Noli Me Tangere | √

Autorstwa CarelesslyFearless

390K 1.5K 40

Buod ng bawat kabanata ng nobelang Noli Me Tangere From the book of completed and published Filipino Version... Więcej

Noli Me Tangere
SHOW SUPPORT
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
PLUGGED
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 37
Kabanata 36
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 46
Kabanata 45
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 62
Mga Tauhan
You're Welcome ;)

Kabanata 44

5.3K 8 1
Autorstwa CarelesslyFearless

Kabanata 44-Pagsusuri ng Budhi

Patuloy na mataas pa rin ang lagnat ni Maria Clara at kapag ito ay nagdedeliryo ay walang binabanggit kundi ang pangalan ng kanyang ina. Patuloy naman siyang inaalagaan nni Tiya Isabel at mga kaibigang dalaga. Si Kapitan Tyago naman ay walang tigil na nagpapamisa at nag-aabuloy, ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng tungkod na ginto sa Birhen ng Antipolo.

Makalipas ang ilang araw, kasabay ng pag-inom ng gamot na nireseta ni Don Tiburcio ay humupa ang mataas na lagnat ni Maria. Ikinatuwa naman ito ng mag-asawang Tiburcio, kung kaya't hindi muna pinagdiskitahan ni Donya Victorina ang kanyang asawa. Magkakaharap sina Padre Salvi, Kapitan Tyago at mag-asawang Espadana at napag-usapan na malilipat sa parokya ng Tayabas si Padre Damaso. Ayon kay Kapitan Tyago, ikalulungkot ito ni Maria Clara sapagkat para na rin niyang ama ang pari. At ang pagkakasakit ng dalaga ay bunga ng mga kaguluhan na nangyari noong gabi ng pista. Ikinasiya naman ng kura na mainam nga na hindi nagkikita sina Ibarra at Maria Clara dahil tuluyan itong gumaling.

Sinalungat naman ito ni Donya Victorina at sinabing ang nakapagpagaling kay Maria ay ang panggagamot ni Don Tiburcio. Hindi naman siyempre nagpatalo ang pari at sinabing higit na nakagagaling ang pagkakaroon ng malinis na budhi kaysa mga gamot. Napikon ang Donya at iminungkahi sa pari na gamuting ng kanyang kumpisal ang nakakabanas na si Donya Consolacion. Wala namang naisago ang Pari kung kaya't tinagubilinan na lamang niya si Kapitan Tyago na ihanda na si Maria para sa pangungumpisal.

Ipinabigay rin niya ang beatico upang lubusan itong gumaling. Oras na para uminom ng gamot si Maria Clara at ininom nga nito ang pildoras na mula sa bumbong ng kristal. Ititigil lamang niya ang pag-inom nito kapag siya ay nakaramdam na ng pagkabingi. Nalaman ni Maria kay Sinang na abala si Ibarra na mapawalang bisa ang pagiging ekskomulgado nito kung kaya't hindi pa ito makasulat sa dalaga. Dumating naman si Tiya Isabel upang ihanda si Maria sa pangungumpisal at pati na rin ang kalooban nito tungkol sa paglimot kay Ibarra. Nagsimula na ang pangungumpisal ni Maria Clara.

Sa obserbasyon ni Tiya Isabel, Si Padre Salvi ay halatang hindi nakikinig sa sinasabi ni Maria Clara bagkus ay matiim itong nakatitig kay Maria na tila ba inaalam ang nasa isip ng dalaga. Matapos ang kumpisalan ay lumabas si Padre Salvi na nakapangunot noo, namumutla, pawisan at kagat-labi.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

82.2K 3.5K 71
Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghi...
509K 16.2K 46
Unang kita pa lang ni Celestine sa portrait ng isang binatang nagngangalang Simoun Pelaez ay may naramdaman na siya sa binata. Para siyang baliw na h...
617K 35.1K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
206K 12.2K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...