Isla Esperanza [Boyxboy] (Com...

By IThinkJaimenlove

76.7K 839 85

The Full story is only available on Dreame. Search for my Pen name, IthinkJaimenlove and Follow me. Date Sta... More

The Brat - Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
PROMOTE NEW STORY
Author's Note.
PDF FILE STILL AVAILABLE!
PDF FILE AVAILABLE ON RAKETPH

Chapter 3

3K 113 4
By IThinkJaimenlove


STEVE

"Hello, Lola Silvestre" Sagot ko sa tawag pagka-uwe ko galing sa bukid upang ipamigay ang kanilang pananghalian.

"I just wanted to tell you na, nandiyan ang apo ko" At kinuwento na niya kung bakit nandito ang kanyang apo.

Si Timothy Park, ang brat na iyun na ipinatapon niya dito para lang magbago. Tss

"Ano po ang gagawin ko, Lola? " Tanong ko sakanya.

Kilala ko na ang pamilya ng Park simula pa ng ako'y bata. Dito na rin ako ipinanganak sa kanilang hacienda kung saan kami naninirahan na ibinigay na lupa kung saan nakatayo ang mga bahay ng bawat nagtatrabaho sa kanila. Maging ang aking mga magulang ay parehong nagtatrabaho, ang aking ina'y sa manggahan at ang aking ama naman ay sa dragon fruit at minsan nama'y katiwala na ng bahay dahil sa tagal na niyang nagtatrabaho dito.

Mabait ang pamilya nila dahil sa dami na ng kanilang natulungan pero hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang inaasta ng Timothy na iyun kanina.

Masama kasi ang ibinibigay niyang mga titig sa akin nung nasa may Palayan kami, galit ba siya sa mga katulad ko? Aba, e huwag niya akong idamay-damay dahil dito sa lugar na ito ako dapat bibida.

Papunta na nga ako sa mansyon para ipaalam sa lalaking 'yun ang napag-usapan namin ng kanyang lola. Masyado nga sigurong brat 'tong taong 'to kaya nakuha na nilang ipatapon dito.

Dumiretso ako sa sala at sasabihin ko na sana sa isa sa mga katulong dito na hinahanap ko ang kanilang bagong amo pero hindi na pala kailangan dahil pababa na ito ng hagdan.

Welcome naman ako rito sa bahay na 'to at sa katunayan nga ay may sarili na akong kwarto dito pero mas gusto kung sa bahay manatili para palagi kung makasama ang pamilya ko kahit na simple lang ang pamumuhay namin, masasabi kung nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw.

"What are you doing here?" Tanong nito pagkalapit sa akin.

Sabi ko na nga ba na masama talaga ugali neto, pakitang tao lang 'yung ginagawa niya sa mga tao kanina nung namasyal sila ni itay.

"Ho?" Pag-uulit ko, napatanga kasi ako sa kanyang itsura. Bakit kasi nakaboxer brief lang ito tapos manipis na tshirt? 'di ba niya alam na malamig dito?

"Are you deaf?" Aba't nakuha pa akong tawaging bingi.

"Huwag niyo ho kasing inenglish dahil mahina ho ako diyan sa totoo lang" Syempre biro lang iyun. Naiintindihan ko naman siya pero ayoko lang na kailangan pang magenglish. Pilipino tayo, e.

At nagkasagutan na nga kaming dalawa. Bwesit na bwesit pa ako ng ipinasok niya ang kamay ko sa kangang tshirt.

Sa tuwing naiisip ko 'yun ay hindi ko maiwasang hindi pamulahan ng magkabilang pisngi. Bwesit, hindi porket lalaki siya ay gagawin na niya kung ano ang kahinaan naming mga bakla. Nakatikim tuloy siya ng kurot sa akin, anong akala niya? 'di porket nagrerebelde siya ngayon ay hindi ko na siya kakalabanin? Aba, e. Nathan Steven Raymundo ata 'tong magiging personal assistant niya?

Isa pa iyang pagiging P.A na iyan, hindi na tuloy ako makatanggi dahil ang kanyang Lola na ang nagsabi sa akin.

Humiga nalang ako sa aking kama at natulog nalang dahil bukas panibagong araw na naman, panibagong bwesit na naman ang makakasama ko.

Bwesit na Bwesit rin ako kinabukasan dahil ang aga naman yata nagpapatawag ang isang 'yun? Ano ang kailangan niya?

Naglakad nalang ako papunta sa bahay niya para narin ma-exercise ang aking mga paa. Masyado naman kasing maaga ang pagtawag sa akin ng Timothy na 'yun.

Hindi ko nalang sana Binigay ang number ko kagabi para hindi niya ako matawagan ng ganito kaaga.

Kumatok ako sa malaking pinto pagdating ko at pinagbuksan naman ako ng isang katulong, ate Melanie.

"Oh, ang aga mo naparito Steve?" Tanong nito pagkabukas niya ng pintuan.

"Kasi naman po, 'yung amo niyo diyan pinapatawag ako ng ganito kaaga."Ani ko at pumasok ako sa loob, nagdirediretso sa sala ng bahay.

"Nandun siya sa kusina, sumunod kana doon ng makakain karin" Sabi nito at iniwan na ako rito.

Pumunta naman ako sa kusina at naabutan ko siyang nakikilaghalikan at ang malala pa ay isa sa mga katulong ang kanyang kahalikan.

Kunwari ay umubo ako para magpapansin sa kanila, nagulat naman ang mga ito at napatingin sa akin.

Ang babae namang kahalikan niya ay nagtago sa likod nito, hindi ko kilala ito at mukhang bago palamang 'to rito.

"What are you doing here, stupid" Anito at humarap sa akin dahil nakatalikod ito habang 'yung kahalikan niya'y nasa likod na niya, itinatago ang ulo.

"Ako dapat ang magtanong sayo niyan? Bakit pinapunta mo ako rito?" Taas noo kung pagtatanong.

Ngumisi naman ito na parang may masamang binabalak kaya kahit na hindi naman dapat ako kabahan ay kinabahan talaga ako.

Nakita ko na ngayon ang ugali niya at mukhang hindi tama na pumayag akong maging personal assistant neto? Kundi lang talaga mabait ang kanyang lola ay hindi talaga ako papayag.

Kinausap niya naman iyung hitad na umalis na muna at nakakaistorbo siya rito. Kita mo? Matapos niya halik halikan sasabihan niyang nakakaistorbo? Akala ko ako ang nakakaistorbo dito.

Humarap ulit ito sa akin na hindi parin nawawala ang kanyang ngisi sa mukha.

"Diba ikaw ang magiging SLAVE ko rito?" At diniinan pa talaga ang salitang SLAVE?

"Para sa kaalaman mo, P.A lang ako. Tagabantay mo lang para isumbong ko sa lola mo ang mga pinaggagagawa mo rito" Umupo ako sa upuang kaharap ng mga pagkain dahil nagugutom ako "Huwag mo ako matawag tawag na slave dahil hindi mo ako alipin" Inirapan ko ito saka kumuha ng pagkain na naroroon sa mesa.

"Whatever! Utusan ka parin ng pamilya namin, whether you like it or not. Susundin mo lahat ng ipag-uutos ko sayo" Inirapan ko lang ito saka kumain nalang ng kumain.

Kapag kasi nagugutom ako ay hindi dapat ako kinakausap dahil hindi rin kita sasagutin.

"Atsaka, paano mo nakukuhang kumain na hindi nagpapaalam sa akin? Makapal talaga iyang mukha mo, 'no?" Sabi pa nito at umupo sa kaharap kung upuan.

Kinuha nito ang kinakain ko saka siya ang kumain ng mga pagkaing naroroon.

Tinignan ko ito ng masama saka binawi ulit ang platong naglalaman ng pagkain ko.

" At para ulit sa kaalaman mo, Isa sa mga pinag-utos ng lola mo na sa bahay na ito'y welcome ang taong gutom" Sabi ko sakanya at kumain ulit ako.

Wala siyang nagawa kundi kumuha nalang ng isang plato at doon kumain ng kanya, kakainin pa niya ang sa akin? Akala ko ba nandidiri ito sa mga katulad ko?

Pagkatapos nga naming kumain ay sinabi na niya kung ano ang ipapagawa niya sa akin.

Pumunta kami sa lugar kung saan niya gustong pumunta sa araw na 'to, sa karancho ng mga hayop na katulad niya.

Sari saring hayo ang nandito, I mean mga farm animals katulad ng baka at kabayo.

Kaya halos lahat ng mga ginagamit na gatas sa bahay ay dito galing at fresh ang lahat ng iyun, kasama na ang mga itlog at iba pang karne.

Napapatingin ako ngayon sa taong kasama ko dahil sa ayos niya ngayon.

Totoo na gwapo siya katulad ngayon, suot ang bota at pantaloon. Para siyang henete ng mga kabayo hahaha.

"Anong gusto mung gawin dito?" Tanong ko sakanya pagkarating namin sakay ng kalesa na si itay ang nagmamaneho.

"Nagpag-isip isip ko kasing kung gusto kong makabalik sa syudad, I need to change. Kaya dapat turuan mo ako kung paano mamuhay ang isang farmer, dito rin kasi nagsimula ang aking lolo't lola so i need to learn where they came from" Sabi nito na nakatingin sa akin.

Siguro tama nga ang kanyang naisip na paraan. Dapat niya munang malaman kung paano mamuhay ng mahirap para hindi siya magastos ng magastos at kung paano matutong magpahalaga sa mga maliliit na bagay sa ating paligid.

Ngiti lang ang isinukli ko sakanya bilang pagsang-ayon sa kanyang planong pagkatuto ng mga bagay na hindi pa niya natutunan.

*****

Votes and Comments

Continue Reading

You'll Also Like

49.7K 782 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
1.7M 72.4K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
8M 203K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...