Dondi's POV
Habang nagmamaneho ako, hindi ko maiwasang hindi sumulyap sa phone ko para i-check kung sumagot na si Anna sa FB message ko. Pero halos fifteen minutes na ang nakakaraan at malapit na ako sa bahay namin pero seen lang ang tanging meron sa message ko, wala man lang 'You are welcome'.
Hanggang sa nakarating na ako sa bahay namin, bigo akong makakuha ng reply galing kay Anna. Pero ayos lang, mamaya pagka-kain ng hapunan na lang ako mag send ng message sa kanya, ano naman kaya ang sasabihin ko at baka magtaka yun bakit bugla na lang na nagme-message sa kanya samantalang hindi naman maganda ang karamihan sa pagtatagpo namin.
"Ang lalim naman ni iniisip mo apo" bati ni LoloVito
"Magandang hapon po Lolo" bati ko kay Lolo saka ako nagmano
"Bakit ngayon ka lang, dati naman eh bago mag-alas singko eh nadirito ka na sa bahay" sabi ni Lolo Vito.
"Late na rin po kasi ako nakaalis ng bangko Lo kasi inayos ko pa po yung DTR ko tapos dinala ko pa sa agency." sagot ko
"Ganon ba? Akala ko eh, nakipag date ka na" pagbibirong sabi ni Lolo
"Wala po akong panahong makipag-date Lo" sagot ko.
"Binibiro lang naman kita apo, sige magpahinga ka na muna. Tatawagin na lang kita kapag hapunan na" sabi ni Lolo at nginitian ko na lang sya bago ako tuluyang pumasok sa kwarto ko.
Pagkapalit ko nang damit, pinili kong maghiga muna at mag-stalk sa FB page ni Anna. Grabe ang daming pictures, parang araw-araw may bagong upload na picture. Parang ginawang diary ang FB account nya. Sino kaya ang lalaking kasama nya dito sa picture? Mas madalas pa silang may picture kesa dun sa Isay.
Akala ko ba hindi pa pwedeng makipag-boyfriend itong si Anna, bakit para ang sweet naman nila nitong Paolo na 'to sa mga post nila. Gwapo rin ang lalaking 'to at bagay sila ni Anna. Baka naman kaklase lang, pero kung classmate lang sila bakit sobrang sweet naman ng mga post nila at tutoo ba 'tong nakikita ko, 'beh' ang tawagan nila? Alam kaya ni Mama Rio na may mga ganitong klaseng post si Anna kasama ang Paolo na 'to? Malamang hindi, isumbong ko kaya kay Mama Rio bukas.
"Na-accept na ni Anna yung friend request mo" ang message na biglang nag pop-up sa screen ko at galing kay Boyet yung message.
"Oo nakita ko na at nagpasalamat na rin ako sa kanya sa pag-accept nya" reply ko sa message ni Boyet. "Kasama mo ba sya ngayon?" sinunod kong tanong.
"Oo pero busy nang nagliligpit para makauwi daw kami ng maaga, bakit mo itinatanong?" sagot ni Boyet
"Nagmessage kasi ako kanina, pero seen zone lang" sagot ko
"Busy nga kasi nagliligpit na, mamaya mo i-message ulit pagdating namin sa bahay. Hintayin mo ang message ko mamaya kapag pwede ka nang mag-message ulit" sagot ni Boyet
"Tutoo ba yan? Baka naman may bayad na naman yang pa-message mo" reply ko
"Grabe ka naman sa akin, pero kung gusot mo namang magbayad eh hindi ko tatanggihan yan" sagot ni Boyet
"Sabi ko na nga ba eh, isumbong ko kaya kay Anna na binayaran kita ng 100 pesos para i-suggest mo sya sa akin sa FB" pagbabanta ko
"Nasa-iyo yan Tisoy, wala naman akong magagawa kung magsusumbong ka kay Anna. Pero hindi ko maipapangako na hindi kita sisiraan sa pinsan ko" balik nyang pagbabanta. Akalain mo at iisahan pa talaga ako ng bansot na 'to.
"O sige na, hintayin ko na lang ang message mo mamaya, maraming salamat kahit alam kong hihingi ka ng kapalit sa pagmamagandang loob mong ito sa akin" sarkastiko kong reply pero hindi na sumagot si Boyet, seenzoned na lang ako.
Inisip kong magpahinga na lang muna habang hinihintay ang hapunan. May ilang minute rin akong nakahiga nung biglang tumunog ang telepono ko.
"Salamat sa like" ang nakalagay sa message ni Anna. Bigla akong napabalikwas kasi hindi ko natatandaan na may ni-like ako sa mga post nya. Agad akong nag-scroll para tingnan kung anong post yung aksidente kong na i-like.
At habang hinahanap ko yung post na ni-like ko, bigla ulit nag pop-up ang message ni Anna. "Grabe ang layo na ng narating mo, akalain mo naka-abot ka na sa post ko nung January last year pa".
Lalong akong na-stress pagkabasa ko ng huling PM ni Anna, last year. Habang nag-scroll ako sa mga post nya, kung anu-ano ang naiisip ko. Paano ko lulusutan na nag-stalk ako sa account nya, malamang kung anu-ano na naman ang iisipin ng masungit na 'to tungkol sa akin.
Pagkatapos ng nakakahabang pag-scroll, nakita ko na rin sa wakas yung sinasabi nyang post. Picture nilang dalawa ni Mama Rio, mukhang new year celebration nila. "Ang ganda kasi ng picture nyo ni Mama Rio" ang tanging naisip kong isagot sa PM nya.
"Maraming salamat ulit, kahit mukhang aksidente lang yung pag-like mo" biglang sagot nya.
Naloko na buking na talaga ako, pero wala akong balak umamin kaya nagreply ako ng "Grabe ka naman sa akin, natuwa kasi ako dun sa picture nyo ni Mama Rio, bakit hindi ba ako pwedeng mag-like sa mga post mo?" tanong ko
"Sinong lolokohin mo? Obvious naman na hindi intentional ang pag-like mo. Kasi kung talagang hindi aksidente yun, dapat pagkasend ko pa lang ng PM, nagreply ka na agad na. Pero seen muna at pagkatapos ng ilang minuto saka ka sumagot. Are you stalking me?" sabi ng PM nya. Grabe ang pagkasungit, sa PM pa lang yan paano na kung face-to-face pa kami?
"If you think na stalking ang pag-check ng post ng bagong friend sa facebook, eh di sige, I am stalking you" diretsahan kong reply.
"Bakit bawal ba akong tumingin sa mga post mo? Bakit nag-accept ka ng friend request ko kung hindi ko pala pwedeng makita ang mga post mo?" sinundan ko agad ng tanong
"Walang problema, eh di block na lang kita" sagot nya
"Wag naman, gusto ko lang namang maging kaibigan ka. Sabi ni Mama Rio, mabait ka naman daw talaga" sabi ko
"Bolahin mo lelang mo, FYI, hindi po ako mabait" sagot nya
"Sorry hindi ako naniniwala na hindi ka mabait. Mabait kasi si Mama Rio, at alam kong hindi ka nya papalakihin na hindi mabait." sagot ko
"Talaga ba????" reply nya
"TALAGA!!!!" sagot ko with conviction at agad kong sinundan ng panibagong PM. "Masungit ka lang pero alam kong mabait ka, kaya gusto kong maging kaibigan mo"
"Ayokong makipagkaibigan sa mga mayayabang na tao" sagot nya
"Sorry kung may ganyan kang impression sa akin, pero mabait naman talaga ako. Tanong mo pa sa Lolo at Lola ko" sagot ko
"Patawa ka Mr. Yabs" sabi nya
"Hindi Yabs ang apelyido ko, Talatala po. Edmundo Talatala and buong pangalan ko" sagot ko
"Sira, Mr. Yabs as in Mr. Yabang, yun ka!!!!!!" sagot nya at nadokleng ako sa dami ng exclamation point nya.
"Wow akalain mo may tawag ka na sa akin. Ms. Sung" sabi ko
"Anong Ms. Sung, pinagsasasabi mo dyan" sagot nya
"Ms. Sung as in Ms. Sungit. O ayan quits na tayo. Ako si Mr. Yabs at ikaw si Ms. Sung, pwede na tayong maging friends" reply ko
"Ang kulit mo" maikli nyang reply
"Ano Ms. Sung, tinatanggap mo na bang maging friends si Mr. Yabs?" tanong ko at ilang minuto na ang nakakaraan hindi pa rin sya sumasagot. Seenzoned na naman ba ako?
Mukhang naiinis na naman sa akin ang babaing masungit, halos fifteen minutes na wala pa ring reply sa akin. Maglike kaya ulit ako sa post nya baka sumagot na sya ulit sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti nung maalala ko ag dahilan ng biglang PM ni Anna. Minsan may idinudulot din palang maganda ang aksidente lalo na sa pag-like.
Habang naghihintay ako ng reply ni Anna, ipinagpatuloy ko ang pag tingin sa mga post nya. Marami silang post ni Mama Rio, at kitang-kita ko na mahal na mahal sya ng tatay nya. Napakaswerte naman ni Anna, may tatay na sya may nanay pa, samantalang ako wala kahit isa. Kaya siguro ganito kagaang ang loob ko kay Mama Rio, nararamdaman kong ang pagmamahal ng magulang sa anak. Hindi ko na kasi matandaan kung kelan ko yung naramdaman mula sa Papa at Mama ko.
"Apo, labas na dyan at nakahain na. Tayo nang maghapunan" narinig ko tawag ni Lolo mula sa labas ng kwarto ko.
Hindi ko namalayan, mag-iisang oras na pala akong naghihintay ng reply ni Anna. Naglait kaya sya sa akin? Ano naman ang ikakagalit nya eh tinatanong ko lang naman kung pwede na kaming maging magkaibigan. Baka naman na-offend dun sa Ms. Sung, pero grabe sya kung nagalit sya sa Ms. Sung, samantalang hindi ako umangal nung tinawag nya akog Mr. Yabs.
Hanggang sa nakatapos akong maghapunan, wala pa rin reply si Anna. Hinayaan ko na lang, kung ayaw nya eh di wag. Alangan namang ipilit ko ang sarili ko sa kanya kung ayaw nya.
Maglalaro na lang ako ng mobile legends kesa umasang sasagot pa sya sa message ko. Pero wala pang limang minuto akong naglalaro biglang may nag-pop-up sa screen ko. "Pssst Mr. Yabs" napangiti ako sa nakita ko at agad syang sinagot. "Bakit?" tanong ko
"Di ba mahilig ka sa avocado?" sagot nya
Hindi ko mapigil ang sarili ko na mapangiti, sino ba naman ang hindi matutuwa, may memory na pala kami agad sa avocado. "Hindi masyado kahit nga hindi kami magkita nyan eh. Ang Lola ko ang mahilig sa avocado" pakipot kong tanong. "Bakit mo tinatanong?" pahabol kong tanong
"Medyo nasobrahan ako ng bili kahapon ng avocado, baka gusto mong bumili, ipagtatabi kita ng dalawang kilo" sabi ng reply nya.
"Grabe naman sa dalawang kilo, baka naman mapurga na ang Lola ko sa dalawang kilong avocado" sagot ko
"Sige na bumili ka na, kapag dalawang kilo ang binili mo, friends na tayo" sabi ng reply nya. Magpinsan talaga sila ni Boyet, lagi na lang may pasuhol eh.
"Gustuhin ko mang bumili, wala akong pambili. Inutang ko nga lang kay Mama rio yung fruit basket nung isang araw eh. Pero ibang usapan na kung ipapautang mo sa akin ang dalawang kilong avocado" sagot ko
"Kelan mo babayaran?" tanong nya
"Sa susunod na sweldo, kasi yung fruit basket lang ang naka-budget sa akin para darating na sweldo ko, wala sa budget ang dalawang kilong avocado" sabi ko
"O sige, pwede nang sa susunod na sweldo mo na bayaran basta sigurado kang bibilhin mo ha" sagot nya
"Oo naman, basta sigurado ka rin na friends na tayo" sagot ko.
Inabot na naman nang ilang minuto bago ulit sya sumagot. Natatawa tuloy ako, kasi mukhang napasubo yata ang babaing masungit. "Dadaanan mo ba o ipapadala ko kay Boyet sa bangko" tanong sa reply nya at ilang saglit din akong hindi halos makahinga sa tuwa.
"Dadaanan ko na lang bukas ng hapon pagkatapos ng shift ko" mabilis kong sagot.
********************
Feeling ko favorite fruit mo na ang avocado Dondi 😉😛😊.
Maraming salamat po and God bless 🙏🙏🙏🙏🙏