When I Fell In Love

By warriorMulan16

661 27 0

This work is compilation of Spoken Poetry. The topic in this piece is all about love and heart breaks. More

The Wattpader is In Love. With Whom?
Friends Turn in to Strangers
Panandaliang Kasiyahan
Torpe
Suko na ako!
Walang Katugon ang Aking Nararamdaman
Walang Kamatayang Pagmamamahal
Pagmamahal nga ba?
Pangako
PANGUNGULILA
Hadlang sa Pag-iibigan
Isang Maling Akala
Dating Tagpuan

Kailan Man ay hindi Magiging Tayo

237 5 0
By warriorMulan16

Spoken Poetry by WarriorMulan

Dedicated to my co- wattpaders who fell in love with the fictional characters of the story that they are reading.

Ang tulang ito ay produkto ng malikot na isip ni J. The warrior mulan

"Kailan Man ay Hindi Magiging Tayo".

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ika' y aking nagustuhan

Pinilit kong tuldukan itong aking nararamdaman, dahil alam ko... alam ko sa sarili ko na wala itong patutunguhan.

Nasa bandang huli ako at rin lang yong masasaktan at maiiwang luhaan.

Pero susugal na ako kahit gaano pa kasakit yan💘

Kahit sabihin man ng iba na ito'y isang kabaliwan 💘

Dahil ang pag- ibig ko sayo ay kaligahayan💘

Kaligahayan na sayo'y aking natagpuan.

Kanlungan ko ang iyong mainit na bisig 😘

Puso ko' y panatag, sa kayakap mong kay higpit.😘

Mga ngiti sa labi mo' y inspirasyon sa bawat saglit 😘

Mahal, kahit as panaginip ay hindi ka mawawaglit

Lumipas man ang panahon hindi mabubura sa aking isip mga pinagsaluhan nating matatamis na halik

Pero paano ko panghahawakan ang mga karanasang iyon kung ang mga ito ay puro lang ilusyon.

Mga pangyayari na binuo ko gamit ang malawak kong imahinasyon.

Produkto ng ang aking isip na dadalhin sa susunod na mga taon.

Maniniwala na ba ako na kailan man ay hindi magiging tayo.

Kailangan ko na bang tanggapin na hindi ako nakatadhana sayo.

Sapagkat nabubuhay ako rito sa mundo

At ika' y nariyan sa loob ng libro

FICTIONAL character ka sa binabasa kong istorya

Sa loob ng libro nariyan ang iyong kapahera.

Paano naman ako... Paano naman ang pag- ibig na nais kong ilaan sayo?

Wala na bang pag- asa?
Pag- asa na magiging akin ka, Pag- asa na tayo rin ay maging masaya? Wala na ba?

Oo, isa lang akong mambabasa

Iiyak, kapag nasasaktan ka, dahil iyon lang ang kaya kong magawa at walang iba.

Hindi kita mayayakap para sabihing "magpagkatatag ka"

Napakalabong mangyari, dahil wala ka, dahil mundo nati'y magkaiba.

Ang pag- iibigan natin ay suntok sa buwan.

Walang puwang sa mundo kong gingalawan at isa lang malaking kahibangan.

Ito ay pag- iibigang, walang patutunguhan... Ang pag- iibigang kailan ma'y hindi maiisakatuparan.

Sapagkat ika'y kathalang isip lamang at sa mundo' y sa aklat ka lang matatagpuan.

Oo, walang tayo, at kailan ma' y hindi magiging tayo.

Sapagkat ika' y nasa libro at nasa reyalidad naman ako.

Kailangan ko na bang sumuko at tanggapin itong aking pagkabigo.

O patuloy nalalaban kahit resulta' y unti- unti pagkabiyak ng aking puso.

Lalaban pa ba ako at susugal sa pag- ibig na alam ko sa huli' y ako ay talo?

At kahit kailan ay walang salitang panalo.

Dahil napakalabong maging tayo.

TAYO, isang salita na binubuo ng apat na letra.

Pero kahit anong pilit ay hindi maaring magsama.

Dahil alam natin na hindi tayo nakatadhana para sa isa't - isa.

Napakasakit isipin, napakahirap tanggapin na ang mga pangarap nati' y ay hindi kayang tuparin.

Pangarap na habang buhay ika' y mamahalin

Pangarap na bawat umaga'y sabay nating sasalubungin.

Pangarap na sabay tayong tatanda at uubanin.

Subalit ang mga pangarap na iyon ka' y hirap abutin.

At sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang mga pangarap

Tila ba sinasampal ako ng katotohanan na kailan man ay hindi ito magaganap.

Makailang ulit nya rin ipinamumukha sa akin na ang kaligayahan ay hindi natin malalasap.

Masakit umasa na magiging tayo kahit hindi naman,

Pero mas masakit yong katotohanan na umasa ako kahit wala namang aasahan.

Dapat noong una palang ang pag- ibig na ito ay akin ng winakasan

Di sana maliit lang ang sugat na maiiwan

Hindi sana ako gaanong nahihirapan.

Marahil ito ang pagkakamali ko, Umibig ako ng todo - todo at dumating sa punto nawasak ang puso ko.

Sana Fictional character narin lang ako.

Di sana kahit papaano ay may pag- asa maging tayo.

Dahil pareho tayong nasa loob ng libro

At kung nagkagayon ako ang kapareha mo sa kinapapalooban nating kwento.

Isa na naman itong malaking kahibangan.

At ang kahilingan ito ay kailan man ay 'di mapagbibigyan

Kailangan ko na sigurong buksan ang sarado kong puso at isipan

Maharil ay kailangan ko ng tanggapin ang katotohanan

Na ako' y tao at ika' y kathang isip lamang

At kailan ma'y hindi mabibigyan ng puwang ang ating pag - iibigan.

Salamat sayo dahil masasabi kong minsa' y umibig ako;

Na minsa' y bumilis ang tibok ng puso ko;

Na minsa' y kinilig ako dahil sa mga lintanya mo.

Dahil sayo hindi ko naramdaman na nag- iisa sa mundo

Na kahit ika' y nariyan sa libro ay napapangiti mo ako.

Salamat, dahil sayo naramdaman ko ang mga ito.

Salamat naranasan kong minsa' y maging buo.

Kailangan kong tanggapin na kailan ma' y hindi magiging tayo.

Pero kahit gayon ay hindi ka mawawala sa puso ko.

Hanggang matagpuan ko ang lalaking magbibigay buhay sa Fictional character mong pagkatao.

END

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 165 39
I write poetry. So you're good? I didn't say that. I write poetry. So you can rhyme? I don't always. I write poetry. So you tell stories? Every time.
16.1K 764 148
Most of this is sad, any TW will be at the start of them I'm a 16 y/o just wanting to share some of my poetry with people other than my friends :] (A...
745 129 19
he was my coffee, he was my comfort.
2.8K 27 74
None of these belong to me. These are just quotes/poems I found on social media.