a/n: Wag na kayong magtaka kung napapadalas ang author's note. Namiss ko kayo eh. At mamimiss. Hindi ko alam kunh kakayanin ko pa ba itong patagalin. Masakit na. Patayin na lang natin silang lahat sabay the end.
joke lang kadi!
Enjoy!(tsss! Enjoy, palungkot ng palungkot ang moment. Author tlaga! ahempf)
Comment*vote*pm me*
(magdedemand na ako, gusto ko tlaga ng kausap)
Mhikayla's pov
9 months. Pabilis ng pabilis ang araw kaso ni isang balita wala pa din kaming alam kina Jiee.
Ang pangalan ni Allan, tuluyan na ding naglaho sa campus. At syempre bumalik na sa normal ang buhay namin matapos ang ilang buwang pag-uusisa na kesho tinago daw namin si Allan o kaya naman nabuntis ni Allan si Jiee kaya sila nawala.
Nakakainis nga mga bunganga nila eh, muntik pa akong napa-away. Sabihan ba namang malandi si Jiee. Hayyy! For their information, daig pa nung nagsabi non ang malandi. Nakapang-iinit talaga ng dugo.
Second year na kami. Nasurvive man namin ang isang sem na wala sila Jiee at Allan eh nahihirapan naman kaming ipagpatuloy itong first sem namin ngayong second year.
Nagdaan na ang mga araw. Tapos na din naming icelebrate ang first friendship anniversary namin kaso wala sila. Tanging picture nila na nakadikit sa dalawang naglalakihang teddy bear ang nakasama namin.
Part na din ng grupo si Mikko. Actually, best friends na talaga kami at nameet ko na ang fiance niya nung sembreak lang. Ang ganda at ang bait ng fiance niya. Bagay na bagay sila.
Ako? Kamusta ang love life ko? Wala eh. Napaka-hopeless pa din. Tinatamad pa atang tumibok ang puso ko eh.
As usual, hindi nabuwag ang grupo at mas naging solid pa. Dahil sa pangako ni Jiee na pinanghahawakan naming lahat.
-flashback-
Booom! Booom! Booom!
Merry Christmas Bellton Ford Fray University! Wooooohhhhh!
Lahat kami nagsindi na ng lusis at nagsitalunan. Ang saya na sa araw na to naging maayos na ang lahat. This day deserve a hug.
Group hug!!!!
Lahat kami nagyakap yakap na pero ng isa isa kaming pumiglas sa pagkakayakap, hindi na namin muli pang nakita si Jiee at Allan. Naglaho sila bigla at hindi namin alam kung saan sila nagpunta.
Paalis na kami ng hinarang kami ng sasakyan ni Allan. Hindi ako pwedeng magkamali. Sa kanya ito.
Nagdate lang pala yung dalawa kaya nawala eh. Hahaha!
Pabirong sabi ni Marvin. Bubuksan na sana namin ang pinto ng biglang may iniabot sa aming cd ang driver ni Allan at tuluyan na itong umalis.
Lahat kami ay tumakbo papuntang computer room ng school at pinanood ang cd.
Guys, sorry pero mawawala muna kami ni Allan. Ayokong magpaalam kasi hindi naman talaga namin kayo iniwan. Hahanapin lang muna namin ni Allan ang sarili ko. Babalik ako, pangako yan. Patutunayan natin ang forever pagkabalik namin kaya sana walang mawawala sa inyo. Pasensya na kung hindi ko kayo nasabihan, basta wag kayong mag-alala, nasa mabuting kondisyon ako. I'm gonna miss you guys. Just remember, smile okay? See you soon!
At natapos na ang video. Lahat kami naguluhan. Si Jiee at Allan umalis ng walang konkretong dahilan.
-end of flashback-
Magmula noon, nahirapan na kaming ibalik sa normal ang lahat kasi hindi namin maialis sa pakiramdam naming may kulang talaga.
Oo alam naming saglit na panahon lang kaming nagkakilala, pero miss na namin sila ng sobra. Ito yung mga feelings na tanging mga puso na lang natin ang makakapagpaliwanag.
Kahit anong mangyari, hindi kami susuko sa pag-aantay. Babalik si Jiee at Allan. Alam namin yan at naniniwala kami sa kanila.
Ria's pov
Hindi namin nakokontrol ang oras. Lumilipas ang mga araw at ngayon 10 months na simula nung nawala si Jiee at Allan.
Tulad ni Neil, lagi kaming nag-aantay. Hindi nawawalan ng pag-asa na babalikan nila kami.
And we know that this is kinda rude but me and Haley is spying on Neil.
Gosh! He look terrible and getting worse day by day. Medyo pumayat siya, naging mas stress ang face at halata na gabi-gabi siyang umiiyak.
Halata sa mga mata niya na talagang miss na miss na niya ang best friend niya. Pero ito ang ikinainis namin. Nalaman namin kay Mikko na nasigawan ni Neil si Jiee kaya labis ang galit ni Mikko nun kay Neil nung umalis si Jiee. Ang iniisip na dahilan ni Mikko eh nasaktan ng lubos ni Neil si Jiee sa mga nangyari kaya nagdecide si Jiee na umalis na.
Hindi man namin talaga alam ang tunay na dahilan eh naiinis pa din kami kay Neil kasi wala man lang siyang nagawa para pigilan si Jiee. Worst eh kung hindi namin sinabi baka hindi pa niya malalamang umalis si Jiee.
Yeah we know na babalik si Jiee, pero kelan? Pagbalik kaya niya magiging normal pa din ang lahat eh umalis siya na may problema siyang naiwan.
Matagal ang 9 months at mas matagal kung aabot pa ito ng isang taon. Unpredictable ang mga tao kaya pwedeng magbago si Jiee at Allan. Kahit na puno ang pagtitiwala namin sa kanila, may malaking possibility na may mabuilt pang gap between sa pagkakaibigan namin.
Araw-araw hinihintay ni Neil si Jiee sa gate dala-dala yung stuff toy na ibinigay niya kay Jiee dati. Aakalain mo ngang parang baliw na ata itong best friend niya eh.
We feel the pain felt by Neil. Mahalaga sa kanya si Jiee, nagkamali lang siya ng napiling unahing pahalagahan. Kaya ayan tuloy, ngayon nadarama na niyang mas malaki ang nawala sa kanya.
Nalaman namin kay Mikko at Mhikayla na mahal nga talaga ni Jiee ang best friend niya pero mas pinili niyang magpatalo laban kay Angel kasi ayaw niyang pahirapan pa ang best friend niya. Akala ni Jiee kakayanin niya pero nung dumating sa point na nilet down siya ni Neil, hindi na niya nakayanan pa ang lahat kaya siguro umalis siya.
Masakit din naman kasing nagparaya ka kasi akala mo may matitira pa sa'yo kasi pinagkatiwalaan mo siyang kaya niyang alagaan ang huling bagay na pinanghahawakan mo para ipagpatuloy ang laban pero yun pala pati yon eh mawawala pa.
In short, para ka ding iniwan. Iniwan ng taong ginawa mo na ang lahat para lang sa kaligayahan niya kasi akala mo hindi ka niya kalilimutan pero wala eh, pinagtabuyan ka pa niya.
Lahat sila may kanya-kanyang pain na nararamdaman pero paano yoon matatapos kung ang isa eh patuloy na nabubuhay sa kasinungalingan?
Marami kaming nalaman sa pagsubaybay kay Neil.
Pero ayaw naming makialam, bahala na silang ayusin ang dapat nilang ayusin. Labas na kami doon.
Grabe kasi itong si Haley eh, pwede ng maging detective sa sobrang galing magsolve ng mga nasagap naming clues.
Pero tama nga kaya ang hinala namin?
Assumption 1: Matagal ng mahal ni Neil si Jiee, nabulag lang si Neil ng nakaraan.
.
.
.
.
.
Assumption 2: Mahal na talaga ni Allan si Jiee to the highest level kaya sumama siya kay Jiee sa pag-aakalang kakayanin niyang baguhin ang pusong lito ni Jiee at ipunta sa tamang direksyon.
.
.
.
.
.
.
Assumption 3: Ang tamang direksyon ay si Neil.
.
.
.
.
.
.
Assumption 4:Ang tamang direksyon ay si Allan.
.
.
.
.
.
.
Assumption 5: Mamamatay si Angel. Joke lang! Basta malaki ang kasalanan ni Angel dito at siya lang ang tanging taong makakapagpaliwanag kay Neil ng lahat. Siya lang din ang may kakayahang gisingin na si Neil sa bangungot ng nakaraan.
Nakakapagtaka ba kung paano namin nalaman yang mga yan?
Kung magaling din kayong makinig sa mga tarabitab na mga bunganga ng mga students dito, baka nga naunahan niyo pa kaming masolve ang lahat ng ito eh.
Grabe na talaga ang buhay. Nagiging horror na. Ang daming mystery. Ang daming pieces ng puzzle na sobrang hirap pagdikitin.
Kasi naman di ba, kung sinong nagsimula ng gusot, dapat siya ding umayos nito. Kasi in the first place, nasa kanya lang naman talaga ang mga dahilan kung bakit niya ito ginawa at mga paraan kung paano niya ba ito maaayos. Kasi kapag nag-assume ka ng dahilan eh mas lalala lang yung gusot.
Gusutin ko mukha nila eh. Haixt! Basta ang masasabi ko lang,
Hanggang kelan patatagalin ng author na to ang story nila? Kasi grabe ha, sumusobra na yung .... ah basta..... NEIL FIND IT YOURSELF! KUNG TALAGANG KILALA MO SI JIEE, DAPAT NOON PA LANG HINDI KA NA NAGDALAWANG ISIP PANG IBIGIN SIYA AYAN TULOY NAWALA NA! LETCHUGAS!
Ray's pov
Buti naman at napagbigyan din ako ng author na maglabas ng hinanakit ko. I know, I'm a silent type of guy na laging tutok sa tab at panonood ng anime ang ginawa, na para bang isiningit lang ako ng author dito ng walang dahilan. Trip lang ba, ganon.
Naalala ko dati, first year, first sem, first day. Nagbaon ako, pasensya na, hindi sa mahirap pero matipid lang talaga ako, kuripot na kung kuripot.
Hindi ko alam kung kanino ako sasabay, I admit medyo nahiya ako dahil lahat ng usapan ng tao eh ang bumili ng pagkain sa canteen hanggang sa inapproach ako ng isang babae at niyayang sumabay sa kanya. At isa pang cool eh nagbaon din siya kaya nagkaroon ako ng kasabay at kasama.
Simpleng babae lang siya, tulad ng iba may time na maingay siya at tahimik pero hindi ko akalainh mamimiss ko ng ganito ang presence niya. Kahit na lagi akong tutok sa tab ko, hindi siya nagsawang kausapin ako, at paglabasan ng sama ng loob.
Masaya ako kasi kahit papano may isang taong nakakapansin pa din sa akin kahit na wala na akong ginawa kundi manood ng anime. Duon ko lang kasi naibubuhos lahat ng sama ng loob ko sa mundo. Na bakit wala akong kasama at walang taong nakakatake na kasama ako hanggang sa binago iyon ni Jiee.
Nasaan na kaya sila? Hindi man lang kami nakapagpaalam sa kanila ng maayos.
Bukas, ika-11 month na ng pagkawala nila. Magcecelebrate nanaman kami ng friendsary na wala sila. Nakakamiss, yun lang ang tanging damdaming nangingibabaw sa aming lahat ngayon.
Pero babalik siya, babalik sila at patutunayan namin ang forever na magkakasama.