The Lady in Shining Armor: Mo...

By imbethqui

138K 3.5K 1.1K

Akala ko ligtas na ako nang lumipat ako sa Monte Carlo High School. Hindi pala. NOTE: Not a paranormal story... More

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo High
Author's note
Prologue
I. The New Kid
II. The Roommate
III. Black Day Friday
IV. The News
V. Suspecting Dawn
VI. Guilty Conscience
VII. Transformation
VIII. Let the Games Begin
IX. The Unexpected Hero
X. Challenged
XI. Escape part 1
XII. Escape part 2
XIII. Truth, Lies, Secrets and Weirdness
XIV. Let Me Give You A Heart Attack
XV. Cloudy
XVI. Switch Part 1
XVII. Switch Part 2
XVIII. Help
XIX. Problems
XX. Solutions
XXI. JS Prom Part 1
XXII. JS Prom Part 2
XXIII. JS Prom Part 3
A Note From Me To You
XXIV. Monday Mourning
XXV. A Helping Hand
XXVI. Missing Victims
XXVII. Lost and Found
XXVIII. Two Is Better Than One Part 1
XXX. So Little Time
XXXI. Heart, Heart!
XXXII.The Smart Mouth and The Ice Queen
XXXIII. On The Move
XXXIV. Hesitations
XXXV. Fact or Bluff?
XXXVI. Campaign
XXXVII. Distance
XXXVIII. Miss Monte Carlo High 2015
XXXIX. One More Chance?
XL. The Tributes
XLI. Broken Hearts Part 1
XLII. Broken Hearts Part 2
XLIII. Surprise
XLIV. Espada
XLV. Level Up
XLVI. Last Dance
XLVII. Too Late
XLVIII. Divert
XLIX. The Sacrifice
L. Ice and Blood
Epilogue
What's Next?
Notice To All
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 1
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 2
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 3
The Lady in Shining Armor: Reed University
A Sad Note
not a sad note :)
Cast revamp

XXIX. Two Is Better Than One Part 2

1.2K 40 10
By imbethqui

More rain, more update? hohoho! Grabe si Super Mario, ang lakas! Ingat kayo lahat sa mga nasa affected areas! Stay safe and dry, guys! Thank you kasi kahit may bagyo na nag-aantay pa rin kayo sa update nito. So, ito na siya! Chapter 29, pasok! :)

***Dawn's POV***

"From now on, you will never be alone."

Nagising ako sa boses na narinig ko. Panaginip lang pala. Madilim pa rin ang paligid at tanging ang dalawang emergency lights lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nagulat pa ako nang makita ko ang nag-hihilik at naka-tihayang si Pineda sa katapat na kama. Tumalikod ako sa kanya at napatapat naman ako sa maamong mukha ni Domingo. Isang unan lang pala ang pagitan namin. Umupo ako at tinignan siya muli.

"Oo nga pala, I'm trapped here."

Tinignan ko ang cellphone ko at napasimangot ako nang makita kong pula na ang battery nito. Three thirty pa lang? I took the moment of silence as a moment to think about the cases again. Tumayo ako at pinulot ang box ko sa sahig. Tinungo ko ang study table ni Domingo at umupo sa swivel chair. I opened the box and got my notebook and pen. Sumulat ulit ako sa susunod na page nito.

Minerva Villanueva death=rednote case?

Athena Villanueva... where are you? DOA?

"Kung makikita ko lang kasi yung katawan niya ng personal, mas lilinaw ang lahat. Mas mapapatunayan kong ang gumawa nito sa kanya ay ang parehong pumatay sa mga taga-Sisters of Mary." Bulong ko sa sarili ko. Pero ang malaking tanong pa rin ay kung bakit siya ang namatay kung sa akin pinadala yung huling red note. Iyon ang nagpapagulo dito. Baka hindi naman talaga parehong kaso ito?

Ano namang mapapala ko kung parehong kaso nga ito? Na ang gumagawa nito sa Sisters of Mary ay nandito sa Monte Carlo High. Ako nga ba ang dahilan ng lahat ng ito? Nag-isip ulit ako kung sinong pwedeng gumawa nito. Kung ako ang pakay niya, siguro dapat kilala ko siya. Tama. I wrote it down on the next page.

Target: Dawn... WHO ARE YOU?!

Hindi ako makaka-move on kung hindi ko siya makikita. Naalala ko naman ang paalala ni Pineda. May mga pulis at security sa labas, for sure. At hindi pa rin tumitigil ang ulan. Malas.

"Kailangan ko talaga siyang makita." Naibagsak ko ang ballpen sa mesa at bumuntong-hininga. Hopeless na naman ang kasong ito. Isang clue, isang teorya, tapos wala na naman. Hindi pwedeng lagi na lang akong mag-aantay na may mangyaring ganito!

"Gusto mo ba talagang pumunta dun?" Napasipa ako sa sahig dahil sa gulat at umurong ang upuan ko ng ilang pulgada. Nakaupo siya sa gilid ng kama at nakaharap sa akin. Hindi ko napansin na bumangon pala siya.

"Gising ka na? Maaga pa."

"Sorry. Nagulat ba kita?" Kinuha ko na ang mga gamit ko at ibinalik ito sa box. "Sasamahan kita dun kung gusto mo." That caught my attention.

"Seryoso? Pero paano yung curfew, yung mga tao sa labas. Paano kung may mag-sumbong na andito ako sa Boys Dorm? Ayokong ipahamak ka, Domingo."

"Kung gusto mo talagang lumabas dun, tutulungan kita. Sabihin mo lang." I looked at him straight in the eye at nag-isip.

"Sige. Tulungan mo akong makapunta dun."

"Okay ka lang ba, Dawn?" Tanong niya sa akin nang makababa na kami sa ground floor. Tag-isa lang kami ng flashlight dahil ayaw naming makakuha ng atensyon ng mga tao.

"O-Okay lang. Keri ko 'to." His bright idea was to lend me his clothes para hindi ako mahalatang hindi taga-Boys' Dorm. I was wearing one of his jogging pants, t shirt at hoodie. I had to hide my hair under a cap na kinuha niya mula sa aparador ni Pineda.

"Pull up your hood, tumakbo na tayo." I did as he say at tumakbo na kame sa walkway papunta sa Dorm Gates. Ilang metro pa lang ang layo namin sa Dorm nang makita ko ang ilang pulis at security na naka-pwesto sa harap ng fence. May dalawang naka-puting scrub suit at nakapayong malapit sa gate that I assumed as the paramedics.

"Oh, my God..." I heard Domingo said at napatigil ako sa likuran niya. I looked at the direction that he was looking at and I covered my mouth with my hand to avoid making noise.

"No..."

"Have you seen enough?"

Umiling ako at humakbang pa ng ilang beses palapit sa fence. Hindi ganun kaliwanag, tanging ilang emergency lights lang ang gamit nila para ilawan ang bangkay na nakasabit sa high-voltaged fence. Naka-uniform siya at imposibleng makita ang damage, pero alam kong pinahirapan siya. Dahan-dahang hiniwa, sinugatan at sinaksak. Punit-punit ang uniform niya, tanda ng mga hiwa ng matalim na bagay sa katawan niya. She had short hair, kaya kitang-kita ang mga sugat sa mukha niya. At saka siya isinabit sa fence para masigurong wala na nga siyang buhay. At para makita ng lahat kung gaano sila kalupit at kawalang-puso.

I just stared at her as tears started to form in my eyes dahil sa magkahalong lungkot at takot. Another life taken away from someone na walang ginawang masama. A warning that they're here. A step closer to my death. I blinked and stepped back nang makita kong nakatingin sa akin si Minerva Villanueva. No... This is not happening!

I crouched and held my head with my hands. Tama na po... Parang awa niyo na po... Tulong... I heard girls' voices along with their cries. I shut my eyes tightly at tumambad sa akin ang dalawang mama na may hawak na kutsilyo at Swiss Knife. "AAAAAHHHHH!!!!"

"DAWN! Dawn!" I opened my eyes and saw Domingo's worried face. I was in his arms at tuloy-tuloy pa rin ang buhos ng ulan sa mukha ko. Napalingon ako sa paligid at nakita ko ang ilang security at nakatutok ang mga flashlights nila sa amin.

"Ano ba'ng iniisip mo, Dawn?! Talaga ba'ng naghahanap ka ng ika-e-expel mo? My God!" She paced back and forth as she sipped her hot choco. Nakabalik na ako sa Dorm namin at andito na ako sa kwarto kasama si Rachel. "What were you doing outside during curfew, in the first place?!"

"I was trying to solve the cases, Rachel. Hindi ko napansin na curfew na pala so I ran inside the Restricted Garden and saw the wall. Akala ko Girls' Dorm yun kaya ko pinasok."

"What?! Sa loob ng Restricted Garden? At umakyat ka sa pader patawid sa loob ng dorm na akala mong atin? And you ended up in Red's dorm room!" She stopped pacing at tumayo siya sa harapan ko. "I really can't believe you, Dawn! Adventurer ka talaga!"

I was brought back to Dorm dahil sinabi ni Domingo na nakita niya lang ako doon sa labas. Hindi pa kami agad kinausap ni Principal Abad, but she told us na kakausapin niya kami kapag naasikaso na ang bangkay ni Minerva Villanueva. Kahit papaano may space pa ako para mag-isip at mag-imbestiga pa.

"Nag-alala ako sa 'yo, alam mo ba iyon?"

"I didn't ask you to feel that way."

"Woah. That's harsh."

Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kanya. I didn't want to hurt her kaya lang, things would be easier kung wala nang ibang makaka-alam ng mga bagay na alam ko. Gusto ko na ang isipin na lang niya ay ang graduation para makaalis na siya dito sa lugar na 'to. I wanted her to be safe even if it meant I had to be hard on her.

"I'm sorry, Rachel. It's just... ang dami ko lang iniisip lately--"

"Share it with me, then. That's what we do, right?" She soflty said.

"No. Hindi mo na dapat pang isipin ang mga problema ko, Rachel. I want you to just think about graduating at makaalis dito. You have plans ahead of you, you have college, you have your career path." I held her shoulders tightly. I somehow needed support from the people who somehow knew me. "You need to get out of here."

"Huwag ka ngang manakot, Dawn! Whatever's out there...it's not going after you. Masyado ka lang nag-iisip. Relax, okay? Isipin mo yung kalagayan mo. Pinaka-mahalaga ang health mo above all." She sat down on her bed and looked at me. "Promise me you will look after yourself when I'm not here anymore. Make new friends. Pero kung talagang matigas ka, stick with Red and Vince. Those dudes... I can see that they care for you. They--"

"I don't need anyone, Rachel. I can take care of myself." I stood and went to my bed. "Matulog na tayo. I'm sorry kung naistorbo ko ang tulog mo."

"Wala yun. Hindi rin naman ako makatulog kanina pa, kasi... nakikita ko yung itsura ni Minerva sa utak ko."

"I know how that feels." Mas malala pa nga yung sa akin kasi may images, may sounds, may movements. At hindi lang isang tao, marami. Predators and preys.

"G-Ganun ba yung..."

"Oo. Ganun na ganun multiplied by ten nga lang."

"That must be very hard for you."

"Don't mind me. Tara na, magpahinga na tayo."

I took my medicine before I slept at dahil dun naging mapayapa ang tulog ko kahit papaano. Nagising ako sa malakas na tunog ng sirena ng school at may nagsasalita sa isang sound system.

"Students of Monte Carlo, this is Principal Abad. Classes are suspended due to an unfortunate incident. Minerva Villanueva, one of the missing students was already found. She's with our Creator now, so I now ask everyone to give a minute of silence and let's pray for her soul to be in peace." Natahimik ang paligid at agad akong bumangon sa kama. Wala na si Rachel at agad akong lumabas ng kwarto para makita kung anong nangyayari sa labas.

Lahat ng estudyante nasa hallway at nakadungaw sa direksyon ng fence kung saan andoon ang isang mobile na may speakers sa ibabaw nito. Siguro nasa loob nun si Principal Abad. I looked around and saw that the students were confused and they were talking among themselves. Takot na naman sila.

"Ikaw talaga ang malas, Dawn Dominguez!" Nagulat ako nang may sumigaw mula sa dulo ng hallway. Nagtinginan ang mga estudyante sa akin at feeling ko, cornered ako. If looks could kill, kanina pa ako nakabulagta sa sahig at duguan. I went inside our room and locked the door. I closed the window facing the hallway at umupo ako sa gilid ng kama ko. I need to solve this before they kill me themselves.

Nagpatuloy sa pag-announce si Principal Abad tungkol sa oras ng distribution ng pagkain sa Dorms nang may marinig akong nagtatakbuhan sa hallway. I went to the window and listened to what's happening outside.

"Shit! Alam niyo ba..."

"Girl! Nakita na daw si Athena!"

"May umiiyak sa kwarto nila..."

"Nakita daw ni..."

I opened the door at lumabas ng kwarto. Kailangan ko siyang makita. Kailangan kong makasiguro. Tumakbo ako paakyat sa third floor kung nasaan ang dorm room ni Athena at Minerva at nakita kong makapal na ang mga babaeng nag-u-usiyoso sa nangyari. May naririnig akong umiiyak sa labas at may mga ilang nagbubulungan.

"Girls, girls! Please go back to your dorm rooms right away! Walang makikita dito, please! O gusto niyong tumawag pa ako ng Security para lahat kayo mabigyan ng sanction?!" I heard Rachel's voice and the students slowly cleared out the hallway. I stood there and waited for them to all go away. Kailangan kong tignan ang kwartong iyon.

I was looking down at my bare feet nang may bumangga sa akin ng malakas. "Oops! Sorry! Hindi ko nakita, may malas pala!" I clenched my fist right away at inambangan na siya nang may pumigil sa kamay ko.

"Dawn, please... Michelle, please go back to your room." That Michelle girl glared at me bago siya umalis at bumaba sa hagdan. I closed my eyes and sighed bago humarap kay Rachel.

"Rachel... I have to see the room."

"Sigurado ka? It's not--"

"I've seen worst, trust me." She bit her lower lip in defeat. Lumakad isya at sumunod ako.

"Yung nasa katabing kwarto ang nakakita. The door was open daw at nung sinilip niya..." We reached the end of the hallway and she stopped before we reached the last room. She looked at me then looked at the fence's direction. "Baka dumating na dito si Jade at si Principal Abad. Bilisan mo lang, Dawn." I nodded and braced myself to whatever's inside the room.

I slowly turned and looked inside the room. Pagtapak ko pa lang sa loob, nakita ko na siya. Si Athena Villanueva. I froze and held my stomach dahil parang masusuka ako sa nakikita ko. I swallowed hard and took another step inside. She was on her bed, I assumed it was hers, parang nag-babasa lang siya ng libro. She's still on her uniform, only it was full of cuts and blood, and she didn't have her shoes on. Nakasandal siya sa headboard and only her pillows supported her to be seated up straight.

I walked towards the foot of her bed at mas nakita ko ang itsura niya. Puro hiwa, laslas at saksak ang katawan niya. She looked exactly like Minerva, only she's found here compared to her twin who's been thrown into the high-voltaged fence. That one's not brutal, no. What's brutal was that Athena's internal organs were not internal anymore. Well, not all, just parts of her digestive system. Her face was bruised and her cuts were really deep. Parang galit na galit yung gumawa nito sa kanya.

"I'm sorry..." I knelt on the floor and wiped the tears from my eyes. Iniangat kong muli ang ulo ko to look at her nang bigla niya akong atakihin at itulak pahiga sa sahig. I was so shocked sa nangyayari and my body just went stiff. This is so not happening! I tried to push her away from me pero unbelievably, she was stronger. "Athena...I'm sorry! I never wanted this to happen! I--"

"Dawn! Dawn!" I blinked at nang imulat kong muli ang mga mata ko, mukha na ni Rachel ang nakita ko. "Dawn, my God! Okay ka lang ba? What happened to you, bigla ka na lang nag-sisigaw!"

I sat up at damang-dama ko pa rin ang mabilis at malakas na kabog ng puso ko. Malalim ang paghinga ko na para akong tumakbo ng ilang beses pa-ikot ng school grounds. Para akong hinabol ng sampung demonyo. When I turned to look at the bed, andun pa rin siya-- cold dead. Shit, lumalala na ang disorder kong ito habang tumatagal. Kailangan ko nang bilisan ang pag-solve ng kaso na ito.

"Dawn, we have to get out of here. Parating na sila Jade at Principal Abad kasama ang mga pulis!" She helped me up bago niya itinayo ang natabig kong basurahan. She walked out of the room and I was about to follow her nang may nakita akong bagay sa sahig. I stopped and picked up a piece of paper from the trashcan. "Dawn, c'mon!" Isinilid ko sa bulsa ko ang pinulot kong basura at lumabas na ng kwarto.

"Dawn." Rachel called me nang makalabas ako ng bathroom pagkatapos kong mag-shower. "Principal Abad wants to see you and Red after lunch sa Principal's Office." I nodded and wore a pair of pants and my Paramore band shirt. She went out of the room at kukuha na daw siya ng food para sa amin. Kinuha ko ang mga damit ni Domingo at inilagay ito sa labahan ko. Naalala ko bigla ang basura na kinuha ko sa kwarto ng mga Villanueva. Pinulot ko ang jogging pants niya at kinuha ang nakabilot na papel sa bulsa nito. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuklat ang papel at bigla akong kinabahan pagkatapos kong basahin ang nakasulat dito.

You're the #one. Be ready to face Death.

---END OF CHAPTER 09.19.14

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
36.6K 1.1K 39
Nabago ang mga pahina. Naging kumplikado ang bawat alaala. Ano nga ba ang nakatakda? Nakatakda na dapat hindi mabago ng anumang mahika. Book 2 of EA:...
306K 14.1K 44
At Royal International High School, where luxury and extravagance reign supreme, section 1-A is the envy of all. Comprised of 19 dashing, brilliant...
517K 15K 63
SOUTHVILLE HIGH.... isang all boys school.... Isang private school para sa mga lalaki na naghalo na ata lahat ng uri ng estudyante dito. Pero may isa...