Pulang Pluma (Filipino Poetry)

By evekatalbas

1K 36 8

Ang mga pangunahing tema ng mga sumusunod na tula ay pag-ibig, pagkabigo at pagsisimulang-muli. Ngayon palang... More

Tindahan ng Rosas
Ekis Na Pula
May Puwang Ba Ako Sa Puso Mo?
Nagbabakasakali
Linlangin Mo Man
Nang Sabihin Mong Paalam
Panawagan

Tok, Tok, Tok

300 6 7
By evekatalbas

Tok, tok, tok, pusong marupok
Lagay mo'y kamusta na?
Mga nangyari noong nagdaang taon
Ay nakalimutan mo na ba?

Tok, tok, tok, pusong marupok
Handa ka na bang muli
Upang sumubok magmahal
At, katok sa kahoy, masawi?

Tok, tok, tok, pusong marupok
Sapat na ba ang panahon?
Naghilom na ba ang mga sugat
Na dulot ng kahapon?

Tok, tok, tok, pusong marupok
Kung ikaw ay handa na
Mayroong nagbabakasakaling
Sa iyo ay mag-alaga

Tok, tok, tok, pusong marupok
Naghihintay
Nag-aabang
May kumakatok, tok, tok, tok

Continue Reading

You'll Also Like

1K 5 106
Koleksyon ng mga tulang inilaan para sa mga taong dumaan, dumaraan at daraan pa. Isinulat para sa isang taong itinago ang pangalan sa likod ng mga tu...
1.1K 81 66
Minsan hindi mo na kailangang maghanap pa Dahil kusa nalang dumarating ang mga salita. [Akimala (Koleksiyon ng mga Tula)]
452K 1.8K 102
Tula para sa mga taong lumuha, tula para sa mga mugtong mata na sa pagiyak ay pagod na, at tula para sa nakaraang nais limutin na. Tula para sa tunay...
5.9K 73 24
Idaan natin sa mga tula ang puso mong di kayang magbitaw ng salita.
Wattpad App - Unlock exclusive features