Road to your Heart: Starting...

By Kristinoink

2.2K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... More

Road to your heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 24

33 1 0
By Kristinoink

Kabanata 24

Prank

Parang bumalik lahat sa mata ko ang luha ko at agad na huminto sa pag iyak. He's starring at me through the mirror. Pinag halong galit at lungkot ang nakikita ko sa mukha niya pero hindi ko natagalan ang paninitig. Ako ang nag iwas ng tingin. Binuksan ko ang faucet at nag babalak na mag hilamos pero nakalimutan ko pala ang clutch bag ko sa table. Wala akong magagamit pang retouch at masisira ang make up ko.

Pinatay ko na lang ang faucet at kumuha ng maraming tissue. Dinampi ko iyon sa mukha ko at nag iingat na masira ang make up. Kinuha ko rin ang mask ko na wala sa sarili kong hinubad kanina bago pa man ako makapasok dito. Pumihit ako at ngayon ay kaharap na si Xander na nakatayo parin sa may pinto. Yumuko ako ng bahagya habang karahan parin tinutuyo ang mukha.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pinto. With every step, my heels will make a sound. Nang nasa harap ko na siya ay akala kong tatabi siya para makadaan ako pero hindi.

"Excuse me..." halos bulong kong sambit.

"Bakit ka umiiyak?"

Napalunok ako. Naka yuko parin ako kaya hindi niya nakikita ang expression ko pero alam kong naka tingin siya sa akin. Doon ko rin napansin na hawak niya ang clutch bag ko.

Pilit na tawa ang ginawa ko.

"Hindi ako umiiyak,"

"Uh-huh. Nanginginig yung boses mo," aniya at nag taas ng kilay sa akin.

Hindi ako umimik at tinignan ang clutch bag ko sa kamay niya. Paano ko ba makukuha iyon.

"N-nasayo pala..." fuck. Huminto ako saglit dahil talaga ngang nanginginig ang boses ko.

Umubo ako para ayusin ang boses bago muling nag salita.

"Nasayo pala yung Clutch bag ko. Akin na..." sabi ko at nag lahad ng kamay sa harap niya. Ibinigay naman niya pero di parin siya gumagalaw sa kinatatayuan niya.

"Babalik na ako sa loob," sabi ko at sinubukang dumaan sa kanan niya pero hindi ako kasya.

"Bakit? You enjoy dancing with those boys?" malamig niyang tanong.

I know he's been watching me. Pero anong magagawa konat prom to. I need to socialize. Wala rin naman akong masamang ginagawa. Nakikipag sayaw- Bakit kailangan ko mag explain?

"It's prom. Natural lang na may makasayaw ako. You should go back too. Baka nag hihintay na ang date mo-"

Napahinto ako sa pag sasalita ng hinampas niya ang pintuan ng banyo at umugong yun sa buong paligid.

"Dammit. C'mon," aniya at agad na hinanap ang palapulsuhan ko.

Agad niya akong hinatak palabas ng banyo.

"Baka hanapin tayo sa loob," sabi ko kahit na patuloy parin siya sa pag hatak sa akin.

Huminto kami sa isang pintuan di kalayuan sa comfort room. Sa taas ay may nakalagay na Sports room. Binuksan niya iyon at pinauna akong pumasok. Sumunod siya at tsaka sinara ang pinto.

"B-bumalik na tayo sa l-loob..." sabi ko.

"No. We need to talk," lumapit siya sa akin kaya medyo umatras pa ako hanggang sa napasandal na lang ako sa isang lamesa.

"Wala naman pag uusapan."

Maraming pag uusapan. Pero pakiramdam ko na ako lang naman ang maraming pakiramdam pero ngayon na siya na mismo ang nagsasabi na mag usap kami, naiisip ko na baka... na baka lang naman... na pareho kami ng nararamdaman?

No. I mentally shook my head. Hindi ko kailangang paasahin ang sarili ko. Ayokong madismaya.

"Meron. Alam kong alam mo na meron tayong pag uusapan-"

"Xander, please," Nag lakad papunta sa pintuan pero hinarangan na niya iyon.

Oo alam kong meron nga pero dapat na nga bang pag usapan? Kaya ko na bang aminin? Kaya ko na bang harapin?

Huminga ako ng malalim. Ayoko nito. Ayokong pag usapan. Ayoko ng kahit ano. Kung kinakailangang hindi ako mag salita ay gagawin ko. Hindi ko alam kung tama ba ang kutob ko na pareho kami ng nararamdaman ni Xander. But I can't risk anything if we're really not on the same page.

Bakit? Kung pareho kami susugal ba ako? Ano bang gagawin ko kung pareho nga kami? Magiging... kami ba? Hell no! Imagine what our family will say about this!

"Bakit ka umiyak?"

Nagtaas ako ng tingin sa kanya. Titig na titig na siya sa akin kanina pa lang kaya hindi ko siya matitigan pabalik. Umirap ako at tumawa.

"Hindi nga ako umiiyak-"

"Don't lie. Namumula pa yang mga mata mo-"

"Hindi nga sabi." mariin kong putol sa kanya.

Humakbang siya ng ilang beses pero pinigilan ko siya. Tinaas ko ang kamay ko para ipakita sa kanya na ayokong lumapit siya. Huminto naman siya.

"Xander, I'm okay, okay? Hindi ako umiiyak kaya please lang bumalik na tayo sa loob."

Nag kibit lamang siya ng balikat at inilagay ang mga kamay sa bulsa.

"We're not leaving until I know why you cried-"

"Why do you care?" asik ko.

Naiinis na ako. Bakit nga ba siya may pake alam? Ano sa kanya kung umiyak ako?

Nagulat siya sa biglaan kong pag sigaw kaya napatuwid siya ng pag tayo.

"Of course I care-"

"Of course you care? Bullshit! After days of avoiding me, ngayon sasabihin mo na "you care"? Don't play with me, Xander. Baka nakakalikutan mo'ng pinsan mo ko at hindi ako isa sa mga babae mo." sigaw ako bago mabilis na naglakad papunta sa pintuan at nilagpasan siya pero nahuli niya ang kamay ko.

I gritted my teeth. I need to calm down. Tama ako hindi ba? Pinsan niya ako. Tama to. Tinignan ko siya bago ibinaba ang mata sa kamay niyang naka hawak sa kamay ko.

"I'm not playing with you, Jessica. What I told you about that day are all true. Hindi na ako makakatalikod."

"No! Hindi tama Xander. Kakasabi ko lang na pinsan mo ako. Mag pinsan tayo-"

"Hindi tayo mag pinsan. Kahit isang patak ng dugo ko, walang dumadaloy sayo." pag putol niya sa akin.

Natigil ako sa pag sasalita. Para bang may bumara sa lalamunan ko at pinipigilan akong mag sabi pa ng kung anu-ano. So that's his excuse? Habang ang pinanghahawakan ko ay dahil mag pinsan kami, ang kawalan ko ng relasyon at koneksyon sa kanya ang dahilan niya?

Ang sabihang hindi ako kadugo ng sino mang parte ng tinututring kong pamilya ay dapat masakit sa akin pero hindi. Alam ko'ng hindi sakit sa ganong dahilan ang nararamdaman ko ngayon.

"Kahit na. Sa mata ng lahat mag pinsan tayo. Kaya please lang itigil mo na to'ng prank na to-"

"What? This is not a prank, Jessica." iritado niyang baling sa akin at humakbang na papunta sa akin.

Hilaw na tawa ang iginawad ko.

"Tama na, Xander." Pilit akong tumawa. "This joke is funny. You got me so you can stop now-"

"I love you and that's not a joke Jessica Javier." mariin niyang saad.

Napawi ang ngiti ko dun. What the fuck. Tama ba ako ng rinig? Is this real? He loves... No. He's joking.

"You don't go around joking about love, Xander. It's a big word, you know? No wonder you got so many ladies chasing after you-"

Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at mabilis na hinarap sa kanya.

"Hindi ka naniniwala?"

Napa awang ang labi ko. Palipat-lipat ng tingin ang mga mata niya sa mata ko. Hindi ko malaman kung galit ba siya o ano.

"So you want me to believe this?"

"Oo kasi hindi ako nakikipag gaguhan, Jessica. Mahal kita. At kahit ano pang sabihin mo hindi ako titigil. Hihintayin kita. I know you feel the same way too. I know it's confusing you but I'm confident that we're feeling the same thing."

Nabitin lahat ng mga salitang naisip ko kanina na palusot para sa kanya. Hindi ako naka imik. Nanatili akong nakatingin sa kanya.

"I'm not fooling around. Please believe me. Hindi kita pipilitin na mag salita ngayon but please believe me.." pag susumamo niya.

"W-what..."

Nag e-echo lahat ng sinabi niya sa utak ko. Totoo ba to? Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Ano dapat ang maramdaman ko?

"And about me avoiding you for days, I'm sorry. I was mad."

Lumuwag na ang pagkakahawak niya sa braso ko at bumaba na ang mga kamay niya sa siko ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya.

"B-bakit..." kahit ang simpleng pagtatanong ay hindi ko masabi dahil sa pagkaka bigla sa lahat ng naririnig ko.

He chuckled withput humor. Huminga siya jg malalim.

"I was pissed so I left and got drunk." Namamos niyang sambit.

Umiling ako. I know that. He was disappointed about the rumors of Krisha dating another guy. I know...

Lumayo ako ng konti kaya nabitawan niya ako.

"Then you should talk to Krisha." sabi ko.

How stupid of me to believe what he just said.

Mabilis siyang nagtaas ng tingin sa akin. Nakakunot ang noo niya at naka awang ang labi.

"What?"

"Don't deny it. Alam ko. Napag usapan kasi nila Chantal so you don't need to-"

"Anong napag usapan?"

Ngayon ay talagang kuryoso na siya. Why does he need to deny it? Mukha ba akong joke sa kanya na hanggang dito umaarte parin siya na wala akong alam?

"Anong usapan, Jessica," pag uulit niya at lumapit ulit sakin dahil hindi ako sumasagot.

Umatras ako pero hinuli niya ang baywang ko para pahintuin ako.

"Huwag kang lumayo. Anong usapan?"

"Well... About Krisha dating someone. You got drunk because of that right? I know. Kaya hindi mo ako madadali sa mga kalokohan mo-"

Napatigil ako ng mariin siyang pumikit tapos ay tumingala. Medyo humigpit ang hawak niya sa baywang ko pero hindi naman masakit.

"So ayun..." Napalunok ako.

Ilang sandali siyang ganon bago huminga ulit ng malalim at ibinalik ang mga mata sa akin. Ngayon ay naka ngiti na.

"Hindi siya ang dahilan, Jessica. I got drunk that night because of you..."

Malumanay niyang sambit at inilagay ang isang kamay sa aking pisngi. Nanlaki ang mata ko. Ha? Ako?

"A-ako?" takang taka kong tanong.

Tumango siya.

"I got drunk that day because I couldn't forget how swollen your eyes fron crying... right on my first attemp of confessing my feelings. It pains me to see that the girl I love is in pain too. And I'm sorry for making you cry, baby..."

Huminto ata ako sa pag hinga dahil sa mga sinabi niya, sa mga mata niya at sa lambot ng boses niya. He called me baby... again. What the fuck!

Napalunok ako doon at nag iwas ng tingin.

"And Dianne was not my date. Hindi na kami nag uusap. I came alone, you know. Nakasalubong ko lang siya sa dance floor nung papunta na dapat ako sayo dahil kasama mo yung gagong..."

Napahinto siya ng balikan ko siya muli ng tingin.

"...nung kasama mo si Vaughn." pagtapos niya.

So many words. So many stuffs. Hindi ko alam kung paano ko ito pag kakasyahin sa utak ko ngayon. Habang parang sasabog na ang utak ko kakaisip, ito namang si Xander ay titig na titig lang sa akin.

Is this a dream? I hope it is so that it can end immediately when I woke up.

Umamin siya. Mahal niya raw ako. Can I believe that? Parang kanina lang ay nakita ko siya na may kasayaw na ibang babae. At nitong nakaraan din ay kumalat yung sinasabing pagseselos niya kay Krisha. And God knows there's more. Paano ko masasabing hindi to kagagaguhan lang na naisip niya?

Maybr he's infatuated? But what kind of infatuation is this? Bakit ako pa?

Pwede na akong lumabas dahil hindi naman na niya hinarangan ang pinto pero hindi ako lumabas. Imbis ay umupo ako sa upuan sa tapat ng lamesa sa kabilang dako ng kwarto. Para akong lumulutang habang nag lalakad. Pilit na iniisip lahat ng mga sinabi niya.

Sumunod namam siya sa akin. Umupo siya sa katabing upuan at nakatitig lang sa akin.

What should I feel? Dapat ba akong mahal niya ako? O dapat ba akong matakot dahil mali ito? Dapat ba akong manahimik? O dapat sumagot na? O baliwalain? Anong gagawin ko? Gulong gulo na yung utak ko.

"Hey..." Napatalon ako sa kinauupuan ko ng hawakan ni Xander ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Naramdaman ko rin ang paglagay niya ng braso niya sa sandalan ng upuang inuupuan ko.

"What are you thinking?"

Tumingin ako sa kanya. His gaze was very intense that I can't stare back any longer. Nag iwas ako ng tingin. Should I be honest too?

"Please, tell me. I wanna know, baby." namamaos niyang sinabi.

I stiffend at his endearment. Dammit!

Kinuha ko ang kamay kong nasa kamay niya. Hinarap ko siya. Medyo lumayo naman siya dahil sobrang lapit niya sa akin. Kung hindi siya lumayo ay mag tatama na ang mukha namin pero nakatingin pa rin sa akin.

"X-Xander..." lumunok ako. I can do this.

"Hmm?"

"This is wrong..." I croaked out.

Suminghap siya. Yumuko saglit bago nagtaas muli ng tingin sa akin at ngumiti.

"I know."

Nagtataka ko siyang tinitigan. Yeah I know that he's aware of our situation but how can he be this chill?

"E' bakit nagpapatuloy ka pa? Bakit hindi mo pinipigilan sarili mo?"

That vanishes his smile.

"I tried to stop. God knows how hard I tried. Pero hindi ko kaya. It's my first time falling inlove and I don't know how to control it, baby..."

Napasinghap akong muli sa huling sinabi niya. All of the he said is really unbelievable but his last remark is just so... I don't know... overwhelming?

"Stop with that word." Mariin kong sinabi. "And stop joking. Stop playing around," umirap ako.

Please make this a joke. Please, please, please.

Ibinalik ko ang mata ko kay Xander. Titig na titig siya sa akin bago padarag na ibinagsak ang mga balikat at tsaka humalakhak.

"Yes I thought it was a joke too. But clearly it's not, Jessica." He smiled at the end of his sentence.

He tried to reach for my hand. Iniwas ko iyon.

"Paano ako maniniwala? You hate me and that's a fact. Kahit pa noong bata tayo. You hate me and aside from chinky, you and I are not close. Paano?"

That's another thing para hindi agad ako maniwala. He hates me. Alam ng lahat. So how come he loves... argh... me?

Nilingon ko si Xander dahil hindi pa siya sumasagot. Only to see an unexpected reaction. His eyebrows are both arched with jaw dropped open. Ano na naman?

"When..." huminto siya at tinitigan ako. Tumagilid ang mukha niya habang takang taka pa rin.

"When did I hate you?"

Ako naman ngayon ang nakatitig sa kanya. Wow. He's really a good actor.

Yes, asshole. You hate me so stop pranking me.

Nakakunot na naman ang noo niya habang tinitignan ako. At habang tahimik kaming dalawa ay narinig namin ang pag tunog ng doorknob. Pareho kaming tumingin doon. The doorknob is twisting. Naka lock iyon kaya hindi mabuksan.

Mahigpit ang hawak ko sa clutch bag ko. Oh my God! Mahuhuli na kami!

"Bakit naka lock 'to? Hindi ko ito ni-lock kanina ah?" anang lalaki sa kabilang pinto.

Nagkatinginan kami ni Xander. He saw the panic in my eyes. He reached for my hand and caressed it. Gusto kong bawiin ang kamay ko but it somehow calms me. Mahuhuli ba kami dito? Dapat talaga ay hindi ako nagpahatak sa kanya dito!

Ilang sandali pang pinilit ng lalaki na buksan ang pinto pero nawala rin kalaunan. Ng wala na akong naririnig ay tumayo na ako. Sinundan ako ng tingin ni Xander na naka upo pa rin.

"We should go..." sabi ko.

"Yeah. I'll take you home-"

"We'll go back to the party..." pinal kong sinabi.

He hesitates for a second. Fine. Kung hindi siya babalik ay ako na lang. Iniwan ko siya doon at mabilis na nag lakad papunta sa pinto. But of course he's fast. Naroon din agad siya sa likod ko at pinipigilan na naman ang pinto na bumukas gamit ang isang kamay.

"Ayan ka na naman. Mahuhuli tayo dito..." mariin kong bulong habang hinahatak ang pinto mula sa pwersa niya.

"Bubuksan ko pero sandali lang. Bitawan mo muna ang door knob," ngumuso siya sa kamay kong nakahawak sa door knob.

Umirap ako at binitawan. Inalis niya rin ang kamay niya doon pero ang paa naman ngayon ang nag pipigil sa pinto na bumukas.

In a swift move he removes his suit. Tanging ang puting button down shirt na lamang ang suot niya. Inayos niya iyon bago ipatong sa sa balikat ko. His arms are almost locking me from where I stand. Inayos niya iyon mula sa laylayan hanggang sa sleeves.

Sinulyapan ko iyon.

"Magtataka sila kung kanino 'to..."

I bit my lip. Is he really this caring?

"Hayaan mo na," ngumiti siya sa akin.

Ugh! So stubborn. Umiling ako at balak ng hubarin ang suit niya pero pinigilan niya ako.

"Don't. Lalamigin ka. And you're showing too much skin. Baka hindi ako makapag pigil..."

Pabulong na lang niyang sinabi ang dulo kaya hindi ko naintindihan.

"Ano?"

Umiling siya at ngumiti. Kinuha niya ang mask ko mula sa kamay ko at siya na mismo ang nag suot sa akin nun. Hindi ako halos gumagalaw ng itali niya iyon sa ulo ko.

"Wala…. Just keep this. Hindi na ako babalik doon. I'll wait for you outside. Text me when you're done," aniya.

Hindi ako sumagot. Dapat akong tumanggi right? Wala sapat na reason para siya ang maghatid sa akin. Narito ang dalawa kong kapatid. Evan is here as well so I should refuse his offer right?

Continue Reading

You'll Also Like

336K 19.4K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
5.3K 287 23
In which the bad boy falls for a muggleborn at the worst possible time. or Draco can't deny his feelings for the muggleborn Gryffindork that somehow...
258K 13.3K 92
Being flat broke is hard. To overcome these hardships sometimes take extreme measures, such as choosing to become a manager for the worst team in Blu...
5.9K 356 36
- L O N G D A L E S E R I E S # 1 - Chris did not expect the changes in her life right away until she met Val, a very mysterious boy at first who is...