The Things I Hate About You

بواسطة ceresvenus

166K 4.6K 957

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... المزيد

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 13

3.3K 129 37
بواسطة ceresvenus

"What? You're still into that guy?" Hindi makapaniwala si Maddie nang muli kong iopen ang topic tungkol kay Scorpion.

Tumango ako at uminom ng wine. It was girls night out and we were pre drinking at my unit.

"In fairness! Ang tagal mo nang bet ang papabol na iyan ah?" Sabi naman ni Laine.

"Medyo matagal na nga din." Sagot ko.

Ilang buwan na ding nagpapakipot sa akin si Scorpion. I never imagined that I'll stick to one guy for this long. Our relationship was some kind of a push and pull, habang lalo siyang lumalayo ay lalo ko siyang ginugusto .

"Hayaan mo na kaya 'yun? Madami namang iba diyan eh." Sabi ni Maddie na sinundan naman ni Laine.

"Oo nga. What about Rob? Ayaw mo na ba doon?"

Pareho ko silang inirapan.

"Matagal na kaming tapos. Mahigit isang taon na din. At saka diba, masyado ngang obsessed sa akin." Pabiro kong sabi pero totoo naman talaga.

Si Rob yung tipo ng boyfriend na kailangan palagi mong kasama. Kailangan palaging alam kung nasaan ka. At higit sa lahat, lahat ng bagay ay isasangguni pa sa kanya. Nasakal ako, I love my night life so much kaya nakipag hiwalay ako. Isa pa, masyado na siyang nagiging creepy.

11 pm nang makarating kami sa En Route. Dagsa ang mga tao at punong puno na ang mga upuan dahil biyernes. Mabuti nalang at kakilala ni Laine ang may ari kaya nakapag pa reserve kami ng isang couch. Doon kami naupo sa medyo malapit sa mga nag bi beer pong. Ang daming gwapo ngayong gabi ah.

"Beatrice!" Sigaw namin sa isa kong pang kaibigang si Beatrice.

Ramdam ko na agad ang mga matang nakatitig sa akin mapa babae man o lalaki. I'm wearing a tight sparkly silver dress at ine emphasize noon ang boobs ko dahil sa plunging neck line noon at ang aking mga curves.

"Laine! Order ka na." Inabot ni Maddie kay Laine ang menu. Narinig kong isang bote ng JD at dalawang carafe ang inorder niya.

"Snacks, ayaw niyo?" Tanong ni Laine.

"Masarap yung Calamares dito." Sabi naman ni Beatrice.

Binulong ni Laine sa waiter ang mga order namin at iniabot ulit ang menu.

"Shocks! Daming gwapo tonight ah?" Medyo malakas ang boses ni Laine dahil na rin sa lakas ng music.

Tama siya, maraming models at mga artista. Iyong iba naman mga artistahin.

"Tosca mamaya beer pong ah!" Baling sa akin ni Maddie.

"Pag naubos natin yung JD." Humalakhak ako at inobserbahan ang mga tao sa loob.

Madilim sa En Route, hindi katulad ng ibang bar ay medyo chill lang ang mga tao dito at walang nag sasayaw. Tamang head bang lang sa mga kantang pang party.

Napuno ng mga kwentuhan at tawanan ang buong table namin. Maya maya ay nag aya si Beatrice na mag yosi sa labas. Palabas na kami nang makasalubong namin ang isang grupo ng matatangkad na lalaki. Kahit madilim ay naaninag kong grupo ng mga gwapo ito. As in,may istura silang lahat at matatangkad pa. Nasa pitong lalaki ang pumasok kasabay nang pag labas namin.

Pinanghinaan agad ako ng tuhod nang magtagpo ang paningin namin ng isa sa mga lalaki doon. Huli na nang ma realize kong si Scor 'yon! Puta! Bakit nandito siya? Tiningnan niya ako na parang nang aasar. Ano nanamang pakulo niya?

Nanginginig ang kamay ko habang sinisindihan ang sigarilyo. Tangina! Anong gagawin ko? Para akong na excite na ewan. Ilang araw na kaming hindi nagkikita dahil busy ata siya sa kumpanya ng pamilya niya. Palaging ako ang ka meeting ng mga empleyado at ng ilang suppliers.

Na conscious ako kaagad sa itsura ko, naka straight lang ang buhok ko at hindi kulot katulad ng palaging style noon. At lalong patay ako kapag napansin niya ang maiksing suot ko at ang cleavage ko!

"What happened to you Tos? Para kang nakakita mg multo. Pula na nga lipstick mo namumutla ka pa." Nag tawanan ang mga kabigan ko nang punahin no Beatrice ang ichura ko.

"Gaga! Tangina, si Scor nandiyan! Wrong timing." Medyo inis na sagot ko. Sandali palang pero parang mauubos ko na ang yosi ko.

"Scor? Weh? Nandito? Small world ha." Sabat ni Laine na sinundan ng halakhak.

Tumawa ako at humithit ng yosi.

"Mamaya turo mo ah. Di ko pa nakikita iyon eh." Sabi ni Beatrice.Umoo nalang ako.

Napansin naming nag kakagulo yung mga tao sa tabi ng En Route at nang tingnan namin... Kaya naman pala, puro magagandang model ng kotse ang nakaparada doon na mag kakatabi. Kita ko agad ang mustang ni Scor kaya nakumpirma kong sa kanilang mag kakaibigan 'yon. Bahagya akong umiling. Filthy rich asshole.

"Teka ba't nagkakagulo? May artista?" Tanong ni Maddie.

"Yung mga lalaki ata kanina. Gaganda ng sasakyan ah." Puna ni Laine.

"Tara na nga! Show time!" Sigaw ko sa kanilang tatlo at inapakan ang sigarilyo.

Huminga muna ako ng malalim bago lumakad papasok ng En Route. Namataan ko kaagad ang tropahan nila Scorpion na nakaupo sa couch. Dalawang couch ang pagitan namin, nandoon sila sa mag bandang mga nag bi beer pong at kami naman ay nasa dulo.

Wala akong choice kundi dumaan sa table nila. Nanginginig ang tuhod ko sa sobrang kaba. Yung tipong, nandiyan 'yung crush mo tapos gusto mong mag papansin pero dapat hindi halata. Umiling ako at saka nilakasan ang loob ko.

"Tosca!" Tawag sakin ng isang lalaki na pag lingon ko ay si Eli pala.

"Uy!" Kunyari nagulat ako.

"Sinong kasama mo?" Inakbayan niya ako. Ang kabilang kamay ay may hawak na alak.

Naaninag ko na agad ang mainit na titig ni Scor sa akin. Bakit? Friends naman kami ni Eli at saka, hindi naman din siya mag seselos.

"Friends ko." Sagot ko pabalik kay Eli.

"Shot ka muna, Tos!" Inabot sa akin ni Clint ang isang baso. Nilagok ko iyon at nagpaalam na ako. Hindi ko kasi nakakayanan ang titig sa akin ni Scor.

"Hoy! Pakilala mo naman kami dun. Daming afam!" Sigaw sa akin ni Beatrice pag balik ko sa table namin.

"Gaga. Di ko naman ka close iyon." Sagot ko at umupo na.

Nag kwentuhan pa kami hanggang sa nag-ayang mag cr si Maddie. Naiihi na din ako kaya sumama na ako. Ang problema lang ay madaaanan ko nanaman sila Scor na ngayon ay nag bi beer pong na.

Tumatawa siya habang nanonood sa mga kaibigan niyang nag lalaro habang may kausap siyang isang lalaki. Tumatango pa siya habang tumatawa. May hawak din siyang isang baso ng alak sa isa niyang kamay.

Nauna ako kay Maddie na mag lakad. Nang dumaan kami ay pinilit kong huwag nalang siya pansinin kahit alam ko namang nakatingin siya sa akin. O baka nag fi feeling lang ako ulit.

Nakumpirma ko ang teorya ko nang sabihin sakin ni Maddie na nakita niya si Scor na nakatitig sa akin.

"Kita mo 'te? Talagang sinundan ka ng tingin!" Tili niya habang nasa loob kami ng cr.

"Talaga?" Sinulyapan ko siya sa salamin. Nag re retouch siya ng powder habang ako ay naglalagay ng lipstick.

"Oo nga. Tumigil pa nga bigla sa pag-tawa."

Nag karera nanaman tuloy ang puso ko. Kinabahan ako na parang ewan. Palabas na ako mg cr nang mamataan ko si Scor, mukhang inaabangan niya ako dahil nang makita niya ako ay umayos siya ng tayo. Kitang kita ko kung paano niya ako tingnan mula ulo hanggang paa. Pinag sawalang bahala ko siya ay lumabas na ako pero parang tumigil ng five seconds ang pagtibok ng puso ko nang pigilan niya ang braso ko.

"Wait." Narinig kong sabi niya.

Nilingon ko siya at nahuli ko ang paningin niya. "Bakit?" Tanong ko.

"Uy. Ano yan?" Tumawa si Maddie nang makita niya na magkadikit kami ni Scor.

Pinanlakihan ko nalang siya ng mata at mukhang nagets niya naman.

"Sunod ka nalang, Tos." Nag ba-bye pa siya na parang nang-aasar.

"Huy bakit?" Mas hinigit niya pa ako at pinaharap sa kanya.

Yumuko siya sa akin and for a moment there, I thought he was gonna kiss me. Pumikit na nga ako pero wala namang labi na dumampi sa labi ko. Sa halip ay naramdaman ko ang pagsinghap niya sa leeg ko.

"W-what are you doing?" Bulong ko.

"Sshh. I don't like this dress." Kahit malakas ang tugtog ay malinaw na malinaw sa pandinig ko iyon.

Nakalimutan ko atang huminga. Ang lapit lapit niya sa akin at tumindig lahat ng balahibo ko dahil don. Nag sisimula palang akong ma feel ang moment nang lumayo na kaagad siya.

"There. You may go." Sabi niya na may kasamang pag ngisi.

Muntik na akong mapakamot sa ulo dahil hindi ko nagets ang ginawa niya pero nang makita kong nag ilingan ang mga lalaki malapit sa beer pong table ay agad kong nakumpirma kung bakit.

He's so unfair. Namamarkahan niya ako kung kelan niya gusto pero hindi naman ako sigurado kung sa akin ba siya o hindi. There goes the same frustration again. Hanggang frustration nalang ba talaga siya?

"Hoy! Pucha! Nakita ko iyon ah?" Salubong ni Maddie.

Binatukan ko siya bago umupo sa upuan ko.

"Sira! Pinag tripan lang ako." Tumawa ako kahit medyo na hurt ako deep inside.

"Edi pag tripan mo din! Ano? Tara! Beer pong tayo! Madaming boys oh, sure ako magseselos iyon."

"May nag lalaro pa eh." Untag ni Laine.

Sabay sabay kaming lumingon at nakita nga namin na okupado ang dalawang lamesa ng beer pong. Sila Clint ang nag lalaro sa isa at ibang mga tao naman ang sa kabila.

"Abangan na natin. Baka aalis na 'yan." Tumayo si Beatrice.

Sumunod sa pag tayo naman ang dalawa ko pang kaibigan pero parang na glue ata sa upuan ang pwet ko dahil natatakot na akong bumalik doon. Nahihiya ako kay Scor eh.

"Tosca, ano ka? Dalagang pilipina? Tumayo ka na diyan!" Pilit ni Laine sa akin.

"Eh!" Nalukot ang mukha ko.

Nilapag ni Maddie ang isang baso ng jack-coke. "Oh! I bottoms up mo, leche ka."

Nag halakhakan ang mga kaibigan ko kaya sinunod ko iyon. Parang purong jack ang nakalagay don ah! Pero hinayaan ko na, pampalakas din ng loob.

"Sis, hindi ganyan ang Tosca na kilala ko. Dapat huwag kang papakabog! Pag selosin mo!" Pambubuyo sa akin ni Maddie.

"Eto na! Tatayo na! Puta." Tumayo ako at sumunod sa kanila.

May point naman si Maddie. Kailangan ko din ng sign. Kailangan ko ding malaman kung gusto niya din ba ako o talagang trip niya lang ako.

Nanood kami doon sa mga nag bi beer pong. Medyo matagal yung naglalaro na hindi namin kilala kaya nilapitan ko na si Clint.

"Couz! Palaro." Tinulak ko siya kaya medyo na out balance siya.

"Aray! Sino kalaro mo?" Nagkamot siya ng ulo.

Nginuso ko ang mga kaibigan ko at isa isa naman nilang kinawayan si Clint.

"Oy! Mga chicks yan ah! Sige na oh kayo na. Sven! Tara!" Tawag niya sa kalaro niya kanina.

Naglaro kami ng beer pong. Kakampi ko si Beatrice at mag kamampi si Maddie at Laine. Talo kami ni Beatrice. Ang dami naming nainom at sa katapusan ng game ay may pinainom pa sila samin na isang baso ng beer.

"Ano, Isa pa?" Tanong ni Laine.

Napansin ko na nanonood ang tropa nila Clint sa amin. Siguro tinamaan ako ng demonyong JD, hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko pero niyaya ko silang sumali.

"Girls vs. Boys nalang! Tara, Eliott! Clint!" Tawag ko sa kanila.

"Matatalo kayo, Tos." Biro ni Eliott.

"Puro satsat! Dun kayo sa kabila." Turo ko sa kabilang side ng table.

Pumwesto sila Eliott at Clint doon kasama ang dalawa nilang kaibigan. Salitan ang pag-tira ng bola sa baso. Kapag na shoot namin, kailangan inumin nila and vice versa.

Unti-unting nawala ang kaba ko nang nasa kalagitnaan kami ng game. Tila nakalimutan kong nandiyan si Scor at nag mamasid. Lasing na nga ata talaga ako dahil nang magkatinginan kami ay kinindatan ko pa siya.

Sa huli ay nanalo kaming girls! Tag iisang baso ang ininom nila Clint pagkatapos ng game. Tawang tawa kami dahil masuka suka sila. Kung kanina ay nagkakahiyaan pa, ngayon ay magkakaibigan na ang lahat. Nag tatawanan kami at nag iinuman. Nakilala ko na nga iyong mga iba nilang kaibigan eh. Si Scor naman ayun, katabi pa din iyong lalaki kanina. Nasa may bandang bar sila pero nanonood din.

"Ayoko na! Puta!" Sigaw ni Eliott pagkaubos niya.

"De tol, kampihan nalang." Suggestion ni Clint na pinasundan naman ng mga kaibigan ko.

"Sige. Kampi tayo, Eliott!" Tawag ko kay Eli.

"Ha? Wag ako! Ayaw ko na nga eh. Ayun oh! Pre! Tara!" Parang naihi ako ng kaunti sa panty ko ng tawagin niya si Scor na tumatawa namang lumapit.

"Beer pong kayo. Tangina, puro ka papogi diyan eh." Tinulak ni Eli si Scor sa side namin.

"Kampi kayo ni Tosca, Scor!" Sabi ni Maddie sa kanya.

"Kami nalang ni kuya Clint." Sabi ni Laine.

"Kaya niya na 'yan." Singit ni Beatrice at naupo sa couch ng tropa nola Clint.

Matutuwa ba ako sa mga gagang ito o hindi? Aba't pinagkaluno ako eh. Pero tipsy na ako kaya sige. Flirt kung flirt!

Tinaasan nila ang shot kada baso. Malapit nang mangalahati iyon.

"Magkasalubong nanaman kilay mo." Puna ko sa kanya.

Ang tangkad niya talaga. Hanggang lagpas balikat niya lang ako. Kailangan ko pa tuloy tumingala sa kanya.

"Lasing ka?" Tanong niya.

"Hindi po. Slight." Sumenyas ako ng "kunti lang" sa kanya.

"Tsk. Galingan mo" Hinawakan niya ang balikat ko at hinarap ako sa table.

Nagsimula ang game at pantay lang naman ang bawat team. Napapansin kong dikit na ako ng dikit kay Scor. Nararamdaman ko siya sa pwet ko. Tawa nga ako ng tawa eh, pero hindi naman nila alam na iyon ang pinag tatawanan ko, akala nila sa game ako natutuwa.

"Huy! Ishoot mo naman!" Maarte kong sabi. Nakatayo siya sa likod ko kaya nilingon ko siya.

"Wag ka magulo." Gumapang sa bewang ko ang braso niya. Hinapit niya ako palapit.

Hindi siya humiwalay sa akin habang shinu-shoot niya ang bola. Paulit ulit akong nagmura sa isip ko. Kinikilig ako!

Napapatalon ako kapag nashu shoot ko ang bola. Lalo na kapag siya ang nakaka shoot, nang maka shoot si Laine ay si Scor ang uminom noon. Dalawang baso nalang at tapos na ang game. Binato ko ang bola at na shoot iyon. Si Clint ang uminom, nag sisisihan pa sila ni Laine. Hanggang sa kami na ni Scor ang nanalo. Tumalon ako at pumalakpak dahil kailangan nanaman nilang uminom ng tig-isang basong beer.

Narinig kong tumatawa si Scor sa likod ko at mga sis! The whole time naka pulupot sa baywang ko ang braso niya! Parang protective na protective siya sa akin.

Hinila ko siya sa gitna ng table dahil sina Maddie naman daw ang mag lalaro. Team team din sila pero wholesome naman dahil friends friends lang. Si Scor lang naman ang may malisya siya akin.

Umiinom ako ng JD at hindi ko alam kung kailan napunta sa leeg ko ang mga braso niya. Parang niyayapos niya na nga ako habang nakatalikod. Pero keri lang! Ngayon lang naman naging touchy sa akin ito eh, siguro sinasadya niya din para walang pumorma sa akin. Ang dami kong kakilala dito, baka nga trending nanaman ako bukas nito.

Tumatawa siya sa likod ko habang nanonood ng laro nila Maddie at Eliott. Natatawa na din ako dahil pareho nilang ginugulo ang bawat team para hindi maka shoot.

"Scor. Cr lang ako." Paalam ko sa kanya para pakawalan niya ako.

Naningkit ang mga mata nang kumalas ako sa hawak niya. Iihi naman talaga ako. Baka sa sobrang kilig ko siya pa ang maihian ko eh.

Pagkalabas ko ay hinanap ko kaagad siya. Hindi ko siya nakita dahil nandoon pala siya sa gilid sa tabi ng cr at bar. Hinila niya ang pala pulsuhan ko at sinandal ako sa pader.

"I hate your dress." Aniya.

Naamoy ko ang hininga niya na amoy alak. Natulala lang ako sa harap niya. Napaka gwapo mo naman sir!

"S-sorry. Di ko alam na nandito ka." Dahilan ko.

"Ganyan ka pala manamit kapag wala ako?" Tumaas ang kilay niya.

Naramdaman ko ang tensyon sa katawan niya. Ayoko siyang magalit! Dapat sweet lang siya. Maraming salamat naman sa espirito ng alak dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob na kabigin siya at halikan. Akala ko aatras siya pero tinugonan niya naman ang halik ko.

Oh my freaking gosh! We are fvcking making out! We're making out!

Ang lagkit ng mga halik niya. May kasama pang haplos sa bewang ko pababa sa hita ko. Napadiin tuloy kapit ko sa leeg niya. As in hindi ko alam kung gaano kami katagal nag make out doon!

"Tos! Tama na yan!" Sigaw ni Beatrice mula sa beer pong table.

"Get a room!"

"Ay puta! Si fafa Scor! Ayan na!"

Nag join force ang mga kaibigan ko at ang mga kaibigan niya sa pang aasar sa amin. Nakita kong bahagyang umangat ang sulok ng labi niya bago ako pinakawalan. Umiling siya at kinuha ang kamay ko. Nag bi beer pong pa din ang mga kaibigan ko at sina Eliott. Alas dos y media na ng madaling araw pero buhay na buhay ang En Route.

Tumili ako nang tumugtog ang Thief sa buong club. Remix iyon pero iyon ang paborito kong kanta.

Like a thief in the night
I'm coming for your heart
I'm coming for your heart
This time it's anything goes
I guess I'm just a selfish ghost
Ghost, ghost, ghost...

Sinabayan ko ang kanta habang naka tingala kay Scor. Umiiling iling pa ako dahil feel na feel ko. Sumayaw ako kasabay ng kanta. Medyo mabagal ang kanta at tagos sa laman. Nag sway lang ako na may kasamang head bang.

Nang mag drop ang beat ay pumikit ako at sinabayan ng headbang ang tugtog.

I know you're scared
Because somebody told you I was up to no good
But i'll be here
Waiting for the chance to take you out this neighborhood
There's a whole wide world for us to see
The only thing you gotta do is follow me

Iyan ang mag gusto kong sabihin sa kanya. Sinabayan ko nalang ang verse at sinabayan ng indayog ang tunog ng saxophone. Tinuturo ko pa siya kahit magkalapit lang kami. Mariing magkadikit ang mga labi niya habang pinapanood ako.

"Smoke!" Hinila ako ni Laine palabas ay nagpatianod lang ako.

"Di ka pa lasing? Tara na kaya?" Aya niya sa akin.

"Lasing na ako gaga. Hatid niyo ako." Sabi ko dahil sasakyan niya ang gamit namin kanina.

"Ha? Eh pa fairview ako. Sila Beatrice diyan lang yan sa North. Paano ka?"

Oo nga pala. Out of the way ako sa mga daan nila. Naisip kong magpahatid kay Scor. Masyado na akong hilo para bumalik sa loob kaya tinext ko siya. Lagi niya naman hawak ang phone niya eh.

____________________________
Scor❤️


|Me:Can you drive me
home? Too drunk|

|Scor: No. Where's ur
friends? Sa kanila ka
pahatid.|

|Out of the way ako.
Alright. Taxi nalang me.|

____________________________

Binalik ko sa bag ko ang cellphone ko. Umupo muna ako sandali sa hagdan katabi ng En Route habang hinihintay si Laine. Sinundo niya kasi sa loob sina Beatrice at Maddie.

After naming mag halikan hindi man lang ako ihahatid ni Scor. Nag mukmok nanaman tuloy ako. Perfect na sana ang gabi ko eh. Hindi ako mapakali kaya naisip kong badtripin siya. Nagtext ako ulit sa kanya. Lukot na lukot ang mukha ko habang nag ta type.

____________________________
Scor❤️


|Me:Can you drive me
home? Too drunk|

|Scor: No. Where's ur
friends? Sa kanila ka
pahatid.|

|Out of the way ako.
Alright. Taxi nalang me.|

|May guys na nag offer
sakin ng ride. Uwi na me.
Gnyt. Ingat u.|

|What? Where are u?
I'll drive u.|
____________________________

Wala pang thirty seconds nag reply kaagad siya eh. Tawang tawa ako eh. Maya maya ayan na siya. Mabibigat ang hakbang. Namataan niya akong nakaupo sa hagdan kaya kinaladkad niya agad ako patungo sa sasakyan niya. Kita mo na? Ihahatid din naman pala ako.

"See? You care for me." Inasar ko siya pagka sakay namin ng sasakyan.

"Shut up!" Sabi niya habang iniistart ang sasakyan.

"I really really like you. Kiss mo nga ako, isa pa." Nag pout ako at tinuro ang labi ko.

Inis niya akong tinitigan. Iiling iling siya habang nag mamaneho.

"You've had enough kisses for tonight, Tosca. And I'm mad at you."

"Whaaat? Why!" Nag baby talk ako. Parang timang lang.

"You know exactly why! You always push me to my limits! Bakit ka ba ganyan ah? Tingnan mo, lasing na lasing ka!"

"Nope. Kung lasing ako, sana ginapang na kita." Biro ko.

Pero sineryos niya at dahil nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela.

"Lahat ng lalaki gagapangin mo kapag lasing ka?" Naku po. Alam ko na yang tono na 'yan. Galit na yan.

"Hindi. Ikaw nga eh." Bulong bulong ko.

"May plano ka pa nga atang sumama sa kung sino eh!"

Sigaw niya. Natatawa lang ako sa kanya eh, gawa gawa ko lang naman iyon. At kahit may mag offer pa ay hindi naman ako sasama.

"Sige. Tumawa ka pa!"

"Masyado kang galit. Kelan ba ako makaka good shot sa'yo!" Untag ko habang nakatanaw sa tahimik na edsa.

"Stop that. I'm mad at you. Hindi mo ako makukuha sa ganyan mo!"

Umirap ako kahit di niya ako nakikita.

"I'll sleep. I'm sleepy." I murmured.

"Ano? Tutulugan mo ako!"

Dinedma ko nalang ang sermon niya sa akin. Palagi siyang ganyan. Ipaparamdam niya sa akin kung paano siya tapos bigla akong susungitan. Palagi nalang.

A/n: hi guys! ok lang ba yung ganyang format? what do u think? hit the star and leave a comment below. thanks guys!

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

11.7M 474K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
2.9M 104K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
60.8K 634 34
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
258K 14.3K 36
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...