakaka-istorbo ka s—!”—salita dapat ni Classmate angas 2 sa akin pero agad ko sya hinigit palapit sa akin.

   “Ayaw nyo? (^___^)”—salita ko dun sa kanilang dalawa.

   “O, sige-sige bitawan mo muna sya!, ano ba itatanong mo?!”—classmate angas 1.

   “Oh” sabay bitaw ko sa kasama nya “Ano meron bakit sila nag aaway dun sa gitna, sino  muna pala nag simula ng gulo dun”—tanong ko sa kanilang dalawa.

   “Saan bang planeta ka ba galing?? Ha!”—classmate angas 1. Napa tingin ako sa kanya na medyo naasar sa sinagot nya sa akin.. pigilan nyo ko dito baka hindi na ito maka lakad ng maayos sa akin (^__^)+

   “Mortal na sila mag kalaban, at itong si Night at Z ay laging nag-kakaharap sa mga Gang fight. hindi mo ba yun alam”—salita ni classmate angas 2.. mortal sila mag kalaban?, bakit ata ngayon ko lang nalaman yun.

   “Hindi eh, bakit kailangan ko ba alamin yun?”—sagot ko sa kanila.

   “Oo!, para hindi ka na maka-abala sa mga tao na andito!”—classmate angas 1.. isang-isa nalang (^_^)+ makaka tikim na sya ng suntok sa akin.

Hindi ko nalang sila pinansin at umalis nalang ako sa harap nila…. pa tingin-tingi nalang ako sa paligid para hanapin sila Vanessa at Angelo, pero habang hindi ako naka tingin sa daan ay may naka bangga pala ako.

   “Ohh! Penelope! Nakita mo ba sila Angel?”—tanong ko sa kanya.

   “Hindi ako hanapan ng mga nawawalang Kabayo!”—Penelope.

   “Ahh okay, bakit ka nga pala dito nasa taas at wala ka dun sa baba? AHH! Alam ko na! para hindi ka nila matapakan dun! sabagay masyado kang MALIIT at baka matapakan ka nila dun tsk-tsk ”—Ako at nilagpasan ko na sya at iniwan ko na sya dun. alam ko kasi na pasigaw yung isasagot nya sa akin.

   “O!! AYAN NA OH! MAG LALABAN NA YUNG LEADER NG NIGHT GANG AT DE GANG!!!”

Pag ka rinig ko nun ay tumigil ako saglit at tinignan ko sila Kian duon sa gitnang court, “Aaah..ang sama ng tingin nila sa isa’t isa… nag mumukha tuloy kayo matanda yan Kian, Zz…”—salita ko at bumaba nalang ako at naki pag siksikan nalang.

   “Excuse, makiki-daan lang”

   “Tabi nga! Padaan naman ako!”

   “Ano ba!!, Wag nyo naman ako itulak!! , itutulak ko kayo ng doble dyan!!”

   “Nyem#s! sabing padaan lang!! nakaka stress kayo!”

Yun ang mga salita ko at reklamo ko sa mga ayaw mag padaan sa akin… kaya yung iba na ayaw mag padaan sa akin, ay pa simpleng tinatapakan ko yung mga paa nila or simpleng tulak ang ginagawa ko. xD

   “Oy! Vanessa!!”—tawag ko sa babae na super support dun sa Night Gang.

Hindi nya ko nilingunan, kaya dalawa lang ang dahilan nun. Una hindi nya ko narinig dahil maingay dito sa pwesto namin, pangalawa abala sya sa pag sigaw dun kay Troy (-_-).

Naiinis na ko sa nangyayari ngayon, kaya naman ay tumingin ako kala Kian at nag lakad ako papunta dun sa gitna “PWEDE BA!! TUMIGIL NA NGA KAYO!! MGA BWISIT! KAYO!, YUNG MGA TEACHER NATIN HINDI MAKA PALAG DITO DAHIL HINAHARANGAN NG MGA CHISMOSO AT CHISMOSA DITO!!!!”—malakas na salita ko kaya naman napa tingin silang lahat sa akin.

   “ANO TINAWAG MO SA AMIN!?!!!”—salita nung mga babae, pero hindi ko sila pinansin.

   “ANG TAPANG NAMAN NITONG BABAE NA ITO! SAKTAN KA NAMIN DYAN!”—salita naman nung mga sigang/angas na mga lalaki sa akin.

Hindi ko pinansin yung mga sinasabi nila sa akin, at panigurado ay naka tingin na rin sa akin yung mga good students ng mga Selton.. anyway need ko lang itigil ang kalokohan ng mga nagaganap dito.

Tumigil sila Troy sa pakikipag suntukan kala Drake, at napa tingin naman silang sampo sa akin na palapit na ko sa kanila.. tumingin ako saglit kay Kian at iniba ko naman ang tingin ko kay Zion.

Nung naka lapit na ko kala Kian at Zion, ay binatukan ko ng malakas si Kian, at sinunod ko naman batukan itong si Zion… kaya naman maraming nabigla sa ginawa ko sa dalawang Leader ng Night Gang at DE gang.

   “Aray! naman, Min-min”—Kian.

   “What the hell!?! Dummy!’’—Zion. Reklamo nila after ko sila batukan tig-iisa.

   “UTANG NA LOOB!, KUNG GUSTO NYO MAG BUGBUGAN! WAG DITO!! SA BAGONG SCHOOL!, FIRST DAY NA FIRST DAY! ITO AGAD!!?! MANG-GUGULO AGAD-AGAD!?!!”—malakas na salita ko sa kanilang dalawa ni Kian at Zion.

Tumingin ako kay Kian ng ikina kaba naman nya. alam nya kasi ang mga tingin ko pag katapos ko sya batukan nun “Kararating mo lang galing sa ibang bansa! At nalaman mo lang na wala na ang 10th PS, ito agad Kian! (=_=)”—inis na salita ko sa kanya.

   “Ahh.. teka lang Min-min ko, mag papaliwanag muna ako sayo” sagot ni Kian sa akin, at tumingin naman sya kala Troy “Oy! Tama na, andito na ang Min-min ko, baka magalit nanaman sya sa akin”—salita ni Kian dun kala Troy, tumango naman sila Troy sa sinabi ni Kian sa kanila.

   “At ikaw! (=_=)” ako at tumingin naman ako kay Zion, alam ko nan aka tingin si Kian ulit sa akin “Akala ko ba kasama mo yung mga clown kani—n ”—salita ko dapat kay Zion, pero nag ring yung cellphone ko kaya napa tigil ako nun at agad ko sinagot yung tawag na yun.

   “Hello Dad?? ahh wait lang po medyo maingay dito”—Ako habang naka tingin sa akin silang lahat.. ano ba ito kahiya naman (>.<)7

   “YAZMIN JOY TORRES!!, ano itong nabasa ko na text na galing sayo!?!”—Malakas na boses ni Daddy sa kabilang linya.. waaah!! Partida kahit maingay dito sa gym rinig na rinig ko ang sinabi nya sa akin (>.<|I)7

   “Da—ddy…”—mahinang sagot ko sa kabilang linya. At mag walkout na sana ako para kausapin ko si Daddy sa tahimik na lugar ng biglang may humawak sa kanang kamay ko para pigilan ako mag walk out.

   “We need to talk now”—Zion. At hinila-hila na nya ako.

   “Ehhh?, teka lang kausap ko ang Daddy ko!”—mahinang sagot ko kay Zion. Nagulat naman ako na biglang kinuha nya yung cellphone ko at binaba nya yung tawag ng Daddy ko (=△=|I)

   “Talk to him later.. Let’s go”—salita nya at hinila-hila na nya ko.. pati rin yung mga kasama nya sa DE GANG ay sumunod na rin sa amin.

Patay ako nito kay Daddy dahil baka isipin nya na binabaan ko sya ng cellphone!! Nako-naku!!! Pag talaga sinermon ako ni Daddy humanda ka talaga sa akin Zion Sandoval!. (=△=|I)

TBC.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 45.7K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
23.4M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
1.7M 54.6K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
5M 178K 18
Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen.