AGATHA'S PROVERBS
Mga pashneang mga diwata!lalong lalo na si Pirena sinugatan pa talaga ako pero di bale na sa panahon na ako'y malakas na makakaganti rin ako sa kanila.
CRISELDA:Mahal na Reyna(Sabay pagbibigay pugay)
AGATHA:Bakit ngayon ka lang?!(Inis kong tanong)
CRISELDA:Poltre Hara,pagkat ako'y nagmanman sa Lireo kanina.
AGATHA:Tapos meron kabang nahihita doon?
CRISELDA:Ang impormasyon lang nang aking nakukuha ay naghahanda na sila para sa taglamig namigay sila nang mga gamit sa buong Lireo at Adamya.
AGATHA:Alam ko na iyon!wala ka na bang ibang nalalaman bukod doon?!
CRISELDA:Poltre Hara.
AGATHA:Wala na man akong magagawa!ipagpatuloy mo lang ang pag espiya sa mga diwata nang saganon ay masimulan na ang ating planong pagkubkob.
GENERAL'S PROVERBS
Kinabukasan sinunod naman ang bawat tribu nang Hathoria at Sapiro na nabigyan nang mga gamit para sa taglamig nalagyan na rin nang enkantasyon ni Pirena at Danaya ang bawat kaharian upang maging normal temperatura at maapektuhan sa klima ang mga paligid nito at ganon na rin ang bawat lupain nang saganon ay tumubo pa rin ang mga puno na nagbibigay nang bunga. Nalaman na rin nang buong encantadia ang tungkol sa bagong kaaway na mula kaharian nang nyebe.Pagkalipas nang ilang araw nagsimula na nga ang taglamig sa buong encantadia.
Sa Lireo..
Niyakap ni Memfes si Alena nang patalikod.
ALENA:Napakaaga mo atang naparito Mahal.
MEMFES:Pagkat ako'y nasasabik sa iyo at sa anak natin(Sabay halik niya sa pisngi nang Hara)
Hinarap siya ni Alena at ipinalibot niya ang kanyang mga braso sa batok nang Rehav samantalang ang mga kamay ni Memfes ay nasa bewang nang Hara..
ALENA:Ilang araw lang tayong hindi magkasama,nasasabik kana kaagad sa amin?
MEMFES:Oo naman(Inilapit niya ang kanyang mukha ni Alena nang biglang sumulpot ang kanilang anak sa kanilang Harapan agad naman silang napakalas sa isa't isa)
ADAMUS:Avisala po sa inyo!Magsimula na po tayo magsanay Ama!(masayang sambit niya)
Walang magawa ang Rehav kundi sundan ang anak natawa naman si Alena na napakamot ito sa kanyang ulo.
Sa Azotea nang Lireo..
AQUIL:Nagsimula na nga ang taglamig,Avisala Eshma kay Emre na walang lupain na naapektuhan sa klima.
DANAYA:Oo nga mahal, at kung ano mang binabalak nang Agathang iyon sana'y hindi siya magtagumpay..
AQUIL:Tama ka Danaya at nang saganon ay magkaroon na permanteng kapayapaan dito at masundan na rin si Dasha..
DANAYA:Ashtadi ka talaga Aquil(Bahagyang tinampal ni Danaya ay kanang braso nang kanyang asawa)
Hindi nila namalayang na nasa harapan na pala ang kanilang Anak
DASHA:Sana nga po Ama upang magkaroon na ako nang Apwe!😊
Nagtawanan nalang silang sa tinuran nang kanilang anak..
SA HATHORIA..
Naunang nagising si Pirena babangon na sana siya ngunit hinigpitan nang Rama ang pagkakayakap niya sa Hara.
AZULAN:Dito muna tayo mahal ang masyado pang maaga.(Pangungumbinsi niya sa asawa sabay halik sa balikat nito)
PIRENA:Gustohin ko man ngunit hindi maari pagkat meron pa tayong mga kalatas na dapat lagdaan.
AZULAN:Konti nalang ang mga iyon kaya pumarito muna tayo.(Pangungumbinsi niya ulit)
Hinarap siya ni Pirena at sabay sabing.
PIRENA:Paano kung ayaw ko!
AZULAN:Pipigilan kita!😊
PIRENA:Paano mo ako pipigilan?
AZULAN:Ganito!(Dinaganan niya ang kanyang asawa ngumiti na mapanukso)
PIRENA:Akala mo madadaan mo ako sa mga galawan mo Rama?(Pangaasar niya)
AZULAN:Bakit naman hindi Hara?(Inilapit niya ang kanyang mukha kay Pirena ngunit biglang sumulpot ang kanilang mga anak at dali-dali silang napakalas sa isa't-isa)
MIRA AT ALANA:Avisala Ama at Yna!(Masayang bati nila sa mga magulang)
PIRENA:Avisala!😊
AZULAN:Avisala!😀
PIRENA:Ano't kayoy naparito?
MIRA:Pagkat handa na po ang umagahan.
AZULAN:Sige,susunod nalang kami nang inyong Yna.
ALANA:Hintayin po namin kayo ni Ate ha!...
Nag evictus na palabas ang kanilamg mga anak..
PIRENA:Sige na umalis na tayo sa kama!(Nakangiting sambit nang Hara)
AZULAN:Masusunod po Hara!😀
SA SAPIRO
Tumabi ang Rama kay Amihan at..
YBRAHIM:Nakaalis na sila Lira patungong Lireo(Sabay nang mapanuksong ngiti at akbay sa Sang'gre)
AMIHAN:Ano ngayon na naka-alis na sila?Alam ko na ang mga galawan mong iyan Ybrahim.(Pang-aasar niya sa katipan)
YBRAHIM:Alam mo na man pala gagawin na natin..(Inilapit niya ang kanyang mukha kay Amihan)
AMIHAN:Ashtadi ka talaga Rama!(Sabay pisil niya sa ilong nang katipan)
FLASHBACK
AGATHA'S PROVERBS
Sa wakas malakas na rin ako mula sa aking pagkakasugat inipon ko ang aking mga Mashna nang saganon ay masimulan na ang aming plano.
AGATHA:Nakatitiyak ako na ang iniisip ngayon nang mga diwata ay ang Adamya at Sapiro ang una nating sasakupin pagkat ito ang ito ang pinakamalpit na kaharian sa ating lugar.
MASHNA 1:Anong plano mo ngayon Hara?
AGATHA:Magandang tanong iyan Andora,kayo ni Criselda at iyong mga kasamahan ay sa Sapiro.
MASHNA 2:Kami naman nang aking mga kasamahan ay sa Hathoria,tama ba Hara?
AGATHA:Tama ka Gurna bagkus hindi lang ikaw ang pupunta doon kasama ako.
GURNA:Mabuti naman kung ganon pagkat hindi na ako makapaghintay upang gantihan ang taksil kong alaga!
FOURTH PERSON:Ngayon tapos na ang inyong pagpupulong maari na kayong lumisan.
Nagsimula na kaming umalis nang aming kaharian upang pabagsakin ang Sapiro at Hathoria
KASALUKUYAN..
AMIHAN'S PROVERBS
Dumating si Mashna Mayca na humihingal nakikita ko na nag-aalala siya kaya nilapitan at tinanong ko ito.
AMIHAN:Ba't ka humingal?may problema ba Mashna?
MASHNA MAYCA:Kailangan niyo ito makita Rama,Mahal na Sang'gre..
Lumapit kami sa may bintana at iniabot na sa akin ang kanyang teleskopyo at nakita si Andora at isa pang Enkantada na may kasamang mga kawal.
AMIHAN:Tanakreshna mga vedalje!
YBRAHIM:Mashna sabihan mo ang iyong mga kasamahan na maghanda!
MASHNA MAYCA:Masusunod Rama
Pumunta na ang Mashna sa hilagang palasyo upang ipaalam sa ibang mga kawal na kailangan na silang maghanda at nagpalit kami nang gayak pangdigma inutusan ko na rin ang aking briylante upang maghatid nang mensahe sa Lireo nang saganon
ay malaman nang iba kong kadugo ang nagaganap dito sa Sapiro.
PIRENA'S PROVERBS
Pagkatapos namin kumain bigla akong kinutuban na may mangyayaring hindi maganda hindi kalaunan ay lumapit ang aking Mashna na parang may importanteng sasabihin.
MASHNA:Hara Pirena Rama Azulan may mga kaaway na paparating.
AZULAN:Avisala eshma sa iyong pag-ulat Mashna kaya maghanda na kayo!
PIRENA:Pashnea sabi na nga ba! tama nga ang aking kutob na may mangyayaring hindi maganda!
AZULAN:Nakatitiyak ako na mga alagad na naman iyon ni Agatha!
ALANA:May bagong kaaway ate?(Tanong niya sa kanyang nakatatandang kapatid)
MIRA:Oo Alana at Nanggigigil na talaga ako sa Warkang iyon!
PIRENA:Maging ako!
ALANA:Kahit hindi ko siya kilala nagsimula na akong mangigil sa kanya!
AZULAN:Mag-iina nga!(Pang-aasar niya)
Sabay naman siyang tinaasan nang kilay nang kanyang mag-iina dahil sa kanyang pang-aasar..
PIRENA:Ssheda Azulan!
MIRA At ALANA:Ssheda Ama!
Nagpalit agad kami nang gayak pangdigma at inatasan ko ang aking panganay sa ihatid si Alana sa kanyang silid inutusan ko rin ang aking brilyante upang maghatid nang mensahe sa Lireo upang malaman nila ang nagaganap.
PAOPAO'S PROVERBS
Kasalukuyan akong naglalakad sa paligid nang palasyo at nagtataka kung ano ginagawa nang mga brilyante nina Ate Amihan at Ate Hara Pirena nang maramdaman ko na may pinadalang mensahe ang mga brilyante agad akong pumunta sa punong bulwagan nakita ko si Ate Hara Alena mabuti nalang na kasama niya sana Ate Danaya,Kuya Memfes,Lira at Kuya Aquil nang saganon ay sabay nilang malaman ay nangyari.
PAOPAO:Ate Hara Alena may kailangan kayong malaman.
ALENA:Ano iyon Paopao?
PAOPAO:Merong inihatid na mensahe ang brilyante nina Ate Pirena at Ate Amihan na merong mga vedaljeng na may balak sakupin ang Sapiro at Hathoria.
DANAYA:Naramdaman ko na kailangan nila nang tulong.
ALENA:Tama ka Danaya,kaya pumunta kana sa Sapiro at isama mo ang ilang kawal,ako naman ay sa Hathoria.
MEMFES:Isama mo na rin ang ilan sa aking mga kawal Mahal.
Tumango lang si Ate Alena bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kuya Memfes
LIRA:Kami nalang ni Paopao kasama ni Aldo Aquil ang magbantay dito sa LIREO.
Nang malaman na namin kung ano ang gagawin ang naghanda na kaming lahat at nag ivictus naman si Ate Danaya kasama nang ilang mga kawal diwata sa Sapiro samantalang si Ate Alena kasama nang ilang kawal Adamyan ay nag ivictus patungong Hathoria.