Existence Of A Peculiar Lady

By purpleprose14

536 58 42

Highest rank: #71 IN SCIENCE FICTION Naranasan mo na bang magamit? Yung tipong hahanapin ka ng lahat kasi kai... More

Existence Of A Peculiar Lady
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8

Chapter 9

17 3 3
By purpleprose14

First Trial

Simula nang magising ako ay puro habilin na ni Musika ang naririnig ko. Napagalaman ko na ang pagsubok na ito ay binubuo ng tatlong parte. Isang araw para sa isang parte ng pagsubok.

Bale tatlong araw ang sasakupin ng pagsubok na kahaharapin ko. Tatlong araw bago ko makamit ang unang tagumpay ko.

"Tatlong oras nalang Morgiana at magsisimula na ang test, nabusog ka ba sa kinain natin? Galingan mo ha? Sana makapasa ka, ipagdadasal kita. Tapos lingon ka lang sa side namin kapag kailangan mo ng inspirasyon ha? Tsaka lagi—" sunod sunod na sabi nito pero pinutol siya ni Michiko.

Tinakpan ni Michiko ang bibig ni Musika, nang maramdaman iyon ay agad na nagpumiglas si Musika at kinagat ang kamay ni Michiko.

Um-aray si Michiko at umirap.

"Anong akala mo dyan? Sanggol?" saad ni Michiko habang nakaturo sa'kin. Akmang lalabas siya ng kusina pero tumigil siya sa gilid ko.

Nakatayo lang ako sa gilid niya at hindi nagpapatinag sa presensya niya.

"Btw, Morgiana. Goodluck. Sana unang test palang bumagsak ka na. As far as I know, the first trial will test your cognitive ability. It's really simple and if you fail, I'm not going to let you be part of our team anymore. Kahit pa mag retake ka." dagdag ni Michiko habang diretsong nakatingin sa harap niya. Pagkatapos ay lumabas na ito ng kusina.

Nanatili akong kalmado at walang pinapakitang emosyon kahit gusto ko nang bangasan ang mukha ng babaeng katabi ko kanina.

Ibinaling ko ang tingin kay Musika na kasalukuyang kinukutkot ang kamay niya. Pakiramdam ko hihingi nanaman 'to ng tawad because she has this sweet personality which really irritates me.

"Sorry Morgiana... Michiko's attitude is trashy but it will not last. Paniguradong gusto lang niya na makapasa ka kaya tinatakot ka niya. She said goodluck diba? She's also rooting for you, it's just that she's not the type of person who will tell you that straight in your face." Mahabang litanya ni Musika.

Nanatili akong walang pinapakitang emosyon at tinulungan nalang siyang mag ligpit ng pinagkainan namin.

Okay lang, hindi ko naman kailangan ng suporta mula sainyo. Gagawin ko ang makakaya ko, hindi dahil gusto kong maging parte ng grupo niyo, kundi dahil sa misteryong bumabalot sa grupong meron kayo. I will put an end to whatever you guys are hiding.

++*++

MAGSISIMULA NA ang pagsubok. It will be held at an enclosed area, a sphere of competition. Sa gitna ay ang isang stage kung saan kami pepuwesto. May ilang upuan sa loob no'n kung saan may makina't ilang kuryente sa taas ng bawat upuan at isang malaking hologram naman sa tapat ng mga upuan.

Binabalot ng glass barrier ang stage dahil sa taas ng stage ay may mga upuan din para sa mga susuporta sa kanilang posibleng bagong kagrupo.

Kasama ko ngayon sina Musika, Leif, Michiko at Blaze dahil papanoorin daw ni Michiko kung papaano ako babagsak sa unang pagsubok. Siya raw ang unang babati sa'kin na congrats dahil hindi ako nakapasa.

Hindi ko alam kung dapat bang matawa ako sa itsura ng apat na nasa likuran ko.

Gumawa ng banner si Musika na hawak hawak niya kasama si Leif. Mayroon din silang lobo at damit kung saan may nakasulat na, 'Goodluck Mina!'

Kanina ko pa nga naririnig si Michiko na nagrereklamo dahil kailangan niya pa raw isuot at hawakan ang damit at lobo na iyon. Wala naman daw siyang pake sa akin. Si Musika ay patawa-tawa lang sa nagrereklamong si Michiko, kasama sa nangaasar kay Michiko ay si Leif. Sinasabi nitong pwede naman daw nyang hubarin ang damit at bitawan iyong lobo kung gugustuhin niya pero umiirap lamang si Michiko bilang sagot. Si Blaze naman ay may sariling mundo at hindi pinapansin ang mga kasama nito.

Tuloy lamang ang pagkukulitan ng grupong kabibilangan ko kung sakaling makapasa ako hanggang sa narinig sa buong paligid ang isang boses.

"To all the contenders, please enter the Sphere of Competition. To all the contenders, please enter the Sphere of Competition."

Akmang aalis na sana ako nang hinatak ako ni Musika at ni Leif sa magkabilaang kamay.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanila.

"Galingan mo! Sana asdgfhjkl..." sabay na sabi nila pero hindi na naintindihan ung huli dahil magkaiba sila ng sinasabi. Napailing nalang ako sakanilang dalawa.

"Ano ba Leif! Sabi ko dapat ganto, galingan mo! Sana makapasa ka at maging ka miyembro na namin!" sabi ni Musika habang parang batang tinuturo turo si Leif na kumakamot naman sa ulo niya.

"Iyan na nga eh, ikaw na nga ang nagsabi..." Nakasimangot na saad ni Leif.

Tumango nalang ako sakanila at naglakad na papunta sa gitna.

"Go Morgiana! Go Morgiana!" masiglang saad ng dalawang makulit sa likuran ko.

Napansin ko rin ang pag irap ng ibang grupo at pagbubulungan nila. Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa stage na may glass barrier.

Isa-isa kaming pinapasok sa loob at inayos kami ng mga naka puting enchanter. Pinaupo ako sa isang upuan at may idinikit sa sentido ko na galing sa makinang nasa taas ng upuan ko.

"Hindi ka man lang kinakabahan? Hindi ko man lang maramdaman na may kaunting kaba sa dibdib mo." saad ng naka puting enchanter na naka assign na tulungan at bantayan ako.

"Bakit ako kakabahan?" tanong ko pabalik.

Imbis na sagutin ako ay narinig ko na lamang ang mahinang pag usal nito na waring natatawa o humahanga.

"Sino ka? Uhm, ang ibigsabihin ko, anong pangalan mo?" Nakangiting tanong nito. Otomatikong kumunot ang noo ko pero sinagot ko pa rin siya.

"Morgiana."

"Umaasa akong makikita kita sa mga susunod na yugto ng grupong kilala bilang Cursed Team." saad nito habang nananatili ang ngiti sa mukha niya at tinapik ng marahan ang pisngi ko.

Hindi ko alam kung nahipnotismo ba ako pero tumango ako sakaniya bilang sagot at mas lumaki naman ang ngiti na nakapaskil sa mukha nito.

"The instructions will be given in a few minutes. Once again, the instruction will be given in a few minutes. Please get ready."

Lumipas ang ilang minuto at bago magsimula ay pasimple akong lumingon sa direksyon ng kinauupuan nila Musika. Nakita ko silang kumakaway-kaway na parang tanga.

"Good morning to all the contenders! This is the first part of your trial and this aims to test your cognitive ability. You will be given 10 questions and you must answer each of it correctly. You can not move on to the next number unless you got the correct answer in the current question. The time limit would be 5 minutes. Those who would finish it beyond the given time limit would not pass the first trial."

After that, silence filled the stage.

Inilibot ko ang paningin at nagtaka ako. Pano nila malalaman kung nasagot na namin ang tanong? Wala akong nakikitang papel o kung ano mang pwedeng pagsulatan.

"Start."

Nang marinig iyon ay agad na may mga salitang nag pop sa hologram.

#1: David's father has three sons : Snap, Crackle and _____ ?

Napailing ako sa tanong. It might confuse you a little but the answer is already there at the first sentence. It's David.

I was astonished when the question suddenly became different. How about the others? Tapos na rin sila gaya ko? O magkakaiba kami ng nakikita?

#2: What has many keys, but can't even open a single door?

Kumunot ang noo ko pero if keys ang paguusapan, there's only a few that can be associated. Is it literal or no? Because if not, then Piano is one of the best answer for this...

Katulad ng kanina ay nag iba agad ang tanong sa hologram na nasa harapan.

#3: You live in a one storey house made "entirely of redwood". What color would the stairs be?

Isa na namang tanong na kung saan kapag inisip mo ng mas malalim ay maliligaw ka lang. It said that you're living in a one storey house so how come there would be stairs?

#4: Mr. and Mrs. Mustard have six daughters and each daughter has one brother. How many people are in the Mustard family?

A tricky question. If I'm the type of person who loves to complicate things, I would not get the right answer. The answer is 9. Each daughter shares the same brother so there are six girls, one boy plus Mr and Mrs. Mustard. All in all, there are 9 Mustards in the family.

#5: A boy was at a carnival and went to a booth where a man said to the boy, "If I write your exact weight on this piece of paper then you have to give me $50, but if I cannot, I will pay you $50." The boy looked around and saw no weighing scale so he agrees, thinking no matter what the man writes he'll just say he weighs more or less. In the end the boy ended up paying the man $50. How did the man win the bet?

As I go further, the question seems to turn more crafty. It's simple yet beguiling. Sometimes people have cunning ways to deceive their own kin. The answer is also simple. The man did exactly as he said he would and wrote "your exact weight" on the paper. He didn't have to guess the exact weight of the boy, pretty sly, right?

The questions are continuously changing after I answer it. Nang matapos ako sa pagsagot ay nag iba ang paligid ko. Nawala ako sa stage kung saan kasama ko ang ilang contenders kundi ay napunta ako sa isang lugar na sobrang pamilyar.

Nakatalikod sa akin ang isang taong kilalang kilala ko.

"M-Morgan?" nagtatakang tanong ko.

"Go home, Morgiana. You passed their test but you failed me."

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...