Isla Esperanza [Boyxboy] (Com...

By IThinkJaimenlove

76.7K 840 85

The Full story is only available on Dreame. Search for my Pen name, IthinkJaimenlove and Follow me. Date Sta... More

The Brat - Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
PROMOTE NEW STORY
Author's Note.
PDF FILE STILL AVAILABLE!
PDF FILE AVAILABLE ON RAKETPH

Chapter 5

2.9K 102 5
By IThinkJaimenlove


Steve

Siguro nama'y walang ipaguutos sa akin ang isang 'yun. Simula kasi ng nangyari kahapon sa may palayan ay hindi na ito tumawag sa akin kinabukasan.

Kinakacareer narin niya ang pagiging amo ko, e. Matapos ba naman ang paglalarong ginawa namin sa bukid,  na kung hindi lang kami pinagsabihan ni itay ay walang titigil sa pagbabatuhan ng putik. Pinahigib ba naman niya ako ng ipangliligo niya kasi gusto niya daw maligo doon sa mag bukid, buti nalang talaga at may balon doon sa may tubig na medyo malayo layo pa.

Bwesit talaga siya dahil spoiled na spoiled kung umasta. Pasalamat siya dahil andun si itay, dahil kung wala baka ilublub ko ulit ang kanyang mukha sa putik.

Tumunog naman ang cellphone ko na nasa tabi ko lang, nakaupo kasi ako sa may labas ng bahay namin habang nagkakape. Kakagising ko lang din at nakapagbreakfast na.

Ako nalang at ang aking kapatid na lalaki, na nasa labing dalawa ang gulang, ang natitira dito sa bahay dahil maagang umaalis ang mga tao rito upang magtrabaho.

Kinuha ko ang cellphone ko para lang mangunot ang noo ko. Rumihistro ang pangalan ng amo ko daw sa screen ng mumurahin kung cellphone.

Binuksan ko naman ang kanyang text message, "Pumunta ka sa bahay ngayon na. Kapag nalate ka paparusahan kita," Sabi sa text.

Ano na namang kachildishan ang pinagsasabi niya? Hindi nalang ako nagreply dahil agad na akong pumasok sa loob at naligo ng mabilisan lang.

******

Pagdating ko palang sa pinto ng malaking bahay ay nandun na siya sa harap na parang may hinihintay, sino naman kaya ang hinihintay nito? At mukhang bihis na bihis pa siya sa kanyang ayos, ah?

Napatingin 'to sa akin na na sobrang sama. Oh? Wala naman akong ginagawa sakanya pero kung makatingin siya sa akin ngayon ay para na niya akong papatayin.

"You're late" Sabi nito na tinaasan pa ako ng kilay. Bakla ba siya?

"Anong late late ka diyan, wala ka namang sinabing oras sa message mo kaya hindi ako late." Sabi ko na nasa labas parin habang siya naman kasi ay nasa pinto.

"Ganun parin 'yun, dami mung excuse bakla" Sabi niya at umalis sa kanyang pwesto.

Sinundan ko naman siya at pumunta siya sa nakapark na kotse sa labas ng malaking bahay. Kotse niya 'to dahil wala namang kotse dito nung wala pa siya.

"Saan pala punta mo, Sir?" Tanong ko habang nasa tabi niya ako tapos siya ay nasa tabi ng kotse.

"Hindi mo nakikita?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko para ipaalam na nagtataka talaga ako.

"Ang alin ho? 'yung kotse mo? Bakit sir kayo lang ba may mata?" Sabi ko sakanya. Sumama naman ang kanyang tingin sa akin, kanina pa siya ganiyan, ah?

"Stupid..." Sabi niya at binuksan ang pinto na sasakyan saka siya pumasok sa loob. "Get in the car, we're going to the market" Sabi nito kaya sinunod ko naman siya.

Bilang ako ang nakakaalam din ng lugar na ito ay kaya siguro niya ako isasama? Malaki naman kasi talaga ang Isla Ezperanza, pero hindi kasing laki ng lugar sa syudad na may mga malls at mga pasyalan kasama na ang malalaking buildings.

Sa lugar namin ay may malls din naman pero hindi kasing laki ng mga buildings sa syudad.

Nasa daan na nga kaming dalawa at walang nagsasalit kahit na sino. hindi naman kasi traffic dito sa amin kaya fifteen minutes lang ay nasa pusod ko na nga lugar.

Nagpark siya sa isang department store, hindi ko alam kung ano ang bibilhin niya dito? Kung grocery lang naman, e. Sobrang dami sa malaking bahay at kumpleto na ang lahat ng 'yun.

Bumaba kami at sumunod ako sakanya na naglakad papasok sa naturang building.

Hindi maipagkakailang nakakaagaw talaga siya ng pansin, dahil ang isang 'to ay talaga namang gwapo. Malakas ang kanyang sex appeal kaya mapapatingin ka talaga sakanya. Napapatingin nga sakanya ang mga sales lady at iba pang mga taong nandito sa loob.

Pumunta siya sa drinks area at kumuha ng alak saka pumunta naman siya sa counter para bayaran ang kanyang binili.

Sinabi rin pala sa akin na wala siyang credit card ngayon dahil naka-off iyun kaya hangga't maari ay hindi siya bibigyan ng pera na kinikita ng hacienda.

Lumabas kami sa department store na 'yun at pumasok ulit sa kotse niya.

"Saan ulit tayo pupunta, Sir?" Tanong ko sakanya ng nagdadrive naman siya papunta sa kung saan.

"Uuwe na" Maikling sabi nito.

"Yun lang kinuha mo dito tapos nagpasama sama kapa sa akin?" Sabi ko sakanya.

Aba, e. Kaya naman niyang gawin 'yun na mag-isa lang niya bakit niya pa ako pinasama dito? Kung hindi lang naman siya siraulo, e hindi na niya ako pasasamahin dito.

"Diba P.A kita? Kung nasaan ako. Dapat nandun karin, right?" Sabi niya nakatingin parin sa daan.

"Di sana sinabi mo sa aking alak lang pala ang bibilhin mo para nakuhanan kita ng lambanog sa may hacienda" Sabi ko sabay irap kahit na hindi naman niya nakikita 'yun.

"Hindi ka naman kasi nagtatanong. Saka pwedi ba? Just shut up, huwag mo nalang kasi ako pakialaman sa kung ano ang ginagawa ko. Sabihin mo nalang kay lola na binabantayan mo rin ako pero ang totoo hindi, okey?" Sabi nito na nagpatahimik sa akin bigla.

Hindi nalang naman din ako nagsalita dahil hindi kami matatapos sa pagsasagutan kung patuloy ko siyang sasagutin kasi alam kong mapride din ito, e.

Pagkapasok namin sa tarangkahan ng hacienda ay tumigil siya tapos tumingin sa akin ng nakangisi.

"You can get out now" Sabi nito at nginuso pa ang pinto.

Tumingin ako rito ng masama dahil sa kanyang idea na papababain na ako dito sa gate? Siraulo nga siya, 'di ba niya alam na malayo pa ang malaking bahay magmula dito sa gate at aabutin ka ng 30 minutes sa paglalakad lang pero kung sasakay ka ay mabilid lang naman?

"Gago kaba?" Iyan nalang ang nasabi ko dahil sa inis pero talaga desidido talaga siyang pagtripan ako ngayon.

"Utos ko 'yun kaya bumaba kana kung ayaw mo kaladkarin pa kita palabas"

Padabog kung binuksan ang pinto ng kotse niya at nilakasan ko talaga ang pagkakasara.

Ngumisi naman ito saka niya pinaandar ang sasakyan. Pinabugahan pa ako ng uso kaya inubo ubo ako dahil sa usok

"BWESIT KA TALAGANG HAYOP KA!" Sigaw ko sakanya pero mukhang hindi na niya ako narinig dahil sa bilis na niyang magmaneho.

Sinimulan ko nalang ang paglalakad ng mabilid dahil gusto kung maabutan pa ang bwesit na 'yun para makapaghigante.

Ano tingin niya sa akin? Nagpapaapi nalang ng ganun ganun lang? Hindi naman at pwedi 'yun na hindi porket mahirap lang kami ay nakukuha na niyang mang-api ng mahirap.

Akala ko nga'y gusto niyang matuto sa kahirapan? Pakitang tao lang pala niya 'yung kahapon para makuha ang loob ng mga tao rito at makuha niya ang gusto niyang makabalik sa syudad.

Kapag nakuha na niya ang loob ng mga tao rito at magsasabi sila na mabait ang Timothy na 'yun pero ang totoo ay sobrang sama niya kung tutuusin. Wala siyang puso.

Pagbabayaran talaga niya 'tong ginawa niyang pang-iiwan sa akin sa gate palang ng hacienda, e alam naman siguro niyang wala akong masasakyan kaya niya nagawa niya ang bagay na 'yun.

Pinagsisipa ko naman ang bato na nadadaanan ko habang naglalakad ako pauwe. Malayo layo pa ang lalakarin ko dahil sa laki naman kasi ng hacienda ay talagang mapapagod kang maglakad.

Habang nasa daan ako ay napansin ko ang isang puting sasakyan na huminto sa aking tabi. Tumingin ako rito ng nagtataka, sino 'to? Wala namang nagpupunta ritong sasakyan, ah?

Lumabas ang isang lalaking nakasuot ng salamin sa kanyang mata at ibinaba nito ang salamin saka tumingin sa akin.

Gwapo, ang salitang pumasok agad sa isip ko pagkakita ko palang sakanya.

"Where are you going?" Tanong nito.

Mukhang bagong salta ito rito at sigurado akong kilala niya si Timothy. Kaedad din kasi siguro namin 'to.

"Uuwi ho ng bahay, Sir." Kahit na hindi ko naman kilala kung sino nga 'to ay tatawagin ko nalang ng sir.

"Pwedi kang makisabay sa akin and besides it is my first time here buti nalang nahanap ko ang lugar. Gusto ko ring puntahan si Timo, kilala mo ba siya?" Sabi nito.

Tumango lang ako, "Pero nakakahiya po sayo. Hindi niyo naman ho ako kilala." Sabi ko at nagtunog akong pabebe sa inasta ko?

"Don't mind it. Anyways, I'm Marco. Kaibigan ako ni Timo" Sabi niya.

Lumapit ito sa pwesto ko saka iniabot ang kanyang mga kamay.

"Steve po, sir." At nakipagkamay ako sakanya bilang tanda ng pagpapakilala.

"Okey then, tara na? Hindi rin kasi alam ni Timo na andito ako hahaha I want to surprise him" Sabi niya at binuksan ang passenger's seat.

Nakakahiya bakit kailang pa niyang buksan 'yun?

Ngumiti nalang ako saka pumasok sa loob, hindi ko na tatanggihan ang kanyang alok dahil narin sa mapapagod lang ako kakalakad kung tatanggihan ko 'yun at ng mas madali akong makapunta sa malaking bahay para mapektusan ang brat na 'yun.

Continue Reading

You'll Also Like

63.3K 2.9K 24
What if your first three kisses comes from one person? Cover by: Samantha Jabar
392K 5.4K 51
Isang pag-iibigan na gagawin ang lahat... Hahamakin ang lahat ... Makaaway pa nila ang buong earth.... Wag lang mawala sa kanya ang taong mahal niya.
181K 905 5
Halos dalawang taon na ang nakakalipas ng huling makita ni Hans ang unang taong nagpamulat sa kanya ng salitang "Pag-ibig". Sa kanyang pagbabalik sa...
453K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...