Neil's pov
Jiee, 11 months ka ng wala sa tabi ko. Jiee bumalik ka na please. Araw-araw nagmamakaawa ako sa Panginoon na ibalik ka na niya sa akin pero malapit ng mag-isang taon eh wala ka pa din.
Tatanggapin ko na lang ba talagang iniwan mo na ako? Pero ako nga ba talaga ang iniwan mo? O ako ang nang-iwan sa'yo.
Jiee, kung nasaan ka man ngayon, sana sana naiisip mo pa din ako. Sana natatandaan mo pa ako. Kasi ako, bawat minuto, hindi ka nawala sa isip ko.
Neil, Neil!
Ha?
Kanina pa ako nagsasalita dito, ano ba!
Angel kasi...
Yeah I know, you're thinking about Jiee again. Ughs! Neil I can't do this anymore. Gosh! I can't believe I did this to you. I'm sorry.
What do you mean?
Neil, I think it's about time. I give up. I'm giving up. This is all my fault Neil. I'm the one to blame for all your sufferings. I'm the reason why you're in this kind of hell.
No Angel, what are you talking about?
I want you to listen to me Neil, Follow me and I 'll show you the truth behind these lies. Hindi ko na kasi kayang ganito tayo lagi. Yes, I have you but alam ko naman talagang kahit kelan hindi ka napasa-akin.
Umalis kami ng mall at sumakay sa sasakyan ni Angel. Oo, may sasakyan na siya. Naunahan pa niya ako. Nakakahiya.
Umandar na ang sasakyan. Ni isa sa mga sinabi niya kanina eh wala akong naintindihan. Truth behind these lies? What does she mean by that? She said I have to listen. Fine I'll do that.
Tumigil kami sa tapat ng isang school gate. Ito ang school kung saan kami nagtapos ng highschool. Walang mga estudyante ngayon kasi sabado. Ano naman kayang gagawin namin dito?
Pumasok kami sa loob at pumunta sa isang room.
Neil, remember? Dito nagsimula ang lahat.
Tama, tama si Angel. Dito sa room na ito simula kong nakilala si Jiee bilang isang napakahinhing school girl. Matalino at laging nakangiti. Matakaw kahit na payat at kahit matalino yan eh tinutulugan niya mga ibang subjects namin.
Dito rin nagsimulang madevelope ang feelings ko para sa kanya.Sad to say, ni minsan hindi niya ako napansin kahit na dalawang beses ko na siyang naging kagroup. Naalala ko pa sa room na ito lagi nila akong inaasar kasi yung mga kaibigan ko lagi akong nahuhuli na nakatitig kay Jiee. Dito ko una at araw-araw nasilayan ang mga wagas na ngiti at tawa ni Jiee. Nakakamiss na ang mga ngiting yon. Kelan ko kaya makikita ulit yon? Makikita ko pa ba?
Matapos nun, lumipat ulit kami ni Angel ng room.
Neil, dito naman nagtuloy tuloy ang storya natin. Naging kaklase kita pero at the same time naging kaaway ko si Jiee.
Second year, naging seatmate ko si Jiee. Dito nagsimulang mapansin na niya ako. Inaamin ko naging papansin din ako sa kanya dati na maging number niya talagang tinanong ko pa para lang makausap ko siya hanggang sa pag-uwi. Dito ako nagsimulang magparamdam sa kanya pero basted ako eh.
Akala ko dun na matatapos ang lahat pero hindi pala. Kasi naging magkaibigan kami kahit na alam niyang may gusto ako sa kanya. Hindi niya inisip na dahilan yon para iwasan ako. Dahil don mas nagustuhan ko siya at bawat araw mas napatunayan kong ayokong malayo sa kanya.
Neil, dito naman lumala ang lahat. Masyado akong naging possessive sa'yo at mas nagpadala ng inggit at galit ko kay Jiee.
Oo, dito mas nainlove ako kay Jiee. Third year, pero dahil sa iniisip kong walang patutunguhan ito eh binest friend ko siya. Iniisip ko, kung hindi siya maiinlove sa akin eh baka hindi kami magsama forever pero kung magiging best friend ko siya mas malaki ang chance na makasama ko siya forever. Ayoko lang talagang mawala siya sa akin. Siguro sa araw-araw na nakakasama, nakakatext at nakakausap ko siya eh nasanay na ako na laging nandyan ang presence niya kahit na hindi ko naman sinasabing puntahan niya ako. Naging isang napaka best na tao siya para sa akin.
Neil, naalala mo nung mga days na pumapasok si Jiee na may bukol at sugat,minsan nalalate pa siya, ako ang may gawa nun Neil dahil sa selos.
Nainlove ako kay Angel pero hindi ko akalaing malalayo ang loob sa akin ni Jiee. Pinilit kong pasinungalingan ang sarili kong wag mahalin si Jiee. Na isiping mag best friend lang kami. Ayokong sundin ang nararamdaman ko kaya ipinasa ko ang lahat nun kay Angel. Kay Angel ako nainlove ng todo pero hindi nawala sa isip ko si Jiee kahit na anong pilit kong iwasan ang nararamdaman ko sa kanya.
Naalala ko sa room na ito una kong nahawakan ang kamay ni Jiee dahil siya ang kapartner ko sa pagsasayaw sa P.E. Ang lambot ng mga kamay niya. Parang unan na kahit laging malamig eh masarap hawakan.
Dito sa room na to nagkaroon ng maraming first time.
First time ko siyang napaiyak sa sobrang kakatawa, first time ko siyang nakitang sumayaw at narinig kumanta, first time ko siyang nakasamang mamasyal, at dito ko siya nasimulang masaktan. Dito mas nakilala ko si Jiee. Dito ko siya unang nakilala bilang isang bata, oo batang isip pero kapag nag-advice yan, dinaig ang lahat ng may experience.
Ilang beses ko siyang tinanong noon kung bakit minsan parang umiiwas siya o baka naman feeling ko lang iyon kasi ako naman talaga ang umiiwas, pero laging ang sagot niya eh wala naman siyang ginagawa,masaya naman tayong dalawa at alam niya naman daw kung sino ang dapat kong iprioritize.
Pero sa bawat tanong, may lagi siyang pagabol: "love na talaga yan best! Congrats nahanap mo na ang babaeng para sa'yo" Ngayon alam ko na, naging malinaw na sa akin ang mga katagang iyon na lagi niyang binibitawan. Pero nagkamali parang nagkamali kaming dalawa.
Neil, prom nun sa lugar na to, birthday ni Jiee pero nakalimutan mo kasi sinadya kong maging busy ka, at mailabas nung buong school eh kinakantahan siya. Cinelabrate ng buong school ang birthday niya pagkatapos ng opening g prom pero alam kong ikaw lang naman talaga ang inaantay niyang bumati sa kanya. Ladies choice nun, alam kong pupuntahan ka niya kaya pinatid ko siya para mawala ang sapatos niya kaya hindi ka na niya napuntahan pa kasi huli na ang lahat. Kasayaw na kita.
Naalala ko nun, pagkatapos ng prom, hinanap ko si Jiee. Sa isang buong araw na iyon hindi ko siya nakita. Nakita ko na lang siyang may kasayaw sa labas pero bigla itong umalis ng tawagin ko siya. Gusto ko siyang isayaw nun at humingi ng sorry sa kanya kasi late na nung narealize kong birthday niya sa sobrang busy ko kakasama kay Angel. Prom tapos hindi ko man lang siya naisayaw, kahit isang beses lang.
Sobrang nalungkot si Jiee nun. First time ko siyang nakitang umiyak sa harapan ko ng ganoon. Para akong sinaksak ng paulit-ulit ng mga panahong iyon. Yun din ang dahilan ng unang pagpatak ng luha ko para sa kanya. Nagulat ako kasi hindi ko akalaing mapapaiyak niya ako. Alam kong nilet down ko talaga siya. Oo birthday lang yon kung sasabihin ng iba pero ako na pinakainaasahan niyang gagawing special na araw yon para sa kanya eh kinalimutan ko lang. And worst nasaktan ko siya. Hinanap niya ako pero ako na sobrang nagpadala sa kasiyahan ko kay Angel eh kinalimutan ang best friend ko. Bakit ngayon ko lang naiisip ang mga ito? Ang sakit nga. Tama sila. Manhid na nga talaga ako.
Sa sobrang lungkot niya, dama ko sa paghagulgol niya ang labis na pagkawasak ng puso niya. Dun ko din siya unang nayakap. Niyakap ko siya ng sobrang higpit at umiyak din sa harap niya. Ewan ko pero feeling ko ang bad kong best friend. Bakit sa dinami dami ng kalilimutan ko eh yung pinka special na araw pa para sa kanya?
Doon ko naprove na mahal ko na nga talaga siya. Na nasasaktan ako dahil sa ginawa kong paglet down sa kanya. Pero pinilit ko pa ding isiping wala lang iyon.
Ang yakap na yon, hinding hindi ko makakalimutan. Yakap na puno ng pag-aalala at pagmamahal na hindi matutumbasan ng kahit ano pang yakap ng iba.
Habang naglalakad kami ni Angel sa school campus, madaming mga alaala ang nagbalik.
Sa flagpole area na ito, dito naganap ang pinakaengrandeng surprise ni Jiee sa akin nung last last birthday ko lang. Tinulungan siya ng buong LKP para sorpresahin ako. Sa sobrang tuwa ko nayakap ko si Jiee kaya 1 week nila kaming inasar.
Naalala ko din noon, sa ice cream store dito madalas kong ipunta si Jiee kapag nalulungkot siya kasi mababa ang nakuha niyang scores sa mga quizes.
Sa punong iyon malapit sa flagpole area madalas kaming tumambay ni Jiee kung ayaw naming marinig ang ingay sa loob ng classroom. Diyan din siya madalas matulog at minsan kapag yan nalate ng pasok it's either may nangyari nanaman o nakatulog lang pala.
Sa clinic naman dito una kong napagmasdan ng pagkalapit at pagkatagal ang napaka-among mukha ni Jiee. Dito ko nalamang takot siya sa dugo at betadine kaya naman lagi akong nakabantay sa kanya pag napupunta siya sa clinic. Hinihimatay siya kahit matuluan lang ng isang tuldok na betadine.
Sa gate na ito madalas niya akong antayin, minsan para lang magpaalam lalo na kung cleaner ako. Ang tiyaga nga niyang mag-antay, alam naman niyang hindi ako makakasabay sa kanya kasi kasabay ko si Angel.
Ngayon ko lang narealize, ni minsan ba nasabayan ko siyang umuwi? Nakasama ko ba siyang maglakad pauwi? O saka lang nung nagkatampuhan kami?
Sa hagdan naman na ito palabas ng classroom nung fourth year muntik nahulog si Jiee kakahabol sa akin kasi nagtampo ako kay Angel noon. Hinabol niya ako kasi daw wala akong kasabay pero hindi ko siya pinansin. Hanggang sa madulas siya at oo nahulog siya hindi sa hagdan kundi sa akin. Pero anong ginawa ko? Imbes na mag-alala ako sa kanya eh itinulak ko siya sa sobrang inis at napagsabihang ang lampa niya.
Alam ko pagkatalikod ko nun eh umiyak siya pero hindi ko siya pinansin sa sobrang pagmamaktol ko kay Angel.
Pero anong ginawa niya? Iniwan niya ako ng walang dahilan samantalang si Jiee na lagi kong napag-iiwanan eh hindi sumukong pangitiin ako kahit na medyo pinagtatabuyan ko na siya non.
Ang sakit pala, ang sama ko pala. Bakit ngayon lang Neil, bakit ngayon mo lang naiisip lahat ng ito? Dahil ba ngayon nasa isang malaking throwback ka at ngayong wala na si Jiee eh saka mo lang naaalala lahat ng paghihirap niya sa'yo. Ngayon alam na alam ko na, naiintindihan ko na kung bakit ganon na lang ang sama ng loob niya sa akin to the extent na iniwan na niya ako.
I deserve this kind of hell.
Naglibot pa kami ni Angel sa buong campus. Bawat hakbang eh isang saksak sa akin mula sa nakaraan. Hindi ko akalaing nararanasan ni Jiee lahat ng ito dati kasi akala ko masaya siya, akala ko masaya kaming dalawa, pero karamihan pala sa mga ngiti niya ay saksak din sa kanya. Pero kahit na nasasaktan siya, ipinakita niya sa aking ok siya para di ako mag-alala.
Sa bawat rebelasyon ni Angel, hindi ko maisip na kagalitan siya kasi mas nangingibabaw ung galit ko sa sarili ko. Wala akong kwentang best friend. Matagal ko ng kilala si Jiee pero ngayong nawala siya parang mas nakilala ko siya.
Nakakainis! Ang sakit sakit! Jiee, bumalik ka na. Bumalik na. Hindi ko kaya!
a/n: Ahy sa wakas naman. Medyo nabigyang linaw ang ibang details sa story na to. Nakakabaliw na noh!Well, baliw kasi naman talaga yung nagsusulat... ahy este nagtatype :)
saka na muna ang dedications. Pero pag may natripan kayo, pm nyo lang ako :)