carmela's POV.
titig na titig ako sakanya na gusto kong isipin na kamukha lang nya .
bumitaw sila sa pagkakayakap
"bakit ka nandito? bumalik ka as a trainee?" napa nod sya.
"sa totoo lang ako yung pumalit kay mashi" malungkot nyang sabi .. nalungkot din si danika ..
"sorry ayokong mag mukhang plastik pero hindi ako masayang pinalitan mo sya"
ngumiti naman sya "naintindihan ko .."
"hindi naman ako sayo galit .. hmm sadyang alam mo na nalulungkot padin ako pero welcome back" nagka ngitian naman sila
tsaka sila tumingin sakin ..
"oh carmela hindi mo ba iwewelcome si midam?" napa gulp naman ako ..
sabay ngiti sakanya .
"uh ? we~welcome back" utal kong sabi. .
"gulat na gulat ka atang nandito ako ??" lumapit sya sakin tsaka nyako niyakap
"wala naman na kaya okay lang naman siguro na yakapin kita? magkaibigan pa naman tayo diba?" sabi nya .
napa nod naman ako ..
"I miss you" sabi nya tsaka nya din inalis yung yakap..
"ano to magka kilala kayo??" ayan nandyan nanaman po yung pakealamerang manager namin
"kaibigan pa po namin sya nung wala kapa .. infact si ms. lee nakahanap samin kaya close kami .." sabi ni danika asar na asar sya sa bagong manager namin eh
"wal akong pakealam kung close ba kayo or what gusto ko lang umiwas mo na kayo sa isat isa para di kayo ma issue" sabi nya
napa bow naman si midam .
"sorry po .. last na po to gusto ko lang po makita mga kaibigan ko " sabi nya
"oh sige na pumunta kana sa member mo .." sabi ni manager . gigil ako ate ha ?
napalingon samin si midam ..
"aalis na ako .." ngumiti naman ako
"bye" paalam naman ni danika tsaka tumakbo paalis si midam ..
napa cross arms si danika.
"happy ??" tanong nya sabay irap
"tara na" tawag nya sakin .. susunod na sana ako
"saan kayo pupunta ?" tanong nya .
tumigil naman si danika tsaka nya to lininong .
"tatae. ano bubuntot ka padin? napansin ko lahat na lang eh buntot ka ng buntot .. josko .. si ms. lee nga hindi sa lahat ng bagay pinapakailaman nya kami kasi alam mo kung bakit may tiwala sya samin .. " sabay irap nya
"kakain lang kami !" aalis na sana si danika
"bastos ka talaga eh noh? ano bang pinag yayabang mo ??"
napangisi naman si danika
"marami akong kayang ipag yabang eh ikaw ?? ano pagiging manager namin??" napa iling na lang to tsaka tuluyan syang umalis ..
napatingin sakin si manager soo .. umirap na lang ako tsaka ako sumunod kay danika ..
kainis din kasi ganda ng moment namin ni midam ..
na miss ko din sya .. hiyang hiya ako sakanya kasi pinagpalit ko sya sa maling tao .
andyan na sya eh perfect boyfriend gagawin lahat para sakin..
pero wala nakong nararamdaman sakanya .. na miss ko lang siya bilang kaibigan ko ..
sising sisi ako na sinaktan ko yung tulad nya..
**************************
Seunghun's POV.
nag prapractice na kami wala si yedam dahil hindi namin sya kasamang mag peperform ..
hindi padin ako makaimik dahil nandito si midam .
"ang tahimik ." sabi ni haruto .
"so aayosin natin .. dahil marami naman akong part dito ibibigay ko yung ibang part ko kay midam" sabi ni junkyu .
"meryenda muna kaya tayo?" sabi naman ni haruto ..
"sige .." sabi naman ni midam .
tumayo junkyu .
"tara haruto samahan mo ko .. "
"saan?" tanong nya
"meryenda diba? tayo na kumuha dito na tayo mag meryenda"
tumayo naman si haruto
"anong gusto nyo?" tanong ni junkyu
"kahit ano. " sabay naming sabi .
"oh duet pa" sabi ni haruto ..
"tara na " tawag ni junkyu tsaka sila unalis ..
"kamusta?" tanong nya ..
"ayos lang "sagot ko
"babawiin ko na"sabi nya napalingon naman ako sakanya .
"ano ?" tanong ko
"babawiin ko kung anong kinuha mo sakin dati na hindi mo naman inalagaan .."
alam ko na ibig nyang sabihin
"pumasok kaba dito para sa pangarap mo o para lang dyan?"
"pano pag sinabi kong parehas?"
napa ngisi naman ako ..
"sure kang kaya mong pag sabayin?"
ngumisi naman sya
"makikita"
"kung mahal mo sya hindi ka gagawa ng ikakasira ng pangarap nya .. alam mo kung anong gusto nya at pangarap nya"
"alam ko ginagawa ko .. " tsaka sya tumayo at pumunta sa computer ..
napa close fist naman ako ..
hindi ko alam pero feel ko gusto nyang bumalik sakanya si carmela .. hindi ko alam pero di ako masayang nandito sya .. sabihin nyo ng selfish ako .. pero yun nararamdaman ko ngayon ..
"ayosin mo na lang performance mo bukas " sabi ko..
"kailangan ko pabang ayosin .. naka salalay din naman kay yedam ?" sabi nya ..
inikot nya yung upuan para maka harap sakin ..
"nafefeel ko ikaw na susunod .. " sabi nya nagulat naman ako sa sinabi nya ..
"sa totoo lang ikaw pinaka ayoko .."
"alam ko kung bakit .. natanong mo ba kung gusto kita?"
ngumisi sya ..
"alam kong ayaw mo sakin .. halata naman na parang hindi ako welcome sa grupo .. para sayo lang naman .." bigla syang tumalikod..
"naging mag kaibgan din tayo pero tinanggap ko yun dahil kaibigan kita at mahal ko sya .. pero ang hindi ko matanggap ngayon sinira mo kung anong meron kami tapos sasaktan mo lang sya .. pasalamat ka marunong akong mag tiis ngayon palang gusto na kitang sapakin!"
hindi ako makapag salita .. sinira ko kung anong meron kami .. umalis sya ng hindi nang gulo samin ni carmela..
naiintindihan ko kung bakit galit sya sakin ngayon ..
biglang bumukas yung pinto.
"oh bat ang tahimik?" paglingon ko si yedam..
"kumuha ng meryenda yung dalawa" sagot ko ..
**************************
danika's POV.
Nandito lang ako sa recording studio ..
lagi kami dito .. naalala ko puro kalokohan sya. naalala ko din yung huling usap namin ..
tama narin siguro yung nagawa ko .. kung kami .. kami talaga .. itong pangarap ko minsanan lang to mag fofocus muna ako dito
kahit masakit kailangan ko padin labanan ..
biglang bumukas yung pinto .. napalingon naman ako ..
"nandito ka padin?? maaga pa tayo bukas ha ??" sabi ni yedam. .
pumasok naman sya tsaka nya sinara lumapit naman sya tsaka sya umupo ..
"maglalaban ba tayo bukas ??" tanong ko ..
napabuntong hininga naman sya .
"oo ." sagot nya
"bat ang lungkot mo ?" tanong ko ulit .
"ayokong kalabanin ka."
ngumiti naman ako sakanya .
"ano kaba manalo matalo magkaibigan padin tayo .. "
"alam ko yun pero ang sakit lang din na naglalaban tayo dahil sa pangarap natin .."
"wala eh tanggapin nalang natin .."
"sorry" nagulat naman ako sa sinabi nya..
"sorry for what ??~" takang tanong ko .
"mas pinili ko pangarap ko .. nasasaktan na kita dahil lang sa pagka bulag ko sa pangarap ko .."
"hindi kita maintindihan!"
"huli na para dito .. nahuli nako .. mahal kita .. pero hindi ko kayang ipaglaban dahil sa pangarap ko .." tsaka sya napa yuko.
nagulat ako sa sinabi nya.. bakit ?? bakit ngayon pa ?? ngayon pa na nawala na nararamdaman ko sayo ..
inangat naman nya ulo nya tsaka sya napa ngiti ..
"wag mong masyadong isipin tong sinabi ko .. basta ngayon pangako susuportahan kita "
tulala lang ako sakanya ..
ginulo naman nya buhok ko
"wag kang masyadong seryoso .. basta ha kahit anong mang yari magkaibigan padin tayo .." sabi nya
ngumiti naman ako ..
"naman .. so ! ano galingan natin bukas!" sabi ko ..
ngumiti naman sya
"sige .. kung sinong matalo manlilibre ??"
natawa naman kami
"sige .."
siguro nga hindi kami para sa isat isa .. hanggang kaibigan lang siguro binigay samin ..
hindi ko alam pero si mashi na talaga eh sigurado nako sa nararamdaman ko ..
sana mahihintay ako ni mashi sana wag pa syang mag mahal ng iba sana ako padin hanggang sa pwede na ..
**************************
carmela's POV.
hindi ko alam pero kanina ko pa iniisip pag babalik ni midam .. nahihiya talaga ako sakanya .. anlaki ng kasalanan ko sakanya pero tinanggap at umalis lang sya ng tahimik ..
ngayon bumalik sya dont get me wrong hindi bumabalik feelings ko sakanya .. nakokonsensya padin ako ..
mahal ko pa si hun .. biglang bumukas yung pinto .
"oh gising kapa ??" sabi nya .. si danika pala tsaka sya pumunta sa bed nya .
"okay ka lang ??" tanong nya
tumingin naman ako sakanya sabay ngiti
"yes okay lang ako .. ikaw ba ? kamusta puso ??"
napabuntong hininga naman sya .. sabay higa .
"kailangan tanggapin .. alam ko isa ako sa mga rason kung bat sya umalis .. hindi ko sasayangin yun .. "
"alam mo nagtataka ako .." sabi ko napalingon naman sya sakin
"saan??"
"sa trip ni mr. yang ."
"anong trip ?? "
"sa huli kayo lang din naman ni yedam paglalabanin .. bakit kailangan pa tayong pahirapan lahat .."
"bakit lagi nyong sinasabi na nasaamin ni yedam .. nakasalalay saamin ?? survival show to .. malay mo ako ang maalis at ikaw ang lumaban kay yedam .." sabi nya nagulat naman ako ..
"josko anong laban ko dun ??" natawa naman sya
"bakit wala kang tiwala sa sarili mo ??"
"hindi sa ganun pero si yedam ?? mygaaad look pati staff nga sa company gustong gusto sya .. lalo na ni YG .. pero hindi ko sinasabing kapit lang laban nya ha ?? napaka talented din kasi nya .. "
ngumiti naman sya
"sabagay .. hindi ko din sya kayang talunin .." sabi nya
"so give up naba tayo ??"
"hindi!!" sabi nya
"kahit mahirap laban .. nakapag usap nadin kami"
nagulat naman ako .
"talaga??"
napa nod sya
"anong napag usapan nyo ??"
"about survival show at magiging laban namin bukas .. matalo manalo magkaibigan padin .."
ngumiti naman ako ..
"kahit nasasaktan na kayo sa sarili nyong gawain ni yedam .. todo supprt padin kayo sa isat isa noh??"
napa tingin sya sakin ..
"wag na nga natin pag usapan matulog na tayo .. may laban pa bukas .."
"sana manalo ka .. kapag nanalo ka bukas may pag asa pa tayo .." sabi ko
"sana nga .. " tsaka sya pumikit ..
humiga nadin ako .. naalala ko nanaman yung midam .. pinikit ko na lang mata ko .. sana panaginip na lang na bumalik sya .. hindi sya ayoko syang bumalik .. hiyang hiya lang talaga ako sa nagawa ko sakanya
**************************
Hun's POV.
nag aayos na kami .. wala si yedam ngayon . iba laban eh sila ni danika mag lalaban.
"bakit pa tayo pinunta dito kung kila yedam din makukuha resulta ??" sabi ni haruto ..
"ginagawa lang din to ni mr. yang para makita kung deserving tayo para mag debut .. hindi naman pweding si yedam at danika lang nag hihirap tayo naghihintay sa panalo nila .. kailangan din nilang makita kung deserve ba tayo " sagot ni midam ..
okay ikaw na matalino.. hindi ko alam pero naiinis ako sakanya ..
"kinakabahan tuloy ako .." sabi ni junkyu
"kay danika ako kinakabahan" sabi ko
"bakit ??" tanong ni haruto
"masyado ng magaling si yedam .." sagot ko
"hindi naman porket mas na train si yedam mahihirapan na syang talunin ni danika . hindi lang sa talent yan nasa diskarte narin .." sabi ni midam
"sabagay may point ka kaya ni danika yun" sabi ni junkyu .
ikaw na magaling! langya alam ko may kasalanan ako sakanya pero parang grabe naman ata galit sakin ng ogag na to ?
"galingan na lang natin .. dahil mismong mga kpop artist manunood satin .." sabi ni midam
"sino kaya mga yun??" sabi naman ni haruto
"baka under sa company din" sabi ni junkyu
hindi na lang ako umiimik at nakikinig na lang ako sakanila ..
baka basagin lang din ulit ako ng isa dyan masyadong magaling eh..